|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Based on a true story
To my beloved followers,
I want to dedicate this chapter to all of you namely, Kelvin my no.1 supporter from chapter 1 up to the last chapter of this story (obvious naman kung bakit di ba?), Etina whom I addressed as Ettina from the start. (I was corrected eventually by her, again my apologies my dear.), mommy anyD who’s also a writer in tcaf (She made sure to read all the chapters of my simple creation.), Adiksau who blurted the word “bitin” (which is likely a natural phenomenon in every story posted in TCAF), to sweet tooth19 who anticipates the next chapter to be posted in the P and F cat, magicbmd the guy who have read the story but didn’t leave a comment (Well at least he did read it.), Sarah, a pretty girl who became a victim of the phenomenon here in P and F. (I’m deeply sorry about that sweetie.), misz masungit (who just smiled after reading it..) and to all my family and friends in TCAF. Please join me once again for another chapter of Vincent’s love story. Thanks again and enjoy reading! Moi, Lara aka Iversonkoh24 Chapter 1 http://www.tristancafe.com/forum/153729 Chapter 2 http://www.tristancafe.com/forum/153816 Chapter 3 http://www.tristancafe.com/forum/154149 Chapter 4 http://www.tristancafe.com/forum/154184#c6346227 Chapter 5 http://www.tristancafe.com/forum/154250#c6352610 Chapter 6 http://www.tristancafe.com/forum/154378 Continuation… Sa totoo lang di ko inaasahan na magtetext si Jessica sa akin. Pasimple kong binasa ang message habang nagkukulitan ang mga kasama ko. Patuloy pa ring walang imik si Joy. Gudpm Vince!muztah?Pauwi kna sguro noh?Ingat k! ![]() Sender: Jess +639095622706 Sent: 09:15:30pm 5-23-06 Napangiti ako sa nabasa, mukhang may pagasa ako kay Jess. Para akong teenager na lalaki na kilig na kilig. Ito ba ay isang sign na may gusto rin siya sa akin? Isasakatuparan ko na ang balak kong pumunta sa kanila para doon umakyat ng ligaw. Napatingin ako sa may gawi ni Joy. Nakatingin sa akin ang kanyang mga matang na animo’y nagtatanong. Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang pagsagot ko sa text ni Jess. Pauwi na nga ko Jess. Tnx sa concern ha?gudpm din. Sakto namang naisend ko ang text ko kay Jess nang marating na namin ang terminal. Di naman nagtagal, may dumaang jeep sa tapat namin. Nakasakay na kami nang magumpisa na naman sa panunukso si Arsenio. “O lovebirds, walang liliko ha? Hehehe!”,sabi nya at tumawang nakakaloko. “Tama na yan ah. Galit na si Joy sa pambubuska ninyo.”,sabad ko.Nagkataong magkatabi kami dahil sinadya ni May na itulak ako paupo sa tabi ni Joy. Tumingin silang lahat sa kanya para makumpirma ang sinabi ko. Siya naman ay umiling at sumagot, “Di naman ako galit ah? Akala mo lang yun Benz.” “E ba’t tahimik ka pa kanina diyan? Parang ang lalim ng iniisip mo. May problema ka ba?Kung anuman yung gumugulo sa isip mo, sabihin mo sa akin.”, pagtatanong ko sa kanya sa tonong may pagaalala. “Ehem, moment nila yan guys. Huwag kayong umistorbo sa kanila”,sabad ng bisor ko. Husto namang tumahimik sina Arsenio at May sa sinambit ng supervisor namin. Tumigil na sila sa pangangantiyaw at nagkwentuhan na lamang tungkol sa trabaho. Sa wakas at nagkaroon kami ng pagkakataon ni Joy na magkausap ngunit parang kapwa naumid ang aming mga dila. Naguguluhan ako sa mga kilos ni Joy ngayon dahil kilala ko siya na makwento at palabiro. Meron kayang bumabagabag sa kanya? Kung anuman yun, gusto kong malaman dahil di ko maiwasang magalala para sa aking kaibigan. Walang namutawi ni isang salita sa bawat isa sa amin hanggang sa pagbaba ni Joy sa kanto ng bahay nila. Kumaway siya sa amin bago maglakad sa madilim na daan. Di kinaya ng kunsensya ko na hayaan na lang siya. Umaandar na ng matulin ang sasakyan nang may naisip akong gawin. “Para!!Mama bababa ako.”,sigaw ko sa driver. Bakas sa mga mukha nina Arsenio, May at bisor ko ang magkahalong pagtataka at pagkagulat sa ginawa ko. Nagmamadali akong bumaba mula sa jeep nang may sinabi si Arsenio “Pare ingat ka!”, paalala niya sa akin. Nagthumbs up sign ako bilang sagot sa kanya. Mabilis na nawala sa aking paningin ang jeep. Nagsimula kong tahakin ang daan patungo sa kinaroroonan ni Joy. Gusto kong makasiguro na maayos siyang makauwi dahil medyo delikado na kapag mga ganoong oras. Inilabas ko ang aking celphone para magsilbing liwanag sa daan ko. Maraming sumagi sa isip ko habang ako’y tumatakbo. Paano kung may nangyari kay Joy? Baka may makasalubong siyang mga lasing na lalaki at magtangka sa kanya o pwede ring may humarang sa kanya at saksakin para pagnakawan. Nahintakutan ako sa aking mga naisip. Lalo kong binilisan ang paghabol ko sa kanya. Malayo pa ako’y natanaw ko na si Joy, mabagal na naglalakad. Luminga siya sa kanyang likuran na para bang nakaramdam na may sumusunod sa kanya. Nakita ko siyang tumigil sa paglalakad para ako’y hintayin. Malapit na ako nang magtanong siya sa akin. “Benz? Bakit mo ako sinundan? Malayo pa ang sa inyo ah? Kaya ko na sarili ko.”, malumanay nyang sabi sa akin. “Joy- - Nagaalala kasi ako- - kaya kita sinundan.”, hingal na hingal kong sagot sa kanya. “Bakit ka naman magaalala para sa akin?” “Masama bang maging maaalahanin? Di kita kasi maintindihan e. Napansin ko na iba ka ngayon. Nagsasawalang kibo ka, di ako sanay na ganyan ka e.” Humarap siya akin at tumigil sa paglalakad. Parang nagaapuhap ng sasabihin. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. “Sabihin mo nga sa akin Benz. Sumagot ka ng totoo lang ha? Bakit ka affected kung tahimik man ako? Kung di man ako katulad ng dati?”, walang kagatul gatol na tanong ni Joy. “Joy naman anong klaseng tanong yan?,”, kunot noo kong sambit sa kanya. Napabuntung hininga si Joy bago sumagot. “Wala huwag mo na lang akong intindihin Benz, kung ayaw mo akong sagutin. Ok lang. Ihatid mo na ako para makauwi ka na.” Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Joy hanggang marating namin ang kanila. Inihatid ko siya hanggang sa may gate. Bago siya pumasok, nilingon nya ako at ngumiti. “Salamat Benz sa paghatid mo sa akin. Ingat ka.” Yun lang at tumuloy na siya sa pagpasok sa bahay nila. Ewan ko pero para na rin akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil muli’y nasilayan ko ang ngiti ni Joy. Habang naglalakad, napagmuni muni ko ang mga sinabi sa akin ni Joy. Bakit nga ba ako apektado sa pananahimik nya? Sa pagiging passive nya? Bakit nga ba? Nakahiga na ako sa aking kama pero laman pa rin ng aking isipan si Joy. Pinakikiramdam ko ang sarili ko, nagbabakasaling masagot ang mga gumugulo sa aking diwa. To be continued.. :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
nose bleed aqoe dun sa intro whehe
basa mode muna aqoe
kelvin1984
•reply
Jul-25-08@2:30PM
huwat?
napasarap ang tulog ko sa work.. maswerte ka lang etina.. anyway, for sure, sa part 8, ako ang una ulit... hetong sayo......
anyway, as usual, same comment ako...
ulit kay otor for another job well done.. ![]()
ang ganda ganda ng storya..
mejo drama mode lang. parang thriller yung dating ngayon.. psycho ba si joy otor? hehehe tahimik, tapos biglang tatawa? ![]()
when i read this baby, i can't get it out of my head.. I just can't get enough.. I just can't get enough.. ![]()
anyway, the best story ever told.. ang galeng talaga ni otor..
![]()
i'm looking forward to every episode..
full support ako kay otor para ganahan magbrainstorm at mailagay agad mga incoming chapters... ![]()
bakit ganun? pag babasahin ko na toh ang dami ng nag comment...axar..
![]()
kelvin1984
•reply
Jul-26-08@5:38AM
hehehe..mas agahan mo kasi magbasa... adik ako ng story na ito kaya if gusto mo na konti pa lang comments pag nagbasa ka na, wag kang matutulog..
always mentioned ako s intro nung una sbi ko my pgksuspense/horror itosarap kasama nito every waking day tlaga!
baka naman nag-aassume toh si Joy na may gusto rin si Vincent sa kanya..
![]() nak.. sorry ngayon q lang nabasa.. busy e... ![]() i misz you!! ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (67555)Arts & Entertainment (7372) Lifestyle & Culture (3200) Politics & Issues (2849) Poetry & Fiction (8923) Random Thoughts (9834) Forwarded Thingies (7234) FrendzCorner/ShoutOutz (20833) Games & Fun Questions (2313) Patawa Ka Talaga (2159) Tristancafe Musikahan (3660) Careers & Work Stuff (1442) School Matters (3131) Technology & Internet (3867) Classifieds & Advertisements (3439) Tristancafe Halo-Halo (1361) Barangay Tristan (1699) Site Announcements (42) Mr_Dimasalang, kingkangkong, moimoidamamangan, catharsisofhate, mahal_na_hari, paramore_kittie_31, laceycute, napanona08, and 48 guests Random Love Quotes
|