|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
WISH GRANTED 2//8
|BOOK 2|CHAPTER 01| : http://www.tristancafe.com/forum/148766
|BOOK 2|CHAPTER 02| : http://www.tristancafe.com/forum/149444 |BOOK 2|CHAPTER 03| : http://www.tristancafe.com/forum/151227 |BOOK 2|CHAPTER 04| : http://www.tristancafe.com/forum/152249 |BOOK 2|CHAPTER 05| : http://www.tristancafe.com/forum/153160 |BOOK 2|CHAPTER 06| : http://www.tristancafe.com/forum/153476 |BOOK 2|CHAPTER 07| : http://www.tristancafe.com/forum/153975 Hay! ang boring ng Sunday, Monday, Tuesday ko! Hindi muna ako pinalabas ni mama sa bahay kasi kakalabas ko lang ng ospital baka daw mabinat ako. Nanonoood lang ako ng tv o nag-iinternet minsan. Buti na lang tinatawa-tawagan ako ni lester para kahit papano eh may nakakausap naman ako. ![]() Wednesday na ngayon, alam kong fully recovered na ako. (salamat sa nebulizer at seretide!) pero hindi pa rin ako pinapalabas. Nahihiya na ako kina Migz, dalawang beses ko ng napapostpone yung praktis! Huhuhu… dapat yung isa nung Thursday tapos yung isa, ngayon! Nakakahiya na, parang paimportante na ako, buti na lang si Lester na ang nakikipagusap at nagpapaliwanag ng lahat kina migz. Sabi ni mama wag daw matigas ang ulo. Bukas daw papalabasin na niya ako, at pramis daw yun. Tumambay muna ako sa garahe. Leche talaga! Nangangati na ang mga paa ko. gusto ko ng lumabas! Natigil yung pagmumukmok ko nung may mapansin akong kulay puti na nakausli sa mailbox naming, then bigla kong naalala yung scenario nung Wednesday night.Chapter 8: “jus, check mo yang mailbox, may mail yata. Diko na kinuha, pangalan mo nandun eh. dko naman napansin kung sino ang naghulog.” Sabi ni kuya Rui. Agad-agad kong binuksan yung mailbox at may nakita akong sobre. Binuksan ko at tumambad saakin ang mga sulat. Kanino kaya ito galing? Hmm. Malakas ang kutob ko galling ito kay Russell. binuksan ko ito, nanginginig ang mga kamay ko. ![]() Justine, Kumusta ka na? pasensya na, hindi ko talaga alam kung papano ito simulan. Ilang buwan nap ala ang nakalipas mula nung huli akong naghulog ako ng mga sulat dito, natigil lang iyon simula nung hindi ka na sumasagot. Kung akala mo’y limot ko na ang nakaraan natin, nagkakamali ka. Walang nagbago, mas naging torpe lang ako. Ikaw pa rin ang nilalaman ng puso ko. Nung mga panahong umalis ka dito, pakiramdam ko hindi na ako buo. Gusto ko sanang malaman mo na hinintay kitang dumating, kahit alam kong wala na iyong kasiguraduhan. Pero nung dumating ka, di ko alam, hindi ako makalapit ng maayos sa’yo, tama, duwag nga ako kaya sa sulat ko idinadaan. Hindi mo man alam pero sa aksyon ko eh gusto ko talagang bumalik tayo sa dati, pero hindi ko alam kung paano iyon sabihin. Mas lalo akong nahirapan nung dumating sa eksena si Lester. Hindi ko alam kung siya na ba ang kapalit ko sa puso mo, o meron nga ba akong naging puwang diyan? P.S. Gusto ko sanang humingi ng patawad kung hindi ako nagpakita sayo bago ka umalis noon, iyon ay dahil tinatapos kong gawin yung mga painting/ sketches ko sayo. Pagdating ko sa bahay niyo, kakaalis niyo lang daw. Charcoal ang ginamit ko diyan. Nandiyan din, nilagay ko sa mailbox, nasa booklet. Sana magustuhan mo. Kung natatandaan mo, ito yung isa sa mga nakalakip sa sulat ko dati: “Part of me is afraid to get close to people because I'm afraid that they're going to leave.” -Marilyn Manson romevbmf Sana naintindihan mo yang code. (Atbash Code) -> I LOVE YOU! I’ll wait for your response. Russell O gosh! nilalamig ako at nanginginig na kinakabahan! Hindi ko maintindihan talaga! Hala, nung Wednesday pa pala to. One week na ang nakaraan! Hay ang tanga tanga mo talaga Justine!! Patay! Baka isipin niya…baka isipin niya….shit! Napaiyak na lang ako habang binubuklat yung binigay niya. Natouch ako. nainis rin ako sa sarili ko dahil sa mga iniisip kong masasama tungkol sa kanya nung hindi siya nakapagpaalam bago ako umalis noon papuntang maynila. Puro mukha ko yung nandun, iba’t ibang anggulo at expression. Grabe ang ganda ng pagkakadraw niya. Diko aakalaing uling lang ang gamit niya dito. at unti-unting nagfflashback an gaming pagkabata. Sa mga huling pahina may nakita akong mga patak ng tubig. Natuluan ba ng tubig o luha niya? Umakyat na ako ng kwarto at dali-daling sumulat ng liham para sa kanya. Excited na akong ibigay ito bukas. Teka, papano si lester? Diba nanliligaw siya? Yun ang hindi ko alam. Ayoko rin naman magdump. Bahala na, ang mahalaga, mahal pa rin ako ni Russell ko. ![]() Kinabukasan… Mga 2pm dinaanan ako ni Lester sa bahay at ipinaalam na rin para sa band praktis naming. Buti na lang wala na yung asthma ko. hehe..kundi para akong asong tatahol-tahol dun. ![]() “Astig mo ah. De-kotse ka nap ala ngayon . at nakakapagdrive ka na! kanino naman yan aber?” sabi ko habang papasok sa loob ng Silver Honda Civic.“Aba syempre! 17 na ko kaya pwede na ko kumuha ng student’s liscence para makapagdrive. Sa tito ko yan, ipinahiram muna sakin para hindi na ako mahirapan sa pagtravel. Mukhang nasa mood ka ngayon ah.” Puna nito. “sus akala ko sayo. Hahaha…hiram lang pala. Lol.” Pang-aasar ko. “hehe..wala masaya lang ako.” “bakit, dahil yung manliligaw mo de-kotse?” tanong niya. ![]() Hahayy bigla kong naalala tuloy yung liham ko kay Russell naiwan ko sa bahay! Sige na nga babalikan ko na lang mamaya. Malapit na kami kina Migz eh, wala namang isang kilometro ang layo ng bahay nila saamin. Kung tutuusin walking distance lang. hahaha..nagkotse pa kuno, dapat iniwan na lang to sa garahe naming. “wow, hanep sa dating ah. De-kotse!” pang-aasar nila Migz. Ayun edi praktis praktis na kami. naging maayos naman, at may entry na kami para sa Saturday next week. Nung break naming eh may tumawag kay migz. “ah excuse me for a while.” Sabi ni Migz. “sino yun at kelangan pang lumabas?” tanong ko. “ah ewan baka gelpren niya. At may pribadong pag-uusapan!” sagot ni Vince. tawa naman kami..hahah..“Senxa na guys ha. may LQ kasi kami ng Gf ko. you know. Tsk.. kainis nga, istorbo. OK, back to praktis.” Sabi ni Migz pagkabalik sa room. 5pm na natapos yung praktis. Grabe nakakapagod ah. Niyaya na akong magmerienda ni Lester pero sabi ko uwi muna kami dahil magbibihis ako, pero sa totoo lang, dahil kukunin ko yung liham. Dinuplicate ko pa nga eh para sigurado, maski mawala yung isa, may extra. . Dali-dali na akong umakyat at kinuha yung sulat sa ibabaw ng lamesa ko.“let’s go!’ sabi ko pagpasok sa sasakyan niya sabay bulsa yung sulat. “akala ko ba nagbihis ka?” “I changed my mind. c’mon san tayo kain? Ey what if lakad na lang tayo? Mahal na kaya ang krudo” “anywhere. Ah, okey that’s fine with me.” Tapos tinignan niya yung orasan. “Uhh wait, gusto mo ba dun sa kinainan din natin dati?” Naalala ko na malapit lang bahay nila Russell dun. Ngumiti ako. “yeah sure” syempre gusto ko personally ibigay yung letter, pero patago. Ayoko kasi sa mailbox, baka di niya agad mabasa, gaya ng sinapit ko. Lumabas na kami ng sasakyan at naglakad. Nung malapit na kami dun, may nagtawag saamin. “psst! hey Justine” Paglingon ko, si andrea. Uhh what’s with her? “come here! Oh nice timing, nandito rin kayo.” Pinaupo niya kami sa silya at talagang accommodating ha..what’s with her?! “Anung meron?” tanong ko. “ah wait, nga pala, Justine, ilang months na kayo niyang boyfriend mo?” iniba ni Andrea. “hindi kami.” Sabi ko lang sabay inom ng softdrinks. “Hindi pa kami. pero magiging kami rin, soon.” Sabi ni lester habang nakangiti. “well, that’s good! we will have a lot of couples here in the future huh. tumatiming pa naman kasi ako kung kelan ko sasagutin si Russell. ang dami pa kasing aberya.” WHAATT?! paulit-ulit na nag-eecho ang boses niya. Totoo ba to? Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko para derechuhin siyang tanungin.“wow naman…edi may karagdagan nanamang love birds.” sabi ni lester. “russel, totoo?” Nakatingin lang ako kay Russell, pero hindi siya makatingin saakin. Hinihintay ko ang sagot niya. Please say NO..huhu.. “oo naman.” **Background music: Director’s cut by kamikaze** At kung hindi na babalik Sana sa pag-gising ay wala na ang nadaramang sakit At kung hindi na babalik Pilit sasabihin na hindi ako nagkamali (ang ganda nito.) Wala na akong masabi. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. gusto kong umiyak, tumakbo palayo. Pakiramdam ko tinatadtad ang puso ko. nanginginig ang katawan ko. tumataas balahibo ko. namumuo ang luha sa mga mata ko. Shit! Panaginip ba to? Wake up! Wake up! I don’t understand.. kakabigay lang niya ng sulat, kakasabi lang niya ng I love you..then..then… Hey Justine! Mag isip ka nga! Last week pa yun! Maraming nangyari nung nawala ka ng matagal! ![]() Gusto kong ibato sa pagmumukha niya yung response ko sa sulat niya. I’m through! Kinapkap ko yung bulsa ko..teka bakit nawawala?! Paksh*t asan nay un! Sinilip ko sa floor pero wala. Tinignan ko sa iba kong bulsa pero wala pa rin. “Justine, ok ka lang? anong hinahanap mo?” tanong ni Lester. Nasaan na kasi yun?! Linsyak naman oh! Hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. kelangan hindi nila makitang umiiyak na nga ako. agad akong tumakbo palabas. Hay Justine…may sulat-sulat ka pang nalalaman ha, buti na lang naipuslit ko mula sa bulsa mo kanina. dapat mapasaakin ka lang. …......... Samantala… “Problema nun? Nagselos ata” tanong ni Andrea. ![]() “I bet.” Sabi ni lester. “sige, sundan ko na.” “ako na.” pigil ko kay lester. “wag ka na makeelam dito.” “wala kang karapatan para pigilan ako.” “bakit mo pa siya pupuntahan? Mang-mang ka ba russel?! Ikaw na nga ang may dahilan kaya siya nagkaganon tapos pupuntahan mo pa? sinasaktan mo siya! hindi ka na nahiya! Nililigawan mo na nga si andrea tapos eextra ka pa samin? Back off. Hindi ka karapat-dapat para sa kanya.” Hindi na ako nakapagsalita. Tama nga naman. Ang kapal nga ng mukha ko, hindi na ako nahiya. Kahit kelan talaga wala na akong nagawang tama. Pinanood ko na lang si lester na sundan si Justine. Nawalan ako ng gana. Oo kasama ko si andrea pero tuliro pa rin ako kung bakit ko ito nagawa, bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko? hanggang sa gabi bago ako matulog, bumabalik balik lahat. Bakit nga ba… Nung tinawagan ni kylie si Justine..oo ako yung may sabi na wag na siyang pilitin kung ayaw niya. Kaya ko lang naman nasabi yun eh baka ang isipin niya, napipilit siyang sumama, ako ang nahihiya, kasi baka dyahe yun sa kanya. Ang lakas ng loob kong ipaimbita eh halos hindi nga kami nag-uusap at nagkakasama. Pero kung ako ang tatanungin, sana pumunta siya. (syempre, dapat hindi kasama si mokong loser este lester) Nung 3rd anniversary ng resto namin, at uwi nila mom at dad galling cebu, akala ko okey na, yun pala matapos ang party, lumabas ang tunay na kulay, hindi pa pala tapos ang masakit na “homily”. Ako nanaman ang pinagbuntunan niya ng galit. Pinagmumura niya ako at sinuntok. Oo pala, dahil sa hindi ako ang valedictorian sa klase namin. Maski nung grad. day si nanay aning lang ang nandun, hindi daw makakauwi si mom at dad kasi may urgent na aasikasuhin at nun pa lang, alam ko ng masama na ang loob nila saakin. I was physically, emotionally abused. Bakit?! dahil ba #4 lang ako? oo ako ang pinakabobo sa aming magkakapatid, lahat sila outstanding and #1 in terms of grades. Alam ko nay un, ipapamukha pa ba?! Hindi sa acad ang linya ko, kung tutuusin naka #4 pa ako dahil sa sipag at tiyaga to meet their expectations, pero yun lang ang kinaya ko. Musika at sining ang sigaw ng puso ko. hindi ba nila iyon maintindihan?! Dun ako hiyang, mahirap ba iyong tanggapin? Ayokong ilagay ang sarili ko sa isang bagay na hindi para saakin. Justine..Justine..Justine! o heck! Nag-eecho ang pangalan mo sa isip ko. Di mo lang alam, ikaw pa rin. ikaw pa rin ang nilalaman ng puso ko. oo torpe ako! torpe! Sa sulat ko idinadaan lahat. Naghulog ako ng liham sa mailbox niyo. Hanggang ngayon hinihintay ko ang iyong tugon pero wala, wala, wala! Sa bagay, may lester ka na, saan pa ang puwang ko? Matapos akong pagalitan, murahin, gaguhin ng tatay ko, suko na ako. sobra na siya. Talagang I’m a failure, a shame to HIS family, not “our” family, siya lang naman ang lagging dapat masunod. Kakalimutan na daw niyang anak niya ako, well, ok. Kakalimutan ko na lang din na kayo ang nagbigay ng buhay ko. I plan to end up my damn life. I am bleeding. I am bleeding with sorrow and hatred. Then biglang may dumating. is this my angel? "justine" bulong ko. hinaplos niya ang mukha ko “andrea?!” nagulat ako. Lalo akong nanghina. “why are you here?” tanong ko sakanya. A bit silence, then she answered. “I felt you need help, Russell. something told me to come here. This is Fate” Then she kissed me. “I Love you russel. Can’t we work it out? Can’t you give me a place in your heart? I’m here..I’m here to start your second life, with me by you’re side.” Hindi ko na napigilan ang pangyayaring iyon, pero ang nasaisip ko eh si Justine. Oh God! Si andrea ba talaga ang inilaan mo saakin? Nahihirapan na ako pero susubukan ko. Ilang saglit lang eh dinalaw na ako ng antok, pero mamaya na. gusto kong mag isip-isip muna. kinuha ko muna yung gitara at kumanta. **Background Music suppose by secondhand serenade** In my eyes I'm screaming for a sight of you And tonight I'm dreaming of all the things that we've been through And I can't hold on to you So I guess I'll be lonely too ![]() (pakinggan niyo maganda din to.) Habang tinititigan ko yung anghel nalulungkot talaga ako. hindi ko mapigilang tumulo ang mga luha. nasaktan ko ang sarili ko at lalong nasaktan nanaman kita. ang sama ko talaga! 'Malaking bahagi ka ng buhay ko na kahit kailan ay hindi ko magagawang itapon. Kahit magmahal ako ng iba, may puwang pa ring nakalaan para sa’yo, sana ikaw rin. Inihahanda ko na ang sarili ko kung sakaling sagutin mo na nga si lester.' But I love you, I love you just the same. sana makayanan ko ito.... ![]() ……………… Uhhh! Halos basang-basa na yung unan ko. hindi ako makatulog. tinignan ko yung charcoal painting niya, pati yung angel. Bakit ba dko magawang sirain?! Shit! Bat dko magawang itapon? Eh samantalang ako itinapon na niya?! **Background music: Jealous by nina.** You know I'd fight the good fight If I thought I'd change your mind But if she makes you happy I would leave that dream behind **Background music: Only reminds me of you by MYMP** I see you, beside me It’s only a dream A vision of what used to be The laughter, the sorrow Pictures in time Fading to memory How could I ever let you go Is it too late to let you know? Hindi ko siya maintindihan! What’s with a week para mag-iba ang buong pagtingin niya?! Sana manlang naipabasa ko yung letter! Naiinis ako! kung pwede lang talaga sinagot ko na rin si lester, pero that wouldn’t be fair, parang ginamit ko lang siya kung gagawin ko yun! At parang ginago ko lang sarili ko. Alam kong ikaw ang mahal ko. Pero para saan pa? Siguro dapat mas buksan ko na ang mga mata ko. I missed a lot of things dahil ikaw lang ang nakikita ko. kailangan buksan ko na ang puso ko. sana makayanan ko ito.... ![]() ... comments nman po jan please. medyo nalulungkot naman ako konti na lang pala sumusubaybay. ![]() sa mga walang sawang nagbabasa at sumusubaybay (lima na lang ata kayo) ...maraming salamat po. :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
ay ang haba pala. yung song lyrics kasi. senxa..
enge po pla comment at ratings.
![]() Ganda talaga ng story! Nasan na yung piktures ni Russel at ni Justine? ![]()
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-26-08@5:13AM
salamat!
![]() nyek yun nga eh.. ayaw kz gmana prn ng mozilla firefox d2. IExplorer ang gamit ko..bka yun ang dhlan kya iba iba yung lmlabs na link.
dami kong namiss muna
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-26-08@8:26AM
wut? binabasa mo din pla to..parang d kita matandaan ah..o makakalimutin lang ako... o nagpalit ka ng username?
ako na nga lang magcocomment d2 para nde manlang langawin. naawa na ko sa mga posts ko. hehe
ako na nga lang magcocomment d2 para nde manlang langawin. naawa na ko sa mga posts ko. hehe
ako na nga lang magcocomment d2 para nde manlang langawin. naawa na ko sa mga posts ko. hehe
ako na nga lang magcocomment d2 para nde manlang langawin. naawa na ko sa mga posts ko. hehe
ako na nga lang magcocomment d2 para nde manlang langawin. naawa na ko sa mga posts ko. hehe
ako na nga lang magcocomment d2 para nde manlang langawin. naawa na ko sa mga posts ko. hehe
ako na nga lang magcocomment d2 para nde manlang langawin. naawa na ko sa mga posts ko. hehe
ako na nga lang magcocomment d2 para nde manlang langawin. naawa na ko sa mga posts ko. hehe
ako na nga lang magcocomment d2 para nde manlang langawin. naawa na ko sa mga posts ko. hehe
ako na nga lang magcocomment d2 para nde manlang langawin. naawa na ko sa mga posts ko. hehe
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70017)Arts & Entertainment (7530) Lifestyle & Culture (3267) Politics & Issues (2920) Poetry & Fiction (9264) Random Thoughts (10128) Forwarded Thingies (7333) FrendzCorner/ShoutOutz (21277) Games & Fun Questions (2342) Patawa Ka Talaga (2294) Tristancafe Musikahan (3759) Careers & Work Stuff (1506) School Matters (3222) Technology & Internet (3974) Classifieds & Advertisements (3551) Tristancafe Halo-Halo (1542) Barangay Tristan (1722) Site Announcements (42) joshen24, dalagangpilipina, ran_ken26, POLiiiN, persistent_soul, dark_princezz, magicBMD, jiggly_puff, jocdgreat, angelz_24, capirazongale and 35 guests Random Love Quotes
|