tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Medyas: A Love Story
posted by (Jul 24, 2008 @ 8:19AM) views: 782
Update na uli. : w i n k : 
Sensya na kayo ngayon lang ulit.: s m i l e : 
Thank you uli sa mga nagcocomment at nagbabasa. : n o t w o r t h y : 

ito po ung links nung previous chapters:
Chapter 1: First Day, First Crush
Chapter 2: Ms. Yu meets Mr. Bernal

3rd chapter na po.. : c h e e r : 


Cyrus' Past


Dumating na pala siya, may gana pa siyang bumalik matapos niya akong iwan ng basta-basta. Ni-hindi man lang niya naisip na pinlano ko na ang buong buhay ko kasama siya tapos ayon, nawala sa isang kisapmata.

"Hoy Cyrus! Hindi mo man lang ba babatiin si Ericka? Tulala ka pa diyan. Nagulat ka ba sa pagdating niya? Hahaha." sabi ng kaklase naming si Russel. Tanging pilit na ngiti nalamang ang naisagot ko sakanya, eh sa masama talaga ang loob ko kay Ericka eh.

Naglalakad kami sa corridor nina Chloe at Joshua nang makita namin si Ericka na papalapit sa amin. "Uy Ericka! Kamusta ka na? 2 years ka ring nawala ah? Mag-stay ka na ba dito sa pinas? Namiss ka daw ni Cyrus! Hahaha!" sabi ni Joshua kay Ericka.

"Namiss ko rin naman si Cyrus ah! Sobra! Hahaha! Unfortunately, hindi ko pa sure kung dito na uli kami sa pinas. Hope so." sagot ni Ericka kay Joshua.

"Talaga nga naman oh!" pangagantyaw ni Joshua, "Hoy panget na Chloe! Punta nga muna tayong canteen!" agad nitong sabi kay Chloe.

"Ha? Bakit?" sagot ni Chloe sakanya.

"Nagtatanong pa eh, sumama ka nalang." pabulong nitong sagot kay Chloe at hinila niya ito papalayo.

"Sama ako tukmol!" pahabol kong sinabi kay Joshua ngunit hinawakan ni Ericka ang braso ko.

"Sino siya Cyrus?" tanong ni Ericka sa akin.

"Anong sino siya?" pabalik na tanong ko sakanya.

"Wag ka na magkunyari, sino ang babaeng iyon Cyrus?" muli niyang tanong sa akin.

"Si Chloe, kaklase namin. At ano naman sa'yo? Tinapos mo na lahat diba?" sagot ko sakanya.

"Wala akong tinatapos Cyrus." sagot ni Ericka sa akin. "Oo nga pala, pumunta ka lang naman ng Amerika ng walang paalam at sinabi mo nalang sa akin nung nandun ka na. Pasensya na ah. Ako pala ang tumapos." sagot ko sakanya habang nakikita kong unti-unti ng pumapatak ang mga luha sakanyang mga mata.

"Hindi mo naiintindihan Cyrus." pahikbing sagot niya sakin.

"Talagang hindi ko maintindihan Ericka. Sige na, ako na ang masama, ako na ang nakipagbreak, ako na ang nang-iwan, ako na lahat. Pwede bang tumahan ka na?" sinabi ko sakanya habang inaalok ang aking panyo. Hindi ko matiis makitang may umiiyak na babae sa aking harapan kaya pinilit ko siyang patahanin.

"Wala na bang tayo?" tanong sa akin ni Ericka na napatahan ko kahit kaunti.

"Wala na... May gusto na akong iba." sagot ko sakanya habang nalakad papalayo. Sinubukan niya akong pigilan ngunit inalis ko ang pagkakahawak ng kanyang mga kamay.

---

"Hoy panget! Bitiwan mo na nga ako ang higpit ng hawak mo eh! Kala mo naman kung makahawak eh tatakas ako!" sabi ko kay Joshua na grabe kung makahawak ng kamay. Agad naman niya itong binitawan.

"Ano bang meron ha Joshua? Kaano-anu siya ni Cyrus?" tanong ko sakanya.

"Mahina ka bang makagets o sadyang naghihinahinaan ka lang? Girlfriend... Ex-Girlfriend... Girlfriend kaya un ni Cyrus!" nalilitong sagot nito.

"Ha? Ang gulo mo! Ano ba talaga? Girlfriend o Ex-Girlfriend?" muli kong tanong sakanya.

"Eh? Magulo din storya nila eh? Basta alam ko lang isang taon din iniyakan un ni Cyrus bespren. Siya din ang naging dahilan bakit parang tuod ang bespren ko. Naniniwala ka ba... kasing gulo ko un at masayahin at mapang-asar? Pero hindi kasing gwapo. Mas gwapo na talaga ako sakanya nung umpisa palang. Hahaha!" sagot muli ni Joshua sa akin.

"Totoo ba yan o nagbibiro ka lang? Di naman kasi kapani-paniwala kwento mo eh, may joke!" pagtataka kong tanong sakanya.

"Ha? Anong joke dun? Totoo kaya lahat yun!" sagot niya sakin.

"Yung ano kaya, ung mas gwapo ka... joke yun diba? Mas gwapo kaya siya sayo!" sagot ko sakanya.

"Aba... May gusto ka kay bespren noh? Umamin ka na! Bibihira lang ang nagsasabing mas gwapo sakin si Cyrus! Totoo un, promise! Cross my heart! Mga teacher namin ako muna napapansin bago si Cyrus kahit mas matalino siya ng kaunti. Kaunti lang. Hahaha!" pambubukong tanong ni Joshua.

Susmeo, ang kapal talaga ng mukha nito. Porket ang daming nachichismis na nagkakagusto sakanya ganyan na kung makapuri ng kagwapuhan niya. "Ahem Mr. Garcia, gising ka ba? Excuse me, hindi porket mas nagagwapuhan ako kay Cyrus eh gusto ko na siya diba? Ibig sabihin pag sinabi kong gwapo ka crush na kita?" pamatay malisya kong sagot.

"Oi! Chloe! Joshua! Antay naman!" sigaw ni Cyrus na hinabol pala kami papuntang canteen.

"Si Ericka?" tanong ni Joshua kay Cyrus.

"Mukhang ang saya-saya niyo kanina ah, sweet niyo naman." Paiwas na sagot ni Cyrus sakanya.

"Hindi ah! Si Chloe kasi sinabi sakin na cr..." sagot ni Joshua na agad ko namang siniko dahil ibubuking ba naman ako!

"Joshua, ano yun?" nakangiting tanong ni Cyrus na tila may panghihinala.

"Crush ka daw ni Chloe!!! Hahaha!" sigaw ni Joshua na tumakbo papalayo sakin. Hinabol ko si Joshua dahil kukurutin ko siya sa ginawa niyang pambubuko sakin habang si Cyrus...

"Crush ko din naman si Chloe eh." biglang bigkas ni Cyrus na may kasamang nakakainlab na ngiti. Nang marinig ko ang sinabi ni Cyrus ay napahinto ako, hindi lang ako pati narin si Joshua na kitang-kita ang pagkagulat sa mukha. Parang tumigil ang mundo namin ng ilang segundo.

"Oh bat napahinto kayo? ... Hindi na kayo mabiro." pambasag katahimikan ni Cyrus na nakangiti parin sa aming dalawa ni Joshua.

At bigla na lamang bumalik si Joshua sa pang-aasar. "Uuuy, may umaasa! Hahaha!" muli nitong pang-aasar sakin. Wala akong nagawa kundi sakyan na lang ang pangangantyaw ni Joshua habang iniisip na hindi pala ako gusto ni Cyrus, kala ko totoo na. : c r y : 

Magkatotoo nga kaya? Biro lang ba talaga?

Chapter 3 Ended

-----------------------------------

sensya na super tagal ng update. : s m i l e : 
wag kayo mahiya mag-comment. : c h e e r : 
enjoy reading!
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
etina0511    •reply Jul 24, 2008 @ 10:05 AM
 
ehehe kaka2wa naman biruan nila

: w e l g a :  nxt nah! : w e l g a : 
  etina0511    •reply    Jul-24-08@10:06AM
award : a w a r d :  pers pala aqoe sa lagay nah 2
  stoo_pid    •reply    Jul-25-08@8:28AM
: a w a r d :  thank you uli sa pagbabasa : b l u s h : 
mhyne28    •reply Jul 24, 2008 @ 3:28 PM
 
nakakaintriga ah last name ko tlga yng bernal and i cant get over it sorry harhar
  stoo_pid    •reply    Jul-25-08@8:29AM
: l o l :  : l o l :  : l o l :  ano name mo? para kung sakali sali kita sa casting. kapatid ni cyrus : l o l : 
thank you sa pagbabasa : b l u s h : 
medjie00021    •reply Jul 24, 2008 @ 9:05 PM
 
Hay salamat may update na...hehehe : l o l : 
  stoo_pid    •reply    Jul-25-08@8:30AM
pasensya ka na po...
'baka' bukas ko na po uli maupdate : l o l : 
thank you sa pagbabasa at pagreremind iupdate : b l u s h : 
uday    •reply Jul 25, 2008 @ 4:33 AM
 
bitin!
  stoo_pid    •reply    Jul-25-08@8:31AM
: l o l :  : l o l :  : l o l :  kakabitin ba?
thank you sa pagbabasa : b l u s h : 
anyD    •reply Jul 25, 2008 @ 5:09 AM
 
: l o l : 

umaasa daw oh..

feel q sakin may gusto si Cyrus.. : c h a r i n g : 

next na po : b l u s h : 
  stoo_pid    •reply    Jul-25-08@8:32AM
baka nga sayo may gusto si cyrus
joke lang daw ung kay chloe eh : l o l :  : l o l : 
thank you sa pagbabasa : b l u s h : 
dEaThAnGeL_MaRa19    •reply Jul 25, 2008 @ 7:40 AM
 
: n o t w o r t h y :  galeng naman!

hihi..

akala ko namalikmata ako.yun pla may russel din d2.. : l u v : 
  stoo_pid    •reply    Jul-25-08@8:33AM
thank you po sa pagbabasa : b l u s h : 
ung russel nakuha ko lang dun sa comment sa previous chapters : l o l :  : l o l :  : l o l : 
dEaThAnGeL_MaRa19    •reply Jul 25, 2008 @ 9:20 AM
 
idolkosisir

babae pala si stoo...

nanjan na naman yan xyrus, este cyrus pala, hmpt! Gusto ko russel


ah yun ba?
  dEaThAnGeL_MaRa19    •reply    Jul-25-08@9:20AM
ay laglag reply ko kay otor..
  stoo_pid    •reply    Jul-25-08@5:43PM
: t a m a :  : l o l :  gusto daw niya russel kaya naglagay ako ng russel : l o l :  : l o l :  : l o l : 
  dEaThAnGeL_MaRa19    •reply    Jul-26-08@5:24AM
hahaha loko talaga yung c kuya.. baka akala cgro niya ako rin si ikaw.. may xyrus kasi rin kasi sa story ko.. : l o l : 
  stoo_pid    •reply    Jul-26-08@6:57AM
kaya pala. : l o l : 
wala na kasi akong maisip na ibang pangalan eh.
kaya Cyrus Nathan Bernal nalang. C-N-B.
Crush Ng Bayan
: l o l :  : l o l :  : l o l : 
talagang nag-explain eh nuh?
nakita ko ung post mo na may Russel na pangalan.
pero hindi ko pa siya nababasa. babasahin palang. : l o l : 
  dEaThAnGeL_MaRa19    •reply    Jul-27-08@11:50PM
aba may acronym tlga ah..
gnun ba..ah akala ko nga ikaw c spuddiez, yung rder ko dati..d pla.hehe
ChugiBear    •reply Jul 25, 2008 @ 8:01 PM
 
: g a l e n g : 
  stoo_pid    •reply    Jul-26-08@6:58AM
thank you sa pagbabasa : b l u s h : 
elvenbeauty_blood    •reply Aug 3, 2008 @ 2:23 AM
 
: c h e e r : 
tEary_eYes    •reply Aug 5, 2008 @ 4:51 AM
 
ang samaaaaa!!!!!! : m a d :  : l o l : 

pahiya konti,bukas bawi : l o l : 
frann17    •reply Aug 5, 2008 @ 10:09 PM
 
: b o o k :  ayieeeeeeeeeeee : l u v :  : b o o k : 
mikai_21    •reply Aug 22, 2008 @ 11:19 AM
 
aja aja : c h e e r :  : c h e e r : 
ceezzanesz    •reply Sep 6, 2008 @ 9:28 AM
 
wuhOOO.. : l u v : 

next chapter! : b l u s h : 
black_white    •reply Sep 22, 2008 @ 8:49 AM
 
crap haluv it!!

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Based on a true story
older post:
another love story Epi. 4
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com