|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Based on a true story
Heto po ang 4th chapter ng love story ng friend kong si Vincent.
Sana basahin nyo at magbgay ng comment. Thanks sa support nina Kelvin at Ettina. Thanks rin sa mga sistors ko.. with love, lara one message received.. Kinuha ko sa aking bulsa ang celphone. Sino kaya ang nagtext sa akin? Baka si Jessica. Siguro magsasabing malelate sya or baka naman di na daw sya darating.. Huwag naman sana. Binasa ko ang message. Hi Vincent! Sbay ulit tyo mamya s lunchtym ha. Tnx. Sender: Joy +6391512242003 Sent: 10:01:08am 5-22-06 Naku dapat kong itext si Joy, dapat nyang malaman na wala ako sa office ngayon. Baka maghinta sa wala yun. Nagreply ako sa kanya agad. Ilang sandali lang isang message ulit ang nareceived ko. Gnun b?Phnga k vince tska inom ng gmot pra 2morw mkpasok ka na. Pra may mksabay me bkas ng lunchbrk. C u!Tc. Sender: Joy +6391512242003 Sent: 10:07:08am 5-22-06 Maaalahanin pala itong si Joy. Akala talaga nya may sakit ako. Di nya alam may date ako with Jess. Makapunta na nga sa mall. Lunchtime.. Nakabili na ako ng ibibigay ko kay Jessica. Isang pumpon ng dosenang pulang rosas. May nakalagay na laso at lace na pinagsama na kulay pula rin para sa design. Sana magustuhan nya ang nabili ko. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Sa isang sosyal na kainan ko sya balak dalhin. Nasaan na kaya si Jess? Hindi kaya masayang itong mga rosas? Nagpalinga linga ako sa aking paligid. Di naman sya nagtetext sa akin. Nagpatuloy akong suriin ang aking paligid ng makita ko sya. Nagmamadali sa kanyang paglalakad. Ang seksi nyang tingnan sa suot nyang kulay itim na tube dress. Kita ang kagandahan ng katawan nya sa damit nyang hindi lalampas sa kanyang mga tuhod. Naka higheels din sya na lalong nagpatangkad sa kanya. Napapatingin ang mga lalake sa kanya. Animo'y isang sex goddess sa mga mata nila. Di ko namalayan na nakalapit na pala sya sa akin. "Vincent!! Sorry ngayon lang ako ha? Naghintay ka ba ng matagal?", paghingi ni Jess ng paumanhin. "Jess, di naman. Ok lang sa akin. Basta ikaw. Para sa iyo.", sabay bigay ko sa kanya ng dala kong mga rosas. "Wow, salamat. Di ka na sana nagabala pa." Tinanggap nya ang mga rosas at binasa ang card. "Tara na Jess. Kain na tayo." Inalalayan ko si Jess sa paglalakad. Makalipas pa ng ilang sandali ay nakarating na kami sa restaurant. Ako na ang nagorder para sa aming dalawa. Siya naman ay nagtetext. Nung kumakain na kami'y nagkwentuhan kami tungkol sa iba't ibang bagay tulad ng aming trabaho, pamilya atbp. Kumakain na kami ng dessert nung naglakas loob akong magtanong sa kanya. "Err, Jess? Meron kasi akong gustong itanong sa iyo..", pagsisimula ko. "Ano yun?", nakangiting tugon nya. "Gusto ko kasing malaman..Gusto ko kasing malaman if may pagasa ako sa iyo..",kinakabahan kong sabi sa kanya. Di ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa totoo lang nahihiya ako pero gusto ko lang malaman talaga ang real score ko sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin at tumingin ng diretso. "Makikita natin Vince. Makikita mo rin..So after this anong gagawin natin? Manood kaya tayo ng sine?" Anong klaseng sagot yun? Di ko na nakuhang itanong pa kung anong ibig sabihin nun. Nagenjoy ako kasama sya sa panonod ng sine dahil tulad ni Joy, wala rin siyang kiyeme. Hindi maarte. Pagkatapos naming manood ay hinatid ko na rin sya sa kanila. Alas sais ng gabi na ako nakauwi. Pagpasok sa kwarto'y nagumpisa na akong magbihis para magpahinga. Nakahiga na ako sa aking malambot na kama ng tumunog ang aking celphone. May nagtext. Si Jess siguro. Namiss nya ako kaagad? Natawa ako sa aking sarili dahil sa naisip. to be continued.. :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
hahaha.. may isa na namang ilokano.. louwee.. ilokano ka kabagis?
![]()
heto na naman po kami sa istoryang ito.. as usual, uber ganda, pero uber bitin paren..
![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (68943)Arts & Entertainment (7463) Lifestyle & Culture (3254) Politics & Issues (2881) Poetry & Fiction (9118) Random Thoughts (10022) Forwarded Thingies (7303) FrendzCorner/ShoutOutz (21050) Games & Fun Questions (2325) Patawa Ka Talaga (2235) Tristancafe Musikahan (3709) Careers & Work Stuff (1471) School Matters (3186) Technology & Internet (3930) Classifieds & Advertisements (3505) Tristancafe Halo-Halo (1548) Barangay Tristan (1708) Site Announcements (42) crys04, kheirsey, pacho, jiggly_puff, supladita09, Mafis, and 25 guests Random Love Quotes
|