|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light 4 & 5 (Missing Reprise Chapters)
Into The Dim Light Nang makaramdam na ng pananakit ng mga mata’y tumungo na sa kanilang kuwarto ng kaniyang nakababatang kapatid si Alfredo. Nahiga siya sa tabi nito, pagkatapos ay umusal ng pabulong na dasal. Hindi pa muna siya natulog, pinagmuni-munihan muna niya ang lahat ng nangyari sa buong araw na natapos. Bigla’y muling sumagitsit sa isip niya ang babaeng nagtanong sa kaniya sa parent’s lounge, mahigit isang linggo na ang nakararaan. Kumukumpas pa nga siya sa kawalan na tila iginuguhit ang kaniyang larawan, at biglang mapapangiti at magsasabing; ‘ang ganda niya talaga!’ Unti-unti’y nakatulugan na rin nito ang pag-iisip. Maya-maya pa’y naalimpungatan si Alfredo nang makaramdam ng panlalamig. Nang magising siya’y laking gulat niya nang malamang wala na siya sa kuwarto nilang magkapatid at nagisnan na lamang ang sariling natutulog sa isang desk. Pupungas-pungas siya habang lumilinga-linga sa kaniyang paligid. ‘Nasa’n na ba ‘ko?...’ Tangi niyang nasambit. Nahihiwagaan man, minabuti na lamang niyang tumayo na sa kaniyang kinauupuan at magsimulang magmasid sa paligid. Nakabibingi ang katahimikan sa lugar na iyon. Manaka-naka lamang na lumalawiswis ang mga dahon ng mga puno sa saliw ng hangin, na siyang tanging nagsisilbing ingay sa paligid. Sinulyapan niya ang kaniyang relo na naisuot niya pala ng hindi niya namamalayan. Bagama’t nakaturo sa alas kuwatro ang mga kamay ng relo’y hindi naman ito umaandar. Napakunot-noo siya. Nagsimula siyang maglakad-lakad. Maaliwalas at mahangin ng kaunti ang timpla ng panahon sa mga sandaling iyon. Nasa silangan ang direksiyon ng araw, na ibig sabihi’y umaga pa lamang. Natapunan niya ng tingin ang landscaped garden, na katabi lamang ng mga desks kung saan siya naroon. Naalala niya tuloy ang landscape garden na katabi lang din ng parent’s lounge sa kanilang paaralan. Dala ng kuryosidad, pinagmasdan niyang maigi ang hardin. Elegante at sopistikado ang pagkakaayos ng landscape na animo’y isang batis. Sa gitna ng landscape ay may isang fountain na ‘peeing boy’. Sa paligid naman’y nakatanim ang sari-saring bulaklak, gaya ng orkidiyas, sun flower, at poppy. Malapit sa landscape ay may mga puno ng palmera, na parang mga sumasayaw na punyal sa ihip ng hangin. Sa kabuuan, tila isang munting paraiso ang harding iyon. Punum-puno ng buhay. Gayunman, wala siyang mahagilap na kakaiba sa harding iyon. Minabuti niyang muling maglakad-lakad. Sunod niyang binusisi ang isang munting kapilya na nasa pinakadulong bahagi ng hardin. Napaka-enggrande ng mga stained glass design ng bintana ng kapilya na mga imahe ng birhen at ni Jesus at sa kabilang parte naman’y ang imahe ng santong si San Lorenzo Ruiz. Minabuti niyang pumasok doon. Walang tao sa loob ng kapilya, bagama’t bukas ang mga ilaw. Napansin niyang may nakasabit na abito sa may upuan ng pari malapit sa altar. Sa hinuha niya’y maaaring may nag-misa kanina sa kapilya at marahil ay naiwan ito ng pari roon, o maaari ring may kasalukuyang magmi-misa pa lang sa kapilya at nakahanda lamang ito roon. Nagbakasakali na rin si Alfredo kaya’t naupo siya roon at naghintay. Ngunit mga ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay nakaramdam na agad siya ng pagkainip, kaya para malibang ng kaunti’y nagmasid-masid siya sa loob ng kapilya. Una niyang binusisi ang altar. Isa lamang iyong tipikal na altar na may mga imahen ng Birheng Maria at ni Jesus na nakapako sa krus. Kaiba nga lang ang mga pailaw nito; isang pares ng hugis plorerang lampara na may ukit na bulaklak na disenyo. Tiningala niya ang mga mural paintings sa kisame ng kapilya. Napakaganda ng pagkakapinta ng mga iyon, at sa pakiramdam ay para ka na ring nakapasyal sa isang Romanong simbahan. Ang sahig, pati na ang bawat pundasiyon at dingding ay yari sa marmol na puti. May pagka-klasiko ang dating. Sa may gawing kanan ng altar nakalagak ang isang malaking piano. Sa hinuha niya’y maaaring ito ang gamit ng kapilya na musikang pansaliw sa tuwing may misa. Pinuntahan niya rin iyon at matamang sinuri. Sa tekstura nito’y halatang bagung-bago pa. Sa kabuuan, isang ordinaryong kapilya lamang iyon, bagama’t may mga bagay siyang napansin na hindi karaniwan. Una ay ang mga pailaw sa kapilya; bukod sa dalawang malalaking chandelier na nakasabit sa kisame’y wala ni isang bumbilya, ni fluorescent lamp man lang na nagpapailaw roon. Pangalawa ay ang kawalan ng mga sound system at mikropono sa loob ng kapilya. Karaniwan kasi sa mga kapilya’t simbahan ay may mga mikroponong gamit ang mga pari sa pagsasalita sa madla. At ikatlo’y wala man lang portrait ng kasalukuyang Santo Papa ang kapilya na karaniwan nang nakasabit sa dingding ng mga kapilya’t simbahan. Muli siyang naupo at naghintay. Matagal-tagal na rin siyang nakaupo roon ngunit wala pa rin, ni anino ng taong pumapasok sa kapilya. Napag-isip-isip niyang marahil ay tapos na nga ang misa sa araw na iyon kaya’t nagpasiya na siyang lisanin ang lugar. Ganoon pa rin ang kaniyang nadatnan paglabas niya; napakatahimik at walang katao-tao. Napapaisip tuloy siya: ‘Ako lang ba ang taong nandito ngayon? Kung gano’n, bakit? At kung may tao man dito, nasaan na sila?’ Naguguluhan man sa kaniyang sitwasyon, minabuti na lamang niyang magpatuloy sa paglalakad. Nagbabakasakaling may maaabutan pa siyang tao roon. Gumawi naman siya sa may quadrangle. May isang malaking gusali roon. Napansin niya ang mga nakatenggang sirang arm chair at mesa sa may di kalayuan. Napagtanto niyang nasa isang paaralan siya, at maaaring may mga tao sa loob ng gusali. Kaya’t napagpasyahan niyang pumasok roon. Ngunit pagtapak pa lamang niya sa may hagda’y may kakaibang nangyari. Bigla na lamang lumiwanag, at paghupa ng liwanag’y nasa tapat nanaman siya ng gusali. Aywan niya kung bakit nguni’t waring may mahiwagang puwersang pumigil sa kaniyang pumasok sa loob. At biglang-bigla’y nanakit ang kaniyang ulo kaya napaluhod siya. Nakabawi rin naman siya agad at muling tumayo. Dahil sa nangyari’y nangilag nang pumasok pa sa gusali si Alfredo at sa halip ay naglakad pabalik sa hardin. Habang naglalakad ay may namataan siyang kung sino, na nakaupo sa isa sa mga desk na naroon. Umaliwalas ang kaniyang mukha: ‘Sa wakas at may tao na rin!’ Makailang ulit muna siyang bumuntong hininga bago naglakad patungo sa taong iyon na nakaupo sa desk. Paglapit niya rito’y doon lamang niya nalamang babae pala ang nakaupong iyon sa desk na tila may isinusulat. ‘U-uhh… M-miss? Puwede bang maabala ka sandali?’ Panimula niya. Subali’t tila walang naririnig ang babae. Ni hindi man lamang siya nilingon nito, o mas maiging sabihing parang wala siyang nakikita o naririnig na sinumang nagsasalita. Larawan ng pagtataka, muli niya itong kinausap: ‘Miss? Naririnig mo ba ‘ko? Puwede ka bang makausap sandali?’ Muli, walang imik ang babae. Nang wala nang maisip na paraan upang mapansin siya ng babae’y lumipat na si Alfredo mismo sa harapan nito at muli niya itong kinausap: ‘Ano ba, miss?! Hindi mo ba ‘ko narinig?! Ang sabi k—‘ Bigla siyang natigilan ng makita ang mukha ng babaeng iyon. Nandilat siya sa labis na pagkamangha: ‘I-ikaw yung… I-ikaw yung nagtanong sa ‘kin sa parent’s lounge! P-pero bakit ka nag-iisa? Bakit walang tao dito?!’ Minsan pa, walang tugon sa kaniya ang babae. Napuna niya na lumuluha ito habang may kung anong isinusulat sa mesa. Gamit niya ang isang fountain pen. Maya-maya’y tumayo ito at akmang aalis na. ‘T-teka sandali! Hindi mo pa ko sinasagot! Miss! Miss!!!’ Ngunit tuloy-tuloy lang sa pag-alis ang misteryosong babae. Tila wala talaga siyang ideya na naroon si Alfredo na pilit kinukuha ang kaniyang atensiyon. Wala nang nagawa pa sa bagay na iyon si Alfredo. May napansing kakaiba si Alfredo sa babaeng iyon na umalis. Bagama’t ang babaeng iyon ang nakasalamuha niya sa parent’s lounge noon, kakatwa ang suot-suot nitong uniporme na may kalumaan ang estilo. Naka-long sleeves itong blouse katerno ang skirt na lampas tuhod. Pareho iyong kulay puti. Nakasuot din siya ng pulang laso, na hindi naman niya nakitang suot nito noon nang sila’y magkita. Sunod na binalingan ni Alfredo ang isinulat na iyon ng babae. Naupo siya at kinilatis itong mabuti. Nagimbal siya ng mabasa ang unang pariralang nakasulat roon: ‘Life is a constant change…’ Agad nagbalik sa kaniyang diwa ang pariralang iyon na nabasa niya sa isa sa mga inupuan niyang desk sa parent’s lounge bago sila nagkita ng babaeng iyon. Kinutuban si Alfredo, kaya’t tiningnan nito ang huling pariralang nakasulat sa pinakababa nito. At hindi nga siya nagkamali! Naroon din ang tekstong iyon: ‘Soon, it will come to you…’ Ngunit hindi iyon ang ikinagulat ni Alfredo, kundi ang mga tekstong nakasulat sa pagitan ng dalawang pariralang iyon. ‘Imposible!!! Pa’nong? Wala naman ang mga ‘to noon nung binasa ko ‘to?!!’ Mula sa pagitan ng dalawang pariralang iyon nakikita na niya ng malinaw ang mga salitang dati’y hindi niya mabasa noon dahil sa pagkasira ng pintura nito. ‘Life is a constant change’ ‘Time fleets while, the world’s asleep’ ‘Our time is unknown, yet it ended so soon’ ‘My dream, blurred in a sorrow- stirred river’ ‘Melts in the morning as the sun were reborn’ ‘My memories of us, to which, I delight every day’ ‘Watch them fly by: hope’s forsaken’ ‘I wish I had known’ ‘For if I did, you had learned’ ‘This place is naught, without you’ ‘Moon, oh pale moon hear me cry’ ‘My heart I feel no more’ ‘For you knew it’s long time flown’ ‘Moon, oh pale moon hear me cry’ ‘My heart I feel no more’ ‘For you knew it belonged to you’ ‘Moon, oh pale moon…’ Matapos mabasa ni Alfredo ang huling salitang nakasulat sa desk, isang nakasisilaw na liwanag ang sumaboy sa kaniya. Pagkatapos ay kadiliman. Nagising na lamang si Alfredo dahil sa malakas na tunog ng kaniyang alarm clock. ‘Panaginip… Panaginip lang pala ang lahat…’ Mahina niyang sabi. Super Massive Black Holes Hanggang sa biyahe ay naiisip pa rin niya ang panaginip niyang iyon. Sukdulang muntik pa siyang mabundol ng sasakyan sa sobrang pag-iisip. Nananaginip na rin naman siya ng mga kababalaghan kahit noong bata pa siya. Ngunit ngayon lamang niya naranasan ang ganoon, na parang nasa loob siya mismo ng sarili niyang panaginip. Mabuti, aniya at hindi halimaw ang napanaginipan niya kundi’y binangungot na siya. Ngingisi-ngisi siya habang naiisip ang kahibangang iyon. Pagsapit sa CEU, gaya ng kaniyang nakagawiang gawi’y nagtungo si Alfredo sa paren’ts lounge. Pagsapit roo’y agad niyang hinanap ang desk na inupuan niya noong unang araw ng pasukan. Gusto niyang makasiguro sa kaniyang teorya. Ngunit hindi na niya Makita ang naturang desk, at nagwika: ‘Asan na ‘yun?! Hindi naman siguro ako minumulto ni Librada Avelino?’ Tamang-tama namang may napadaang janitor kaya’t tinanong niya ito: ‘Ahmmm? Mang Jun, may itatanong lang ako. May desk bang kinuha dito kanina?’ ‘Aba’y oo! Kani-kanina lang. masiyado na kasing kalawangin ang desk na ‘yon, at maraming estudyante na ang nagrereklamo dahil lagi raw namamantyahan ng kalawang ang mga uniporme nila. Katunayan, mga sampung desk ata yung dinala kanina ng mga kasamahan ko sa bodega. Yung iba pipinturahan, yung iba naman baka itapon na dahil sa kalumaan.’ Saad ng may edad nang janitor. ‘Gano’n po ba? Pero sa tingin niyo po kaya, naitapon na kaya nila yung mga sirang desk?’ ‘Posible. Kasi magmula pa kagabi naglilipat na kami ng mga desk sa bodega. Kaya posibleng naitapon na ng mga kasamahan ko yung mga bulok na desk. Maiba nga ako? Bakit mo naman tinatanong?’ Pang-uusisa ng janitor. ‘A-ah! Wala naman po! May naisingit lang kasi akong kodigo sa quiz namin dun sa isa sa mga desk! He! He! He! He!’ Pagsisinungaling niya. ‘Ay!!! Kayo talagang mga kabataan! Palibhasa’y gintong kubyertos ang isinusubo sa inyo ng mga magulang ninyo kaya wala kayong pagpapahalaga sa tunay na edukasyon! Hindi na rin ako nagtataka kung sino ba ang mga sumisira ng mga desks at silya sa paaralang ito! Haaayyy!!! At nakakadismayang ikaw, Alfredo na iniisip kong hindi magiging katulad ng mga tampalasang estudyante sa paaralang ito, ay may maitim din palang sikreto sa ilalim ng desk!’ ‘Eh, mahigpit lang po talaga ang pangangailangan ko ngayon. Kaya pagpasensyahan niyo na po ako.’ ‘Hahhh!!! Bahala ka na nga! O sige na maiwan na kita’t marami pa ‘kong gagawin! Inaabala mo ‘ko!’ Pagtataboy niya sa binata. ‘Ha! Ha! O sige po! Huwag po kayong magpapapagod masiyado, ha?!’ Pahabol ni Alfredo sa matanda. Bigo sa kaniyang pakay, minabuti na lamang niyang umakyat na sa kanilang klase sa DCT-Lanai. Pagsapit doo’y nadatnan niyang nasa tapat ng kanilang silid-aralan si Chito. ‘O Chito? Ba’t nandito ka pa? hindi ka ba papasok?’ ‘Tingnan mo!’ Inginuso ni Chito ang nakakandadong pinto ng kanilang silid. ‘At ang nakakainis pa, nakuha pang mag-iwan ng asaynment ng unano nating prop! May gana pa siyang magpa-asaynment, hindi naman niya tayo sinisipot! Malamang nananantsing nanaman yun kay Ms. Kazuhiko sa may StourFEN! Manyak talaga! Kainis!’ Gigil na sabi ni Chito. ‘Itigil mo na nga yang pagpoprotesta mo! Baka may makarinig pa sa’yo!’ pananaway naman ni Alfredo. ‘Mabuti nga yun na may makarinig! Malay mo si Ms. Kazuhiko pa makarinig, di tapos si unano!’ ‘Buti pa bumaba na tayo! Gawin na agad natin ‘tong assignment niya para wala nang problema.’ ‘Ikaw na lang! tutal matapat ka naman niyang alagad di ba?! Dun na lang muna ako sa Lourdes kasama nang aking babes na si Robbie! Ahahay!’ ‘Nagsalita ang hindi manyak!’ Sarkastikong tugon ni Alfredo. At sabay na silang bumaba ng gusali. Papaliko sa isang kanto, hindi namalayan nina Alfredo at Chito ang isang nagmamadaling dalagang papasalubong sa kanila kaya’t nabunggo nito si Alfredo. Napaatras naman ang dalaga habang napaupo ang binata sa lupa. ‘Ano ba yan?! Napakalampa mo namang bata ka! Ikaw pa’ng natumba!’ Pang-uuyam ni Chito sa kaniya. ‘Ooops! I’m sorry! Nagmamadali kasi ako dahil late na ‘ko sa klase ko. You okay?’ Anang dalaga na nagkakamot ng ulo sa pagkapahiya. ‘A-ayos lang ako.’ At kusa ng tumayo. Si Chito nama’y biglang natigilan nang magisnan ang dalagang nakabunggo kay Alfredo. ‘Watta Babe!’ Usal niya. Hinila-hila pa nito si Alfredo para makita rin nito ang babae. ‘Teka nga?! Bakit ba?’ ‘Tingnan mo! Waaaw! May diyosa sa harap natin!!! Sigurado ‘ko! Yan yung bebot na sinasabi mo! Di ba!?’ Matamang pinagmasdan ni Alfredo ang babae. Ngunit may negatibong tugon sa kaniyang ekspresyon. ‘H-hindi… Hindi siya ‘yan. Paniniyak nito. ‘H-hindi siya?! Di ba sabi mo super ganda siya, super kinis, at super puti?! Eh di eto siya! Nasa harapan pa natin?!’ Totoong sa taas at pangangatawan, hindi nalalayo ang babaeng iyon sa babaeng nakasalamuha ni Alfredo noon sa parent’s lounge, ngunit makikita naman ang malaking kaibahan sa mga abubot na suot nito, na estilong “punk” sa suot niyang itim na armband sa kaliwang kamay, na hinalinhinan ng itim na choker na may krus na palawit. May hikaw siyang may palawit ring krus na silver, at body bag na may logo ng bandang Marilyn Manson. At kung susuriin siyang mabuti’y may kabruskuhan ang dating, na kabaligtaran naman ng una. ‘Excuse me lang mga pare no? Pero nagmamadali ako eh! Kung wala na kayong sasabihin, puwede bang paraanin na ninyo ako?!’ Ang naiirita nang sabi ng dalaga na sumesenyas pa na itinataboy ang dalawa. ‘T-teka sandali, miss.’ Si Alfredo ang sumingit. ‘Sabi mo nagmamadali ka? Papunta ka ba klase ni Sir Tamulmol kung saka-sakali?’ ‘Well, yeah! Why do you ask?’ ‘Huwag ka nang tumuloy. Wala tayong klase kay Sir Tamulmol ngayon. Me’ron daw kasi silang meeting ng mga faculty members. Pero may ibinilin siyang assignment na gagawin sa workbook.’ Kaswal niyang sagot. ‘Ano?! Kung gano’n nagmamadali pala ako sa wala?!’ ‘Okay lang naman. At least hindi ka na napagod sa pag-akyat sa wala!’ ‘Kunsabagay… Salamat at pinigilan mo ko! Pasensiya ka na nga pala kung medyo sinungitan kita kanina ha? Naiirita kasi ako kapag nagmamadali eh!’ Sabi nitong bahagyang nahihiya. ‘Balewala ‘yon. Siya nga pala, ako si Alfredo, at __’ Walang anu-anong siningitan siya ni Chito sa dalaga. ‘Ako naman si Chito! Nice to meet you! He! He! He!’ Anitong abot tainga ang ngiti. ‘Uh… N-nice to meet you…’ Sabi nitong bahagyang gulát, at atubiling tinanggap ang pakikipagkamay nito. ‘Well ako naman si Rei, pleased to be your acquaintance!’ Sabi niyang nakaharap kay Alfredo. ‘Ako rin! Masyang-masaya! Sana maging magkaibigan tayo!’ Muling sabad ni Chito habang hawak pa rin ang kamay ng dalaga. ‘A-ah… o-oo naman… huwag ka lang sanang epal…’ Pabulong namang sabi ni Rei ‘Maiba nga pala ako Rei, papunta kasi ako sa library para gawin ‘tong assignment natin, kaya mauuna na ‘ko sa’yo Rei. Kita na lang uli tayo sa susunod na klase!’ Paalam ni Alfredo at akma nang aalis. ‘Wait! Won’t you mind if I tag along? Tutal mahaba pa naman itong break, gagawin ko na rin yung assignment natin. Tsaka magandang pagkakataon ‘to para magkakilanlan naman tayong magkakaklase!’ ‘Ayos! Sige, tayo na kung gano’n! Sige, Chito mauna na kame!’ ‘Teka? Hindi siya sasama? Sa’n siya pupunta?’ Usisa ni Rei. ‘Pupuntahan niya kasi yung mga kaklase naming nasa Lourdes.’ ‘Uh-huh! Well let’s get going then.’ Paalis na ang dalawa nang biglang humabol sa kanila si Chito. ‘T-teka muna! He! He! He! He! Hindi ko naman sinabing sa Lourdes ako papunta eh! Ang sabi ko galing ako sa Lourdes at papunta ako sa library! He! He! He! He!’ Depensa niya. ‘Ay, ganun?’ Sarkastikong sagot ni Rei habang umiiling-iling naman si Alfredo. Pagsapit sa library, nagsimula agad gumawa ng kanilang assignment sina Alfredo at Rei. Si Chito nama’y walang balak gumawa, bagkus hinugot nito ang kaniyang Apple i-pod sa kaniyang bag at nag-“sound trip.” Mga ilang minuto ang lumipas nainip si Chito at nagsimula ng paksa. ‘Ah! Rei. May gusto lang akong itanong. Hindi ko lang kasi maubos maisip; magkaka-batch lang naman tayong tatlo, pero bakit parang hindi ka gaanong well known sa college natin?’ Tumigil sandali si Rei at hinarap si Chito na tikwas ang kanang kilay. ‘Bakit? May problema ka ba ‘ron?’ ‘Ah, wala naman! He! He! He! He! Ang sa’kin lang naman eh, sa ganda mong ‘yan,dapat marami na’ng nakakakilala sa’yo! Yun lang naman, pramis walang malisya!’ ‘Well magandang punto ‘yan! Simple lang; ayoko ng pinagkakaguluhan ako, dahil naiirita akong may umaali-aligid na maraming tao sa paligid ko!’ Pagkatapos ay tinapunan niya ito ng mariing titig. ‘Ah…’ Sabay pihit paiwas saka bumulong: ‘May attitude ang babaing ‘to!’ Napansin naman ni Rei ang pagiging abala ni Alfredo sa paggawa ng kanilang assignment, kaya bahagya niya itong tinapik sa balikat. ‘Huy! Alfredo! Ba’t napakatahimik mo naman diyan? Konting kilos naman diyan, baka ma-stroke ka!’ ‘Nakup! pasensiya na! Nakasanayan ko lang. Tapos mo na ba lahat?’ Natatawa siya habang napapakamot ulo. ‘Hindi ko tinapos. Medyo tinamad na kasi ako! Itigil mo na muna ‘yan, magkuwentuhan naman tayo!’ ‘Pero alam mo, hindi kasi ako yung tipong makuwento. Kaya wala akong masyadong maise-share sa’yo.’ ‘Sus! Kailangan bang seryoso palagi tayo?! Hay naku Alfredo, baka maluma ako sa’yo! Kahit ano lang ay puwede na! go on!’ ‘Kung gano’n, puwede bang intrigahin kita ng kaunti?’ ‘Well interesting… okay, hit it.’ ‘Gaya nga ng sabi ni Chito, nakakapagtakang sa hitsura’t pustura mo, hindi ka gaanong kilala rito sa college natin. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko umiiwas ka sa crowd.’ Sandaling hindi nakaimik si Rei. ‘Talaga nga palang iniintriga mo ‘ko ha…’ ‘Pero sabi mo naman puwede akong magsalita ng kahit ano. Pero kung medyo nao-offend ka, huwag mo na lang sagutin.’ ‘Well hindi naman talaga. Nasorpresa lang ako dahil hindi ka pala gaya ng iniisip ko. Delikadong tao ka pala dahil inakala kong gumagawa ka lang ng assignment kanina, pero nakikinig ka rin pala sa amin ni Chito.’ Waring pambawi iyon ng dalaga kay Alfredo sa sinabi nito kanina. ‘Ngayon ikaw naman ang seryoso!’ ‘A-anong sabi mo?!’ ‘Wala naman talaga sa loob kong intrigahin ka. Gusto lang kitang subukan kung gusto mo nga lang talagang makipagkuwentuhan at hindi ng seryosong usapan. Nagulat ka ba? Puwede kang gipitin ng sarili mong mga salita kapag hindi ka nag-ingat. Kaya maiging kilalanin mo munang mabuti ang taong kausap mo bago ka magbitiw ng salita. Pasensya ka na sa’kin kung nabastos kita.’ Sinundan niya iyon ng isang sinserong ngiti. ‘Ha! Ha! Ha! Ha! You surprise me! Nahuli mo ko ‘ron! Tama ka, hindi ko dapat ipagkanulo ang sarili ko sa padalus-dalos na pagbibitiw ng salita. And I must admit, you’re pretty smart for a mere geek. Feeling ko ngayon pa lang magkakasundo na tayong dalawa!’ ‘Ang geek puwede sa ‘kin, pero ang pagiging smarte, hindi siguro. Mas maiging sabihing namimilosopo lang ako kaya gano’n! He! He! He! He!’ Sabay nagkatawanan ng malakas ang dalawa, hindi alintanang nasa loob sila ng library at maaari silang masita ng librarian. Si Chito nama’y napapakunot-noo habang sila’y pinanonood. Naputol ang kanilang pag-uusap nang biglang magsipagdungawan ang ilang estudyante sa bintana ng library at nagtitilian. ‘Ba! Sino kayang dumating? May artista ba?’ Si Chito habang nakatingin kay Rei. ‘Tinatanong mo sa ‘kin, malay ko ba?! Tanong mo kaya sa kanila?!’ Si Rei. Dahil sa kuryosidad, dinungaw rin ng tatlo ang bintana. ‘T-teka? Si Clifford Sanders ba ‘yun?’ Si Chito ang unang nakapansin. Pero bakit naman siya pupunta dito?’ ‘Beats me! Like I give a damn!’ May pagkainis na wika ni Rei. ‘Mukhang bespren kayo ah?’ ‘Oo! At sa sobrang close namin sa isa’t-isa, gusto kong gawing souvenir ang dila niya! Tingnan mo ang hambog na ‘yan, kung makakaway ‘kala mo prinsipe!’ Gigil na sabi nito. ‘Grabe! Ang hirap palang maging pogi no?’ Bulong naman ni Chito kay Alfredo. Wala namang imik si Alfredo at mataman lamang na nakatitig kay Rei. May pakiramdam siyang hindi lang kasing simple ng pagka-irita ang nararamdamang iyon ng dalaga sa sikat na player; banaag sa kanyang mga mata ang matinding galit. Nakapirmi lang roon ang lalaki na nakasandal sa isang abuhing Audi TT. Paminsan-minsa’y kumakaway sa mga estudyanteng mapapadaan at binabati siya. Minsan nama’y magpapaunlak sa mga lumalapit na gustong magpakuha ng litrato kasama siya. Maya-maya’y umangat sa pagkakasandal niya sa kaniyang kotse ang lalake at palakad na lumapit sa isang papalabas na dalaga mula sa south gate ng unibersidad. ‘You’re looking great, princess!’ Bati ng naka-shades na lalake. ‘And you still haven’t changed! Bolero pa rin!’ Nakangiting tugon ng dalaga.’ ‘But how could I possibly refrain myself from admiring you, milady? I just can’t!’ Pakumpas-kumpas pa ito. ‘Hmm! Hmm! Silly you! Kanina ka pa ba?’ ‘Mga ilang minuto pa lang naman. Break na ba ninyo?’ ‘Yeah. I still have a couple of hours.’ ‘That’s good! Well, Jillia, sa’n mo gustong mag-lunch?’ ‘Kahit dito-dito na lang Cliff. Hindi kasi ako puwedeng magpakalayu-layo sa campus.’ ‘Don’t worry! We can cruise with this baby anywhere and come back here in a blitz. Basta ako na’ng bahala okay?’ ‘Kung gano’n bakit mo pa ‘ko tinatanong? Whatever! Ikaw na nga’ng bahala!’ Natatawa niyang sabi. ‘Cool! Now, shall we?’ Pinagbuksan nito ang dalaga ng pinto. In you go, your highness!’ ‘Hmm! Nice wheels you got here!’ Puna nito sa kotse. Sa isang Japanese restaurant nagpunta ang dalawa. Hindi iyon gaanong malayo sa Mendiola kaya’t nakarating sila roon ng mga ilang minuto lamang. ‘So, what do you think of this place? Nahanap ko lang siya kanina habang papunta ‘ko sa CEU!’ Si Clifford ang nagbukas ng paksa. ‘Pretty good! Pero mas na-impressed ako kung pa’no mong nahahanap ang mga ganito ka-eleganteng lugar habang nagku-cruise ka kasama ng flashy Audi mo!’ Pabiro nitong sabi. ‘To tell you the truth, I don’t think this place’s elegant enough compared to those I’ve already visited. Wala lang talaga akong choice dahil sabi mo hindi ka puwedeng magtagal.’ ‘Oh! Hindi ko alam na mas mataas pa pala ang standards mo kesa dito! But it suits me right though! After all, gustong-gusto ko talaga ang Japanese ambience!’ ‘Gano’n pala. Marami akong alam na mas eleganteng Japanese Restaurants na puwede nating puntahan! One of these days, ipapasiyal kita!’ ‘I’m looking forward to that!’ ‘Maiba tayo, Kumusta naman ang stay mo sa CEU?’ ‘Okay lang naman! Though I’m still adjusting to the system, but I’m getting through there just fine!’ ‘I see…’ Tumungo ito. Pagkuwa’y binalingan ng tingin ang dalaga at pumirmi roon. ‘Why the long face?’ Nang mapansin niya ang pilyong ngiting iyon ng binata. ‘Nothing. Gusto ko lang kabisahin ng husto ang mukha mo. Dahil ngayong nakalipat ka na, baka bihira na rin kitang makikita. Kung alam mo lang I was so saddened nung mag-decide ka na mag-transfer sa CEU, but it can’t be helped.’ Nakangiti nitong sabi habang nakatitig pa rin ng malagkit sa dalaga. ‘Alam mo ang OA mo…’ Paiwas na tugon ng dalaga sabay kabig nito sa kaniyang handbag, kinuha ang kaniyang phone at kunwang bina-browse iyon. ‘Ha! Ha! Sorry ‘bout that. Just a bad habit of mine.’ ‘You sure do!’ Natatawa na ito.’ ‘So, Jillia, gusto ko lang sanang magpaalam muna sa’yo ng mga ilang linggo. Meron kasi kaming mga tune-up games sa iba’t-ibang universities and colleges, probably kasama rin ang school ninyo. Malapit na kasing magsimula uli ang UAAP at magiging busy ako sa mga schedules na ‘yon. So… baka hindi muna kita mabisita.’ ‘I see… Very well then.’ Tipid nitong sagot. ‘Don’t you have something to say to me?’ Hindi pa rin niya iniaalis ang ngiti at malalagkit na titig na iyon kay Jillia. ‘Well… I’ll be missing you. But not that long, I suppose. And besides, hindi mo naman kailangang magpaalam pa sa ‘kin. For sure hindi lang naman ako ang babaeng pinagpaalaman mo.’ May kapilyahan sa kaniyang tono. ‘You sound so jelous, though I can’t deny what you said. Pero ngayong narinig ko ‘yan sa’yo mas lalo tuloy akong nasasabik maka-date ka ulit. Hindi mo lang alam kung gaano ka ka-espesyal sa akin!’ Muling gumuhit ang maamong ngiti sa kaniyang mukha. ‘You’re full of shit! Bolero!’ Sabay kurot sa braso ng binata. Si Clifford, isang masugid na manliligaw ni Jillia magmula pa nang una silang magkakilala sa iniwan niyang eskuwelahan, ang Ateneo. Una silang nagkadaupang-palad nang magpunta siya, kasama ng kaniyang mga kasamahan sa school publication sa practice nito, upang mag-interview ng mga players para sa gagawin nilang article. Unang lumapit sa kaniya ang binata. Magiliw itong makipag-usap at palaging nakangiti, bagay na nagustuhan niya rito sa umpisa. Nang maglao’y parati na silang nagkikita. Sa tuwing matatapos nga ang kaniyang mga klase’y palagi siya nitong pinupuntahan sa kaniyang silid at niyayayang kumain sa labas, o di kaya’y mamasyal sa mall upang manood ng sine, at kung minsa’y para mag-skating kung siya ang magsusuhestiyon sa binata. Sukdulang nag-aral pa talaga ito ng basics para lang masabayan siya, na isang miyembro ng Philippine team na lumalaban sa mga international competition sa figure skating. Sa dinami-dami ng mga lalaking nanligaw kay Jillia’y namumukod-tangi si Clifford. Kilala ang dalaga sa pagiging pihikan pagdating sa mga lalake: sa kaunting pagkakamali, gaya na lamang kung hindi katalinuhan ang kaniyang manliligaw ay inaayawan na niya agad ito. Ang gusto niya kasi sa isang lalaki’y matalino ring tulad niya, yung tipong nasasabayan siya, o di kaya’y nakaaangat ang karunungan sa kaniya. Ayaw na ayaw niya rin sa mga lalaking walang pagpupursigi at maikli ang pasensiya. Palagi niyang sinusubok ang mga lalaking lumiligaw sa kaniya ukol dito. Katunayan, nasisiyahan siya na nakikitang nagsisi-sukuan ang mga manliligaw niyang hindi nakakapasa, at tinatawag niyang “vegetables” o yung mga lalaking mahihina at maaangas, ayon sa kaniya. Nguni’t hindi gayon si Clifford. Batid naman niya na may kayabangan ring taglay ang lalaki, nguni’t nahahalinhinan naman niya ito ng disiplina at pinong pagkilos. Matalino rin naman siya at mahusay sa sports, lalung-lalo na sa basketball. At isa pa’y napakaguwapo niya at makisig: isang bagay na kahit ang pihikang tulad niya’y hinding-hindi matatanggihan. Kaya hindi malabong mapa-ibig na rin siya rito kung magtutuloy-tuloy sa panunuyo sa kaniya ang binata. ‘Oh it’s time already? Parang napakabilis naman atang umandar ng oras ano? Mami-miss na talaga kita, alam mo ba ‘yon?’ Si Clifford habang nakatingin sa kaniyang relo. ‘Huwag ka ngang OA! Wala na bang next time sa ‘yo?’ ‘Wala nga eh!’ Pabiro naman nitong sabi. ‘Silly guy! Tara na nga, baka ma-late pa ‘ko!’ ‘Whenever you wish milady!’ Animo isang alalay ng royalty na pinagbuksan niya ng pinto ng kotse si Jillia, at pakumpas-kumpas pa. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Nga pala alternate SN ko ito kaya ako rin ito si resemblance
hi kuya ![]()
resemblance
•reply
Jul-24-08@8:42AM
sinusubukan kong tapusin this week. kung magagawa ko baka this sunday ko na mai-post o kung di naman sa lunes
resemblance
•reply
Jul-24-08@8:43AM
kaya ko nasabing nailigtas mong post ko kasi muntik na naman siyang maging flop
resemblance
•reply
Jul-25-08@7:20AM
hehehe tenks prinsesa. yaan mo pag nabasa mo lahat tong chapters ng NL 1 sa'yo ko lang ibibigay yung prequel!
pambihirang panginip!
kea pla naulOgsz c alfredO weh! c rei astigin ang nkabanggag! nxt nxt.. ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77643)Arts & Entertainment(7996) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11234) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22950) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4240) Careers & Work Stuff(1815) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4056) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) anonsenselove, hAiLie_khAwAii_19, sarj, jeremyran, ynill, shiori_tamara, simply_me_bea, xtianpaul21, lorbellosillo, and 53 guests The man of my dreams has almost faded now. The one I have created in my mind. The sort of man each woman dreams of in the deepest and most secret reaches of her heart. I can almost see him now before me. What would I say to him, if he were really here? Forgive me, I have never known this feeling. I've lived without it all my life. Is it any wonder, then, that I fail to recognize you? You-- who brought it to me for the first time. Is there any way I can tell you how my life has changed? Any way at all to let you know what sweetness you have given me? There is so much to say...I cannot find the words. Except for these-- I love you! Such would I say to him, if he were really here.
--from "Somewhere In Time" You need to be logged in to Facebook |