tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light 16
posted by (Jul 22, 2008 @ 3:15AM) views: 280



Chapters 1 2 3

Chapters 4 5: Will be availabe later

Chapter 6

Chapter 7

Chapters 8 9: Will be available later

Chapter 10

Chapter 11 12

Chapter 13

Chapter 14

Chapter 15



CHAPTER 16

Bad Blood

Isa itong kapana-panabik na araw para sa mga estudyante ng CEU - ngayon matutunghayan ang koronasyon ng mapipiling Mr. & Ms. CEU. At partikular na aabangan ng lahat ang pinakapaboritong kandidata ng halos buong campus, si Jillia na kumakatawan sa School of ELAMS. At bukod pa rito inaantabayanan din ng lahat ang pagdating ng sikat na collegiate basketball player ng Ateneo de Manila na si Clifford Sanders na inanyayahan ng unibersidad na maging guest judge para sa pageant. Sa auditorium nga, alas tres y media pa lang ng hapon ay hindi na mahulugan ng karayom ang lugar sa dami ng mga tao at wala pa ring humpay ang pagdating ng mga nais pang humabol at makipagsiksikan sa maliit na auditorium. Batid ito ni Rei na isa sa mga facilitator ng programa kaya pinapreserba na niya ng mauupuan sina Alfredo at Chito.

‘Huu! Buti na lang malakas ang kapit natin! Di na tayo makikipag-reslingan sa mga tao sa L.A. (auditorium). Alam mo hindi pa rin ako makapaniwala na si Rei ang recent Ms. CEU! Sa gaspang nang ugali nu’n hindi ko talaga ma-imagine ang hitsura niya sa evening gown! Sa Swimwear puwede pa!’ Panimula ni Chito habang papunta sila ni Alfredo sa auditorium.

‘Hindi naman nakapagtataka ‘yun. Magandang bulaklak rin si Rei natin, kahit nga minsan brusko siya kumilos. At hindi ko siya maikukumpara kay Jillia dahil magkaiba sila ng personalidad. Panalo silang dalawa para sa ‘kin!’

‘Hanep! Dinugo ako sa tagalog mo tsong! Pero maiba ‘ko! Narinig ko sa mga jologs na klasmeyt natin na magdya-judge ang mayabang na Sanders na ‘yun? Totoo ba?’

‘Oo. Sa katunayan si Rei ang nagbalita sa ‘kin.’

‘Talaga?... Eh pa’no ‘yan? Manonood kaya niyan si Rei?’

‘Oo naman! Siya kaya ang magkokorona sa bagong Ms. CEU?’

‘Oo nga pala no?... Grabe kasi ‘tong school natin eh! Bakit kailangan pa nilang tawagin ang taong ‘yun? Tingin ko palang dun puro sa baba lang ang tingin niya at hindi sa mga sagot ng mga contestant! Ewan ko lang kung may matinong maiko-comment ang hambog na ‘yun!’

‘Hmmm?... Hindi naman kaya may nakakalimutan ka?’ May tonong nanunuya si Alfredo.

‘Oy! Huwag mo kong itulad sa pasikat na ‘yun! Wholesome yata ‘to! Well, sabihin na nating medya-medya lang ang sundot ko pero mas walastik pa rin ako sa kaniya!’ Depensa naman ni Chito.

‘O sige na nga! Sabi mo eh! Bilisan na nga natin para makarami tayo!’

Papaakyat na sina Alfredo at Chito sa auditorium nang mag-ring ang cellphone ng una. Si Jillia ang tumawag na iyon.

‘Oh, Jillia, napatawag ka? Papasok na kami ng auditorium. Galingan mo ha? Nandito kami para sumoporta sa’yo!’

‘Thank you! By the way, after nang coronation night meet tayo sa backstage. Naipagbilin na kita kaya puwede ka nang pumasok agad ‘ron. May gusto kasi akong ipakilala sa’yo! Okay?’

‘Gano’n ba? O sige! Kita tayo mamaya! Good luck uli sa’yo Jillia!’ Paalam naman ni Alfredo.

‘Si Jillia ba ‘yun? Ba’t daw siya napatawag?’ Usisa ni Chito.

‘Wala naman. Gusto lang niyang magkita kaming dalawa sa backstage pagkatapos ng program. May gusto raw kasi siyang ipakilala sa ‘kin.’

‘May ipapakilala sa’yo? Baka chicks yun! Sama naman ako! Bespren naman tayo di ‘ba? He! He!’

‘Pero di ba sabi mo wholesome ka?’
‘Oo nga! Pero sabi ko naman na medya-medya lang di ba? He! He! He! He!’

‘Ha ewan! Tara na nga sa loob!’ Nangingiting sabi naman ni Alfredo.

Pagsapit sa loob, tumambad sa dalawa ang mga di magkamayaw na tao. Nagsisimula na kasi ang programa. Ang banda ng Dramatic Guild na “The Betrothed” ang kasalukuyang nagpe-perform habang mula sa backstage ay nagsisilabasan na ang mga kandidato’t kandidata ng bawat school. Lalong lumakas ang hiyawan nang sina Jillia na ang lumalabas at nagpapakilala sa stage.

‘Wow! Grabe! Ang super ganda ni Jillia ngayon! Hindi pa siya nagme-make-up maganda na siya, pero ibang-iba na kapag nakapustura siya ng ganyan! Mukhang hindi pa nagsisimula ang laban eh tapos na!’ Pagbibida ni Chito.

Si Alfredo naman ay tila naumid ang dila at naka-pokus lang ang paningin kay Jillia. Nakanganga na nga lang ito habang sinusundan niya ng tingin ang bawat hakbang ng dalaga sa stage.

‘Ehem! Mr. Goodie Good! Tapos na ang song number! He! He! He! He!’ Napansin nito ang malalagkit na tingin nito kay Jillia.

‘H-ha?! Tapos na? – Ang ibig ko sabihin, siyempre alam kong tapos na no?!’ Depensa naman ni Alfredo.

‘Hayy! Pare! Natatawa tuloy ako sa’yo! Ika nga ng mga manyak pipol, nasa loob ang kulo mo! Ha! Ha! Ha! Ha!’

Hindi na nakaimik pa si Alfredo halatang napahiya kay Chito.
Sa pagpapatuloy ng programa, nagpakita naman ng kakaibang alindog at tikas ang mga kandidata’t kandidato sa kanilang pagrampa suot ang kani-kanilang swimwear at evening oufits. Siyempre, malalakas pa rin ang mga hiyawan kapag tinatawag na si Jillia. At sa eliminasyon, para sa magic five na pares, napabilang ang dalaga gaya ng inaasahan. Dito lalong nagkagulo sa loob nang ipakilala isa-isa ang mga judges na pawang mahahalagang tao rin kabilang ang ilang alumnus ng unibersidad, at siyempre ang “hard-court heartthrob” na si Clifford ng AdMU. Bahagyang nanahimik sa loob ng auditorium nang simulan ang question-and-answer portion. Magigilas sumagot sa mga tanong ang mga contestants kaya’t marahil ay kinakabahan ang mga manunood para sa kani-kanilang pambato. Ngunit ika nga, sa laro ng matatalino’t ismarte, ang pinakamatalino’t ismarte ang namamayagpag sa huli – nakamit ni Jillia ng SELAMS ang Ms. CEU title habang nanggaling naman sa School of Dentistry ang Mr. CEU. Nakatatawa nga lang isipin na mas naaliw pa ang mga manunood nang pagtabihin sina Clifford at Jillia sa stage pagkatapos ng pageant.

‘Anong sabi ko sa’yo?! Sa umpisa pa lang tapos na ‘to eh! Pero bilib talaga ako kay Jillia! Ang astig nung sagot niya dun sa tanong! Talagang pam-beauty queen! He! He! He! He!’

‘Oo nga! Pero kahit pa’no kinabahan din ako dun! Magagaling din kasi yung ibang contestant! Buti naka-ungos siya!’

‘Talaga lang ha? Baka ibang kaba na yang nararamdaman mo?’ Sabay ngising aso si Chito.

‘Tumigil ka nga! Asar!’

Maya-maya pa’y biglang may lumapit na lalaki kina Chito at Alfredo.
‘Excuse me? Ikaw si Alfredo right?’ Kaswal na tanong ng lalake.

‘O-oo ako nga? Bakit?’

‘Inutusan ako ni Jillia. Pinapupunta ka niya sa may backstage. Sasamahan na kita sa kaniya.’

‘Ay! Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan! Okay! Salamat sa pag-inform. Ako na lang mag-isa ang pupunta ‘ron.’

Bigla namang singit ni Chito: Ehem! Excuse me lang! kaibigan ako ni Alfredo. puwede rin akong sumama sa kaniya di ba?’

Pinasadahan siya ng lalaki ng titig mula ulo hanggang paa: Ang sabi ni Jillia si Alfredo lang. wala na siyang ibang binanggit na puwedeng sumama.’ Pantay ang tinig na sabi ng lalake.
‘Ay gano’n?! Sori ha?!’ Pagkuwa’y bumulong: ‘Kala mo ‘tong bading na ‘to! Bangasin kita diyan eh!’ At pagkatapos ay tinapik sa balikat si Alfredo: ‘O pa’no tsong? Una na ‘ko sa’yo pag-uwi? Baka kasi matagalan kayo ni Jillia mag-usap eh kailangan ko kasing umuwi ng maaga ngayon.’

‘Gano’n ba? Hindi naman siguro masama ang loob mo niyan ‘no?’ Pasaring naman ni Alfredo.

‘Basta tawagan mo ‘ko mamaya para ikuwento sa ‘kin kung sino ‘yung ipapakilala sa’yo ni Jillia ha?’

‘Intrigero! Okay! Okay! Sige na! ingat ka na lang sa pag-uwi!’

Pagka-alis ni Chito, patakbo namang pumanhik na ng backstage si Alfredo. Pagdating doo’y siya namang salubong agad sa kaniya ni Jillia. Nakapagpalit na ito ng kaswal na damit at malinis na ang mukha mula sa make-up niya kanina.


‘Finally, you’re here! Akala ko umuwi ka na. ang tagal mo kasi!’ Reklamo ng dalaga sa kaniya.

‘N-naku! Pasensya na! Muntik ko pa ngang makalimutan kasi pagkatapos nung program dinumog na ng mga tao yung stage, saka mukhang busy pa kayo kaya hindi muna ako pumasok.’

‘Well, at least nandito ka na! And the timing is perfect! Maipapakilala na kita sa kaniya!’

‘Ummm… Sino ba kasi yung gusto mong ipakilala sa ‘kin?’ Puno ng kuryosidad na tanong ni Alfredo.

‘You’ll meet him soon enough! Come on! He must’ve been sick of waiting!’ At hinila na lamang niya ang binata paalis ng backstage.

Sa isip ni Alfredo: ‘Lalaki pala ang gustong ipakilala sa ‘kin ni Jillia… Ha! Ha! Ha! Sori na lang kay Chito! Buti na rin palang hindi na siya sumama sa ‘kin! Pero sino kaya itong gustong ipakilala sa ‘kin ni Jillia at mukhang excited na excited siyang magkakilala kami?’

Sa SDV Music Hall nagtungo ang dalawa, kung saan isang salo-salo ang inihanda ng CEU para sa mga bisitang Alumnus ng unibersidad na naging mga hurado kanina sa pageant. Sa isang mesa sa bandang dulo ng hall pumunta ang dalawa. May lalaking nakaupo roon na waring sila ang hinihintay.

‘Jillia? Where have you been? Bakit basta-basta ka na lang nang-iiwan ng walang pasabi?’ Bati agad ng lalaki sa dalaga.

‘Oh! Sorry ‘bout that! I just went back to the stage to fetch him!’ Tinutukoy si Alfredo.

‘I see… So, you must be the guy Jillia was telling me about earlier? How do you do my friend?’ At inabot ang kaniyang kamay kay Alfredo.

‘Oh yes! Alfred siya yung gusto kong ipakilala sa’yo, si Cliff my boyfriend! Cliff, this is Alfred, my bestfriend!’

‘A-ah… Kumusta? Nice to meet you rin!’ Atubili naman ang pagtanggap niya sa pakikipagkamay ni Clifford. Bahagya pa siyang napasinghap kanina ng makita ang lalaki. Nagulat talaga siya ng husto pagkat hindi niya inaasahang ang sikat na basketball player ng UAAP pala ang gustong ipakilala sa kaniya ni Jillia, at nagkataon pang kasintahan niya ito. Doon pa lang ay labis labis na ang kaniyang pagkailang at naisip niyang ma-a-“out of place” siya sa dalawa. ‘Naku! Binigla mo naman ako Jillia! Hindi mo man lang nabanggit sa ‘kin na celebrity pala ang gusto mong ipakilala sa ‘kin!’

‘Actually, noong game pa lang nila sa CEU ko binalak na ipakilala siya sa’yo. But that wasn’t possible at the time dahil kino-cover din namin kasi yung game na ‘yon para sa article namin sa school paper. So, what do you think? Puwede na ba kaming love team? Ha! Ha! Ha! Ha!’ At umakap pa sa bisig ni Clifford ang dalaga.

‘Oo naman! Bagay na bagay! Nakakaaliw nga kayong pagmasdan kanina dun sa stage! Tuloy parang na-itsapuwera na yung Mr. CEU na kapareha mo!’
‘Oh! Did you hear that sweetie? I guess you really stole the show back there huh? Hee! Hee! Hee!’ Biro ni Jillia sa kasintahan.

‘Well, pasensiya na kung naagawan ko man siya ng eksena kanina! But I can’t blame them! They thought I’m smarter and gorgeously handsome than your Mr. CEU! So what can I do?’ Ganti naman ni Clifford na pabiro rin.

‘Oh! Right! Sa lagay na ‘yan hindi ka naman nagbubuhat ng bangko ha?’ Sabay-sabay na nagkatawanan ang tatlo.

‘So kuwentuhan mo naman ako dude kung pa’no kayo nagkakilala nitong si Jillia!’ Sinadyang ibahin ni Clifford ang usapan.

‘Ah, ang totoo niyan pagkakataon lang talaga ang pagkakakilanlan namin nitong girlfriend mo. Sa first day of class naligaw siya at nagkataong nandu’n ako at sa ‘kin siya nagtanong ng daan. Tapos mga ilang linggo nagkita uli kami habang break naming dalawa. Yun! Nagkakuwentuhan hanggang sa parati na kaming nagkikita. Wala namang espesyal!’

‘Wow! Napaka-romantic naman no’n hindi ba? I’m quite envious of you! Nung mag-meet kami ni Jillia hindi kami gano’n!’

‘C,mon you silly guy! It’s not like you getting envious to others! Ang corny mo ha?!’

‘Bakit? Wala na ba akong karapatang mainggit sa iba? Lalaki rin naman ako ‘no? Ha! Ha! Ha! Ha!

‘Oh fine! Enough of your boring chit-chat! Hayyy! Ang corny ni Cliff, di ba Alfred?!’

‘Ewan ko lang! Pero sigurado naman akong wala nang mas ko-corny pa sa ‘kin! He! He! He! He!’ Wala lang siyang alam na isasagot sa dalaga kaya’t hinugot na lang niya kung saan ang walang ka-kuwenta-kuwentang sagot na iyon.

‘I forgot to tell you Cliff - Alfredo is a good skater! Far greater than you! Hindi mo naitatanong nagawa namin ni Alfred ang “Death Spiral” in just 3 hours of practicing! Di gaya mo ilang araw na puro stroking pa lang ang alam!’ Pagbibida ni Jillia.

‘Really?! That’s amazing! Well siguro wala talaga akong talent sa skating! I tell you dude, nu’ng mag-skate kami one time I almost broke my back! Pa’no parati akong natutumba sa yelo, at nakalipas ang maghapon maski stroking hindi ako natuto maliban sa pagbalentong sa ice rink!’ Natatawa pa niyang pagkukuwento.
‘And not to mention, he said that skating is just “child’s play?” Geez! Kung makikita mo lang siya noon he’s worst than a kid! Hee! Hee! Hee! Hee!’ Singit naman ng dalaga.

‘Yeah… It’s kinda embarrassing you know! Pagkatapos no’n ipinangako ko na sa sarili ko na hinding-hindi na ‘ko magsasalita ng tapos! Never again! At mula rin ngayon, mag-aaral na ‘kong mag-skate!’ Sabi naman ni Cliffrod bagaman pabiro. Natatawa naman sa kaniya si Jillia habang si Alfredo’y nangingiti lang. Marahil hindi magawang makisaya dahil sa pagka-asiwa sa dalawa.

Naantala ang pagku-kuwentuhan ng tatlo nang tumunog ang mobile phone ni Jillia. ‘Oh! Guys, maiwan ko muna kayo dito sandali. Pupuntahan ko lang sina Rei sa CDL building. Okay?’

‘Okey! Sige!’ Paalam ni Alfredo.
‘So, ngayong dalawa na lang tayo, makakapag-usap na rin tayo ng masinsinan. Marami akong gustong sabihin at malaman sa’yo. Alam mo kasi, hindi ako gaanong makahirit kay Jillia kanina dahil palagi niya akong inaasar!’ Panimula ni Clifford nang mapag-solo sila ni Alfredo.

‘Oo naman! Sige, magsabi ka.’

‘You said earlier na nag-meet kayo ni Jillia by chance? Kung gano’n gaano na kayo katagal magkakilala?’

‘Ah, hindi naman gano’n katagal pa. Kung susumahin mahigit apat na buwan pa lang kaming magkakilala.’ Kaswal ang pagsagot ni Alfredo.

‘I see… But you know, the way I see it, it looked more na mas matagal pa sa apat na buwan kayong magkakilala? Kundi mo naitatanong, madalas ka niyang maikuwento sa ‘kin, and she seemed to like you so much Alfredo.’

‘Ah, dahil nabanggit mo, nung una nga rin napansin ko ang pagiging malapit niya kaagad sa ‘kin, nakakailang nga. Pero mabait siya at palakaibigan kaya hindi ako nahirapang pakibagayan siya.’

‘True. Actually gano’n din siya sa ‘kin. I still remember that day when I met her at the library during the vacant period, I invited her for a coffee break and she never had second thoughts! Kahit ako nagugulat sa kaniya! That only shows kung gaano siya ka-friendly. Lumalabas na rin ako noon kasama ng iba’t-ibang babae, pero never pa akong nakalabas kasama ng isang matalino at eleganteng babaeng katulad niya. There’s no dull moments with her.’

‘Tama ka. Kahit ako hindi ko maubos-maisip kung paano siya naging malapit sa akin, dahil nga sa ugali niyang ‘yon.’

‘Pero maiba ako ng usapan pare; usapan ng lalake sa lalake baga? Alam ko kung gaano ka-sikat si Jillia dito sa school ninyo; sa nakita kong suporta sa kanya ng mga etudyante kanina hindi na ako nagugulat. Siyempre hindi na rin nakapagtatakang… maraming mga lalake ang nahuhumaling sa kanya hindi ba? Pero ang gusto kong malaman… ikaw rin ba… gano’n din ang nararamdaman mo?’

Bahagyang napa-angat ng ulo niya si Alfredo sa tanong ng kaharap. Kahit na isa lamang iyong simpleng tanong, damang-dama pa rin niya ang kombiksyon sa tono at ekspresyon ng mukha nito sa kanyang sinabi, na tila dinuduro siya sa mukha.

‘Oh I’m sorry!’ Sabi ni Clifford nang hindi makasagot agad si Alfredo. ‘I didn’t mean to offend you. Hayaan mo na lang ‘yon! Pagpasensyahan mo na lang ako at talagang matabil lang talaga itong dila ko! Ha! Ha! Ha! Ha!’

Simpleng tango lang habang nakatungo ang naisagot ni Alfredo.

‘Pero… sabihin na nating kaibigan lang nga ang turing mo kay Jillia, for that wala naman akong nakikitang problema… at mas makabubuting mananatili ka na lang na gano’n sa kanya. Kaya ko ‘to sinasabi dahil ayokong magkaroon ka pa ng kahit anong motibo para lalong mapalapit sa kanya. Siyempre puwede mong baliwalain lang ang sinasabi kong ‘to sa’yo. Kaya ko lang naman sinasabi sa’yo ‘to dahil ayaw kitang masaktan. Huwag mo sanang masamain ang mga sinabi ko.’

‘Huwag kang mag-alala. Hindi ako mangangahas na gawin ang gano’ng bagay. Malaki ang tiwala sa akin ni Jillia bilang kaibigan niya at para sa’kin sapat na ‘yon. Kalabisan na kung bibigyan ko pa ‘yon ng mas malalim na kahulugan.’

‘Well that’s good! With that being said let’s celebrate this momentous evening! Cheers!’
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
etina0511    •reply Jul 22, 2008 @ 6:37 AM
 
: j o m b a g :  yan ang vagay sayo Clifford : m a d :  hmmpt!
  resemblance    •reply    Jul-22-08@8:31AM
hehehe
  etina0511    •reply    Jul-22-08@10:06AM
ka2inis kc sya eh! : m a d :  masyadong mayabang parang ang sarap sabunutan wehehe ( apekted aqoe?? : s h r u g : )
  mirrorcle_world    •reply    Jul-22-08@10:10AM
mas pogi nga naman kasi siya hehehe
  etina0511    •reply    Jul-22-08@10:14AM
yun nanga eh mas pogi sya whehe dapat aqoe muna dinadate nya ehehe : p e a c e : 
  mirrorcle_world    •reply    Jul-22-08@10:25AM
hala! : l o l : 
  etina0511    •reply    Jul-22-08@10:32AM
dapat pag pogi aqoe muna dinedate b4 Kung cnu cnu
  mirrorcle_world    •reply    Jul-22-08@10:48AM
wenk wenk weeennnkkk!!! okay naintindihan ko na : l o l : 
  mirrorcle_world    •reply    Jul-22-08@10:50AM
okay batsi na muna ako! : w a v e :  this is resemblance signing off.... : t a k a s : 
  etina0511    •reply    Jul-22-08@12:14PM
wehehe : w a v e :  bye powh
insanity41    •reply Jul 22, 2008 @ 9:50 AM
 
wee.. unti nlng..

mauupdate n sia!

: ) 
  mirrorcle_world    •reply    Jul-22-08@10:10AM
this week sure na sure na part two na ang ipo-post ko. : l o l : 
  mirrorcle_world    •reply    Jul-22-08@10:25AM
oo nga pala alternate SN ko to ako pa rin to si resemblance
  yingying    •reply    Jul-23-08@4:54AM
kuya??tlga??: w h a t t h a :  buk2 na?? : c h e e r :  : c h e e r : 
  insanity41    •reply    Jul-24-08@10:21AM
waah!

yipee..

can't wait! : c h e e r :  : c h e e r : 
ceezzanesz    •reply Sep 10, 2008 @ 6:53 AM
 
tlg nemen.. basta wafuu.. dunsz cla! : l o l : 
panOh nemen ung candidate ng skul nla! : ? 


axar talO ke Jilli.. : l o l : 
buti ngaaah.. : n y e n y e : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
One-sided Poems [dalaw lang..hehe]
older post:
another love story Epi. 2
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com