tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light 1, 2, 3 (Missing Reprise Chapters)
posted by (Jul 20, 2008 @ 11:12AM) views: 469
BEFORE READING: It seems that maraming tao ang ngayon pa lang makakabasa nitong NL this month kaya parang nalilito sila kung bakit may 15 na agad eh wala pa namang 1. so i thought isasama ko na rin yung mga missing chapters (1, 2, 3, 4, 5, 8, and 9) para may chance rin silang makabasa (at least dun sa mga interesado heheheh!!!) yingying huwag mo nang basahin to kasi mauumay ka lang; meron ka na nito nung isinend ko sa'yo last time : l o l :  sana magustuhan ninyo first time readers!

I added the story's cover sana magustuhan rin ninyo...


WARNING!:This is a VERY long post; I suggest na paghiwa-hiwalayin ninyo ito sa tatlo para hindi manakit ang mga mata ninyo. : l o l : 





CHAPTER 1

Constant Change...

Alas kuwatro ng umaga; madilim pa ang paligid at himbing pa ang karamihan, ngunit gising na gising na si Alfredo. Abala siya sa pag-aayos ng kanyang mga gamit sa eskwelahan bilang paghahanda sa unang araw ng muling pagbabalik sa paaralan. Alas otso pa nang umaga magsisimula ang kanyang unang klase sa Mathematics II, ngunit aniya, mas mainam nang gumising ng maaaga kaysa naman magkandaugaga siya sa sobrang pagmamadali. Kaya naman hanga ang kanyang mga naging guro’t kaklase sa kanya pagkat ni minsa’y hindi pa siya nahuhuli sa klase sa loob ng labingisang taon sa pag-aaral.

Palabas na ng kanyang kuwarto si Alfredo para makapag-almusal na nang mula sa labas ng bintana’y tinawag siya ng isang lalaking may kapayatan at maliit ng kaunting pulgada sa kanya; si Antonio iyon, ang matalik niyang kaibigan magmula pa elementarya.

‘Alfredo! Paalis ka na ba agad?’

Dumungaw si Alfredo sa bintana. ‘O! ikaw pala! Hindi pa. kakain pa muna ako sandali. Ikaw?’

‘Tulad mo, kakain pa lang din! Pero hintayin mo ko ha? Para sabay na tayo.’

‘Oo ba! Sige! Tsaka hindi pa naman ako aalis kaagad, maliligo pa ‘ko pagkatapos.’

Matapos makakain, makapaligo’t makapagbihis, binitbit na niya ang kanyang bag at lumabas na ng kanyang kuwarto. Bago umalis ay sumaglit pa muna si Alfredo sa kusina upang pormal na makapagpaalam sa kanyang ina na kasalukuyang nagliligpit ng kanilang pinagkainan kaninang almusal.

‘Inay, tutuloy napo ‘ko.’ Humalik sa pisngi ng ina.

‘O, sige. Mag-ingat ka anak.’ Inabot kay Alfredo ang baon nitong pera. Tamang-tama namang palabas na si Alfredo ay dumating na si Antonio.

‘O, redi ka na? tara na!’

‘Okey! tara! Tamang-tama ang dating mo!’

Habang nasa sasakyan, nagkakuwentuhan ang magkaibigan tungkol sa kanilang nagdaang dalawang buwang bakasiyon. Si Antonio ang nagbukas ng paksa.

‘Kumusta naman itong nakaraang bakasyon mo Alfredo?’

‘Ayun, katulad pa rin ng dati, taong bahay. Kung hindi ako nakatoka sa pagtitinda sa sari-sari, mga gawaing bahay lang ang inaatupag ko. O kaya naman namimili ng mga paninda ni inay sa palengke. Minsan, ‘pag naiinip ako, nagbabasa ako ng diyaryo. Naghahanap-hanap ako ng puwedeng pasukang summer job para kahit papaano may pera ako pagdating ng pasukan. Kaso, wala, ‘di taong bahay talaga! Natatawa niyang sabi.

‘Pareho tayo! Taong bahay din! Simula nga nung huli nating lakad sa Cubao nung isang taon, hindi na nasundan; napakatagal na no’n! Kaya tulad mo bulok na bulok din ako sa bahay!’

‘Nakakapanghinayang talaga ang lakad nating ‘yon! Kung napaaga lang sana tayo ng at least 5 days, baka sakaling nakuha natin yung huling dalawang puwesto sa Starbucks. Haaay... buhay nga naman...’

‘Sinabi mo pa... Maiba nga pala tayo ng usapan, kumusta naman ang pag-aaral mo sa CEU? Ayos ba?’

‘Ayos naman. Hindi naman ako nahirapang maki-bagay. Sa umpisa nga lang talaga, nakakailang. Pero mababait naman kahit papaano ang mga naging kaklase ko. Tsaka andun si Chito kaya hindi ako gaanong naiinip!’ Gumuhit ang kaunting ngiti sa kaniyang mukha.

‘Eh, di ba madalas ang rally sa Mendiola? Buti hindi naaapektuhan ang mga klase niyo?’

‘Hindi naman. Marami naman palaging mga pulis do’n. Yun nga lang palaging trapik ‘pag may rally, kaya perwisyo talaga. Bukod do’n wala namang nagiging abala sa mga klase namin. Puwera lang kung malakas ang ulan.’

‘Pero siguro, kung hindi lang magulo diyan sa Mendiola, puwede talaga yang CEU makipag-sabayan sa ibang malalaking universities sa Pilipinas! Bukod sa mataas ang kalidad ng edukasyon, world class pa! Kung hindi lang talaga ako nakapag-enroll agad sa PUP, magka-kaklase na siguro tayo ngayon sa CEU!’ Pagmamalaki ni Antonio.

‘Ba’t hindi ka lumipat? Habang maaga pa?’

‘Hindi ko na balak. Sayang din yung isang taon naipasok ko na sa PUP. Tsaka baka umbagin pa ko ng nanay ko!’ Natatawa niyang sabi.

‘Baligtad naman tayo! Sa PUP ko talaga planong mag-enroll. Kaso, si itay hindi kumbinsido. Kaya nung nagrekumenda yung kasamahan niya sa Iraq na sa CEU na ako ipasok, ayun na nga ang nangyari. Tsaka hindi na rin ako nakapag-umento, dahil bago ko pa nalaman ang ideya niya, nakapagpasa na si itay ng application form ko sa CEU!’ Napailing-iling na lang si Alfredo.

‘Ayos nga yun eh! Bakit? Ayaw mo bang mag-aral sa CEU?’

‘Hindi naman sa ayaw... ‘yun nga lang naisip ko, baka mahirapan sina itay at inay sa pagpapa-aral sa ‘kin. Ang laki kasi ng binabayarang tuition fee kada sem. Para ngang hindi na makatarungan eh!’

‘Ano ka ba?! Siyempre, natural lang ‘yun! Lahat ng serbisyong pinakikinabangan mo binabayaran lahat ‘yun! Kaya nga private eh. Tsaka huwag mo nang gaanong pinag-iiisip ang mga bagay na ‘yon! Dahil nuon pa naman alam na ng mga magulang mo ang pinapasok nila. Ang mahalaga sa lahat magawa mo kung ano ang inaasahan ng mga magulang mo sa’yo. Di ba?!’ Inakbayan ni Antonio ang kaibigan.

‘Kunsabagay... Ay! Bago ko makalimutan, nagpasabi si Chito na magkita-kita raw tayo mamayang pagkatapos ng klase. Sa dati pa ring lugar. Nami-miss ka na raw kasi niya!’ Pabiro niyang sabi.

‘Okey, sige darating ako ro’n. O pa’no, hanggang mamaya?!’

‘O sige, ingat!’ Paghinto ng jeep sa Mendiola’y bumaba na si Alfredo.

Pagdating sa CEU, nagtungo agad si Alfredo sa parent’s lounge malapit sa kanilang klinika upang makapag-relaks panandalian habang hinihintay ang kanilang klase. Maaari rin sana siyang maghintay na lamang sa study areas na di hamak na mas malapit sa DCT-Lanai building kung saan sila karaniwang nagka-klase, nguni’t katwiran niyan’y masyado kasing kulob ang lugar na iyon na bagaman may mga bentilador ay maalinsangan pa rin, lalung-lalo na sa tanghali. Isa pa’y nakasanayan na niyang doon palagi magpalipas ng bakanteng oras.

Eksaktong alas siyete y medya na nang umaga pagsulyap niya sa kanyang relo; tatlumpung minuto pa bago ang kanyang klase sa Mathematics II. Naiinip man, pilit inaliw ni Alfredo ang sarili sa pagbabasa ng mga salitang nakasulat sa kanyang mesa. Sari-sari ang mga nakasulat roon. Mistula na nga itong pisara sa sobrang dami ng mga salitang nakasulat. Mayroong mga nakasulat na numero ng mobile phone, mga katatawanang drowing, mga pangalang marahil ay ngalan ng mga estudyante, mga salitang pawang mga kahalayan ang nilalaman, nguni’t karamihan dito’y mga pag-uusap tungkol sa pag-ibig. Sa isip-isip ni Alfredo, ginawa pang love forum ng mga iresponsableng estudyante ang mga mesa na dapat ay laging pinananatiling malinis ng bawat isa. Kaya hindi nakapagtataka, aniya, kung bakit karamihan sa mga estudyanteng nagsusulat roon ay naghihinanakit tungkol sa kanilang mga bigong pag-ibig, dahil sa kawalan nila ng responsibilidad at tamang pagdidisiplina sa sarili.

Sa kanyang patuloy na pagbabasa, isang parirala ang nakapukaw sa kanyang atensyon. Malaki at makapal ang pagkakasulat nito kaya madali itong mapansin; para bang sinadyang isulat ng ganoon upang agad makaakit ng atensiyon sa sinumang mauupo roon. Nakasulat iyon sa kaliwang dulo ng kinauupuang niyang desk. Ang nakasulat ay ang mga katagang “Life is a constant change.” Agad pumasok sa isip niya ang awiting “Constant Change” na pinasikat ni Jose Mari Chan. Paborito niya ang awiting iyon at katunaya’y madalas niya itong tugtugin sa gitara noong second year high school pa siya.
Sa kongklusyon ni Alfredo, marahil ibinagay lamang ng estudyante ang masalimuot na tema ng kanta sa kanyang kasawian sa pag-ibig. Ngunit para sa kanya, hindi na bago ang ganitong drama ng mga tinedyer. Napabuntung-hininga na lamang siya.

Sa muling pagsuyod ng kanyang paningin sa mga nakasulat sa mesa’y muli, isang parirala ang umantig sa nagmamaliw niyang interes. Nakasulat naman ito sa bandang ibaba ng unang parirala. At sa masusi niyang obserbasyon, natuklasan niyang may iba pa palang mga nakasulat na salita sa pagitan ng una at ikalawang parirala. Ngunit hindi na halos ito makita dahil sa nabakbak na ang pintura nito. Ibig sabihin, matagal-tagal na panahon na rin itong nakasulat roon. Mula roon, nakasulat ang mga huling katagang “Moon, oh pale moon...” Nabura na tuloy sa isip niya ang una niyang kongklusyon na isang bigong pag-ibig ang ipinahihiwatig ng naunang parirala. Napakamot siya ng ulo sa pag-iisip. Ngunit dahil produkto lamang ito ng bandalismo’y tuluyan nang naglaho ang interes niya rito at bagkus ay bumalik na sa kanyang kinauupuan.

Muling sinulyapan ni Alfredo ang kanyang relo; alas siyete singkuwenta y nuebe na kaya’t ipinasiya na niyang pumanhik na sa kanilang silid-aralan sa DCT-Lanai building. Akma na siyang aalis nang bigla’y isang dalaga ang lumapit sa kanya.

‘U-umm... e-excuse me? P-puwede bang magtanong? I’m kinda’ l-lost... I just wanna ask kung ‘asan ba rito yung SDV building?’ nahihiyang tanong ng dalaga.

Hindi kaagad nakasagot si Alfredo. Una’y dahil hindi niya inasahan ang paglapit ng dalaga sa kanya. At ikalawa’y napako ang kanyang tingin sa mukha nito. Mistula itong buhay na manekin sa kagandahan. Bilugan ang kanyang mga matang kulay kape na karaniwan sa mga Haponesa at Koreana. May katamtamang tangos ng ilong, at mamula-mulang labi na talaga namang kaibig-ibig. Ang kanyang buhok ay ubod kintab na kulay itim na may kaunting highlight ng ginto at aabot hanggang siko. May mala-porselana na kulay ng balat at may napakagandang hubog ng katawan na animo’y Venus de Milo; isang maituturing na perpektong kagandahan. Mala-diyosa. Marahil, aniya, kung totoo man si Helen of Troy na sinasabing “The face that launch a thousand ships” ay ang dalagang ito iyon.

‘Oh! S-sorry. Did I startled you?’ Waring napansin nito ang pagkagitla ng binata.

‘H-ha? A-ah eh... w-wala ‘yon! Tungkol nga pala sa tinatanong mo, umakyat ka lang ng hagdan na nasa likuran ko, tapos kumanan ka lang sa pasilyo at SDV na kaagad ‘yon.

‘Got it! Whew! Another set of stairs! Nakakapagod naman! Well, anyway, thanks for the info. Though I’m in a hurry kasi medyo late na ‘ko sa klase ko, so. Thanks again! Iniwan na si Alfredo at agad umakyat ng hagdan.

Parang tuod na nakatanaw lang si Alfredo sa paalis na dalaga. Hindi na niya tuloy namalayang kanina pa tumunog ang bell at oras na ng kanyang klase; parang wala siyang naririnig nang mga sandaling iyon. Pakiramdam lamang niya’y parang may umaalimpuyong hangin sa kanyang ulo’t namamanhid ang kanyang mga paa. Bahagya siyang napaatras. Kung wala sana ang desk sa kanyang likuran ay marahil napaupo pa siya sa lupa. Habol niya ang hininga, at patuloy sa pagtambol ang kanyang dibdib, huminga siya ng malalim ng makailang ulit. Napapikit siya, at sa kanyang isip muling ginunita ni Alfredo ang hitsura ng di pa nakikilalang dalaga. Ngunit sadyang mahirap mailarawan sa isip lamang, ni ipahiwatig ng mga simpleng salita ang angkin niyang kagandahan.

‘Grabe!!! Sobrang ganda niya!’ Bulong niya sa sarili. ‘Malamang bago lang siya dito...’

Natauhan na lamang si Alfredo nang malaglag sa pagkakasukbit sa kanyang balikat ang kanyang bag, at naalala ang kanyang klase na sampung minuto na palang nagsimula.

‘Nakup!!! Patay!!! Nakalimutan ko! Late na ‘ko!’ Agad pinulot ni Alfredo ang kanyang nahulog na bag sa lupa at buong pagmamadaling tumakbo patungo sa kanilang silid-aralan.

Humahangos at pawisang nakarating si Alfredo sa kanilang silid-aralan. Napanatag lamang siya nang makitang wala pa ang kanilang guro roon. Pagpasok pa lamang niya ng silid ay tinawag siya ni Chito na nasa dulong likuran.

‘Aba! Nakakapagtaka! Late ka ‘ata ngayon? Ani Chito na bakas ang labis na pagkamangha. ‘Anong me’ron?’

‘Ah, w-wala naman. May inasikaso lang kasi ako kanina sa dean’s office kaya medyo na-late ako ngayon.’ Pagsisinungaling nito. ‘Siya nga pala, hindi pa ba dumarating yung prop natin?’

‘Hindi pa. Pero nagpasabi siya sa amin na huwag aalis dahil male-late lang daw siya ng konte! me’ron yata siyang inaasikaso sa opis?’

Tatlumpung minuto lamang tumagal ang klase nina Alfredo at Chito dahil abala ang kanilang guro ng mga sandaling iyon sa kanilang faculty meeting.
‘Ayos! Maaga tayo ngayon! Tara Alfredo! Samahan mo ‘ko sa parent’s lounge, di pa kasi ‘ko nag-aalmusal eh! Medyo tinanghali kasi ako ng gising kanina!’

‘Haay! Kailan ba kasi kita nakitang maagang pumasok?’

Agad pumila sa canteen si Chito pagsapit sa parent’s lounge, habang si Alfredo’y nagkasiya na lamang na umupo sa isa sa mga bakanteng desk roon.

‘Hoo! Nakakagutom talaga! Ikaw, Alfredo? Di ka ba kakain?’

‘Hindi na, busog pa naman ako...’

‘Kahit kailan talaga napaka-boring ng first day of class! Tulad ngayon, nag-check lang ng attendance si ma’am tapos nagpapasa lang ng syllabus! Kung alam ko lang, sana natulog pa muna ako!’ Sabay kagat sa kanyang hamburger. Hindi naman kumikibo si Alfredo. Naka-palumbaba ito at nakatingin lang sa malayo. Waring may malalim na iniisip.

‘Dapat siguro kahit minsan dalhin mo naman yung gitara mo Alfredo. Para naman may pangontra tayo sa inip ‘pag break. Ano sa tingin mo?’

Nanatili lang na walang imik si Alfredo. Nakahalata na rin si Chito kaya binulabog niya ito.

Buong lakas na hinampas ni Chito ang lamesa. ‘Huuuyyy!!! Alfredo!!!’

Napaigtad naman si Alfredo sa gulat. ‘H-ha!!! Ano ka ba?! Nandito lang ako! Huwag ka ngang gumawa ng komosyon!’ Inis na pananaway ni Alfredo kay Chito.
‘Ahh!! Kaya pala kanina pa ‘ko dakdak ng dakdak sa harapan mo, eh para kang timang dyan na nakatingin lang sa kawalan! Ano ba’ng meron du’n sa malayo?!’

‘H-ha... eeerrr... Sori! Sori! Di ko sinasadya. Ano ba yung sinasabi mo kanina?’

‘Sori ha! Di ko sinasadya!’ May pagka-sarkastiko niyang pag-ulit sa unang sinabi ni Alfredo. ‘Lam mo, ‘yang mga banat mong ‘yan, minsan nakakaloko na rin eh!’ Muling kumagat sa kanyang hamburger.

‘Sensiya na! Me’ron lang kasi akong iniisip.’

‘Meron ka ba no’n?’

Bumuntong hininga muna si Alfredo bago nagsalita. ‘Yung babaeng nagtanong sa’kin kanina... napabilib lang talaga kasi ako ng husto sa sobrang ganda niya! Halos walang maipintas sa kanya!’

‘Ehemm!!! Hoy! Alfredo!’ Lumapit pa ito sa mukha ni Alfredo. ‘Ikaw ba eh naka-droga o talagang pinaglolo-loko mo lang ako?! At kailan ka pa naging interesado sa mga babae, eh di ba bading ka?!’ Kasabay ng isang malakas na tawang may pagka-sarkastiko.

‘Alam mo hindi lang talaga ako interesado sa mga babaeng natitipuhan mo. Pero kung ikukumpara mo sila sa babaeng nakita ko kanina, ni sa kutis hindi man lang tatabla! Ga’non siya kaganda!’

‘Talaga lang ha?’

‘Bahala ka kung sa akala mo eh ginu-good time lang kita. Pero sa totoo lang, kung hindi ako nagkakamali, siya na ang pinaka-magandang babae dito sa CEU! Walang panama sa mga crush mo!’ Pagmamalaki nito.

‘Hmmm? Nakakapagtaka ka! Akala ko kasi wala kang taste sa kung ano ang maganda eh! Pero... talaga nga bang maganda?’ May pananabik niyang tanong.

‘Oo sabi!’

‘Kahit si Robbie walang binatbat?’

‘Ay sus! Napakalayo!’

‘Ba! Talaga ngang sobrang ganda nung chick na sinasabi mo! Pero alam mo, hindi talaga ako makumbinsi diyan sa ibinibida mo! Para sa ‘kin kasi sobrang ganda na ni Robbie! Pero kung may mas maganda pa, parang hindi na kapani-paniwala!’

‘Bakit di ka gumala sa SELAMS? Mas malaki ang tsansang makita mo siya ro’n, para hindi ka na magduda. Iyon nga lang parang hindi pa niya gamay itong CEU. Hindi niya kasi alam ang papuntang SDV. Baka freshman pa siya. Mahirap pa naman ‘yon dahil kadalasan maaaga ang mga schedules nila.’

‘Kung ganoon naman siya kaganda, di malayong sumikat kaagad siya sa campus! Hihintayin ko na lang ang pagkakataong ‘yon! Makikita ko rin siya!’ paniniyak nito.

Napailing na lamang si Alfredo. ‘Haay… ang kalat mong kumain! May ketsap ka pa sa pisngi! Ano ba ‘yan!’

Sa buong buhay niya’y nuon lamang siya nabighani ng husto sa isang babae. Dati rati normal na lamang sa kanya na makakilala at makasalamuha ng magagandang babae sa CEU. Tuwing magkukuwento nga tungkol sa magagandang babae sa kanilang klase ang kaibigan at kaklase niyang si Chito ay tumatango lamang siya ng walang dahilan. Kaya may mga pagkakataong kinakantiyawan siyang “Bading” ni Chito. Bagaman hindi naman siya ilag sa mga babae, hindi niya ito gaanong binibigyan ng atensiyon. Ngunit ngayon, para bang napaka-interesante na ng mga babae para sa kanya, na walang bagay na tungkol sa kanila ang hindi niya gustong malaman. Kaya minsan pa’y gusto niya itong makitang muli.




CHAPTER 2

The Princess And The Tiger

Nang tumunog na ang bell nang ika-sampu ng umaga’y saka lamang nakahinga ng maluwag si Jillia. Kanina pa kasi siya naiinip sa tila napakabagal na pag-usad ng oras. Hindi siya mapalagay habang nasa loob ng silid-aralan. Pakiramdam niya, siya lamang ang estudyanteng naroon, bagama’t halos tatlong sections na ang nagsasalo-salo sa klaseng iyon. Lumubha pa ang nararamdaman niyang pagka-asiwa dahil nag-iisa lamang siya sa isang hanay ng mga upuan. Palibhasa’y isang estranghero, walang tumatabi sa kanya. Naging dahilan iyon upang mas maging kapansin-pansin siya sa karamihan. Para siyang magneto sa gitna ng buhanginan; ang karamihan ay sa kanya nakatingin, at kahit tahimik ang buong klase ay halos wala namang nakikinig. Para bang mas interesado pa ang mga itong malaman ang kanyang pangalan kaysa makinig sa liksyon ng kanilang guro. Kaya nang maglabasan ang mga kaklase niya’y hindi siya kaagad tumayo upang hindi pagmulan ng atensiyon.

Hindi naman na bago kay Jillia ang ganoong eksena. Kahit pa noong unang salta niya sa pinanggalingang eskuwelahan, ang Ateneo ay ganoon din ang kanyang naging karanasan. Kung tutuusin, mas malala pa noon ang sitwasyon dahil freshmen pa sila at kailangan pa nilang magpakilala sa isa’t-isa. Naaalala pa nga niya nang tumayo na siya sa platform, napako na siya roon ng halos tatlumpung minuto dahil sa makukulit na tanong ng kanyang mga kaklase; karamihan mga lalake. At magmula noon, hindi na siya tinantanan ng mga ito na kalauna’y lumiligaw na sa kanya. Ngunit hindi lahat ay naging masaya sa pagdating niya sa Ateneo. Marami ngang lalakeng nababaliw sa kanya, ngunit marami namang babaeng naiinis sa kanya dahil sa inggit. Ngunit hindi iyon naging balakid upang makapamuhay siya ng normal bilang kolehiyala, dahil aniya, napakaliit na bagay lamang iyon upang abalahin pa niya ang kanyang sarili.

Kung tutuusi’y wala namang mabigat na dahilan si Jillia para lamang lumipat ng eskuwelahan, dahil maganda naman ang itinatakbo ng kanyang buhay ‘Atenista’. Mga nagmamahal na kaibigan, mabubuting guro na sumusubaybay, bukod pa ang lagi niyang pangunguna sa klase at paghanga ng karamihan, wala na siguro siyang mahihiling pa. Ngunit dahil sa isang trahedya, nang masunog ang kanilang bahay, ay kinailangan nilang mag-anak na lumipat ng bagong matitirhan. At kasabay noon ay ang paglipat niya rin ng eskuwelahan. Sa kabila noo’y hindi naman ito naging mahirap na desisyon para sa kanya dahil makakasama naman niya ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Rei kaya kahit papaano’y hindi siya gaanong mahihirapang makibagay. At heto na siya ngayon sa CEU. At ang mga nangyari ngayong umaga ang tila ba nagpapanumbalik ng mga masasayang alaala ng Ateneo sa kanyang buhay.

Nang matiyak niyang siya na lamang ang tao roon ay saka lamang tumayo si Jillia sa kanyang kinauupuan. Sa bungad pa lamang ay sinalubong na siya ng matalik na kaibigang si Rei.

‘Kumusta?! Alam mo medyo kinabahan din ako for some reason na baka maligaw ka or whatever. But it seems you managed to have your way on your own! At maganda ‘yon hindi ba?’ May halong biro nitong sabi.

‘What’s that suppose to mean?! It’s your fault I got lost! Hindi mo lang alam kung ilang set ng hagdan ang inakyat ko, kakalipat ng building just to have my own WAY! Talk about heartless!’ Tila nagrereklamo sa kausap.

‘Ooohh! Sorry about that, sis! REALLY I do!’ Bagama’t natatawa ito. ‘Pero yamang nakapasok ka naman sa klase mo, at hindi ka na-late, ayos na rin di ba?! At kung nanlamabot naman ‘yang tuhod mo kaka-akyat ng building eh, ituring mo na lang ‘yon na “unforgettable experience!” At tuluyan na itong napahalakhak.

‘How insensible…’ Tila nagtatampong inirapan nito si Rei.

‘Now, now! Hush princess! Don’t be such a ‘Drama Queen’! It’s bad for your complexion! Look, let’s just get this over with and let’s have lunch! It’s all in me today! Think of it as a peace offering! whaddya say!?’

‘Well, sounds good to me!’

‘Then it’s settled!!! Let’s go!!!’

Sa isang pizza restaurant, di kalayuan sa campus napagpasiyahang kumain ng dalawa. Habang kumakain, sinimulan ni Rei ang pag-uusap.

‘So, how was your stay at our prestigious university?’ May tonong nagmamalaking pagsisimula ng paksa ni Rei.

‘Well… pretty good I guess?’

‘Only ‘pretty good’? Not excellent, not ‘muy bien’ or anything grand?’

‘Points deducted for getting me lost and for those long, tiring stairs!’ Pasaring naman niya.

‘C’mon! hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nakakalimutan ‘yon? I told you, nakalimutan ko lang dahil kailangan kong makapag-enroll kaagad dahil medyo busy rin ako ‘nung araw ding ‘yon dahil sa mga commitments ko sa dean’s office at sa dramatic guild. Alam mo naman, ehem! I’m quite an important person!’

‘A basta! Commitment mo rin naman ako a?!’

‘Geez! You’re so childish! Bakit ba napakatamad mong babae ka; kahit maglakad o umakyat ng hagdan?! Ano naman ang gusto mo? May escalator at elevator na parang mall itong eskwelahan? Tsaka tingnan mo nga ‘yang figure mo! Wala man lang muscles, kaya ang lampa-lampa mo! Oo nga't member ka ng Philippine team sa ice skating, pero mapapakinabangan mo ba 'yon 'pag wala ka na sa ibabaw ng yelo? Minsan, I–try mo ring mag–workout! Kahit mag – jogging ka lang every weekends, or maglakad–lakad ka 30 minutes everyday? Lalakas ka na, mawawala pa ‘yang pagkabugnutin mo… maybe just a little!’

‘What? So I can be like you? Wearing those nasty muscles on your face? Yuck!!! No thanks!’

‘Ex-cuuuuuzzzeee me! You’re barking at a wrong tree, “Ms. Thin Lady!” For your information, ako lang naman ang Ms. AMT at Ms. CEU last year! At ako rin ang Athlete of the Year last Sports fest. So, ano pang’ laban mo? I’m beauty, brains, and brawn in one! Right, Mr. Raffi Magsumbol?!’ Tinutukoy niya ang kanyang kaklase sa Computer Ic na napansin niyang kanina pa bumubuntot sa kanila mula pa sa campus hanggang sa restaurant. Isa rin ito sa mga binigo niyang manliligaw niya. Hindi naman kumikibo ang binata na pulang pula ang mukha dahil sa pagka-pahiya.

‘Ha!!! Nagagawa mo pang magyabang ngayon dahil wala pa ‘ko rito noon at wala ka pang karibal! But we’ll see if you can still babble with your nonsense after I took over your throne, “Ms. Judo Queen!” You’ll be kissing my royal feet afterwards!’ At sinundan nito ng mahinhing tawa.

‘Heh! Don’t push your luck “Ms. Bookworm!” You might hurt yourself!’ Na sinundan naman ng mapanuyang halakhak.

Nasa kainitan sila ng sapawan sa isa’t-isa ng bigla’y tumunog ang mobile phone ni Jillia. Agad niya itong kinuha sa kanyang hand bag at binasa ang message ng isang mahalagang tao.

‘Sino’ng nag-text?’ Ani Rei na puno ng kuryosidad.

‘Si Cliff!’ napapangiti ito habang binabasa ang mensahe ng sinasabing ‘Cliff’.

‘Nong sabi?’ Biglang naparam ang gana sa pagkain.

‘Wala lang! nangangamusta lang siya! May practice sila ngayon kaya di raw niya ako masusundo!’

‘Haaayy… kahit kailan talaga, napaka-jologs niyang lalakeng yan ! Tipikal na bolero!’

Napakunot naman ng noo si Jillia. ‘Ano na naman ba ang ipinuputok ng butsi mo diyan sis? Hindi kaya… naiinggit ka lang dahil ako ngayon ang pinapantasya ng kilalang “chick magnet” ng
UAAP?! And take note! Not only he is gorgeous, umaapaw pa siya sa talent! So what is it?!’ May halong pang-uuyam niyang sabi.

‘Tch!!! Don’t make me laugh! Even he, is not worthy of my punches! For me, he’s nothing more than a rotten “bibingka!” A good for nothing haughty guy, na walang ginawa kundi magmagaling at mag-astang super-duper galing mag-basketball! Hello?! Hilo ba siya?! Kahit sino namang player, kahit pa high school kayang gawin yung mga pasabit niya sa ere no?! Kuu!! Walang kwenta! Kainis!!!’

‘Haaayyy! Ayan ka nanaman! Bakit ba napakainit to the peak level niyang ulo mo palagi kay Cliff? For me, hindi ko naman nakikitang mayabang siya, as you see it, at kung magmayabang man siya meron naman kasi siyang ipagyayabang. Ano bang nakita mo sa kanya na kulang na lang eh katayin mo na siya nang buhay? Paki-esplika nga?’

‘Don’t make me repeat myself, princess! At baka ‘pag napikon ako eh madamay pa sa galit ko ang restaurant na'to!’

‘Tsk! Tsk! There she goes again! Don’t you think you’re just being too edgy?’

‘You think I’m too edgy?! Then call him up here and I’ll show how edgy I can be!’

‘Ah, forget it…’ Sabay iwas si Jillia at binalingan na lamang ang kaniyang ice tea.

‘Eh talaga naman kasing napakayabang umasta niyang suitor mong ‘yan! Oo nga, super-duper handsome nga siya! Aminado ‘ko ‘dun! Pero may attitude problem siya! At malalang malala talaga!’ Sabay kagat ng kanyang paboritong pizza. ‘Pero alam mo, kung talent at kapogian lang din naman ang pag-uusapan, di hamak naman na mas lamang ng bilyong milya si Warren Seales kaysa diyan sa ibinibida mong naggagaling-galingan lang! Mahusay siyang playmaker at wingman sa height niyang 6’ 7! Pero hindi siya umeere gaya niyang hindot na Cliff na ‘yan! Tahimik lang siya at very focused sa laro na dapat lang naman talaga! Sa tingin ko nga, mas bagay pa kayong mag-pair eh! Ang cute ninyo sigurong tingnan!’ Kinikilig siyang bumungisngis.

‘Yun nga ang problema sa lalaking ‘yun eh! Masyado siyang seryoso naba-branded tuloy siyang suplado kaya tuloy nawawala ang kapogian niya! Ayoko pa naman ‘yon sa isang guy! Kaya hindi kami bagay!’

‘Sus! Hinusgahan mo naman kaagad! Malay mo masyado lang mahiyain yung tao. Come to think of it, hindi ba kayo personal na nagkakilala noon sa Ateneo?’

‘Hindi. Basta nakilala ko lang siya habang nagpa-practice sila noon ni Cliff. Talagang tahimik lang siya at ‘di palabati. Although hindi naman siya nagsusungit, napaka-emotionless niya. Poker face baga. Kaya parang nakakatakot siya! Sabi pa nga ng isa kong friend doon sa ADMU, na kasamahan ko dati sa school publication namin, masuwerte ka nang tao kung mai-invite mo siya sa isang one-on-one interview!’

‘Gano’n?’

‘So? Na-turned off ka na sa kanya?’

‘Well! Not at all! In fact, mas lalo nga akong naintriga sa kanya eh! At ‘yun ang pinaka-gusto ko sa isang guy! Tipong “Mr. Mysterious; lalaking-lalaki ang dating! Tuloy gusto ko na siyang ma-meet in person!’

‘I give up!’ Sapo ang mukha habang iiling-iling si Jillia.

‘Oh! By the way, pagkatapos ng mga klase mo, meet tayo sa study area malapit sa LA auditorium. Ako na’ng maghahatid sa’yo pauwi ngayong araw. Sinabi ko kasi sa dad mo na ako muna ang maghahatid sa’yo. Para naman hindi mo masabing pinababayaan kita! Okay?’

‘Okay!!!’

Matapos ang tatlo pa niyang klase, na sa kabuuan ay tumagal ng limang oras, agad nagtungo si Jillia sa lugar na napagkasunduan nila ni Rei na magkita. Naroon na ang kaibigan nang makarating siya roon.

‘Well! You’re here! Whew! Past five na pala! Ang haba ng class schedule n’yo sis! Parang forever na ‘kong naghihintay! Tara na, baka gabihin ka pa!’

‘Alam mo, nakakapanibago ang kabaitan mo ngayon! Sana araw-araw mo na lang akong ihatid!’

‘Oy! Magaling na babae! Ngayon lang ‘to no! Dahil Responsibilidad pa kita ngayong debut mo sa CEU, pagkatapos nito bahala ka na sa life mo! At kapag naligaw ka pa papuntang SDV eh, problema mo na ‘yun! Pero napaka-vovu mo naman kung maliligaw ka pa ha?!’

‘You’re ONE BIG MENIE WITCH!’ Mariin namang sabi nito.

Sumakay ng tren ang dalawa. Nais kasi nilang makaiwas sa mabigat na trapiko, upang hindi sila masiyadong gabihin sa daan dahil malayu-layo rin ang kanilang ibi-biyahe. Pagkatapos, sumakay naman sila ng jeep. Ngunit mabagal ang usad ng trapiko kaya’t inabot pa rin sila ng gabi sa daan.

‘Rats! Ginabi pa rin pala tayo kahit LRT na yung sinakyan natin?! Tsk! Pahamak kasi yung trapik sa may P. Tuazon eh! Siguro nga kailangan ko na ng auto?’ Ani Rei na yamot na yamot pagkat siguradong gagabihin na rin siya ng husto pauwi.

‘Sorry sis. Mukhang malaking abala sa’yo ‘to.’

‘Hey! Not at all! Iniisip lang naman kita eh. Well… at least, di tayo inabot ng 7 o’clock! Kaya safe ka pa rin! Although kailangan na nating magmadali, sis! Madilim ang kalye dito! Mahirap na…’

‘Come to think of it… it really is creepy in these parts… C-can we just consider another route?’ Bahagyang nangatog si Jillia na sukat mapahapit siya sa braso ni Rei.

‘Lalo lang tayong gagabihin no’n. Don’t worry! I’m in command! And as long as I’m in command we can reach your place like walking on a red carpet! Trust me!’

‘I-I hope so…’

Maingat ngunit mabibilis ang bawat hakbang ng kanilang mga paa. Si Rei ay kalmado lang na nakikiramdam sa paligid, habang si Jillia nama’y palinga-linga habang nakakapit nang mahigpit sa braso ng kaibigan. Pagsapit nila sa isang kanto’y nakarinig sila ng mga palakpakan na mistulang isang hudyat at maya-maya pa’y limang kalalakihan ang naglabasan; tila ba sila talaga ang pakay ng mga ito. At sa mga titig pa lamang ng mga ito sa magkaibigan na animo’y mga gutom na gutom na lobo’y hindi mo iisiping naroon lamang sila upang magpakilala. Bahagya namang napaatras si Jillia at lalo pang humigpit ang kapit nito sa braso ni Rei. Sa mga sandaling iyon, ramdam na ramdam na ni Jillia ang matinding panganib.

‘Oh no!... Sis… What do we do now?!...’ Ani Jillia na pilit nagtatago sa likuran ng kaibigan.

‘Calm down sis. Just stick with me and everything will be all right.’ Sa tonong punum-puno ng kumpiyansa.

‘Aba mga iha! He! He! He! He! Mukhang naliligaw ata kayong dalawa ah?! Baka gusto niyong ihatid na namin kayong dalawa sa mga bahay ninyo! Pero bago yon…’ bumunot ito ng patalim. ‘Kami muna ang ihahatid niyo sa ikapitong langit! Ha! Ha! Ha! Ha!’
‘At huwag niyo nang subukang magmatigas pa! Dahil balwarte namin ang lugar na ‘to! Pero ‘pag sinubukan niyo pang manlaban alam niyo na kung para sa’n ang mga laruang hawak namen!’ Anang ikalawang lalake na may hawak ring patalim.

‘Sinasabi ko na nga ba! Ang mga flawless beauty natin ang habol ng mga manyak na ‘to eh! Pero sa totoo lang, kung wala na talaga akong choice mas gusto ko pang makipag-date sa lampang Raffi na ‘yon kesa sa mga amoy imburnal na ‘to! Ano sa tingin mo sis?’

‘Are you nuts?! Nagawa mo pang kumerengkeng ngayong heto na ang mga rapists natin?’ Nangangatal na niyang sabi.

‘Relax! Hindi ba sabi ko kanina as long as I’m in command it’ll be a walk in a red carpet! Remember?’

‘Pero sis! wala tayo sa isang catwalk! And these perverts are certainly not here as our escorts! Can’t you be more serious?!’

‘Haayy… you just don’t get the picture, do you? Well, in any case, this is certainly the time to get REALLY serious!’

‘So, what’s the plan? Ms. know-it-all?!’

‘Hoy! Ano ba’ng pinag-uusapan ninyo diyan?! Nagde-debatehan ba kayo kung sino’ng mauuna sa inyo? Hindi problema ‘yan! Kaya na namin kayo ng sabay! Puli enerjays na kami kanina pa! He! He! He! He!’ Anang unang lalake. Nakitawa na rin ang mga kasama nito.

‘Umm… Mga pogi?... Puwede bang… mauna na ‘ko?...’ Sabay taas sa kanyang pencil cut na skirt. ‘Alam niyo kasi medyo mahiyain ‘tong kaibigan ko… gusto sana niya sa mas masukal na parting ‘yon para makapag-ready… alam niyo na… para mas romantic… Hmm! Hmm! Hmm!’ Ani Rei sa tonong mapanghalina.

‘Sis! What’re you doing?!’ Nagsisimula na itong maghisterya.

‘Gano’n ba! Kung gano’n eh di sasamahan ko na siya! Mahiyain din ako eh! He! He! He!’ Anang ikalawang lalake.
‘Ano ka ba naman coochie coochie sweet pie?... nahe-hurt naman ako… bakit? Napapangitan ka ba sa’kin?...’ Itinaas pa niyang lalo ang pencil cut skirt nito sa puntong halos mapunit na ito habang papalapit sa ikalawang lalaki. Pagkatapos ay binulungan si Jillia. ‘Pagbilang ko ng dalawa, tumakbo ka sa kaliwa!’

'S-sige... but wasn't that supposed to be 3?'

'Okay... 1... 2!'

Sa hudyat ni Rei’y agad tumakbo si Jillia sa kaliwa, habang ang ikalawang lalaki’y parang papel na humagis sa lakas ng sipa ni Rei. Sa sobrang lakas, umigkas pa ang lalaki pagtama nito sa sirang poste ng ilaw bago sumalampak sa lupa.

‘Anak ka nang! Anong ginawa mo?!’ Anang unang lalaki na tiim ang bagang sa galit.

‘Sorry! Na-hurt kasi ako sa pag-isnab niya sa ‘kin eh! Hi! Hi! Hi! Hi! So? Sino sa inyo’ng gustong sunod makatikim ng alindog ko?! Lumapit lang kayo! He! He!’

‘Matigas ka pa lang babae ka ha?! Mga pare gusto niya ng mas eksayting na aksiyon! Pa’no mga pare?! paunahan ha?!’

‘Oooohh!!! Gusto ko yan!’ Pumorma siya ng panglabang stance.
Buong kabangisan na dinaluhong siya ng unang lalaki. Ngunit bago pa niya madamba si Rei ay parang kidlat itong pumihit sa kanan sabay pihit uli sa kaliwa upang magpakawala ng isang spinning back fist. Sapol sa lalamunan ang buhong. Ang ikatlo at ikaapat na lalake ay naglabas na rin ng kani-kanilang mga patalim. Ang ikalima naman ay palakad-lakad at tila kumukuha lang ng tiyempo.

‘Damn you scumbags! Lumaban kayo ng parehas! Sis, be careful!’ Sigaw ni Jillia sa kaibigan habang takot na takot na nakatago sa likod ng isang puno.

Sumalisi ng saksak ang ikalimang lalaki mula sa likuran ni Rei. Si Rei naman, sa pamamagitan ng talas ng pakiramdam at mabilis na pagkilos, ay ginamit ang momentum ng kalaban upang makapag-execute ng isang counter attack. Pumaikot-ikot sa ere ang buhong bago bumagsak sa lupa na una ang mukha. Kasunod noo’y pinalibutan na ng natitirang mga lalake si Rei.

‘Heh! Tama na ang pagpapasikat mong babae ka! Ngayon tingnan natin kung makaporma ka pa pagkatapos ka naming lurayin! Pero bago ‘yon paliligayahin mo muna kame! At pagkatapos, yung chick naman na ‘yun ang isusunod namen! Ha! Ha! Ha! Ha!!!’

‘Hindi lang pala kayo mga sandamukal na DOMs, mga duwag din pala kayo! Oh well, ano pa nga bang magagawa ko?’

‘Yan! Ganyan nga! Sumuko ka na lang nang hindi ka na masaktan pa! Tsaka alam ko namang masisiyahan ka rin naman sa gagawin natin eh! He! He! He! He!!!’

‘O sige na nga! Suko na ko sa inyo! Gawin niyo na’ng gusto niyo sa ‘kin!’ Kasunod noo’y ibinaba na nito ang kanyang guard.

‘S-Sis?! You Didn't mean...’ Si Jillia na gulat na gulat at hindi makapaniwala sa ikinilos na iyon ni Rei.

‘At sa tingin mo bibilhin namin ang acting mo?! Ha! Ha! Ha! Ha! Maraming beses ko nang napanood ‘yan! Pag nalingat kame ay saka mo naman kame aatakihin?! Gano’n bang balak mo?! Ha?! Gaga!!! Ngayon, pagbabayaran mo’ng pagyari sa mga kasamahan ko! Luray ka ngayon!!!’ At buong bangis na sinugod si Rei.

‘Ha! Hindi ko na kailangan um-acting no?! At ang ibig kong sabihin, suko na ko sa kabobohan niyong dalawa! Kaya---‘

Sa huling saglit ay buong liksing pumailalang sa ere si Rei na parang ibon, nagpaikot-ikot, at hinataw ng isang pagkalakas-lakas na heel drop kick ang ikatlong lalake sa bumbunan. Sa lakas ng impact ay parang bola ng basketbol na tumalbog sa lupa ang mukha ng buhong.

‘Ngayon ka magsalita! Pwehh!!! Mas nakakairita pa ang kagat ng lamok diyan sa ginagawa ninyo!’

‘Mukhang may nakakalimutan ka ah?! He! He! He! He!’ Anang ikaapat na lalake na nakasalisi pala at nagawang bihagin si Jillia.

‘S-Sis… h-help me!!! This guy stinks!!!’

‘Isang maling kilos at hihiwalay sa katawan niya ang ulo ng kaibigan mo!’

‘Ikaw!!! Ang kapal ng mukha mong hawakan ng marumi mong kamay ang kaibigan ko?!!’ Nagngingitngit na bulalas ni Rei.’
‘Sige lang! Magngangawa ka diyan! Wala ka rin namang magagawa! He! He! He! Sige! Suntukin mo ko! Gamitin mo yang judo mo! Sige! Nang paglamayan na ‘tong kaibigan mo! He! He! He! He! He!!!’

‘Ngayon… galit na talaga ako… binigyan na kita ng pagkakataong tumakas, pero inubos mo lang ang pasensiya ko! Buweno dahil ito ang hanap mo… pagbibigyan kita! Kaya humanda ka!!!’

‘Oooooo!!! Takot akoooo!!! Niya-ha! Ha! Ha! Ha! Ha!!! Sige lang! Magmagaling ka at tapos ang babaeng---- Ahhhhh!!!!’ Biglang namilipit sa sakit ang ikaapat na lalake nang kagatin ni Jillia ang braso nito. Sa sobrang sakit ay nabitiwan nito si Jillia. Bagay na agad sinamantala ni Rei.

Sa puntong nakawala na si Jillia sa lalaki’y buong liksi niyang sinugod ang lalaki. ‘Etong sa’yo!!! Moryo Rasen!!!’

Tatlong sunod-sunod na sipa ang pinatama niya sa lalaki, at sa huling sipa ay tumilapon ito at sinuyod ang mga halaman sa kalyeng iyon bago tumama sa isang malaking puno.

‘Ha! Hardly a challenge! Pero alam mo, masuwerte ka dahil ikaw ang kauna-unahang tao na nakatikim ng technique kong ‘yon! Ano? Masarap ba? Hi! Hi! Hi! Hi!’

‘U-u-uu-gghhh… d-d-dimon-nyo… ka-haaaa…’ Sabay bagsak sa lupa ang ikaapat na lalake.

‘Wow!!! Fantastic!!! With a capital F!!! Say, totoo bang bago mong technique yon? Kailan mo pa ‘yon natutunan? Tell me! Tell me!’

‘Huwag mo nang alamin! It’ll take thousand years bago mo maintindihan!’

‘Suplada naman nito! Kahit papaano naman may naiintindihan din ako sa martial arts no?!’
‘Para sabihin ko sa’yo miss, hindi katulad ng mga nilalaro mo sa Tekken ang martial arts! It recquires a pure mind and soul to fully understand its essence and virtues! At hinding-hindi maiintindihan ng isip-batang katulad mo ang kahulugan no’n!’

‘Yeah! Whatever! Tsungit!’

‘Hayyy! Buti pa umalis na tayo dito! Masiyado na tayong naabala ng mga ungas na ‘to!’

‘Teka, Rei? Iiwanan na lang natin sila dito?! Baka magsumbong ang mga ‘to sa mga pulis! Tayo pa ang mabaliktad nito?!’

‘Sa tingin mo ba sa cute nating ‘to may maghihinala bang ginulpi natin ang mga rapists na ‘to? I don’t think so! So who cares kung magsumbong pa sila sa mga pulis?! Malas lang nila!’

‘On second thought…’

Bago umalis ay kinuwelyuhan pa ni Rei ang isa sa mga lalaking nangharang sa kanila. ‘Hoy! Tandaan ninyo ang mukhang ‘to ha?! Kapag nakita ko pa kayong nangha-harass dito, may paglalagyan kayo sa ‘ken! Naiintindihan ninyo?!’

‘O-opo! Opo! Opo!!!’ Waring takot na takot ang lalake.

‘Good! Now scram, you scumbags!!!’ Kasabay noo’y kaniya-kaniyang takbuhan na ang mga buhong.

‘Mukhang hindi na natin kailangan pang alalahanin kung magsumbong man sila sa mga pulis! And to think they understand proper English, sure they aren’t just some ordinary thugs!’ Natatawang sabi ni Jillia.

‘I wonder! O sige na! alis na rin tayo!’

‘Oookaaayyy!!!’






CHAPTER 3

The Languid Star



Ika 11 ng gabi, umaambon nang gabing iyon at napakalamig ng hanging amihan ngunit ang panahong ito ay hindi napigil si Warren na magpahangin sa balkonahe ng kanyang kuwarto. Ito kasi ang pinakapaborito niyang lugar sa kanyang magarbong kuwarto na pagpahingahan at pagpalipasan ng oras, kasama ng kanyang mga lumang tangram puzzles. Hindi niya hilig ang mga iyon, ngunit kapag nabubuo niya iyon ay naiibsan kahit paano ang kanyang pagkainip, at kung minsan, ang kanyang mga problema.

Ngunit ngayong gabi’y iba ang nangyayari pagka't hindi nakatulong sa kanya ang paglalaro ng tangrams. Kung noo’y saglit lamang niya nalulutas ang dalawang tangrams, ngayo’y hindi man lang niya magawang lutasin ang isa. Napapangiti na lamang siya.

‘Pati itong tangram dumagdag pa sa problema ko…’ Ang tanging nasambit niya.

Maya-maya pa’y bumukas ang pinto ng Libra room, ang ngalan ng kanyang kuwarto, at pumasok ang isang dalaga. Si Annie iyon, ang kanyang nakababatang kapatid.

‘Hey, brother? Still up, eh?’

‘Hindi kasi ako mapagkatulog. How ‘bout you? Hindi ka rin ba makatulog?’

‘Hindi rin nga eh. Kaya nag-workout muna ‘ko sandali sa Taurus room.’ Tinutukoy ni Annie ang kanilang gym. ‘Pero pabalik na ‘ko sa kuwarto ko. Then I decided to check on you kung gising ka pa. At nakita nga kitang pinaglalaruan nanaman yang mga puzzles mo. And for sure, knowing you, may problema ka nanaman…’ Matamlay nitong sabi.

‘You won’t believe me Annie… pero ang problema ko ay itong tangram mismo! Hindi ko siya ma-solve. Nakakatawa di ba?...’ Bagama't hindi maaaninag sa mukha nitong natatawa nga siya.

‘No… not even a bit. Hindi ang tangram ang problema. Na-solve mo na dati ang tangram na ‘yan. Ikaw ang problema kuya… dahil naging marupok ka na.’

‘Siguro nga…’

‘And yet, nagagawa mo pa ring ipagwalang-bahala ang lahat?! How can you be so frail?! It’s not like you at all!’

‘There’s no use dealing with things that’s in the past. Nangyari na ang lahat…’ Tugon niya sa halos hindi marinig na tinig.

‘Hinde!’ Bahagyang nagtaas siya ng boses. ‘At kung natapos man ‘yon, ‘yon ay dahil tumakbo ka sa problema! But you know what?! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang dahilan mo kuya! I’m just hoping that these things were just some kind of a bad dream! But now… huhhh… Back in States you used to be this guy… so vibrant, so energetic… a guy who always looks at the future. But now, all I see is a man rotting away his life! Masahol ka pa ngayon sa pulubi sa kalye! Bakit?! Bakit sa kabila ng lahat ng pinaghirapan mo, nauwi lang sa wala ang lahat! I thought nung nag-decide kang bumalik dito sa Pilipinas, itutuloy mo rito ang paglalaro mo! Pero bakit ganito?! Hindi na ikaw ang kuya ko na magaling! Hindi na ikaw ang kuya ko na ina-idolize ko! Ang kuya ko na inspirasiyon ko! And that explains kung bakit hindi mo na ma-solve pa ‘yang mga tangram puzzles mo! Dahil humina ka na!!!’

‘Wala kang naiintindihan. Mabuti pa lumabas ka na. matutulog na ‘ko.’ Halatang nagpipigil lang ito ng galit.

‘Paano ko maiintindihan? Kung lagi mo kong iniiwasan tuwing tatanungin kita?! I’m not stupid to not know something’s wrong! And I’m too fed up of this “stop and go” conversations! Bakit kailangan mo pang ilihim sa ‘kin ang lahat?!! Kuntento ka na lang ba na lagi tayong ganito mag-usap?! Sabihin mo?!’ Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Annie.

‘Bingi ka ba?! O tanga lang?! sinabi ko lumabas ka na!!!’ Sumabog na nang tuluyan si Warren.

Nabigla ng husto si Annie. Kailanma’y hindi pa siya binulyawan ng ganoon ng kapatid. Kahit si Warren mismo’y hindi rin makapaniwala sa kaniyang nagawa.

‘Fine… Ano pa nga bang magagawa ko? But I’ll tell you one thing; I love you kuya. And it really hurts me to see you sad. But you’re the one who’s hurting yourself. And from what I’m seeing from you right now, you’re nothing but a sore loser… Sana makatulog ka ng mahimbing ngayong gabi…’ At iniwan na si Warren.

Hindi na umimik pa si Warren sa sinabing iyon ng kapatid. Ayaw na niyang humaba pa ang alitan nila, dahil masasaktan lamang niya ito, gayundin ang kanyang sarili. Aminado naman siya sa mali niya. Nguni’t hindi niya kayang ipaliwanag lahat sa kapatid kung maging siya’y nalilito rin sa mga nangyari.

Noon, inakala niya na ang buhay sa basketball court ay kasing simple lang ng pagdribol at pagbuslo. Sa oras na tumuntong siya roon, wala na siyang iisipin kundi ang maipanalo ang laro, at maligaya na siya sa ganoon. Sa Amerika, inukit niya ang kaniyang pangalan sa college basketball na NCAA nang maging MVP siya ng kanilang team sa dalawang magkasunod na taon kabig ang kampeonato sa ikalawa. Bago iyon, katakot-takot na pangmamaliit at pangungutya ang inabot niya sa mga kano sa isiping isa siyang Pilipino, nguni’t kailanma’y hindi siya natinag. At halos pasakan niya ng tapon ang mga bibig nila nang maipamalas na niya ang husay niya sa paglalaro. Nang maglaon, sari-saring mga alok mula sa mga bigating koponan sa NBA ang natanggap niya. Iyon na sana ang pagkakataong mag-aangat sa kaniya patungo sa pedestal ng kasikatan nguni’t sa huling sandali’y pinili niyang muling mag-aral sa Pilipinas at lalo pang hasain ang kaniyang paglalaro. Bagay na ikinasama ng loob ni Annie. Makailang ulit niyang kinumbinsi ang kapatid sa balakin niya na kalauna’y natanggap rin nito, at noon nga’y bumalik siya sa Pilipinas. Pumasok siya sa Ateneo de Manila University, na kasalukuyang kampeon ng mga panahong iyon, na punumpuno ng sigla at pag-asa. Wala sa hinagap niya ang impiyernong naghihintay sa kaniya.

Hinding-hindi niya malilimutan ang araw na iyon; nang matuklasan niya ang katampalasanang ginagawa ng kaniyang mga kasamahan sa basketball team. Nahuli niya ang mga ito sa aktong gumagamit ng ecstasy, isang stimulant drug. Doon niya napagtanto ang dahilan ng kakaibang gilas at lakas na ipinamamalas ng mga ito tuwing may laro ang kanilang koponan. Sa mga natuklasang iyon ni Warren, tila nasaid ng tuluyan ang lahat ng kaniyang sigla na magpatuloy pa sa paglalaro. Hindi na niya maatim pang maglaro kasama ng mga taong iyon na ang hangad lamang ay kasikatan at itinapon na ang dangal bilang sportsmen. Binalak na rin niya noong isuplong sa kanilang coach ang lahat ng kaniyang natuklasan, subali’t kung gagawin naman niya iyon, masususpinde ang kanilang team sa liga; mas malala pa, maaaring ma-disband ang kanilang team at maaapektuhan ang iba na walang kinalaman. Kaya’t minabuti niyang ilihim na lamang ang bagay na iyon sa kaniyang sarili.

Ngunit sa proseso, ang relasyon niya naman sa kaniyang kapatid ang ngayo’y labis na naaapektuhan dahil sa mga nangyari. Pakiramdam niya’y binigo niya ang kaniyang kapatid na labis pa namang sumosoporta at nagtitiwala sa kaniyang kakayahan. Ang kapatid niya na nagsisilbing inspirasyon niya sa paglalaro. Ngunit paano nga ba niya ipaliliwanag kay Annie ang lahat? Naiipit siya ngayon sa dalawang nag-uumpugang bato na doo’y walang puwang upang makawala.

‘You’re right Annie… I’m such a sore loser… I’m sorry…’

‘Kinaumagahan. Nagising si Warren ng malalakas na tahol ng kaniyang alagang asong si Raibu, isang golden retriever.

‘Oh! Good morning Raibu!’ Ang masigla niyang bati rito, habang hinahagod ang ulo ni Raibu.

Maya-maya’y tumunog ang intercom na nakakabit sa kisame malapit sa kaniyang kama. Ang mayordomo nila ang tumawag.

‘Good morning po Master Warren! Handa na po ang almusal niyo! Gusto niyo po bang ipahatid ko na lang sa maid diyan sa kuwarto niyo?’

‘Huwag na po! Paki dala na lang po sa Big Dipper ang almusal ko!’ Tinutukoy ni Warren ang isa sa kanilang tatlong malalaking hardin na katapat lamang ng kaniyang kuwarto.

Paglabas pa lamang ng kaniyang silid ay sinalubong agad siya ni Annie.

‘Annie… Good morning…’ Tipid niyang bati sa kapatid.

Hindi naman kumikibo si Annie. Nakatungo lamang ito.

‘Halikana. Handa na ang breakfast. Samahan mo ko. Sa Big Dipper nalang tayo kumain.’

‘I-I’m sorry kuya, for what I’ve said last night… I-I didn’t mean to…’ Nangingilid na ang mga luha ni Annie habang nakatungo pa rin.

Ngumiti lamang si Warren, at inalo ang ulo ng kapatid papunta sa kaniyang dibdib. ‘No Annie. Ako ang dapat mag-sorry sa’yo, dahil nabigo ko ang mga expectations mo sa ‘kin. And I don’t deserve to be your idol. I don’t deserve anything from you Annie. I’m sorry…’

Umiling-iling si Annie. ‘Hindi kuya! Ikaw pa rin ang nag-iisang idol ko! At hinding-hindi magbabago ‘yon! I know, I may not fully understand your reasons, but I still believe that you would tell me someday! I still believe in you kuya!’

‘Thank you Annie… thank you…’ At niyakap niya ng mahigpit ang kapatid.

‘Well! Well! What do we have here?’ Ang bati ng kanilang ina na si Colina nang datnan silang magkayakap. You two were so cute embracing like that!’ Anitong aliw na aliw sa magkapatid.

‘Ma! Yup! We’re such a cute pair! Right, brother?!’

‘Yeah, but I think you’re just cuter! Ha! Ha! Ha!’

‘Well, I can’t argue with that!’ Si Annie. At nagkatawanan na ang tatlo.

Habang nag-aalmusal sila ng kapatid sa hardin ay nagsimula ng paksa ng usapan si Annie.

‘Hey, hear me out brother; it’s about this Jillia you were so craving for. I learned from my varsity team mate na lumipat na siya sa school namin! Actually, magkaklase sila ngayon.’

Nahinto naman sa pagsubo ng pagkain si Warren. Gulat na gulat sa narinig na iyon galing sa kapatid.


‘K-kailan pa raw siya lumipat?’ Nauutal niyang tanong sa kapatid.

‘Since nag start ang school year. And you know what? She’s a big hit ngayon dun sa CEU! Bukambibig siya ng school nila, sa SELAMS! Pag break nga sa klase nila, sobrang daming guys daw ang nakaabang sa labas ng class room nila na nag-aabang sa paglabas niya! Biruin mo! Hindi pa siya artista ng lagay na ‘yun! What more kung artista na nga siya! I can’t blame them though. I must admit, she’s one heck of a knockout!’

Hindi naman umiimik si Warren. May bahid ng pagkalungkot sa kaniyang mukha.

‘Weeeeellll!!! For sure, may isa diyan na nangingitim sa inggit!’ Sabay sulyap kay Warren. ‘Yan ang napala mo kuya! Napaka-torpe mo kasi! Ayan tuloy! Nawala na ang crush mo nang wala ka man lang nagagawang hakbang! Kung niligawan mo lang sana siya nang mas maaga, di at least kahit wala na siya sa Ateneo, nadadalaw mo man lang sana siya! Haayy… you're a hopeless romantic!’ Mahinhin itong bumungisngis.

‘Give it a rest Annie!’ Sa tonong iritable.

‘Ewan ko ba sa’yo kuya?! Wala ka namang dapat ikahiya! Guwapo ka naman, just like Jillia for being beautiful and all! At bagay na bagay kayo! Totoo yun! Nakikini-kinita ko na nga kayong dalawa as a couple eh! Para kayong si Cloud Strife at Tifa Lockheart!’

‘You’re sick Annie! Tapusin mo na nga lang yang almusal mo para makaalis na tayo!’

‘Hi! Hi! Pikon! Pikon!’ Pang-aasar pa nito. Napapangiti na lang si Warren.

Matapos makapag-almusal, dumiretso na ang dalawa sa Gemini Room, ang ngalan ng kanilang garahe. May dalawampung sasakyan na naka-park sa Gemini Room. Dalawa sa mga ito ang motorsiklo. Ginamit nina Warren ang Plymouth Pt Spyder na iniregalo ng kaniyang ama sa kaniya noong nakaraang pasko. 2-seated iyon, na tamang-tama lang para sa kanilang dalawa ni Annie.

‘Alam mo, gusto ko sanang gamitin natin yung Night Rod mo kuya! Mag-bike na lang kaya tayo? Kahit ngayon lang! Please kuya?!’

‘Ba’t ba marunong ka pa sa magda-drive? Basta ito ang gagamitin natin! Tapos!’

‘Hmmph!!! If I know, you’re just upset about Jillia! Torpe ka kase!!! Belat!’
‘Sumakay ka o iiwanan kita dito?!’

Inihatid ni Warren si Annie sa CEU. Hindi gaanong kabigatan ang daloy ng trapiko kaya’t narating nila ang CEU sa loob lang ng isang oras.

‘Okay, bro! dito na lang! Take care!’ Pagkatapos, ay humalik sa pisngi ng kapatid.

‘Okay! Same to you! I’ll fetch you later at six. Maaga akong uuwi ngayon.’

‘Got it. And one more thing kuya; don’t think about it too much! Baka mabangga ka pa! Hi! Hi! Hi!’ At patakbong iniwan na ni Annie ang kapatid.

‘ Annie?! If I get you I’ll—!!! Huuuhhh! Kids!!!’ Nangingiti siyang iiling-iling.

Bago tuluyang umalis, tinanaw pa ni Warren ang CEU. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam na iyon habang nakatanaw siya mula sa labas ng north gate ng unibersidad. Pakiramdam na tila nagsasabing nakabigkis ang kaniyang tadhana sa lugar na ito. Na may mga mangyayari sa kaniyang buhay na may kinalaman sa CEU.

‘CEU… CEU…’ Ang tangi niyang nasambit.



Next po dito ang chapters 4, and 5. Konting tiis na lang po, at maia-update ko na ito... : g r i n : 
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
resemblance    •reply Jul 20, 2008 @ 11:14 AM
 
see how the seek bar shrinks as the page loads? i told you it's a very VERY LONG post!!! : r o l l : 
etina0511    •reply Jul 20, 2008 @ 11:20 AM
 
ka2lad din powh vah e2 nung crush 1-3??? kc powh tinatamad aqoe vasahin e2 hihihi ang haba ni2 ehehe
  etina0511    •reply    Jul-20-08@11:21AM
: a w a r d :  pers aqoe nd kasali c otor whehe
  resemblance    •reply    Jul-20-08@11:22AM
medyo : g r i n :  kaso marami akong binago at ibinawas sa mga "chappie" na to. okay lang kung medyo ala ka sa mood magbasa (kaya nga may warning sa itaas na mahaba nga di ba?) hindi naman ito ganon kahalaga; parang intro lang... : ( 
  etina0511    •reply    Jul-20-08@11:25AM
otie... peow pag nd aqoe masyadong bc va2sahin qoe sya
  resemblance    •reply    Jul-20-08@11:26AM
olrayt : s m i l e : 
yingying    •reply Jul 20, 2008 @ 9:03 PM
 
wahaha,,nauna pa ang 15 kesa sa 1-5,, kuya,binago mo rin pala ang chaptr titles??..


wow,,may cover dn ah,,bat butterfly..: e s e p : 
  resemblance    •reply    Jul-21-08@12:17AM
pag sinabi ko baka malaman mo na ang ending : l o l : 
  resemblance    •reply    Jul-21-08@12:30AM
di ba dapat alam mo nang nabago ang title kasi ganito rin yung isinend ko sa'yo dati? : ? 
  yingying    •reply    Jul-21-08@4:46AM
honga noh,, : l o l :  ngayon ko lang kc napansin eh, : l o l : 
  yingying    •reply    Jul-21-08@4:47AM
na.intriga tuloy ako sa butterfly..: e s e p :  : n a u g h t y : 
  resemblance    •reply    Jul-21-08@8:57AM
damhin mo kasi yung story; wala pang isang araw alam mo na ang sagot! : n a u g h t y : 
  yingying    •reply    Jul-21-08@3:43PM
eh,,nakalimutan ku na some parts : ? ,,,sa tagal ba naman mg.update.. : l o l :  : l o l :  pro ok lng,,basahin ku nlng ulet,, : c h e e r : 
  resemblance    •reply    Jul-22-08@12:09AM
sensya na! hehehe first project ko kasi to kaya im making sure na ibubuhos ko ang lahat ng creative juices ko rito
ceezzanesz    •reply Sep 9, 2008 @ 4:39 AM
 
cOnstant change ngaah..
nalate xa pur da perst taym! : l o l : 
  ceezzanesz    •reply    Sep-9-08@5:40AM
nerbyOsa c jillia!
aush sa Olrayt nemen c Rei! : r a z z : 

pilyang annie! : l o l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
i'm scared
older post:
HUMANAP KA NG PANGET! (Ika-22 Yugto)
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com