|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
WISH GRANTED! 2//7
|BOOK 2|CHAPTER 01| : http://www.tristancafe.com/forum/148766
|BOOK 2|CHAPTER 02| : http://www.tristancafe.com/forum/149444 |BOOK 2|CHAPTER 03| : http://www.tristancafe.com/forum/151227 |BOOK 2|CHAPTER 04| : http://www.tristancafe.com/forum/152249 |BOOK 2|CHAPTER 05| : http://www.tristancafe.com/forum/153160 |BOOK 2|CHAPTER 06| : http://www.tristancafe.com/forum/153476 Hayy..umaga na pala! Pagtingin ko sa cellphone ko, alas-otso na. kakatamad pang bumangon, nahihilo ako at medyo masakit ang ulo ko. ewan ko ba, hirap akong makatulog kagabi. Biruin mo, nasa kama na ako ng 12mn pero nakatulog ako 3am na! ‘matulog nga ulit ako!’ ![]() Nagising ulit ako 11am na. tsk ang bigat bigat talaga ng pakiramdam ko! tinignan ko cellphone ko may 5 missed calls si kylie tapos 2 missed calls si mikel. Anu kaya problema nila? Tinawagan ko, pero wala namang sumasagot. Lakas ng trip. bumangon na ako at kumain ng early lunch, pinaghugas ng plato, nagpakain sa mga aso, nagpunas ng lamesa, pinagwalis tapos syempre pagod kuno. Lumala ang sakit ng ulo ko. Nahiga ako sa sofa habang nanonoood ng tv. Mga isang oras pa lang akong nanonood, nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako sa tunog ng cellphone ko. 2 message received, si lester, nangungumusta. Tapos may 3 missed calls, then nagring ulit. Si kylie. “hello. bakit?” medyo pupungay-pungay kong tanong. “o bat ganyan boses mo? sis! Magbihis ka. Now na!” “bakit, hindi naman ako nakahubad ah.” “wag ka ngang pilosopo! Anung oras na oh! Alas singko na. anu bang pinaggagagawa mo? Kanina ka pa namin kinocontact.” “huh? Anu bang meron?” “Tara dalii! Foodtrip! 3rd year aniv. ng resto nila Russell! hindi na tayo magbabayad! Eat all you can.” ![]() “huh? Oh bakit pati ako napasali?” “anu ka ba! KJ! Sabi kaya ng mom niya kahapon. Di mo ba naalala?” tapos may narinig akong boses. “Ay oo pala wala ka nung sinabi. Punta daw tayong lahat na mga barkada niya. Wala ng tanong tanong, magbihis ka na o.. ang hinihintay na lang eh ikaw at si an-” napatigil siya. “ano basta sama ka na. daliii..naghihintay kami dito!” “ah eh..” sabi ko. parang alanganin na akong sumama. Una: masama ang pakiramdam ko, ang sakit ulo ko tapos sinisipon ako. pangalawa: kasama si andrea. Pero parang may naguudyok sakin na sumama ako. kasi honestly, nandun si Russell. ![]() “wag niyo na ngang pilitin yan, kung ayaw di wag.” May narinig akong boses. Lalake, pero dko maaninag kung kanino galing. Sino kaya yun? Wala naman akong sinabing ayoko! Tapos nagcoconclude na. eto na nga pipilitin ko nga sana eh kahit kasama yang andrea nay an. Bwiset! Wag na nga. Tutal, baka lumala pa sama ng pakiramdam ko. At unti-unti kong naalala na baka magmukha lang akong epal dun. Oo bestfriend ko si Russell…noon. ![]() Na-badtrip talaga ako dun. Alam kong mababaw pero kakagising ko lang kaya maiintindihan niyo naman siguro ako. tapos ang sama sama pa ng pakiramdam ko as in! “Wala naman ako sinabi kaninang ayoko ah! Nagdadalawang isip lang po ako kasi honestly masama talaga ang pakiramdam ko, sinisipon, kaya umiba boses ko, tapos ang sakit din ng ulo at lalamunan ko. hindi naman sa KJ ako kasi di ko naman gustong magkaganito. pasenxa na. Ingat kayo.” “hayyy…ok..anu ba yan! sayang naman. Get well soon! Take care!” pagkasabi niya, binaba ko na yung cellphone. Babalik na sana ako sa tulog ng biglang pumasok si kuya rui. “jus, check mo yang mailbox, may mail yata. Diko na kinuha, pangalan mo nandun eh. dko naman napansin kung sino ang naghulog.” Sabi ni kuya Rui. um-oo lang ako at natulog na. masyado ng masama ang pakiramdam ko. di ko na kaya. ![]() Namulat na lang ako sa isang lugar na madilim at tahimik. Alas onse ng gabi, at tanging aninag lang ng buwan ang aking natatanaw. Tila ang pagtulo ng tubig mula sa gripo ang tanging nagbibigay musika sa malungkot at madilim na lugar. May nakita ako, isang kutsilyo at isang blade na nakapatong sa lamesa. Dinampot ko iyon pero unti unti kong namalayan na dumulas ito saaking mga kamay. May hapdi akong naramdaman, nakita ko na lamang na nagdurugo na ang aking mga palad. Kasabay ng pagtulo ng aking dugo ay ang pag-agos ng aking mga luha. Pilit kong kinukuha ulit ngunit palayo pa rin ng palayo papunta sa animo’y anino na hinahabol nila. ‘sino ka!?’ sigaw ko. pero hindi siya sumagot. May mga nakita akong tulo ng dugo sa sahig na dinaanan niya. Nakita ko na lang na hindi pala nila siya hinahabol, siya pala mismo ang humihila sa mga ito gamit ang tali at nakita ko na lang na sinusugatan niya ang kanyang sarili. Hinahabol ko na ang aking hininga sa sobrang pagod pero lumalayo talaga. Natigilan ako ng may narinig akong sigaw ng isang lalake, sa tono niya, siya’y sinasaktan. Hinanap ko pero hindi ko makita kung nasaan. May mga narinig akong mga palo at pagbagsak ng mga paa kasabay ng kanyang hiyaw at hirap. Nararamdaman ko na lang na malapit na ako sa kinaroroonan niya. Sumandal ako sa pader. Ito na lamang ang tangi naming pagitan. Sino siya?! Hiyaw ng isip ko ng biglang… “xyrus!!!” Hingal hingal akong nagising. Panaginip lang pala iyon! Nararamdaman ko ang mga butil ng pawis mula sa aking noo at buong katawan at nanginginig ako. “anak! Naku anak buti nagising ka na! dadalhin ka na naming sa ospital! Kanina ka pa kinukumbulsyon! pa, paki handa na ang sasakyan!” sabi ng nanay ko habang pinapainom ako ng tubig at pinupunasan ng bimpo. Ang tanging nasa isip ko ay yung panaginip. Ano kayang ibig sabihin nun? Sino yun? Hindi ko gaanong maimulat ang aking mga mata pero alam kong nasa ibang lugar na ako. nasa ospital na ako at may nakakabit ng dextrose saakin. Bigla ko ulit naalala yung panaginip ko. sino kaya yun? May parang kidlat na tumama sa isip ko. Omg Russell! baka yung suicidal attempt niya! Kahit na hilong-hilo pa ako, inabot ko yung cellphone ko na nasa table. Buti na lang mag isa ko sa private room,wala si mama, siguro may inasikasong bill sa registrar. 9:00 pm na! Tinawagan ko si kylie, pero napaisip ako, pano naman mangyayari yun eh may affair sa kanila? Eehhh…Kahit na! alam kong panaginip lang ito, pero better safe than sorry! Kesa naman in the end magsisi ako. nakadalawang trial na ako pero walang sumasagot, anu ba! Third trial na to..sagot na please… yes may sumagot! Pero maingay. “hello? Justine?” sabi ng nasa kabilang linya. *may party-like sounds na background* “kylie! Teka ba’t parang nag-iba ang boses mo?” “ah..eh.. medyo nakainom ng wine. Bakit anong kelangan mo?” “wag mong hahayaan si Russell mag isa mamaya, baka magsuicide attempt siya! I know this sound weird pero napanaginipan ko!” “ow talaga?! How could you be so sure..? Omg you’re crazy!” ![]() “o sh*t! wag ka ngang ganyan! basta, I saw a sign!" ![]() "I better hope this is not a joke. kasi, hindi nakakatawa. ok then what time?" "I’m telling the truth! Better safe than sorry ok?! Please, I’m begging you! Around 11pm, kahit 12mn alis ka na pag walang ngyari sa kanya. I owe you bes!” “ok fine! you really owe me my precious time. Thanks!” tapos binaba niya yung phone. Bakit with thanks?! Ang she’s acting strange. Huh nevermind. Ang sama na talaga ng pakiramdam ko, I need to rest. narinig kong bumukas yung pinto, naku si mama, kelangan ko na talagang matulog, gudnyt! Umaga na. “okey ka nab a? unti unti ng bumababa lagnat mo. Kagabi umabot ka ng 40. ngayon buti 38.5 na lamang. Grabe kinabahan kami sayo! Ano pang nararamdaman mo?” “masakit po ang ulo ko, nahihilo. Mahapdi din po ang lalamunan ko. ah..nasan po sila pa at Jeremy? Anong oras na po?”medyo matamlay kong tanong. *cough* *cough* ![]() “naku inaasthma ka nanaman! Yan kasi, siguro dahil yan nung naambunan ka nung minsan. Ang tigas kasi ng ulo mo eh! Ayun, umuwi sila kagabi. Ah..Pasado alas-sais na ng umaga. Ilang minuto na lang nandyan na ang agahan.” Bigla kong naalala, oo nga pala, inabutan ako ng ambon (na medyo ulan) nung papauw ako matapos kong ihatid si lester sumakay, isang factor nay un. “ah..salamat po. Kakain na lang po ako pagdating.” *cough* teka, napaisip ako ah. Whaaat?! Oo nga nuh inaasthma nanaman ako! oh no! panu ung battle of the bands? Ah di bale two weeks pa yun, ang problema lang yung praktis, baka d muna ako makaattend.“sige. May kailangan ka pa?” “wala na po, paki abot na lang po ng cellphone ko. matulog ka na lang po muna, alam ko pong puyat ka.” Tinignan ko cellphone ko, 2 messaages at 2 missed calls galing kay lester, kagabi pa. Nangungumusta. At 1 message received mula kay kylie, nagtext na kakauwi lang nila at kakatapos lang ng party, pagtingin ko sa oras na isinend niya un, 10:03 pm. Grabe mukhang nagenjoy nga sila. Naiingit ata ako. eh teka nga..bakit siya umuwi?! kinabahan ako. baka hindi niya naintindihan yung instruction ko. I felt weird. namamasa ang mga palad ko at bumibilis ang tibok ng puso ko. 'sana walang ngyaring masama sa kanya.' ![]() Nanood-nood muna ako ng tv kahit lalong sumakit ulo ko pero hindi pa rin maalis sa isip ko si Russell. Maya-maya eh nandiyan na ang pagkain, inalalayan ako ng nurse at kumain na ako. dahil sa sama ng pakiramdam ko, natulog na lang ulit ako ilang minuto matapos kumain. Paggising ko bumulaga saakin si kylie. “huy kainis ka! kung d pa sinabi ni tita kung nasang ospital ka d kita mapupuntahan! Ano musta?” ![]() “haa? Eto medyo okey na. asan si mama?” “ano ka ba! Kaya nga nandito ako eh. Tinext niya ako! nakalimutan mo na bang may mga naghihintay na estudyante sa nanay mo aber? Sige ieexplain ko. Umalis siya kaninang alas nuebe. May klase siyang tutruan sa college.” “ok ok! Eto naman oh! Exagg. Para nagtanong lang eh. Anung oras na ba? kanina ka pa nandito?” “10:30 na. Medyo, past nine na nung dumating ako dito, at wala ka ng kasama. bale nagsubstitute ako sa nanay mo. Tanghali na. sus.. eto dinalhan kita ng fruits. Para naman magkaenergy ka na.” “salamat. Naku buti hindi ka na bore?” “naku, d naman masyado. May TV naman.” “teka, si Russell?” bigla kong naalala. “nagawa mo ba kagabi?” “ha? anong nagawa?” ![]() napaupo ako sa gulat. “hello?! Tumawag kaya ako, mga 9pm, at ikaw ang sumagot. Sabi ko bantayan mo galaw ni Russell dahil baka magattempt ulit siya magsuicide, kasi yun ang ipinapahiwatig ng panaginip ko.” “what!? hindi naman kita nakausap kagabi ah? This is strange! Naalala ko mga 9pm, wala ako sa table. Me and Mikel are getting cocktails and dancing. Basta yun ang naalala ko kasi tinanong ko pa nga yung oras nun eh!” Hiniram ko yung cellphone ni kylie at tinignan yung received calls niya, bakit wala yung name ko dun?! Kahit sa missed calls! “kylie, wag mo naman akong pagisipan ng pagiging sinungaling, I'm not insane. I’m telling the truth.” “Justine, baka dahil lang iyon sa sama ng pakiramdam mo kaya yun ang akala mo, na natawagan mo ako?” sabi ni kylie. "at buhay si russell, kasi kung dedz na siya, dapat nalaman ko na kay Mikel kanina pa." “no! I’m sure of it natawagan kita!” Hinalungkat ko yung phone ko at ipinakita ko yung dialed numbers. “see?! I dialed you thrice!” tapos tinignan ko yung last call duration. “’twas 1 minute 12 seconds. Convinced?.” “okey fine. I’m convinced.” Sabi niya “then the question: who the hell manipulated my phone and disguised as me?...” "..and russell's "savior"?" Yun na ang tumatak na katanungan sa isip namin. Nagstay pa ako ng tatlong araw sa ospital. At natyempuhan naman akong bantayan ni lester nung may isang time na wala si mama. Syempre para hindi na lumaki pa ang issue, baka usisain pa. At sa tatlong araw nay un, may isang beses na bumisita si Mikel and kylie with Russell. Napansin ko ngang may panyong nakabalot sa baba ng kanyang kamay. Nung naiwan kaming dalawa eh kumuha ako ng tyansa para tanungin siya. “Buti hindi ka natuluyan. Sinong pumigil sa’yo?” parang gulat siya sa tanong ko, ako nga rin, nagulat sa ginawa ko. hindi niya ito sinagot. May mali ba sa tanong ko? Meron, ang labas, masyado akong naging usisera sa buhay niya. tanga ko talaga! kasi tinanong ko pa! Ang importante, ligtas siya.Sunday na, nakauwi na ako. hay sa tatlong araw na pagkawala ko marami daw akong na-miss na happenings, sabi ni kylie nung pinuntahan niya ako sa bahay. Una yung sa party sa resto nila Russell. Pangalawa, yung invitational battle of the bands, kasali sila Russell, hindi ko napanood. Pangatlo, yung sleepover nila sa may resort after nung battle of the bands. Hindi lang tatlo yun…may pang-apat, which is the worst, nagkakamabutihan na daw sila Andrea at Russell. Di ko alam kung ano bang punto niya sa word na “nagkakamabutihan”, basta ang alam ko, masakit. gusto ko ng bumalik sa ospital, kasi may sakit ulit ako. sakit sa puso. ![]() ... eto na picture! ANDREA yung mga nahanap kong justine, kylie at ashley, unfortunately, hindi gumana yung links na sinave ko. sa 'di ko malamang dahilan! tama naman yung nilalagay ko pero pag kiniclick ko iba yung mga lumalabas. pasensya na. takte talaga excited na din sana ako. yung kay "andrea" lang gumagana!![]() enge po comments sa story at sa picture!
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
yung rates po pala. 1-10. penge din.
ay ang ikli din pala nito! wala pang 6 pages sa MS word! tapos yung chapter 8 ang haba..8 pages! ![]()
9/10
may pasaway nah nakisingit yan 2loy iva ang nag save kay fafa russel
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-21-08@8:05AM
ayus ah..una ka nga.. congrats!
heheheuu nga may pasaway.. at pasaway din itong net! ayaw gmana ng mga links ng piktyur nila kylie, ashley at JUSTINE! gaganda pa naman. ![]() anyway anu mssbi mo sa pic ni "andrea"? hehe..
awtss..
pkilamera c andrea! hmmp! sya ung epal n sumagot nung fone right? bkit nmn hnd gumana ung links asar nmn! ![]()
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-21-08@8:00AM
hihihi..secret..
![]() oo nga nkakainis tlga! ![]() ang kyut pa naman ng mga nakita kong pix nila justine, kylie at Ashley..bagay na bagay sa mga roles at character nila!
9/10 ulit..
NatUwa ako dun sa dream niya eh.. Ung pic naman, maganda c andrea..hehe.. ![]()
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-21-08@7:52AM
hehehe.ah thankks..
![]() yung kay andrea naman..oo maganda nga yung napili kong pic..binagay ko din sa role niya..hehehe...
ate post nyo po ulit pic ni justine pti ni kylie
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Aug-17-08@4:22AM
meron na po.. http://www.tristancafe.com/forum/154978 eto po link ng lahat po ng characters..
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70994)Arts & Entertainment (7634) Lifestyle & Culture (3327) Politics & Issues (2958) Poetry & Fiction (9382) Random Thoughts (10305) Forwarded Thingies (7395) FrendzCorner/ShoutOutz (21461) Games & Fun Questions (2364) Patawa Ka Talaga (2338) Tristancafe Musikahan (3861) Careers & Work Stuff (1537) School Matters (3263) Technology & Internet (4040) Classifieds & Advertisements (3613) Tristancafe Halo-Halo (1568) Barangay Tristan (1751) Site Announcements (44) n0bOdy, yuzhendeng, nikka_bunny, ronamarie, jhen_23, and 25 guests Random Love Quotes
|