|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Based on a true story
Heto na po ang second installment ng love story ng friend kong si Vincent. I hope magustuhan ninyo tcaf people.
moi, Lara aka Iversonkoh24 Part1 http://www.tristancafe.com/forum/153729 continuation... Pagkalabas ng boss ko sa stockroom,napakamot na lang ako. Naisip ko, gaano ba katagal akong tulala?Napagalitan tuloy ako! Makalabas na nga. Lumipas ang mga oras, di ko na namalayan na lunch time na pala. Ewan ko ba pero parang wala ako sa sarili.. Dahil ba kay Joy?Si joy!Oo nga pala,sasabay pala siya sa akin sa break. Sana maunahan ko sa canteen si Joy. Nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko sa desk. Di ko namalayan lumapit sa aking cubicle si Arsenio, kaibigan ko na tulad ko'y IS din sa mall. "Pare bakit parang nagmamadali ka?Para kang hinahabol sa itsura mo e.", kunot noong tanong nya. "Pre mali ka, may hinahabol ako.. Kailangang mauna ako sa kanya sa canteen..",sabi ko sa kanya habang nagmamadali akong lumabas sa department office namin. Lakad takbo ginawa ko papunta sa canteen. May kalayuan pa man din yun. Sana mauna ako kay Joy. Nakakahiya naman sa kanya. Humabol si Arsenio sa akin. "Sandali pare sabay na ako sa iyo, punta rin ako sa canteen.", humihingal nyang sabi. "Sige pero bilisan natin. Baka kasi mauna sya sa akin.", sagot ko naman. "Sino?Si Jessica?hehe..Di ka pa ba sinasagot nun?" "Hindi pa ako sinasagot ni Jess. Pero di siya yung pupuntahan ko sa canteen." "E sino?", takang tanong nya. Di ko na nasagot ang tanong nya dahil sa nagkahiwalay na kami sa pagsapit namin sa canteen ng mall.Ang daming tao.Hinanap ko si Joy. Tumingin ako sa aking pambisig na relo. Waaaah.. Sampung minuto na nakalipas. Ang bagal ko talaga. Kainis!Nasaan na kaya siya? "Hi Vincent!Buti naman andito ka na. Akala ko di ka na darating.", nakangiting bati ni Joy. Mabilis akong Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Tumambad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Joy. "Sorry Joy. Nauna ka pa sa akin. Nakakahiya..", nagkakamot kong sabi. "Hay naku, wala yun. Ako na nga nakikisabay sa iyo e. Meron na tayong mesang kakainan. It's a good thing na nauna ako at least may place na agad tayo. Tara na gutom na ako. Bili na tayo ng food." Pagkasabi niyon ni Joy, bigla nya akong hinila. Paglipas ng ilang minuto ng pakikipagsiksikan, nakaupo na kami. Napansin ko na wala pa kaming mga baso. Nagpaalam ako sa kanya para kumuha. Pagbalik ko sa mesa, isang basong tubig lang ang dala ko. "Joy paano nyan? Isa na lang natira e. Gamit na lahat yung nandun.", medyo alanganing turan ko. "Share na lang tayo dyan sa baso, wala ka naman sigurong sakit no? Di naman ako maselan e.", walang kyemeng sagot ni Joy. Habang kumakain, Si Joy ang unang bumasag sa katahimikan. Nagkwento sya tungkol sa dati nyang trabaho. Ako naman ay matamang nakikinig sa kanya. Feeling ko matagal na kaming magkakilala dahil ang gaan ng loob namin sa isa't isa. Napagisip isip ko na kahit maganda'y di maselan. Tapos na kaming kumain nung may lumapit sa amin. :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
anu ba yan.. bitin na bitin na bitin! part 3.. part 3... part 3.....
![]()
ang ganda ganda talaga ng kwentong to.. ka-abang abang.... pero nakakabitin...
![]()
part 3, part 3, part 3... ![]() ![]() ![]() hehehehe.. ganda nga ng post na to eh... lunes na po lord.. para may part 3 na ![]() ![]()
kelvin1984
•reply
Jul-18-08@12:16PM
flatter? like a silver flatter on the dining table? hahaha
pwede na ilagay sa pinoy pocketbooks itong istoryang ito.. galing yung writer.. lalim nung ibang mga tagalog..
kelvin1984
•reply
Jul-18-08@12:19PM
pwede... pero hindi pa naman natatapos.. dapat, tristanian muna ang makabasa.. bago ang mga adik sa pocketbook..
kelvin1984
•reply
Jul-18-08@12:24PM
tristanian ba si vincent? hehehe swerte na taong yun sa girlfriend niya for sure..
baket magaganda ang joy
![]()
kelvin1984
•reply
Jul-25-08@5:51AM
sablay... matingnan nga..
please read din po part 2 to 6.. support natin si author.
over here
![]()
Iversonkoh24
•reply
Jul-21-08@8:16AM
bwahahaha.. naku ha? syempre pinagiisipan kong
mabuti para mapaganda ang love story ni friend kow.. pARA maging appealing sa mga mambabasa.
kelvin1984
•reply
Jul-21-08@8:18AM
swerte ng frend na yan ah....
mga mambabasa, welga na.. part 3 na...
Iversonkoh24
•reply
Jul-21-08@8:21AM
hahaha.wala ka naman kasama now e..wahehehe..
one man welga ba yan?
sablaaaaaaaaaaay!
paaarrrrrrttttttttttt threeeeeeeee! hehehe :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70022)Arts & Entertainment (7530) Lifestyle & Culture (3268) Politics & Issues (2922) Poetry & Fiction (9266) Random Thoughts (10129) Forwarded Thingies (7333) FrendzCorner/ShoutOutz (21277) Games & Fun Questions (2342) Patawa Ka Talaga (2295) Tristancafe Musikahan (3759) Careers & Work Stuff (1506) School Matters (3222) Technology & Internet (3974) Classifieds & Advertisements (3551) Tristancafe Halo-Halo (1542) Barangay Tristan (1722) Site Announcements (42) moimoidamamangan, and 19 guests Random Love Quotes
|