tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light 15 Reprise
posted by (Jul 18, 2008 @ 2:30AM) views: 354
BEFORE YOU READ...:Gusto ko nga palang pasalamatan si Ying last time; iniligtas niya ang post ko for being totally flopped (Wahahahaha!!!) 15 of 18 na ito ng reprise chapters.

Here's the last post: Moon Chant - Chapter 14



CHAPTER 15

Lighthouse

Ala-una na nang madaling araw’y gising pa si Alfredo. Hindi niya ugaling magpuyat nguni’t hindi siya dalaw-dalawin ng antok. Kung makailang ulit siyang magpaiba-iba ng posisyon sa paghiga ay hindi rin umubra. Ang dahilan, hindi mawaglit sa isip niya ang mga ikinuwento ni Jillia nang huli silang mag-usap nitong nagdaang gabi; may hinuhang sumusuntok sa kaniyang isipan, waring nagsasabi na hindi lang nagkataon ang lahat, bagama’t malayo naman iyon sa posibilidad. Ang tingin pa nga niya, hinugot ng dalaga mula sa kaniyang bibig ang lahat ng bagay na hindi niya masabi “nakakatawa” aniya. Bukod pa sa isiping iyon, may isa pa siyang ikinababahala, ang mga kakatwa niyang panaginip ng kamukha ni Jillia. Ano nanaman kayang mga kababalaghan ang kaniyang mapapanaginipan, o kung ano nanaman ang mararanasan niyang kababalaghan? Sa mga ideyang iyon pa lang ay higit pa sa ingay para hindi siya makatulog.

Napabalikwas siya ng bangon, tawag ng kalikasan. Nagtungo siya sa banyo pagkatapos ay pumasok sa kusina upang uminom ng tubig. Nauhaw siya dahil maalinsangan ng gabing iyon. Nagtungo siya sa sala upang duon umupo sandali habang inuubos ang isang baso niyang tubig. Wala sa isip na bigla siyang napalingon sa portrait ng kaniyang yumaong lolo na kapangalan din niya. Napatayo siya at pinagmasdan itong mabuti. “Talaga palang magkamukha kami ni lolo… para lang akong nananalamin… Kaya hindi nakapagtatakang isinunod sa pangalan niya ang pangalan ko nina itay…” mahina niyang sabi.

Bigla’y may ideyang sumagi mula sa gilid ng kaniyang isip; “Alam ko na! Ha! Ha! Ha! Ha! Kaya pala nananaginip ako ng kamukha ni Jillia ay dahil do’n! Kakatingin ko dito sa portrait ni lolo naghalo-halo na sa memorya ko kaya minsan parang si Jillia ang napapanaginipan ko! Tama! Siyempre, walang ibig sabihin ang mga panaginip kong ‘yon!”

Dahil sa nabuong ideyang iyo’y waring nabunutan ng tinik si Alfredo. Nasagot na ang kaniyang mga tanong at hindi naman pala ganoon kakumplikado ang lahat gaya ng iniisip niya noon. Unti-unti namingat na ang kaniyang mga mata at napapahikab na rin siya kaya matapos uminom ng tubig agad siyang bumalik sa kaniyang kuwarto at panatag siyang nahiga para matulog na at wala pang minuto siyang nahihiga’y nakatulog na ito agad.

Mga ilang oras ang lumipas biglang napabalikwas ng bangon si Alfredo nang makaramdam siya ng panlalamig. At muli, sa di inaasahang sandali, natagpuan niya nanaman ang sariling natutulog sa isang ilang na lugar na waring isang malaking hardin.

“T-teka?! N-nasaan ako?!” Natataranta siyang luminga-linga sa paligid. “Nananaginip nanaman ba ‘ko?! Pero… Hindi maaari!!!”

Sa pagkataranta, tumakbo siya bagama’t di tiyak sa patutunguhan. Malawak ang lugar na malaparaiso sa ganda dahil sa magarang pagkakaayos ng hardin. Sa di kalayuan ay isang nagpipitagang mansiyon na bukod tangi sa disenyo at laki. Natanaw niya ang tarangkahan pagtalikod niya. Maaaring daan iyon palabas sa isip-isip niya kaya wala siyang inaksayang sandali at patakbong tinungo iyon. Nguni’t paghawak pa lamang niya sa tarangkahan ay waring isang mahiwagang puwersa ang nagtulak sa kaniya pabalik, at bigla’y nanakit ang kaniyang ulo.

“Aghhh!!! N-naulit nanaman gaya noong nasa music hall ako… Mukhang hindi pa ako makakaalis… P-pero bakit?! Ano ba ‘tong nangyayari sa ‘kin?! Ang akala ko naiintindihan ko na ang lahat pero ngayon nauulit nanaman na para bang hindi lang pagkakataon ang lahat…”

Hindi pa man nakakaraos mula sa pangyayari ay pinukaw nanaman siya ng isang tinig mula sa di kalayuan.

“M-may tao sa lugar na ‘to?! Pero teka pamilyar ang boses niya?! Parang kaboses ni-“

Nagmamadaling tinungo ni Alfredo ang pinanggagalingan ng tinig. May kaba sa kaniyang dibdib ngunit kailangan niyang makatiyak. Di nagtagal, natunton niya ang may-ari ng tinig na iyon sa kabilang panig ng mala-palasyong bahay. Nadatnan niya ang isang babae na waring umaawit. Saglit napako si Alfredo sa pagkakatayo. Parang may hinuha na siya sa hitsura ng babaeng umaawit. Saglit pa’y biglang tumigil sa pag-awit ang misteryosong babae, bahagya namang napaatras si Alfredo. Dahan-dahan itong humarap sa kaniya.

“I-ikaw?!...” Ang tanging nasambit niya.

“Alfredo… kaytagal na hindi ba? Noong huli tayong magkita ng ganito?” Kaswal na tugon ng mahiwagang dalaga.

Hindi naman makatugon si Alfredo. Waring umurong ang kaniyang dila sa pinaghalong pagkamangha at pagtataka.

“Hindi na ako nagugulat… ganiyan ka naman noon pa; parati na’y tahimik at kimi sa pagsasalita… kung hindi mo naitatanong matagal kong kinasabikang makita ang ekspresyong iyan sa iyong mukha… mahal ko…”

“A-ako?...’ Parang mahuhulog ang lupang kinatatayuan niya sa narinig na iyon. ‘A-ang mahal mo?...’

“Hindi mo na ba ako natatandaan? Ako ito, si Febronia, ang mahal mo… mukhang sa tagal ay tila nalimutan mo na… pero ako… ni minsan, hindi nawaglit sa puso ko ang iyong mukha… hinding-hindi…”

“I-ikaw? Si Febronia?!”

Inabot ni Febronia ang kaniyang kamay sa binata: “Hawakan mo ang kamay ko Alfredo… damhin mo ang aking puso… hindi mo ba ito naririnig?... Alfredo…”

Nguni’t bago pa man makagawa ng anuman si Alfredo’y muli, isang nakasisilaw na liwanag ang lumamon sa kaniyang kabuuan at kasunod noo’y ganap na kadiliman.

Kinaumagahan, hindi magkandatuto sa kaniyang gawain si Alfredo. habang naghuhugas ng pinggan ay tuluyan niyang nabitiwan ang basong sinasabunan niya.

“Hayaan mo na iyan anak. Ako na’ng magtutuloy niyan. Magmadali ka na’t baka mahuli ka pa sa klase mo.” Nangingiti lang ang kaniyang ina habang pinagmamasdan siya.

“S-sensya na nay… medyo namomroblema nga kasi ako sa mga gagawin sa iskul eh…” Pasakalye na lang niya. “Sige nay, maliligo na ‘ko.”

Sa eskuwelahan, pagkatapos ng dalawa nilang pang-umagang klase’y agad nagtungo si Alfredo sa library. Pagsapit doo’y agad naman siyang tumungo sa Filipiniana section. Lumapit siya sa librarian na naka-puwesto roon.

“Ahmmm… excuse me po ma’am? Puwede po bang makahiram sandali nang year book?”

“Puwede, although hindi mo ‘to mailalabas dito sa library hijo. These documents are of limited copies only kaya pinananatili namin ang preservation ng mga ito. Is that clear?”

“Maliwanag po ma’am. Meron lang po kasi akong gustong i-research, hindi rin po ‘ko magtatagal.”

“Okay, ano bang school year ang gusto mong basahin, and from what college?”

Saglit napaisip si Alfredo bago muling nagsalita: “Y-yung school year 1934-35 po ng SELAMS…”

“Gano’n ba? Mukhang may katagalan na ang school year na hinahanap mo hijo… to think na hindi pa na-i-establish noon ang School of ELAMS. Baka mahirapan tayong mahanap ang year book na hinahanap mo kung hindi mo matutukoy kung anong college iyon.”

“E-eh noon po ba, mayroon bang School of Music and Performing Arts dito sa CEU?”

“Yes. Actually, from what I’ve learned during my school year dito sa CEU, that was the year na sumikat nang husto ang school na iyon dahil sa isang estudyante na pagkaganda-ganda aside from being a prodigy in music, particularly sa pagtugtog ng piano. Sa sobrang kasikatan pa raw niya noon, halos dumoble ang enrollees sa course na ‘yon, para lang maging kaklase siya. I too must admit, her face was so godly! Exceptionally beautiful! Bading siguro ang hindi magkakagusto sa kaniya!”

“K-kung gano’n puwede ko po bang makita ang year book na ‘yon? Pakiusap po!” Halos sumampa na nga siya sa mesa nito sa pakikiusap.

“Alright, alright! Don’t be so frantic! Ha! Ha! Ha! Ha! Teka’t kukunin ko, at habang hinihintay mo ‘ko mag-sign in ka muna rito sa log book okay?”

Ilang sandali pa, nagbalik na ang librarian dala ang year book na hinahanap ni Alfredo.

“Heto na siya hijo. Nilagyan ko na rin ng book mark ang page niya para hindi ka na mahirapan!”

Pagkabuklat sa nasabing pahina manghang-mangha siya. Hindi siya maaaring magkamali, ang babaing iyon ay ang siya ring nakita niya sa nagdaan niyang panaginip.

“Febronia Romana Scientia (Skien-ti-uh)… even her name’s exceptional! A fitting name for such beauty, don’t you think? Come to think of it, may nakita akong estudyante rito na kamukha rin niya! From what I’ve heard isa siyang transferee from Ateneo de Manila. I don’t know her name though, but wow!!! She’s a real knockout sa SELAMS! If not, in the whole CEU campus! Bukambibig siya ng mga kalalakihan dito!”

“Si Jillia Corsega po siya...” Nakatitig lang sa iisang direksyon ang kaniyang mga mata habang nagsasalita. Seryoso ang kaniyang ekspresyon.

“I see you’re also having that craze for that little girl! I can’t blame you though! Kung naging lalaki rin ako baka magkatulad na rin tayo! Pero hanga ako’t nalaman mo pa ang tungkol dito kay Febronia, considering na more than 60 years na ang nakararaan! Pero kung iisipin, parang ang weird na magkamukhang-magkamukha silang dalawa na para ba silang nananalamin lang hindi ba? Sa tingin mo, Mr. Sandoval may koneksyon kaya siya kay Febronia?”

“U-umm… Ma’am, puwede ko bang kopyahin ‘tong adres ni Febronia?”

“O-oo naman… You sure are weird…” Pabulong nitong sabi.

“Pagkakopya sa adres ng bahay ni Febronia’y nagmamadaling nilisan ni Alfredo ang CEU; liliban na muna siya sa kaniyang klase at pupuntahan niya ang nasabing adres. Sa isang subdivision siya dinala ng adres na iyon. Tahimik at malamig sa subdivision na iyon at bibihira rin ang mga taong naglalakad. Natanaw niya ang guard na naka-puwesto malapit sa gate papasok ng subdivision at agad na pinuntahan ito.

“Maabala lang kayo sandali sir, alam niyo po ba kung saan ko makikita itong “The Polaris Mansion?”

“Ah, yan ba? Medyo malayu-layo pa ang lalakarin mo mula rito. Basta makita mo lang yung sign na puting kabayo yun na yon.”

“Gano’n po ba? Sige po, salamat sa direksyon!”

“Ah… paalala lang ‘toy… mag-ingat ka sa bahay na yun. May mga kababalaghan kasing nangyayari sa bahay na yun!”

“M-mga kababalaghan?!” Nanlalaki pa ang kaniyang mga matang inulit pa ang sinabi ng guard.

“May mga kuwento kasi sa lugar na ito na pinamamahayan daw ng mga ligaw na kaluluwa ang mansion na yun, kaya kung mapapansin mo, hindi gaanong matao ang subdivision na ito. Nangingilag kasi sila sa bahay na ‘yon.”

“Gano’n po ba?”

“Nasa sa iyo kung seseryosohin mo ang istorya ko iho o hindi. Paalala lang ang sa akin. Basta ingatan mo nalang ang sarili mo.”

“Sige po sir, tatandaan ko’ng lahat ng mga paalala niyo salamat po uli!”

Ang mga sinabi ng guard ay hindi ang siyang nagpapakaba sa kaniyang dibdib, kundi ang mga posibilidad na naglalaro sa kaniyang isipan. Ngunit sa puso niya, patuloy pa rin siyang nananalig na ang mga bagay-bagay ay nagkataon lamang… isang ilusyon… isang pantasya na dulot lamang ng malikot niyang isip.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Makapanindig balahibo ang awra ng paligid: tahimik ang lugar, animo “ghost town,” kakaunti ang mga bahay na tila mga abandonado pa, puro patay ang mga puno at ni isang taong naglalakad ay wala pa siyang nakakasalubong. Isang perpektong lugar para itampok sa mga kuwentong katatakutan. Sa kabila noo’y tila naglalakad lang sa parke si Alfredo na pasipol-sipol pa. Di alintana ang masalimuot na kalyeng nilalakaran. Hindi kasi siya nagpapaniwala sa mga kuwentong katatakutan o sa kahit ano pa mang entidad na walang pisikal na katauhan. Palibhasa’y may matatag na kapit sa maykapal, lagi lang niyang ipinapasa-Diyos ang lahat. Pero kung minsan may pagkakataong inaasam rin niyang makakita man lang kahit na isang multo dala na rin ng kuryosidad.

Matapos ang tatlumpung minutong paglalakad natanaw na rin niya ang road sign na may kabayong Pegasus. Nakasulat ang mga salitang “Welcome to The Polaris Mansion.” Ilang hakbang pa’y nasa harapan na siya ng gate ng sinasabing mansyon. Bahagya siyang nanibago pagkat natural sa tarangkahan ng isang malaking bahay na kahit may isa man lang na guard sa labas ngunit ano mang hagilap ng kaniyang mata’y wala siyang matanaw. Maging doorbell ay wala rin siyang makitang nakakabit sa gate. Napakunot-noo tuloy siya, iniisip kung paano niya ipapaalam na naroon siya kung walang kahit anuman roon na puwedeng tumawag ng pansin sa may-ari ng mansyon.

“Hey! Fancy seeing you here! What’s cracking?” Anang boses mula sa likuran ni Alfredo.

Napa-igtad pa si Alfredo sa pagkagulat at biglang pihit siya sa paglingon: “W-Warren? Ikaw pala… may hinahanap lang kasi ako eh kaso parang wala yatang tao ngayon dito.”

“Talaga?... But unfortunately you took the wrong gate friend! Limang blocks pa mula rito ang Polaris Mansion at bukod pa ‘yan sa road sign ng Pegasus na nakapaskil sa kalyeng ‘to.’ Bahagyang natatawa niyang pagpapaliwanag.

“G-gano’n ba? Mukhang kaso ito ng pagmamadali He! He! He!’

“That’s quite all right after all puwede naman tayong mag-short-cut na lang!’

“Short-cut?... Pero sa’n naman, sa malawak na kalyeng ‘to?’

“Eh di dito sa pader na tinitingnan mo! You just watch me; you’ll gonna love this!” Nilapitan ni Warren ang pader at inuwestra ang kanyang mukha sa tila maliit na parihabang butas roon.

“Retinal pattern confirmed… access was granted… welcome back Master Warren!” Bigla kung saa’y sabi ng isang boses ng babae.

“Uy! Hindi ko napansin yan diyan ah? May computer palang nakalagay diyan?” Para ba siyang paslit na manghang-mangha.

“Retinal Security System dude! Pinagawa ni daddy nung bilhin niya ang mansyon na ‘to. Pretty snazzy huh? It saves the effort of placing a guard on the gate and a comfortable short-cut too! Kahit anong gawin ng magnanakaw hindi siya makakapasok unless naka-register ang retinal patern niya sa main server. Pero ginagamit lang namin ‘to sa mga special occasions like when we’re on a hurry, baka kasi maabuso ang paggamit nito at masalisihan kami.”

“K-kung gano’n… dito ka nakatira?!”

“Surprised? Actually kanina pa nga kita natatanaw pagkarating ko rito eh. Kaso parang focus na focus ka sa gate na nakapag-park na ko’t lahat-lahat hindi mo parin ako napansin! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

“Gano’n ba?” Napapangiting kakamot-kamot pa siya ng ulo.

“Well, why don’t we go relax inside? We can talk there! Come!”

“O-okay… Sabi mo eh!”

Pumasok na sila mula sa gate. Naglakad ng mga ilang minuto at sumapit sila sa isa pang gate. Sa pagkakataong iyo’y may mga guard nang sumalubong sa kanila. Panay mga naka black suit.

“Welcome home po Master Warren! Bisita niyo po ba siya?” Anang isa sa mga guards.

“Oo. Alfredo ang pangalan niya. Maayos ba ang lahat dito?”

“Maayos po ang security dito Master, wala kayong dapat ipag-alala. Bueno sir Alfredo, pakisuyong sumunod kayo sa akin.”

“H-huh? Bakit?” Kunot noo siyang napaisip.

“For security purposes po sir. Pero huwag kayong mag-alala, madali lang naman po ito.”

Hindi na nakaimik pa si Alfredo at napilitan na lamang na sumunod sa guard. Kung anu-anong mga aparato ang pinasukan ni Alfredo sa pagsa-ilalim niya sa security check, pakiramdam niya tuloy nasa paliparan siya.

“Mabusisi naman masyado ang security dito sa inyo Warren! Baka nga kahit lamok hindi makapasok sa higpit ng security niyo dito!” Pabulong niyang sabi kay Warren.

“Sinabi mo pa! Sa totoo lang idea lahat ‘to ni daddy eh! Kami ngang magkapatid at si mommy na-o-OA-an na dito sa lintik na security system na ‘to kasi nga kung ano-anong machines ang dapat mong pasukan, kaya minsan parang ako pa ang napapahiya kapag nagdadala ako ng mga barkada dito sa mansyon, sobrang abala kasi! Ikaw na sana’ng bahalang magpasensya!”

“Kunsabagay, maigi na rin itong ginawa ng daddy mo na tinadtad na niya ng security devices itong bahay ninyo. Mahirap nang magbaka-sakali sa panahon ngayon, at kung hindi mo naitatanong talagang nagustuhan ko siya!”

“Good for you, but not for me! Well, huwag na nating intindihan pa yang mga ka-ek-ekan ni Daddy at tumuloy na tayo sa loob, tara!”

Sumapit ang dalawa sa Great Hall. Doon, may dalawang dalaga naman ang agad sumalubong sa kanila.

“Welcome home po Master Warren! Mukhang may bisita po kayo ngayon ah? May kailangan po ba kayo Master?” Malumanay na bati ng isa.

“Please… Cut the “Master Warren “and “Po” thing! Halos magkakaidad lang naman tayong tatlo ah! Tsaka nakakarindi na yang Master Warren na ‘yan! Idea lang naman ‘yan lahat-lahat ni Daddy eh! A simple Warren is better! Okay ba ‘yon Emerald?”

“P-pero Master hin-“

“Uh-ah! Remember what I told you! Simpleng Warren na lang okay? And that goes for you too, Ruby!”

“O-opo Mas – ang ibig ko palang sabihin W-Warren… whew!!!”

“Yan! Mas gusto ‘yan! Hindi naman kasi ako royalty para tawagin niyo pang Master! Kalokohan lang ‘yun! Huwag niyo nang pansinin!” Hinihimas pa nito ang ulo ng kambal.

“Ah, siya nga pala… W-Warren, may gusto ba kayong inumin o kainin ng bisita mo?” Usisa naman ni Emerald.

“Oo nga pala! Oh, Alfred, may gusto ka bang kainin? O inumin?”

“Ah, busog pa naman ako. Kahit simpleng inuming malamig na lang ayos na sa ‘kin.”

“Okay. Dalhan niyo na lang kami ng blueberry juice saka egg sandwich naman sa ‘kin. Medyo sumeserena na ‘tong tiyan ko eh.”

“Sige, mag-relax lang muna kayo diyan!” At magkasabay iniwan nina Emerald at Ruby ang dalawa.

“Wow! Warren, iba pala dito sa inyo! Pati mga maids dapat pang Bb. Pilipinas ang kalibre!” Gilalas nitong sabi.

“Hindi sila mga maid namin Alfred. Actually, mga scholars ni Daddy ang dalawang ‘yun. Galing sila sa Romblon at kinupkop sila pansamantala ni Daddy dahil wala silang matutuluyan dito sa Manila habang nag-aaral pa sila.”

“Kung gano’n, bakit sila naninilbihan dito sa inyo?”

“Ah, those two, hindi daw kasi sila sanay na walang ginagawa sa bahay na ‘to kaya kahit ayaw namin nagpumilit pa rin silang mag-astang maid muna dito. Bukod sa kanilang dalawa may mahigit 1,000 scholars pa siyang pinag-aaral dito sa Manila at may mga napagtapos na rin. In fact ang ilan sa mga subordinates ni Dad ay mga dati ring napagtapos niya! Galing di ba?”

“Oo nga! Mahusay ang daddy mo dahil marami siyang natutulungang tao at ngayon ay nakakatuwang na rin niya sa mga businesses ninyo.

“That’s my dad for you! Kahit minsan eh hindi namin masakyan ang mga trip niya, particularly dito sa bahay siya ang idol ko sa lahat! By the way Alfred, about the reason you came here, sabi mo kanina may hinahanap kang tao?”

“Oo, may hinahanap nga akong tao… Pero hindi ako sigurado kung makikita ko pa ba siya dito.”

“Anong ibig mong sabihin sa “hindi ka sigurado?”

“Ang totoo niyan isang former alumnus ng CEU ang hinahanap ko. Medyo may katagalan na ang batch nila, school year 1934-35 pa.”

“Whoa! Isang matanda pala ang hanap mo? But unfortunately wala ni isa sa mga parents ko ang alumnus ng CEU. Si Fabritzio naman hindi siya nakatapos ng College. So, I don’t think mahahanap mo nga rito yung sinasabi mong alumnus ng CEU. Ano ba’ng pangalan niyang taong hinahanap mo?”

“Febronia. Febronia Scientia. Yun ang pangalan niya.”

“Doesn’t ring a bell… Pero baka may alam si Fabritzio. Siya na kasi ang butler namin ever since tumira kami rito sa mansyon. Baka kilala niya ‘yang taong hinahanap mo!”

“K-kung gano’n, puwede ko ba siyang maka-usap? May gusto lang kasi akong linawin.”

“Walang problema! Ipapatawag ko siya kina Emerald.”

Mga ilang sandali pa, dumating na ang ipinatawag.

“May kailangan raw po kayo sa akin Master Warren?”

“Oo Fabritzio. Eto nga pala si Alfred, may gusto raw kasi siyang itanong sa inyo.”

“Ah. Kung gano’n Sir Alfredo, ano po ba ang gusto niyong itanong sa akin?”

“U-umm… m-meron po kasi akong hinahanap na tao, ang kaso mukhang hindi na siya dito nakatira. Itatanong ko lang po kung… bago lumipat dito sina Warren… meron po bang nakatira ditong Febronia Scientia ang pangalan?”

“Hmmm… pasensiya na Sir, pero wala akong natatandaang taong nagngangalang Febronia. Ang tanging alam ko lang bago nabili ng pamilya Seales ang mansyong ito ay nangibang bansa na ang pamilyang dating nakatira rito. Maaaring ang taong hinahanap mo’y kasama na rin nilang nangibang bansa. Pasensya na’t hindi ako gaanong nakatulong sa inyo Sir Alfred.”

“A-ayos lang po ‘yun… Nakakapanghinayang nga lang at hindi ko na pala siya makikita.” Bahagya siyang napabuntong hininga.

“Bakit ba p’re? Ano bang kailangan mo dun sa Febronia na yun?”

Bigla ang pagpiglas ni Alfredo. Hindi malaman kung paano ipapaliwanag sa kaharap ang dahilan.

“Ah… eh… Hindi naman gano’n ka-importante. Meron lang kasi akong niri-research yun lang…” Pagpapasakalye na lang niya.

“That’s it? I wonder...”

“O sige na Warren hindi na ko magtatagal. Ang totoo niyan nag-cutting class lang kasi ako eh. Mauuna na ‘ko baka makahabol pa ko sa klase namin.”

“Gano’n ba? Sige, sayang gusto ko pa namang magpaturo sa’yo ng pagmemekaniko pero next time na lang siguro!”
“Oo ba? Hamo dadalaw ako dito ‘pag may libreng oras ako!”

Inihatid ni Warren palabas si Alfredo. hindi na sila nagdaan sa lugar na dinaanan nila kanina papunta sa mansyon. Habang naglalakad, nahagip ng tingin ni Alfredo ang malaking hardin na may malaking fountain sa gitna.

“O Alfred? Ba’t ka napatigil?” Usisa naman ni Warren.

“Warren, ang ganda naman ng garden niyo! Buhay na buhay… ipinagawa rin ba ng Daddy mo ‘yan?”

“No. talagang nandiyan na ‘yan bago pa kami tumira rito. Yan ang Milky Way garden. Actually tatlo silang malalaking garden ng mansyong ‘to. Ang isa ang pangalan ay Big Dipper ang isa naman ay Little Dipper. Magaganda na kasi sila lahat kaya hindi na namin ipinagalaw.”

“Tama ka! Para siyang maliit na paraiso…” Napapasinghap pa si Alfredo habang pinagmamasdan ang napakagandang hardin.

“Kung gusto mo pasyalan natin sandali.”

“Sige! tutal mukhang male-late na rin naman ako. Tena!”

Inikot nila ang tatlong hardin at talagang hindi magkandatuto si Alfredo sa labis na paghanga sa kagila-gilalas na mga hardin nina Warren. At sa tatlong hardin, sa Big Dipper sila nagtagal sa pamamasyal.

“Kaiba talaga ang Big Dipper garden na ito! Maganda ang mga landscape arrangement. At ang lightings nakakabilib talaga! Nai-imagine ko na kung ano ang hitsura ng garden na ito kapag gabi na! Mas lalo pa sigurong maganda!” Hindi matigil sa pagpipitagan sa hardin si Alfredo.

“At alam mo ba, ang isa pang nakabibilib sa structure ng garden, ipinatern siya, mismo kung saan nakaposisyon ang mga bituin ng Ursa Major sa space, kaya kapag binuksan mo na ang mga lightings mini-mimic nito ang Big Dipper! Galing di ba?! Ganoon din sa Little Dipper, although may problema nga lang do’n…”

“Problema? Ano naman?”

“Well, not that we consider it a major problem, kaya lang medyo napa-puzzle ako sa structure ng Little Dipper; kahit ano kasing gawin namin hindi namin mapailaw ang Polaris fountain although yung ibang stars na pailaw ay umiilaw namang lahat. Gusto sana naming i-repair kaso baka magkamali kami at hindi na namin siya ma-preserve. Kaya ayun; nakatiwangwang lang siya ‘pag gabi. But I wonder, kung mapapailaw lang sana naming yung Polaris siguro mas maganda siya…”

“Tama ka. Napapaisip tuloy ako kung nagkamali lang ang engineer sa pag-disenyo nito… o kaya naman… may sikreto kung paano ‘yan mapapailaw. Sayang, ang Polaris pa naman ang pinaka-importanteng bituin ng Little Dipper…”

“Now that you mention it parang unusual nga na hindi namin siya mapailaw gayong umiilaw namang lahat ang mga lightings nito. Siguro nga tama ka na maaaring may sikretong paraan para mapailaw ang Polaris fountain!”

“Pero siyempre, teorya ko lang naman ‘yun; puwede ring nagkamali yung engineer sa paggawa nitong garden…” Biglang kabig sa kanyang naunang sabi si Alfredo.

“That’s true, pero paano kung may sikreto nga kung paano ‘yan mapapailaw? Hindi ka ba maku-curious? Isa pa, hindi ka ba nae-excite sa adventure ng pagtuklas sa isang sikretong bagay?”

“He! He! He! Sa totoo lang hindi ako mahilig diyan; medyo tamad kasi ako sa paghahanap eh!” May halong pagbibiro niyang sabi.

“Eh mukha namang hindi mo ‘ko sineseryoso eh! Well, at least may idea na ‘ko kung papa’no mapapailaw ang Polaris fountain! This calls for some intensive investigation siguradong nandito lang sa mansyon ang sagot!”

“Sana suwertehin ka at matuklasan mo nga ang sikreto; gusto ko rin kasing makita ‘yang umilaw…” Maya-maya’y napaigtad siya ng biglang may maalala: “Nakupo oo nga pala; o sige na Warren tutuloy na ‘ko sayang din kasi ang oras, baka may maabutan pa ‘ko sa klase namin.”

“Okay bro, salamat na rin at nadalaw ka rito, at kung may spare time ka puwede ka ulit pumasyal dito para matulungan mo kong ma-solve ang Polaris mystery!”

“P-puwede rin… O pa’no kaibigan hanggang sa uulitin!”

“Sige bro! sa uulitin!”

Lumabas ng mansyon si Alfredo na may halong saya at pagkadismaya -- dahil bigo siyang makatagpo ang kanyang pakay. Palabas na sana siya ng main gate nang mula sa likuran niya’y may naulingan siyang tumawag sa kanya. Agad niya iyong nilingon ngunit wala namang taong nakasunod sa kanya, maliban sa ilang guards na nakapuwesto roon. “Ang hangin lang siguro…” Pabulong niyang sabi, at tuluyang nilisan ang mansyon.



 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
magicBMD    •reply Jul 18, 2008 @ 7:08 AM
 
: b o o k : 
  resemblance    •reply    Jul-18-08@8:49AM
o ano na? natapos mo na ba? : g r i n : 
etina0511    •reply Jul 18, 2008 @ 10:22 AM
 
asan powh yung link n2???

ehehe nd qoe pah powh nava2sa yung umpisa ehehe
  resemblance    •reply    Jul-18-08@10:29AM
nakup mukhang first timer ka sa post na to... ang mai-o-offer ko lang seyo ay itong mga to

Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/153471

Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/152077

Chapter 12 & 11 - http://www.tristancafe.com/forum/151607

Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/145367

Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/145213

Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/145078


Pero ayos lang naman na hindi mo na mabasa yung 1 to 5 at 8 to 9 kumbaga ito na yung pinaka-importanteng mga chapters. sana magustuhan mo yang gawa ko : g r i n : 
  etina0511    •reply    Jul-18-08@11:27AM
geh powh va2sahin qoe nah ehehe tenk u powh sa mga links ehehe
paramore_kittie_31    •reply Jul 18, 2008 @ 9:26 PM
 
: g a l e n g : 
  resemblance    •reply    Jul-18-08@10:08PM
pasado na ba? : g r i n : 
paramore_kittie_31    •reply Jul 18, 2008 @ 11:20 PM
 
opo : g r i n : 
dEaThAnGeL_MaRa19    •reply Jul 19, 2008 @ 6:38 AM
 
naaalala ko tuloy ung KYLE XY. : s m i l e : 
  dEaThAnGeL_MaRa19    •reply    Jul-19-08@6:45AM
ay hnde pala..

Somewhere in time
at
moments of love

ang naiisip ko.hehe..nice.sna nasimulan ko to.
  resemblance    •reply    Jul-19-08@8:18AM
tingin mo? hindi ko naisip yan ah? : g r i n :  may links dito (sa comment ni etina0511) bakit di mo tingnan?
yingying    •reply Jul 19, 2008 @ 8:25 PM
 
yeyy,, : c h e e r :  ngaun ku lng to nakita,,


18 chapters nlng pla to kuya?
  resemblance    •reply    Jul-19-08@11:02PM
ehek! hindi; kumbaga 15th out of 18 na lang ito ng part 1 may mga susunod pang around 20 chapters; puwede mo ring sabihing malapit na ang book 2 : l o l : 
  yingying    •reply    Jul-19-08@11:26PM
: w o o h o o :  buk 2 na!! antagal ko ring nghintay,,kala ko di na to matatapos.. : (  : l o l : 
etina0511    •reply Jul 20, 2008 @ 10:07 AM
 
vka nsa scorpion (yung kwar2 nah nd nila pinapasukan) ata yun yung "susi" para mavuksan ang polaris fountain


: e s e p :  e2 vah yung dating crush yung titol?? kc parang karig2ng n2 kaya parang navasa qoe nah yung evah chappie whehe
  resemblance    •reply    Jul-20-08@10:17AM
eto nga yun : g r i n :  napangitan lang ako sa naunang title kaya ko binago...
  etina0511    •reply    Jul-20-08@10:48AM
ahh kaya ivig savihin n2 nivasa qoe nah yung pers chappie nya whejejeh kaya pala parang familliar yung mga characters ehehe
  resemblance    •reply    Jul-20-08@11:16AM
oo pero andami ko nang binago sa mga chap na yun ever since. may bago akong post ngayun ngayun lang plus yung ginawa kong cover ( : n a u g h t y :  ) pls bisitahin mo...
  etina0511    •reply    Jul-20-08@11:22AM
ehehe nah visit qoe nah ehehe ang haba nga
  resemblance    •reply    Jul-20-08@11:25AM
paghiwa-hiwalayin mo na lang 3 chaps kasi lahat yun kaya sobrang haba nag-isang bagsakan na kasi ako para makatipid sa oras
  etina0511    •reply    Jul-20-08@11:29AM
geh pag hihiwalay hiwalayin qoe cla pag nag compt nah ulit aqoe whehe matagal kc mag load yung pc namin ehehe
ceezzanesz    •reply Sep 9, 2008 @ 11:31 AM
 
aush! gus2 kOh ipgpa2lOisz ang pgbabasa!
maxadO akOh naiintriga! : l o l : 

kasO.. matxakit nah mata kOh!
mbbasag nah atah eyeglassesz kOh.. : r o l l : 

tnx OtOr.. ang ganda pOh tlg! : k i s s : 
kung ndi lngsz start ng skul
bukas.. ubOsz tOh! : l o l : 

cgeh pOh.. bukasz uletsz!
wak kah pOh sana mgsawa! : r a z z : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
another love story Epi. 1
older post:
Perfect Girlfriend (is the seat taken...)
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com