|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Medyas: A Love Story
First time ko mag-post dito.
Patry lang iapply ang mahiwagang imagination ko. Wag kayong mahiya mag-comment, positive and negative comments are accepted. Love Story po ito kahit ung title nakakaloko. "Hay nako! Anu ba naman tong jeep na nasakyan ko, palagi nalang nahinto. Bawat tao na lang na makitang nag-aantay ng jeep eh hinihintuan! Ba naman... late na ko! O ayan, hihinto nanaman. Susmeo, talaga nga naman oh!" wika ng isang binibini. At isang lalaking estudyante nga ang sumakay. "Anu ba yan ang sikip sikip na nga sige parin si Mamang drayber! Hay ewan kaasar na!" winika muli nito. Ako nga pala si Chloe, isa akong 4th year highschool na transferee. Kakapagtaka noh? 4th year na nagtransfer pa ako. Wala akong magagawa nag-abroad kasi ang nanay ko kaya dito ako sa tiyahin ko nakitira. Ang tatay ko? Ayun, nasa langit kasama ni Papa Jesus. Pasensya na nga pala kayo kung masungit ako, pero hindi talaga ako masungit ah! Uminit lang talaga ulo ko kay Mamang drayber, unang araw kasi ng klase ko at hindi ko pa alam ang pasikot sikot ng eskwelahan namin kaya kailangan ko pang hanapin ang room ko. Eh ayun nga, mukhang malalate tuloy ako. Ay! Andito na pala ako. "Para!" kasabay na pag-para rin ng isang lalaki. Ang dami rin pala ng estudyante nila dito. Hindi na dapat ako magtaka dahil mukhang maganda ang pasilidad ng eskwelahang ito. Habang naglalakad ako papasok ng gate, may isang boses ng lalaki akong narinig na nagsasabing... "Miss na nakaheadband na may butterfly! Hindi pareho medyas mo!" natatawang sinabi nito. Lumingon ako upang hanapin kung sino ang nakaheadband na may butterfly at bigla ko na lamang naalala na yun pala ang suot ko, kaya tinignan ko agad ang medyas ko para icheck. Nilingon ko sa likod kung sino ang tahasang nagsabi nun. Dalawang lalaki ang aking nakita, ang isa ay natawa at ang isa nama'y mahinahon lang ang pagmumukha. Walang duda! Ung natawa ang may pakana ng lahat. Kaya agad akong lumapit at sinabing "Boplaks ka ba?! Wala ba sa bundok ng ganitong medyas? Design yan! Duh?!" pagmamalaking sinabi ko. Hindi kalauna'y sumagot ang loko-lokong lalaki, "Wow! Bago yan ah! Meron pala niyan, ung isa Hello Kitty ung isa... Kerokeroppi! Pauso ka ah!" at tawa na naman siya ng malakas. Walang anu-ano'y sumabat ang lalaking kasama niya, "Tama na nga yan Joshua. Kauumpisa palang ng klase nambibiktima ka na agad. Nga pala miss, ikaw ung kasabay ko sa jeep kanina diba? First year ka? Ngayon lang kasi kita nakita dito eh." Aba, kala ko pa naman ipagtatanggol ako ng lalaking ito! Mang-aaway din pala, sabihan ba naman akong first year?!?! "Ah hindi, transferee ako. Fourth year na ako." sabay ngiti ako ng pilit. "Ano miss?! fourth year ka na pala? Ang ganda kasi ng medyas at headband mo eh! Hahaha!" sabat ng lalaking loko-loko na nagngangalang Joshua. Kinotongan ng lalaking kasama niya si Joshua at siya'y humingi ng paumanhin sa akin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, kaklase ko silang dalawa at sinamahan nila ako sa room. Doon ko nakilala ang unang crush ko sa eskwelahang iyon. Ano kaya ang pangalan ng lalaking nagtatanggol sakin sa loko-lokong iyon? Chapter 1 Ended ----------------------------------- ikli noh? sana may magbasa... tapos ko na ung Chapter 2 niyan, kaya kapag nakita ko namang may nagbabasa via comment... post ko agad.. ^__^ :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
khuletsz..
mz_damage09
•reply
Jul-17-08@7:08AM
actually .. meron poh kaming org na B.A.L.I.WBinangonan Association of Literary Inspried Writersz
stoo_pid
•reply
Jul-17-08@7:07PM
B.A.L.i.W. gandang abbreviation
mga tiga binangonan lang kasali diyan? cavite kasi ako.
mz_damage09
•reply
Jul-18-08@5:21AM
abah, at ngchiszwiszan na.. uO sis ee..mga tga binangonan ![]() cz anyD
ay sobra naman syang ikli ehehe ka2bitin 2loy hihihi
btw, new stowie pala 2 ehehe ang kyut bka nyan c Joshua ang maka2luyan nya vlang araw
1st day pa lang kumiriray na si Chloe..
![]() next na po.. ![]()
stoo_pid
•reply
Jul-17-08@7:07PM
update ko na po siya mamaya..
inaantay ko lang ung timer mag 0hour 0minute thanks for reading...
anyD
•reply
Jul-17-08@7:12PM
ay nako.. kakaloka nga ung timer na yan..
![]() dati hinihintay q rin yan.. sabi 0hour 1minute.. pacheck ko.. biglang 0 hour 59 minutes uli..
stoo_pid
•reply
Jul-17-08@7:18PM
ay susmeo d mrunong ung timer...
kbdtrip kaloka un kapag 1minute nlng tas nging 1hour.. sa reply ko na ipopost update niyan pag nging gnun
anyD
•reply
Jul-17-08@7:22PM
minsan nangyayari sakin un.. aun hintay na lang aq uli.. hintay mo na lang.. mas maganda kung sa bagong post mo ipost ung kasunod ng story..
aylabiit!
design dw unsz.. duh!? nxt chapter! asn nba ung link.. ![]()
nice nmn... kahit meh season 2 na... (nabasa ko ung ibang post mo) ^^
![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70995)Arts & Entertainment (7634) Lifestyle & Culture (3327) Politics & Issues (2958) Poetry & Fiction (9382) Random Thoughts (10305) Forwarded Thingies (7396) FrendzCorner/ShoutOutz (21461) Games & Fun Questions (2364) Patawa Ka Talaga (2338) Tristancafe Musikahan (3861) Careers & Work Stuff (1538) School Matters (3263) Technology & Internet (4040) Classifieds & Advertisements (3613) Tristancafe Halo-Halo (1568) Barangay Tristan (1751) Site Announcements (44) jennifer070787, _bhie, onlyurz03, mvic_tisay28, pissedoFF, joyce_q and 27 guests Random Love Quotes
|