|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
WISH GRANTED! 2//6
|BOOK 2|CHAPTER 01| : http://www.tristancafe.com/forum/148766
|BOOK 2|CHAPTER 02| : http://www.tristancafe.com/forum/149444 |BOOK 2|CHAPTER 03| : http://www.tristancafe.com/forum/151227 |BOOK 2|CHAPTER 04| : http://www.tristancafe.com/forum/152249 |BOOK 2|CHAPTER 05| : http://www.tristancafe.com/forum/153160 |BOOK 2|CHAPTER 06| : “alam kong straight at mabilis ako, pero nais ko talagang ligawan ka ulit.” Hindi ko alam ang isasagot ko. wala naman siyang tanong diba? “tara! Ayusin na natin mga gamit mo.” Tumayo na ako. Nung nasa room na niya kami, tahimik lang kami pareho habang inaayos yung mga damit niya. Naisip ko na ring magsalita manlang, baka isipin niya galit ako o ano. “alam mo, na-aappreciate ko talaga yung effort mong hanapin ako.” Ngumiti lang siya. “sana pati yung pagmamahal na binigay ko sayo dati na-appreciate mo.” “na-appreciate ko yun, gaya ng pagpapahalaga ko sa pagkakaibigan natin. Kung alam mo lang. pero masyado pa kasi akong bata nun para magboyfriend.” “ang edad, numero lang. sana yan ang ilagay mo sa isip mo.” “may tamang oras at panahon para sa mga bagay-bagay.” ![]() “walang tamang oras sa pagmamahal, nasa sa nararamdaman yun. Ano ba ang basehan mo sa tamang oras o panahon? Gaano ba katagal ang paghihintay sa tamang oras? Sabihin mo saakin para alam ko.” ![]() Napabuntong-hininga ako sa tanong niya. Malalim na at may namumuo nanamang tension. Bakit kaya ganito, lagi na lang opposite ang mga insights naming. “magsisimula nanaman ba ng away? Ayoko na ng ganito. Kakahupa lang ng apoy, sinisindihan mo nanaman!” ![]() “tinatanong ko lang naman!” “ganito na lang bang ganito?! Isang araw pa lang kitang kasama ah.” “Gusto ko lang malaman mo, minahal kita at minamahal ulit kita!” sabi niya sabay isang nakaw na halik sa labi ko. hindi ko na napigilan pa, nabigla ako eh. “sh*t! para saan yun?!” sinampal ko siya. “ouch! para saan? yung halik? Para sayo.” Ngingiti-ngiti niyang sabi. ![]() “manyak na nga pilosopo pa! labas na nga ako!” “uy sandali!” kinuha na niya ang bag niya at tatawa-tawang lumapit saakin. “manyak ba yun? Nirape ba kita?” ![]() “che! Ewan ko sayo, masyado kang aggressive!” “to naman oh ms sungit. Sorry na.” hindi ako nagsalita. wala ako sa mood. “oh magsalita ka nman! Kung gusto mo ibalik mo na lang para quits tayo! Hehe!” “ewan ko sayo! 6:30 na. mag-abang na nga lang tayo ng bus na sasakyan mo! Wala ako sa mood makipagbiruan!” “okey fine! Sungit talaga oh..” Sabi lang niya. Habang wala kaming kibuan, naalala ko si Russell bigla. Teka, bakit nung siya humalik saakin noon, hindi ako nagpakita ng negatibong reaksyon? O nagisip ng masama sa kanya? hayyst russell nanaman!! “ayan may bus na. bye! Ingat sa pag-uwi! Text text na lang..” “okey. Ingat din..” "I love you!" ![]() ~ Nung pauwi ako, inabutan ako ng ambon, kaya medyo basa na ako. tapos inutusan pa ako ng nanay kong bumili ng vetsin. Pagdating ko sa store & eatery saktong ang dami pa ring tao. Sana makita ko si Russell! Pagkabili ko ng vetsin, lumingon lingon ako. true enough, nakita ko si kylie at mikel. nandito din kaya si russell? “kylie! Mikel! Nandito pala kayo!” bati ko sa kanila. “o bat parang gulat na gulat kayo ah!” “uhmm.. nagulat kasi kami, akala namin mamaya ka pa uuwi. teka , si lester?” hmm mukang may tinatago tong dalawa ah. “wala, pumunta na ng baguio, pero babalik din daw.” “kayo naman oh, ayaw niyo sigurong makaistorbo ako sa date niyo. O siya sige, iuuwi ko na tong vetsin.” "ok, ingat sis! tama, uwi ka na baka hinahanap ka na ng mom mo." sabi ni kylie. "oo nga at madilim pa sa daan oh." sabi naman ni Mikel. Loko tong mga to ah, halatang may tinatago. ![]() Nasa labas na ako ng store ng biglang may nagtawag sakin. Paglingon ko, sila Alvin at Gab. Naalala pa pala ako nitong mga to. “o? musta? Naalala niyo pa pala ako.” “oo naman! San ka punta? Uwi ka na?” sabi ni Alvin. “eto pala si Ashley.” “hi! Ashley” binati ko siya, pero natatawa talaga ako, pinipigil ko lang! pero gaya sa panaginip ko, medyo suplada nga ang approach niya. “yup! Inutusan lang naman ako ni mama na bumili eh.” “uyy anu bay an! balik ka naman dito! kilala mo naman pala sila mikel eh kaya makisama ka na rin saamin.” Sabi ni gab. “o sige kung papayagan ako.” tapos ngumiti ako at tumungo na papunta sa bahay. Nung tumalikod ako, narinig ko si Ashley kay alvin. “sino nanaman bay un?! Pinopormahan mo?” “uy hindi ah, to talaga selosa! Labs mo talaga ako noh!” si Alvin. “che!” hihihi ang sweet naman. Pero parang natigilan ako nung naalala kong hinalikan ako ni Ashley. Medyo naasiwa ako na ewan. Parang tumaas balahibo ko. Nung una, parang ayaw ko ng bumalik. Pero sige na nga, tutal wala din naman magawa sa bahay. Medyo madilim ulit ang daan papunta dun. Iilan lang naman kasi ang gumaganang street lights. “hay, walang kwenta.” Pagdating ko dun, nakita naman nila ako agad. “hey Justine! Halika!” sigaw ni Alvin. Edi syempre lapit naman ako sa table nila, ok slang andun naman sila kylie ng biglang nakita ko si Russell. the initial reaction eh. “oh no! $h!t!” ![]() Sila kylie at eh bahagyang nagulat din sa pagdating ko. nagmukha tuloy akong epal dito. uwi na lang kaya ako. “oh buti bumalik ka! Halika na! kain oh!” sigaw ni gab. Kainis talaga. Gusto ko ng magteleport pauwi! Tsk! Dko din ba alam bakit ganito nararamdaman ko. Pinaupo nila ako dun katabi ni gab, kaharap si Russell at.. wait sino itong gurl na to? Na katabi si Russell?! mukhang familiar ah! kaya pala gulat sila kylie at mikel ng makita ako kanina, ayaw siguro nilang makita ko ito. ![]() natahimik silang lahat. Dko ba lam, kanina nga lang naririnig ko mula sa labas mga hiyawan nila at tawanan. “hi!” bati saakin nung babae. Maganda siya, seksi, at mas matangkad saakin ng kaunti, at siguro ka-batch nila Russell. “ako pala si andrea, I guess kilala mo naman na ako, taga dyan ako sa sta. ines. Ako yung rhythm guitarist nila. At FRIEND ako ni russell” Grabe ha, inemphasize pa niya yung word na “friend”. Andrea?! One of the mean girls! What is she doing here?! At marunong pala siya mag-gitara? Wanna play plastic. Ok fine. I’m in the game. Badtrip! Ganito na rin pala sila close para magtabi?! Hmm..masyado atang nilalanggam dito, ang lawak ng space, ang dikit niya sa kanya! ![]() “uhh..hi din! Diba ikaw yung kabarkada nila…” tanong ko kay andrea habang nakatingin kina Mikel at Justine. Hindi ko na naituloy kasi sumingit siya. “…nila Kathryn? If you’re thinking anything nega, kilalanin mo muna ako huh. Anyway, balita ko, vocalist ka na ng isang band…?” medyo pataray niyang tanong. Halos sabay-sabay silang nagulat. "ha justine, vocalist ka?" "ows? talaga?" "uy astig ah! d nga?" yun ang mga narinig kong reaksyon nila. Halata sa mga mukha nila ang gulat. Naku mukha ba akong walang potensyal?! "ah..eh..."hindi pa ako nakakasagot eh sumingit ulit si Andrea.“…and kaya pala familiar ka, I saw you last night pala, uh should I say midnight? I’m not sure what time eh. You’re chatting with a guy.” Habol pa niya. “is he your boyfriend? Uyyy…” sabi niya with a sarcastic smile. Nakita ko reactions nila kylie, medyo busangot sa kanya. super duper naman kasi, Obvious na siya! Pati sila alvin at gab, parang hindi ganun kaganda yung reaction nila kay andrea. Masyado siyang mabunganga at feeling close! tapos si russell, huhuhu..mukhang hinihintay niya ang sagot ko ah, kasi nakatitig lang siya. Huh! Ang dami naman nitong alam! chismosa! Pati ba yung pag-uusap naming ni lester kagabi sa basketball court?! oh my…wait! Di kaya siya yung naramdaman ko na may nakatingin saamin ni lester kagabi?! For what reason naman?! Para siraan ako?! Dko alam kung sinasabi niya lahat ng iyon on purpose! at minanmanan talaga ako ah! Nacorner na ko, dko alam isasagot ko lalo na’t andito rin si Russell. Biglang tumunog cellphone ko. pag-silip ko, si lester tumatawag. Chance ko na rin ito para umeskapo! “Gtg guys! Next time na lang.” tumayo ako at tumakbo palabas. Ayoko pa mang umalis eh kaso umepal at sinira na ako ni Andrea. Hay wala naman sigurong nakaalam kung sino yung tumatawag. ![]() ~~~~~ Author: samantala… sa loob. “grabe naman yun, takas agad. Ganun ba kaimportante yung call?!” tanong ni andrea sa kanila. "hindi siguro makasagot." lang sila. “diko din alam, nakita ko lang yung name ng tumatawag.” Sabi ni Gabriel.“sino?” mabilis pa sa kidlat na tanong ni Russell. “dko sure eh…dko nakita masyado pero its an L.. les.. Lester! Ayun!” “oh I see, baka yun din yung nakita kong kasama niya kagabi.” Si andrea. Umismid lang si kylie. “sige guys, uwi na ko, sumakit yung ulo ko bigla. Kainin niyo na lang yang mga natirang pagkain. Ipalista niyo na lang. don’t worry, as promised, Ako parin magbabayad.” Sabay walk-out ni Russell. Nagkatinginan lang sila kylie at mikel. Naiintindihan nila ito kaya hindi nila pinigilan. “wait Russell, okey ka lang? akala ko ba magshoshot tayo nila alvz mamaya?” habol naman ni Andrea. “don’t…uhh... please…kayo na lang muna ok? about the payment, sagot ko pa rin. pagod lang ako sa derechong praktis. I need some rest. ” dahil dun, hindi na rin nila itinuloy ang sanang pagiinuman nila. “marami pa namang next time andrea eh, baka biglang sumama lang talaga pakiramdam ni Russell, wag na nating pilitin.” Ani ni mikel. “oo nga. Okey lang naman yun. Saka kelangan niyo na ring magpahinga.” Sabi naman ni kylie with a fake smile. At halos nagsecond the motion din naman silang lahat. Naisip siguro nila, Oo nga naman, tutal, kelangan na din nilang magpahinga. Panira ka talaga Justine, bwisit ka! Epal! Panira ng plano! Hindi na tuloy natuloy yung inuman namin. Wala na yung Plan A. Pano ko kaya ipapaliwanag kay Master M ito?! grrr! ![]() ... isa ito sa maiikling chapters hehe. senxa. dont forget po na magcomment at mag rate po. 1-10. thanks.
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
ay maikli daw. mahaba pala. dinagdagan ko eh.
![]() nagbrown out kasi knina. dapat kanina pa to napost. (wala kami pasok )
Gusto ko basahin kaso... nahihilo na naman ako. Haba kasi eh...
![]()
idolkosisir2
•reply
Jul-15-08@7:44AM
nahihilo ako eh. lam mo naman may tsakit ako sa utak, ehehehe. May sayasd na sha.
idolkosisir2
•reply
Jul-15-08@7:45AM
babasahin ko pag maganda pakiramdam ko. pag ganitong mejo tumatagilid ang paligid .. delikado, heheh
nyayks.. nakahanap nko nh mga mukha ni justine, kylie, ashley, andrea.. sana naman di ako kasuhan ng mga orig na may ari ng photos. d ako nkapagpaalam eh. napulot ko lang kasi sa internet...
![]() saka hndi ko naman gnagamit sa masama dba? dba? kaso knakabahan ako. ilalagay ko pa ba o hnd na? REPLY ON THIS THREAD kung ilalagay ko na. yes or no pls vote.
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-20-08@3:19AM
SIXTEEN/SEVENTEEN lang si russell.
saka hnde ka na mukhang NINETEEN. mukha kang may anak na NINETEEN y/o.
chige lagay mu siz!
![]()
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-16-08@7:01AM
wokei. sa next chap.
nga pla, kaw ba yung nagsabi na name ng ex mo eh lester?
10!!!!!!!!!!!
selos 2 d max c russel
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-16-08@7:01AM
uu nga eh. torpe kasi.
hahayy andami niu ng nagyes ah.hehe
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-18-08@8:18AM
hihihihi.. aggresive ah..
cge bah..hahaha.. single at availabla pa nmn. hanapan ko na rin kaya ng piktyur yang c fafa russell.
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-18-08@10:38AM
hehe..syempre/... wat if magsuggest din kau mga readers..hehe bigay niu link sakin nung pic..hehehe
tas ako pipili..wahehe
idolkosisir2
•reply
Jul-19-08@8:40PM
yun pic ko sa ym ko - idolkosisir, nakatopless ako dun, pwamis, masdami ma-inlove xa character mo.
Bakit ba ayaw mo sa pic ko? Ha? Ha?
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-20-08@3:20AM
ayoko nga..baka maging R18 pa ito.
saka kase hnde ka mukhang 19, mukha kang may anak na 19 years old.
ATE
Lagay mu mga pictures....Please... At ung ratings 9/10. ![]()
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-16-08@7:00AM
ah..salamat sa rating..
woki. yung links ng pix ilalagay ko. uii d kya ako mkasuhan nun? illegal ba?
yes lagay mo na,,go!!
![]()
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-16-08@6:59AM
hihi..cge sa susunod na chap.
sna nde ako makasuhan..? ![]() asan pla rate mo ateh?
yingying
•reply
Jul-16-08@7:13PM
di ku pa nababasa eh,,pg.ngka tym aku rate ko to,,nasa chap5 pa ku..
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-18-08@8:17AM
haha maikli tlga? o sarcasm mo lng?
hihihi.. anyway thanks po...
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-20-08@3:21AM
ah..hehehe.. d bale sa susunod 7 pages ulet sa MS WORD. eto kasi 6 pages lang ata.
post mO ung pictUres..
Hehe..peDe b ulit mag-rate? 9/10 ![]()
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-18-08@8:16AM
hehe..opo pwede po mag rate.. every chapter hihingi po ako ng rating...
dpat pla noon ko pa inumpisahan ang rate rate na yan..hehe
ang mukah ko sali mo ha?
Di na ma papansinin neto pictyur ko. ako na nga nagboluntir eh. Yung iba nga hinahabol-habol pa mga pictyur ko (wafu ko daw - itakin - hehehe). Tsige na plisss. bigyan kita ng naka topless ako, ehehehe. ![]()
dEaThAnGeL_MaRa19
•reply
Jul-18-08@8:21AM
nakoww wak ka na! bka magkaroon na rin ako ng
WARNING: BOY-BOY/R-18 sa next chapter..nyahaha...
waaa... d na ko makasunod sa story. matagal na kong di nakapag OL. nakalimutan ko na nga din kung saan ako huminto.
idolkosisir2
•reply
Jul-19-08@8:27PM
koya lanzzzz! buhay ka???? Kala ko missing ka dun sa prinses of the... ano nga yung barko na yun?
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories jdom, kropek49, SUMASAM, wendi, treskhantos09, megumi_ai4me, _Trixie888, mitch2d2003, mydaime, GabrielleJoiece, kramwerdna, diewithme, _lituhin_, and 57 guests |