tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light 14 Reprise (Above & Beyond Version)
posted by (Jul 15, 2008 @ 2:14AM) views: 421
READ THIS FIRST: Welcome po ulit sa nalalabing Reprise Chapters ng kuwentong ito. This time ang latest update ko ng Moon Chant ang ipinost ko ngayon. I know marami na sa inyo ang nakabasa na ng iba't-ibang vesion ng chapter na 'to at ako ang may kasalanan; hindi kasi ako makuntento sa chapter na 'to kaya parati ko na lang siyang inuulit! : r a z z :  Pero this time siguro ito na ang masasabi kong pinaka-decent sa lahat ng version na nai-post ko na (probably. He! He!) Anyway i hope you would give this chapter a 2nd look. Maraming salamat po!



Paki-click na lang po yung name ko kung interesado kayong makita pa yung last posts. anyway pinaplano kong ipost lahat lahat ng mga nagawa ko na so far sa alternate profile ko yun nga lang hindi ko pa matiyak kung kelan basta malalaman niyo na lang sa mga succeeding months. (you heard right "months" ha! ha!)




CHAPTER 14

Moon Chant

Namangha si Alfredo ng tumanaw siya sa bintana ng Undergraduate Research room. Sa tagal ng oras na inilagi niya roo’y hindi na niya namalayang gumabi na’t halos wala nang natitira pang tao sa CEU. Kunsabagay, hindi naman na bago sa kaniya kung minsa’y nawawala siya sa takbo ng oras lalo na kung nawiwili siya sa kababasa ng libro, o kaya nama’y abala sa paggawa ng kaniyang mga takdang-aralin. Sinulyapan niya ang relo sa kaniyang pulso – alas seis y media na ng gabi. Napasulyap siya sa librarian na tila pinakikiramdaman siya kung kailan ba siya aalis roon, siya na lamang kasi ang estudyanteng naroon. Pagkuwa’y nagligpit na siya ng gamit at pumirma na sa log book. Humingi rin siya ng despensa sa librarian, iiling-iling pa nga itong natatawa sa kaniya.

‘Alam mo Mr. Sandoval, sa palagi mong pag-i-stay ng late dito sa U.R. Section nakilala kita tuloy ng hindi sinasadya! Halos gabi-gabi kasi kasabayan ka na naming umaalis dito, and to think na hanggang alas cinco lang ang office hours dito!’ Anang natatawang librarian.

‘Pasensiya na po kayo sa ‘kin kung gano’n. palagi pala akong nakakaabala sa inyo.’ Napapakamot na lang ng ulo si Alfredo.

‘Well, at least sa U.R. Section ka naman ginagabi at hindi sa disco bars katulad ng ginagawa ng karamihan ng estudyanteng kilala ko! And for that kahit magbigay kami ng exception sa’yo we don’t really mind that. Sana nga lang mas maraming katulad mo ang mas gugustuhing mag-stay na lang dito at mag-aral kaysa maglakwatsa, hindi ba?’

‘He! He! Salamat po ma’am. Sige po mauna na po ‘ko magandang gabi po!’ Paalam ni Alfredo.

‘Good evening din sa’yo Mr. Sandoval! And the next time na gabihin ka uli dito, puwede ka rin bang magtrabaho rito sa UR section ng part time? Don’t worry, may allowance ka? What do you say?’

‘Puwede po! Sabihan niyo lang ako!’

‘Nah! Just kidding! Sinusubok ko lang kung papayag ka! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Anyway ingat ka sa pag-uwi Mr. Sandoval!’

‘Sige po ma’am salamat!’

Bago tuluyang lumabas ng CEU, sumaglit pa muna si Alfredo sa CR. Pagkatapos ay itsi-nek kung mayroon pa ba siyang mga bagay na naiwan sa U.R. Section, at nang masigurong wala na’y tinungo na ang daan sa south gate. Lalabas na lamang sana siya ng bigla’y may naulingan siyang isang tinig na tila umaawit. Mahina lamang iyon ngunit sapat upang kaniyang marinig dahil tahimik na sa paligid.

‘May nag-eensayo pa ng choir sa ganitong oras? Hindi ba sarado na ang Music Hall?’ Sa isip-isip niya.

Dala ng kuryosidad, bumalik pa sa SDV building si Alfredo para tingnan kung may tao pa sa Music Hall. Ngunit patay na ang mga ilaw nang silipin niya ito mula sa labas. Napakunot-noo tuloy siya. Naririnig pa rin niya ang tinig na iyon, ng isang babae habang papalayo siya sa SDV building.

Sinundan na lamang niya ang pinanggagalingan ng tinig na iyon, hanggang sapitin niya ang landscaped garden sa CDL building. May babaeng nakaupo roon at siyang umaawit ng tila nakalulungkot na himig na iyon. Dahan-dahan niya itong nilapitan, at nang isang hakbang na lamang ang layo niya rito’y bigla itong tumigil sa pag-awit at lumingon sa kaniya. Sa kaniyang pagkamangha’y bahagya siyang napa-atras:

‘J-J-Jil-lia?...’ Nauutal na sambit ni Alfredo.

‘Alfred? Gabi na, bakit nandito ka pa?’ Baling na tanong naman ni Jillia.

‘Yan din sana ang gusto kong itanong sa ‘yo. Pero dahil t-tinatanong mo ‘ko, galing ako sa UR section. Medyo ginabi kasi ako sa paggawa ng assignment namin sa Taxation eh. Ikaw naman? Ang alam ko kanina pang alas quatro natapos ang huling klase ninyo, bakit nandito ka pa?’

‘Yeah! In fact maaga pa nga kaming nag-dismiss kanina. Um-attend ako ng practice naming mga member ng dramatic guild. May song number kasi kami sa program sa L.A. auditorium next week. Medyo ginabi na nga kami.’

‘Gano’n pala. Kaya pala naririnig kitang kamakanta kanina, nagbo-vocalize ka.’

‘Well… that’s not the idea… but why don’t you stay here with me for a while, so we can chat, if you’re not in a hurry?’ Magiliw niyang pag-aanyaya.

‘O-okey! Sige.’ Naupo si Alfredo sa tabi ng dalaga. ‘Errr… ano ba yung gusto mong pag-usapan natin?’

‘Hush… Maganda ang gabi ngayon, why don’t we relax a bit and enjoy the scene? Maaga pa naman…’

‘S-sige… sabi mo eh.’ At pinagkasiya na lamang ang sarili sa pagtingala sa maaliwalas na kalangitan. Ilang minuto rin silang hindi nag-iimikan. Paminsan-minsan ay sumasalisi ng sulyap si Alfredo kay Jillia. Payapa ito at hindi kakikitaan ng anumang pagkabagabag. Manaka-nakang napapangiti na animo’y nangangarap. Maya-maya pa’y nagsimula ng paksa si Jillia:

‘The moon is unusually bright tonight isn’t it?’

‘Tama ka. Maganda ang buwan ngayong gabi. Pakiramdam ko nga inaakit ako ng liwanag niyon. Hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko, puwede kong sabihin ang lahat ngayong gabi nang walang pag-aalinlangan.’

‘Really? How very bold of you!’ Ngingisi-ngising sabi ng dalaga.

‘He! He! Pero ang totoo wala naman akong espesyal na puwedeng sabihin! Napaka-boring kasi ng buhay ko!’ Pagbibiro naman ni Alfredo.

‘Kung gano’n, naging boring pala para sa’yo na nag-ice skating tayong dalawa, o kaya naman noong nag-tour tayo sa campus?’ May tonong nagtatampo ang tinuran niyang iyon.

‘Bueno, bago pa nangyari ang mga ‘yon! Kung tutuusin, kundi naman dahil sa’yo hindi naman ako makakapamasyal katulad noon! Wala kasi akong inatupag kundi magpakaburo sa bahay at ang eskuwela lang ang pinupuntahan araw-araw!’ Natatawa pa niyang pagpapaliwanag.

‘But at least nagkaroon na ng adventure ang buhay mo, ngayong nasa buhay mo na ‘ko? Di ba?’

‘Oo! At hindi lang adventure, pati kunsumisyon na rin!’ Ibig niyang ipahiwatig ang araw na nagkunwang nadulas at naaksidente si Jillia noong nag-a-ice skating ito. Tila nakuha naman agad ng dalaga ang ibig niyang sabihin at sabay silang nagkatawanan. Maya-maya ulit’y pumatlang ang katahimikan sa pagitan nila.

Muli si Jillia ang nagbukas ng paksa: ‘Alfred… Have you ever wondered why don’t we have a memory of our birth?’

‘Hindi naman gaanong kumplikado ‘yon. Natural, walang naaalala ang mga baby sa kapanganakan nila dahil mabagal pa ang development ng utak nila para makaalala ng mga detalye. Bakit mo naman naitanong?’

‘Wala naman, just plain stupidity. Pero sa tingin mo… kung nagagawa nga ng mga babies na maalala ang mga bagay na nangyari bago sila ipinanganak, I wonder what would they remember? What about you? Doesn’t it pique your curiosity a bit?’

‘Ang tanong, kung bago sila ipinanganak, meron nga bang mga bagay na nangyari sa kanila noon, maliban na lang sa katotohanang ipinanganak na nga sila? Kasi, wala naman silang bagay na puwedeng gawin o magagawa kung hindi pa sila nag-e-exist sa mundo. Puwera na lang kung iniisip mong… nabuhay na sila noon, at nang sila’y mamatay ay muli silang namuhay bilang mga ibang personalidad, sa ibang panahon. Gaya ba ng “reincarnation?”

‘Exactly! You catch up pretty fast, I like that! Na-i-in-love na tuloy ako sa’yo! Ha! Ha! Ha! Ha!’ Tinapik pa nito sa balikat ang binata.

‘Pero sakaling posible nga ‘yon, ano naman ang gusto mong malaman sa nakaraan mo?’ Seryoso namang tanong ni Alfredo.

‘Don’t bother; it’s nothing to be interested in… just forget about it… ’Agad niyang sabi nguni’t alangan ang kaniyang tinig.

‘Pero puwede mo namang sabihin sa ‘kin. Makikinig naman ako, kundi mo mamasamain? At saka yaman din lang na nag-open up ka ng topic, bakit hindi mo pa lubos-lubusin?’

‘W-well I guess I could… pero kasi… nahihiya ako eh…’ Animo siya’y papel na nalulukot na umiiwas ng tingin kay Alfredo.

Napailing na nangiti si Alfredo sa sinabing iyon ni Jillia: ‘Para namang niloloko mo ‘ko niyan eh! At ikaw pa ‘tong nahihiya sa ‘kin? Sa katulad ko ring mahiyain? Pero sige. Kung hindi ka handa na sabihin sa ‘kin, maiintindihan ko naman. Natural lang ‘yon dahil hindi pa naman tayo magkakilala ng matagal. Baka hindi pa palagay ang loob mo sa ‘kin.’

Umiling-iling si Jillia: ‘No Alfred. Hindi mo ‘ko naiintindihan. Hindi sa wala akong tiwala sa’yo. Actually, mas palagay pa nga akong mag-confess sa’yo kesa kay Rei eh. Dahil kung sa kaniya ako magku-kuwento sasabihin lang niyang “Sis? Nasosobrahan ka na ata ng paglalaro ng Final Fantasy?!” tapos tatawa pa ‘yon ng malakas at iiwanan na lang ako basta. It’s just that… nahihiya lang talaga ako…’

‘Naiintindihan ko na. O sige, ganito na lang, isipin mong wala ako sa tabi mo at magkuwento ka lang na para bang kausap mo lang ang sarili mo. Pangako, hindi ako magsasalita, ni mag-uumento habang nagkukuwento ka, maliban na lang kung kakailanganin kitang sagutin, okay?’ Pang-iingganyo pa niya sa dalaga.

‘O-okay.’ Makailang ulit muna siyang bumuntong hininga bago nagsalita: ‘Naaalala mo pa ba yung araw na nag-confess ako sa’yo na ginawa ko lang na dahilan na hindi ko alam ang papuntang SDV para makalapit sa’yo?’

‘Oo, pero hindi ba malinaw na sa ‘tin ang isyung ‘yon?’

‘Yeah. But… after that, nagsimula akong mag-wonder sa bagay na ‘yon. And the thought made sense somehow…’

‘At… ano’ng nalaman mo?’

‘I realized that kaya magaan ang loob ko sa’yo the moment na nagkita tayo noon for the first time dahil… may intimate connection na tayo noon sa dati nating buhay…’

‘Intimate…’ Gumuhit ang maliit na ngiti sa mga labi niya ng marinig ang sinabing iyon ng dalaga, bagama’t hindi niya ipinahalata. ‘O sige, magkuwento ka pa…’

‘O-okay. Then last night nagkaroon ako ng kakaibang panaginip; Nakita ko ang sarili kong nakakulong sa isang nasusunog na kuwarto. It’s so frightening; everything was so lucid, dama ko pa nga ang init ng apoy sa mukha ko. Escaping is the first thing on my mind, pero wala akong makitang pintong puwedeng labasan; not even a single opening… I called for help but it appeared no one’s around to hear my plea; sa pagkamangha ko, ni hindi ko na nga marinig pa ang boses ko kahit ilang beses na akong sumisigaw… hindi ko na malaman ang gagawin. Sa sobrang takot ko ng mga oras na ‘yon... napaiyak na lang ako. Naisip ko agad na maaaring mamatay ako kung hindi ako makakalabas, at takot akong mamatay, and to think that death is an inch before me, and yet I can’t do anything to stop it, it drew my fear even more. Hanggang unti-unti bumigay na ang katawan ko sa sobrang init sa loob, napahiga na lang ako sa sahig… at that time hindi ko maubos maisip na, mamamatay na rin lang ako’y mahihirapan pa ‘ko ng ganito; sa isang punti-unti at masakit na kamatayan… napaiyak ako ng todo, habang iniisip ko ang mga taong maiiwan ko; hindi ko alam kung anong mundo ang naghihintay sa ‘kin sakaling iyon na ang maging katapusan ko… I may not be able to see them again, habang ako, mag-isa na lang sa isang madilim na espasyo; walang kahit ano kundi kadiliman… and I’m not used to being alone… I’m afraid to be alone… hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagbigat ng mga mata ko… Sa isip-isip ko, mabuti na rin sigurong wala akong malay habang namamatay ako, nang sa gano’n, hindi na ako makakaramdam ng sakit. Pero sa kabila ng lahat ng ‘yon, umaasa pa rin akong may isang darating para iligtas ako. Then… just as I was about to close my eyes, something happened. Biglang-bigla, may kung anong liwanag na lumitaw. Maliit lang siya sa umpisa, pero unti-unti lumaki siya, and eventually, it formed a figure of a man with a wing __ An angel, perhaps. Siguro dumating siya para sunduin ako. Isn’t that a graceful way of death? Pero bago ako mawalan ng malay noon, nasulyapan ko ng bahagya ang hitsura niya; he only has one wing, and a little ragged, with his whole body embroidered with large scars. Unfortunately, I wasn’t able to see his face clearly. I thought he looked awfully strange for an angel, I pulled a smirk; it would seem he also had some share of bad luck like me, to come this far from heaven just to fetch me up. He even looked much worse. Naisip ko pa nga, paano pa ba niya ako madadala nito sa langit, sa lagay niya ngayon eh mas kailangan pa niya ata ng CPR? And then I passed out completely…’

‘At pagkatapos no’n, ano na’ng nangyari?’

‘Ewan ko. Hindi ko na maalala. When I woke up I was already relieved of that hell of a place, and found myself lying in a vast plain full of flowers. Inakala ko pa ngang nasa langit na ako nung mga oras na ‘yon. Pero wala naman akong matanaw na mga anghel, o kahit sino man lang na sasalubong sa ‘kin, kung nasa langit nga ba ako. At na-realize kong buhay pa pala ako! Sa tuwa ko napasayaw ako sa hangin, pinisil-pisil ko pa nga ang mga braso ko para makasiguro. ‘Ahh!!! T’was great to be alive!’ I muttered. Pero bigla, napatigil ako; ‘kung buhay pa nga ako, bakit may nagpakitang anghel sa ‘kin kanina? At nasaan na nga pala siya?’ Luminga-linga ako sa paligid, at hindi kalayuan sa kinatatayuan ko, natanaw ko siyang nakahiga. Siyempre, pinuntahan ko siya. Na-shock ako nang makita siya… his wing is totally burnt-out, and he was bathed in blood… he looked horrible… “whatever happened to him?!” I gasped. Nilapitan ko siya at pinagmasdan, pagkatapos, hinawi ang buhok niya na bahagyang tumatakip sa mga mata niya. I couldn’t believe my eyes; after I learned who he was… It was you…’

Bahagya namang natinag sa kinauupuan niya si Alfredo sa sinabing iyon ni Jillia. Bakas sa mukha ang labis na pagkagulat.

‘Patay na siya; maaaring dahil sa mga sugat na natamo niya sa sunog na ‘yon… At napatunayan kong hindi pala siya nagpakita noon sa akin para sunduin ako, kundi para iligtas ako… ang one-winged angel na iyon ang dahilan kung bakit nabubuhay pa ako nang mga oras na ‘yon… isinakripisyo niya ang buhay niya para sa ‘kin… Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko pagkatapos; it felt like a sudden gush of water, my heart throbbed like crazy… at naramdaman ko na lang na unti-unting nababasa ng tubig ang mga pisngi ko… umiiyak na pala ako ng hindi ko namamalayan… Kasunod no’n bigla ko na lang siyang niyakap ng mahigpit; hindi ko na inalalang duguan siya… it was ironic… how can I possibly feel this kind of emotion towards him… it’s unthinkable… noong nasa kuwartong nasusunog pa ‘ko inaalala ko lang ang sarili ko… pero ngayong nakita ko siyang patay sa harap ko… parang gusto ko na ring makasama siya…’

Matagal hindi nakaimik si Alfredo, matapos magkuwento ang dalaga. Hindi siya naging handa sa pagkakataong iyon.

‘Alam mo ba… pagkagising ko ngayong umaga mabigat ang pakiramdam ko. Nahalata pa nga ni mommy na namamasa ang mga mata ko. Hanggang pagpasok ko sa school iyon pa rin ang nasa isip ko, kaya hanggang sa mga oras na ‘to hindi ko pa magawang makauwi ng bahay… may pakiramdam lang ako na may gusto akong hintayin na kung sino pero hindi ko alam kung bakit. Pero ngayong nakita na kita nawala na lang bigla lahat ng mga alalahanin ko. Siguro dahil kamukha mo ang one-winged angel na ‘yon… o maaari rin namang ikaw ang one-winged angel na ‘yon, hindi naman malabong mangyari ‘yon dahil ikaw lang naman ang nagtiyatiyagang makinig sa mga ka-weird-ohan ko eh!’ Bigla pa siyang napatawa ng malakas.

‘Nanaba naman ako sa mga ikinuwento mo.’ Panimula ni Alfredo. ‘Pero nakakalungkot, malayong maging ako ang one-winged angel mo kahit kahawig ko pa siya. Di tulad niya wala akong lakas at kapangyarihan para protektahan ka sa lahat ng oras. Kung ako man ang nasa lagay niya baka hindi rin kita magawang iligtas sa kapahamakan. Pero kahit papaano palagi naman akong nandito para makinig sa’yo anumang oras, tulungan ka sa abot ng makakaya ko, at kung sakaling hindi posibleng nasa tabi mo ‘ko ang mga panalangin ko naman ang mag-aabot ng suporta ko para sa’yo Jillia. Hindi man ako ang iyong one-winged angel, ako naman ang pinakamatalik mong kaibigan! Lagi mo sanang tatandaan ‘yan!’

Napatungo si Jillia; bahagya kasi siyang napaluha: ‘You never cease to surprise me Alfred… but you made me really happy anyway… thank you… It’s no wonder why the moon is unusually so bright tonight…’

‘Talaga… siguro?...’ Napangiti na lamang siya habang nakatanaw sa maaliwalas na kalangitan na ang buwan ay waring masiglang iniilawan silang dalawa.



NEXT: The Lighthouse


Sana naaaliw ko kayo kahit papano kahit nami-miss niyo yung mga kaibigan nating writers na sina pareng jedd at kuligma/lalakisabanga: g r i n : 












Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
WISH GRANTED! 2//6
older post:
the more you hate the more you love Ep. 31

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
yingying    •reply Jul 16, 2008 @ 5:48 AM
 
bat walang ng.coment : ? 

aku nlng bah ngbabasa nito?


salamat sa upd8 : c h e e r :  : c h e e r : 
  resemblance    •reply    Jul-16-08@8:10AM
kung may promo lang sa first na nag-comment nanalo ka na! : l o l : 
  resemblance    •reply    Jul-16-08@8:12AM
sayang wala : l o l :  pero thanx na din ikaw ang first commenter ng post na to after 48 hours! huwag mo kalimutan isama ito sa mga chapters na isinend ko sa'yo ha? ; ) 
  yingying    •reply    Jul-16-08@7:08PM
sana may premyo,,: l o l : 
first tym ko na.una sa post mo, : a w a r d : 


honga pala, hanggang 13 lng yung n.send mo sakin..
thanks kuya! : k i s s :  keep on writing!,,: c h e e r :  busy lng cgro yung readers mo,,


bsta aabangan ko pa rin kasunod nito,,sana naman po matapos na..: p r a y :  : l o l : 
ceezzanesz    •reply Sep 9, 2008 @ 11:00 AM
 
nakakalungkOt nemen ung wentO nya! : s a d : 


nxt nxt.. last fOr tOnight..
matxakit nah aysz kOh! : c o o l :  : l o l : 
gemini_20    •reply Jul 18, 2009 @ 5:39 AM
 
Pa c0mment din

naeexcte nq s mga susun0d n mangya2ri..
an0ng kababalaghan eto..haha

galing2x tlga ni ot0r!

: n o t w o r t h y : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
WISH GRANTED! 2//6
older post:
the more you hate the more you love Ep. 31
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
At the touch of love, everyone becomes a poet.

--Plato

You need to be logged in to Facebook