|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Patawa Ka Talaga
Old Joke..Engr. vs....
Isang araw ay may isang sobrang talinong abogado na hinamon ang isang inhinyero sa isang pustahan para patunayan lamang sa lahat kung gaano siya katalino...
ABOGADO: Tara pustahan tayo. Magtatanungan tayo ng kahit anong tanong sa isa't-isa. Tuwing may tanong ako na hindi mo kayang sagutin bibigyan mo ako ng 5 piso. At para maging patas, sa kahit anong tanong na itatanong mo na hindi ko kayang sagutin ay bibigyan kita ng 5000 piso. Ano payag ka? INHINYERO: Uhmm...sige ba!.. ABOGADO: AYOS!! Eto tanong ko. "Ilan ang namatay nung taong 1943 dahil sa World War II?" Hindi nakasagot ang Inhinyero dahil sa hirap nung tanong. Kaya kumuha siya ng limang piso at iniabot niya sa abogado. INHINYERO: Hirap nun ah! O sige ako naman! "Anong hayop ang may apat na paa pag naglalakad, dalawang paa pag tumatakbo at tatlong paa pag umaakyat ng bundok?" Nagisip ng malalim at maigi ang abogado. Ngunit hindi niya maisip ang sagot kahit anong gawin niya. Kaya para maibsan ang kahihiyan ay kumuha na lang siya ng 5000 piso sa wallet niya at iniiabot ito sa inhinyero. ABOGADO: Kahit na sobrang talino ko parang hindi ko ata alam yun ah. Napakahirap naman ng tanong mo. Ano ba yun? . . . Kumuha ang Inhinyero ng 5 piso sa bulsa niya at iniabot ito sa Abogado.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (67884)Arts & Entertainment (7390) Lifestyle & Culture (3210) Politics & Issues (2851) Poetry & Fiction (8960) Random Thoughts (9877) Forwarded Thingies (7247) FrendzCorner/ShoutOutz (20882) Games & Fun Questions (2321) Patawa Ka Talaga (2175) Tristancafe Musikahan (3680) Careers & Work Stuff (1451) School Matters (3148) Technology & Internet (3884) Classifieds & Advertisements (3460) Tristancafe Halo-Halo (1389) Barangay Tristan (1701) Site Announcements (42) aileenaileen, denzthegreat22, lyra14, and 36 guests Random Love Quotes
|