|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Love & Intimacy
"CHATMATE" (WARNING: medyo mahaba po)
"chatmate"
Maraming pagkakataon sa buhay ng tao na kinakailangan ng kausap. Sa kung ano pa mang dahilan, likas na yata talaga ang maghanap ng karamay, kaulayaw, taga-pakinig, at higit sa lahat, isang nilalang na handang magbigay ng payo at simpatiya sa iyo. Sa teknolohiyang mayroon tayo ngayon, masasabing napakaraming paraan kung paano ito makakamit. Nandiyan ang radyo, telepono, at computers na sinasabing pinaka mabisa at pinaka epektibo dahil di mo lang sila maririnig, kundi may pagkakataon ka ring makita ang iyong kausap kung iyong gugustuhin. Di kataka-taka na sa dahilang ito, marami ang nalululong at na-aadik sa pakikipag-ugnay gamit ang sinasabing "man's greatest invention". Isa ako sa mga tinaguriang "bayani ng bagong panahon". (O, siguro naman alam nyo kung ano yun). Overseas worker sa Inggles. Ang buhay na mayroon ako ay di na kakaiba sa buhay na mayroon ang mga taong gaya kong nangibang bansa, upang tugunan ang pangangailangan ng mga mahal sa buhay. Para sa aming mga nawalay at nangungulila, napaka halaga at napaka laking silbi ang pagkakaroon ng computer. Iniuugnay kami at inilalapit nito sa mga taong ninanais naming makasama, lalo na sa mga panahon ng lungkot at pangungulila. Isa ako sa mga "late bloomers" pagdating sa computer. Kelan lang nang ako ay matutong gumamit nito, dahil kinailangan kong i-chek ang mga sulat na nanggagaling sa Pinas. Nung una ay di ako interesado, pero dahil na rin sa dumadalas na pagkalikot, pagtipa sa keyboard, at mga payo mula sa mga kaibigang nagsasabing kailangan mo nang matutunan ito..naramdaman ko..lumawig unti-unti ang kaalaman ko. Dinala ako nito mula sa fiendster, facebook, surfing, at kung anu-ano pa, na humantong sa pakikipag-"chat". Minsan, sa di sinasadyang pagakakataon, napadako ako sa isang "chatroom" ng isang pamosong "radio station" sa Pinas. Ikinagulat ko ng may mag-aya sa king makipag-usap at makipag-kilala. Di ako kailanman nakikipag-chat sa mag taong di ko kakilala, ngunit sa kung ano mang dahilan, nakumbinsi ako ng isang ito. Mabait naman siyang kausap, tipikal na taong may malalim na pananaw sa buhay..Malalim at iba kung mag-bigay ng opinyon at mag-isip. Napatunayan ko ito sa ilang pagkakataong kami ay nakapag-usap.(kung hindi ba eh pagtiya-tiyagaan ko ba cya?). Natatandaan ko nung minsang sinabi nya sa akin, siya raw ay "opinionated" (biniro ko pa at sinabi kong dahil iyon sa eskwelahang kanyang pinanggalingan). Sa paglipas ng panahon, unti-unti ay naging magkaibigan kami. Palitan ng kuro-kuro, balitaan at kamustahan ang madalas na topic ng usapan. Ngunit sa di sinasadyang pagkakamali, naputol iyon at nawalan ng saysay lahat. Pinanghinayangan ko man, alam kong ito'y huli na. Hindi na siguro maibabalik pa..Sayang! Minsan ka lang makatagpo ng isang kaibigang "totoo". Madalas, sabi nga ng iba, ang mga taong makakatagpo mo sa larangan ng "chatting" ay mga taong mapag-panggap..mapag-kunwari..nagta tago sa likod ng mga monitors at keyboards.. Madalas, hinahanap ko pa rin ang pagkaway sa akin ng aking kaibigan. Di ko na siya nakikita ngayon, (sa YM),o siguro dahil binura nya na rin ako sa kabanasan o sobrang inis..at minabuti nyang wag nang makipag-ugnayan sa akin buong buhay. Kung ano man ang dahilan, di ko na rin alam. Sana, mabasa nya ito..Gusto ko lang magpasalamat sa mga panahong binuhos nya. Sa mga sandali ng pangungulila at lungkot na "kumaway" siya at nagparamdam..Sa mga panahong inalam ang lagay ko, at sa mga palitan ng paliwanagan at usapin tungkol sa buhay..Marami rin akong natutunan sa kanya. "Stereotyped" sa akin ang mga chatters noon. Napatunayan ko na dahil sa kanya, maari din naman palang maging mabuting magkaibigan ang mga taong computer lamang ang ugnayan. At kahit hindi man kayo nagkikita, may mga tao rin naman palang "totoo" at walang bahid kasinungalingan ang puso. Sa iyo, kaibigan ko..salamat..hanggang sa muling pag-uugnay.. :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
pers
ms_makulitz_14
•reply
Jul-6-08@2:18PM
mana mana lng yan anak.. musta na nga pala..? k na ung exams mo..? di ka na frustrated hehehehehehe
baby_ur_d_1
•reply
Jul-6-08@2:20PM
hahahha..
mana na tlg ..nde ko p po na take.. s sept. p.. till don frustrated p din
ms_makulitz_14
•reply
Jul-6-08@2:24PM
hmmmm ano cia reretake mo ung test..?? or panibago na cia..??? okey lang un pagbutihin mo na lang ung next test mo..
ms_makulitz_14
•reply
Jul-6-08@2:30PM
anak alis na ako ha...!!
work mode na eh... daan lang ako dito..
sakit sa mata ang haba... pero yeah totoo naman lahat yan.. di ka na cguro mabubuhay ng wlang ka cht... ![]()
ms_makulitz_14
•reply
Jul-6-08@2:06PM
yeah.??
but somtimes its fun din kc nasasabi mo ung laht ng gusto mong sabihin sa kanila and plus u make friends
forkeeps
•reply
Jul-6-08@2:08PM
minsan, nakakadala'..minsan, gusto mo pang umulet.baka sakaling maka hanap ka ng sensible na tao na makak-relate somehow..mga ganun..
ms_makulitz_14
•reply
Jul-6-08@2:10PM
tama ka dyan... ako nga kahit bc sa trabaho and everything nagsisingit ako ng tym para lang makapag chat hahahha and especially dito sa tristancafe ka adik kc nandito n lhat maraming matinong magadvice/psaway/friendly type ung mga ganun...!!
ms_makulitz_14
•reply
Jul-6-08@2:15PM
di naman masyado... may pagka evil type rin ako minsan to tell u the truth i just go for the flow lng.. kung mabait ung kausap mabait din ako pag fake ung kausap ko i might be fake rin... ganun lang... pero dito sa tagal kong kakaadik dito marami na rin akong naging friends na sineryoso ko..like i act as the real me..
forkeeps
•reply
Jul-6-08@2:19PM
im so glad di mo ko napag-tripan..hehe..swerte ko pala..di kc ako marunong makipag tarayan eh..baka mag-log out nlng ako pag ganun.i come here for companionship..not anything else more than that.and im hoping to gain friends of course!can u be one?
ms_makulitz_14
•reply
Jul-6-08@2:21PM
ofcourse for now on friends na tau.. hahahaha wala lang ako sa mode magtrip ngaun hehehe joke lang.. nangaaway lang naman ako pag nakakabanas ung kausap ko eh...
forkeeps
•reply
Jul-6-08@2:24PM
cge,cgeh..ill look for u everytime ill go here.sana..KUMAWAY ka ren..hehe
ms_makulitz_14
•reply
Jul-6-08@2:26PM
oo nman... binabati ko naman lahat ung mga friends ko dito basta singit singit lang ako sa mga comments nila nangugulo hehehehehhehe sama na rin kita dito..
ms_makulitz_14
•reply
Jul-6-08@2:28PM
okey
pero minsan lang ako ngbubukas ng ym ko alang tym eh.. dito lng lagi ako sa tristan..
basilioooooooooooooooooo
crispinnnnnnnnnnnnnnnnnn ![]()
forkeeps
•reply
Jul-6-08@2:10PM
ako ren ala cla ngayn..tinuruan nila ko maging adik last nyte lang..hehe eto..nasobrahan..
ms_makulitz_14
•reply
Jul-6-08@2:11PM
yeah.. bat prang ngaun lang ata kita nakita dito..??? iba ung shift mo dito..??? or minsan ka lang npapadaan dito..?? hahah daming tanong noh..?
forkeeps
•reply
Jul-6-08@2:14PM
di ako regular.tagal ko ren nwala sa limelight.just thought of coming back last nyte.eto angshift ko.im frm a difrent part of d world kc..
ms_makulitz_14
•reply
Jul-6-08@2:17PM
i c last nyt ka lang ulit bumalik sa pagka adik huh..?? hehehehehe hala everyday na ulit yan for sure hehehe -hmmmm taga uk ka rin..?? meron kc akong bestfrend na taga dyan rin..
forkeeps
•reply
Jul-6-08@2:21PM
yah..ok na ren maadik d2..kesa sa maging totoong adik.yah im frm UK,bedforshire po.san ung friend mo?
ms_makulitz_14
•reply
Jul-6-08@2:23PM
i dont know exactly pero i know na taga london. uk cia
na meet ko cia dito sa tristan din and naging mag bestfriend in net na ang turingan namin nagsasabihan kami ng mga problema and nagtutulungan din...
ms_makulitz_14
•reply
Jul-6-08@2:30PM
ei...
alis na ako ha..?? work mode na ako eh... daan lang dito... take care..
forkeeps
•reply
Jul-6-08@2:30PM
ah oo.sa maga epals na guys.kukunin loob mo tas iiwan ka..mga dramang ganun.
ms_makulitz_14
•reply
Jul-6-08@2:33PM
yeah wla rin akong tiwala sa ganyan kaya pag me nag hihit sau ng ligaw type.. nah straight to their face friends na lang tau.. hahhhhaha ei add me sa fs pra doon lang tau mag usap pag di kita naabutan dito sa tristan k..??? celmarjessa@yahoo.com
Don't worry.......
I'll pray that you'll live happily ever after ![]()
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70022)Arts & Entertainment (7530) Lifestyle & Culture (3268) Politics & Issues (2922) Poetry & Fiction (9266) Random Thoughts (10129) Forwarded Thingies (7333) FrendzCorner/ShoutOutz (21277) Games & Fun Questions (2342) Patawa Ka Talaga (2295) Tristancafe Musikahan (3759) Careers & Work Stuff (1506) School Matters (3222) Technology & Internet (3974) Classifieds & Advertisements (3551) Tristancafe Halo-Halo (1542) Barangay Tristan (1722) Site Announcements (42) shinkuro08, and 16 guests Random Love Quotes
|