|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Barangay Tristan
Pinoy na Pinoy!
Kahapon, naisipan namin ng hipag ko na mamalengke sa west covina, kulang kulang isang oras din ang byahe mula dito sa amin.
West Covina ang lugar kung saan halos lahat ng namimiss mo sa pinas eh dun mo matatagpuan. Kahit pa si jollibee nandun, promise! Manila Way ang tawag sa kalye kung saan dito sa hanay na to eh puro filipino store and fastfood ang makikita mo. Sabi nga, at home ka dito. hehehhe Papauwi na kami nun, papunta sa parking lot, at meron din mga pa konti konting nagtitinda ng kung ano ano sa gilid ng daan. Papalapit kami sa grup ng apat na kalalakihan na Kung iisipin mo, para lang silang mga tambay na nagkukuwentuhan kung hinde mapapansin ang isang maliit na ice box na nasa gilid nila.Pagtapat namin kina kuya, "miss bili na kayo ng balut at itlog na maalat. Tunay to tunay!" Naintirga kami sa tunay na balut. Paano ba yung pekeng balut? Komo miss balut si hipag, naisipan niyang bumili. at habang namimili si hipag panay ang sales talk nung mga lalakeng kabigan ng tindero. "miss, bumili na kayo para namn makaubos na tong kasama namin. Tunay yan. tunay. masarap yan." isip pa rin ako ng isip kung ano yung tunay habang abala namn sa pagpili ang hipag ko sa ice chest. hinde ako nakatiis, "manong ano ba yung tunay na balut?" "naku miss byutipul, itlog ng itik yan. hinde itlog ng pato. itong itlog na maalat ang itlog ng pato" "ahhh. "habang nagbabayad ang hipag ko eh, isa namn sa mga kalalakihan ang biglang naglabas ng phone card sa mula sa kanyang belt bag. sabi ko na nga ba duda ako sa mganakabeltbag eh. belt bag is to pinoy as motorcycle is to bumbay. ![]() "bumili na din kayo ng phone card pantawag niyo sa mga boyfriend niyo sa pilipinas." buset, pwede ba lets not talk about boyfren. sabi ko na lang, "ayoko manong" wala akong tinatawagan at kungmeron man, siya dapat tumawag sakin. TSURA langniya ako pa tatawag!" "miss iiwan ka ng boyfren mo pag ganyan ka baka makahanp ng iba yun. bumili ka na meron kami lima, sampu at bente" ang kulit. sabi ng ayaw eh. so pinabalot na lang namin ke manong ang balut at pag abot sa amin, nilinaw muna ni hipag, "tunay talaga tong balut na to ha? isosoli ko to pag hinde. " Sagot si manong. "oo tunay yan, pag hinde tunay yan, bumalik ka dito at SAMPALIN MO AKO!" ![]() halos sumakit ang tyan namin sa katatawa ng hipag ko. Tanging pinoy lang ang me ganitong klaseng kakayahan para mag sales talk. ![]() :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
pucha akala ko tlaga kanina bumalik kayo dun para isuli at isusuli nya yung pinambayad nyo...pero SAMPAL lang.. eh di nyo pa rin mababawi pinambili nyo kaya...
![]() ![]() ![]()
_Trixie888
•reply
Jul-6-08@5:45AM
buti nga me balut jan e dito potek madami nga itik pero bawal naman pakialaman ang mga yun dito sa me canal.....
sarap sana i-adobo ang mga yun e..... kaso mo me rights daw sila sabi ng Dutch na kasama ko dito...
aprilksses
•reply
Jul-6-08@11:12PM
hahaha. e kasin namn bakit yung mga itik at pato pagdidiskitahan mo dun sa me canal. natural me rights yungmga yun. mag alaga ka ng sarili mo.
pero again, kelangan melisensya ka para magalaga ng itik. ngayun kung kakatayin mo, kelangan meron ka lisensya para kumtay ng itik. hahaha kaya dun ka na lang ke manong na nag sa sidewalk bumili. bahala na siya sa diskarte niya. Pinoy eh.
_Trixie888
•reply
Jul-7-08@2:30AM
dami seagulls din dito... langya magtapon ka lang ng bread crackers, maya maya makikita mo madami na nagdadatingang sea gulls. Sabi ng landlady ko minsan hulihin namin isa sa mga sea gulls para i-adobo kasi ang tataba e.....
oks lang na sya manghuli kasi Dutch Citizen na sya e... ako hinde. Baka macharge pa ako ng multiple crimes.. masama nyan baka frustrated pa pag di ko nahuli ang seagull.. heheeh
so peke nga ba o totoo yung balut?
kasi kung peke, naku kung ako ibabalik ko talaga at sasampal ko sa mukha nya (ay tapang )![]()
aprilksses
•reply
Jul-5-08@2:58PM
hinde ko alam eh -- si hipag lang ang bumili. :P
![]() pero ewan ko kung byabyahe yung nang halos isang oras para lang manampal ng balut vendor.
deadlysweet
•reply
Jul-5-08@6:35PM
nanang ko po ang layo naman ng balut na yun
wag na lang pagtyagaan na lang nya
"miss iiwan ka ng boyfren mo pag ganyan ka baka makahanp ng iba yun. actually auntie...tama siya nyahahahahaha ![]()
torogi_dyunyor
•reply
Jul-5-08@3:49PM
enya metten bagal connection haanak maka comment..kasing bagal ng mga boys na dadating sana sa buhay mo
deadlysweet
•reply
Jul-5-08@6:40PM
may tama si toge
pero in fairness dapat d nya na binanggit yung katagang boypren kasi lagi tinatamaan si mareng ksses
aprilksses
•reply
Jul-5-08@11:44PM
lenshak..bakti naman tong mga commenter na to nag focus sa boyfren na part ng artick.
torogi_dyunyor
•reply
Jul-6-08@1:52AM
na-a! wa epeks met ta paltog mo auntie..siak adda paltog ko..puraw ti rumuar nga bala
_Trixie888
•reply
Jul-7-08@2:28AM
moshon 2 konsider di onli opshon yu heb.. en dat is tu bi istak wid badjao....
aprilksses
•reply
Jul-8-08@10:04PM
![]() no thanks. Your moshun will be nothing but kunsumishun I can manage my own business I em payn tenk u.
d2 rin my nagtitinda ng balot..lagi kami bumibili.. c kabayan lagi nkatambay dun sa my puno
ang mahal nga lang.. 5 dirhams isa.. halos 60 pesos ang isa.. ![]()
"oo tunay yan, pag hinde tunay yan, bumalik ka dito at SAMPALIN MO AKO!"
![]()
nakakamiss nga ung ganyang sales talk ng mga pinoy..pwd ka pa makipagkulitan. ![]()
kisses nabuhay kaw!
ay ako pala ang nabuhay ulet ![]()
aprilksses
•reply
Jul-8-08@10:05PM
san na namn ba nagsusuot itong kulasang to. palibhasa engaged.
![]() ako kaya kelan
naalala ko tuloy yung
babae na nagwowork dun sa jollibee arte arte kala mo kung sino.. ![]()
hahahaha nice... even here at UAE ganyan din.. pero infernes ganda ka ahhhh pede ba kita maging dfriends?>??
![]() ![]() ![]() ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (67806)Arts & Entertainment (7387) Lifestyle & Culture (3208) Politics & Issues (2852) Poetry & Fiction (8952) Random Thoughts (9870) Forwarded Thingies (7246) FrendzCorner/ShoutOutz (20873) Games & Fun Questions (2321) Patawa Ka Talaga (2172) Tristancafe Musikahan (3675) Careers & Work Stuff (1450) School Matters (3142) Technology & Internet (3879) Classifieds & Advertisements (3455) Tristancafe Halo-Halo (1382) Barangay Tristan (1702) Site Announcements (42) _miaka_, President_of_D_Room and 28 guests Random Love Quotes
|