|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light (Reprise) 13
READ THIS FIRST: Hello ulit sa lahat ng readers ko sa tcaf! Welcome ulit sa aking post ng nalalabing reprise version ng aking dulang Northern Light! (Pardon the pun hehehehehe!) Alam ko marami sa 'tin ang busy sa school kaya wala na yung ibang readers ko rito, in any case palagi pa rin namang nandito ang mga post ko na naghihintay sa inyo! hehehe!
para sa ibang reprise chapters just click my profile. Good morning to all! Untitled 1 Pagsapit ng dalawa sa Great Hall ay masigla silang sinalubong ng kanilang amang si Conrad. ‘Kumusta mga bata?! Nakita ko sa TV ang laro ninyo! You impress me greatly son! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!’ Anitong pakumpas-kumpas pa. Ngunit dire-diretso lang si Warren papaalis ng Great Hall na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang ama. ‘Warren? Iho! Saan ka pupunta? Kuwentuhan mo n—‘ ‘Shhh!!! Put it down dad!’ Pananaway naman ni Annie sa kaniyang ama. ‘He’s quite downed today at hindi makakabuti kay kuya ang pag-iingay niyo diyan!’ ‘Downed?! What’re you saying iha?! This is supposed to be a big day?! May dahilan ba para ma-depressed ang kuya mo?’ ‘W-well not for Ateneo! But for kuya there’s so much to be depressed of. You see, may nangyari kasing… hindi inaasahan. Baka pati kayo nga mismo, ma-depressed din eh…’ Pati siya’y nauutal sa pagkukuwento pa lamang. ‘Just what’re you trying to imply iha? What is it that supposed to make him depressed like that?’ ‘It’s a long story! Well, I’m tired. Let’s talk later dad.’ Pagkatapos humalik sa pisngi ng ama’y umalis na rin si Annie papunta sa kaniyang kuwarto. ‘What’s wrong with those two? All with long faces! How about you, Colina? Did you know something?’ Baling na tanong naman niya sa kaniyang asawa. ‘How should I know? Ikaw itong sumalubong sa mga bata!’ Kunot noo namang tugon nito sa nalilitong asawa. ‘Pabagsak na nahiga sa kaniyang kama si Warren na animo’y pagud na pagod. Sa katunaya’y pagod nga siya, hindi dahil sa katatapos lang nilang laro, kundi sa matagal na paghihintay sa pagkakataong iyon na humulagpos nanaman sa kaniyang mga kamay, at marahil ay hindi na muling darating pa. Iniisip pa lamang niya ang lahat ng nangyari nitong nagdaang araw’y parang maiiyak siya. Isang pagbabalik-tanaw. Sa CEU, sa kalagitnaan ng laro sa pagitan ng CEU Scorpions at Ateneo Blue Eagles, walang patumangga pa rin ang paghiyaw ng mga manunood sa nagaganap na aksiyon sa pagitan ng dalawang koponan., bagama’t agad mababatid na sa iisang koponan lamang naman sumosoporta ang mga tao; sa mga llamadong Blue Eagles. At maliban sa karaniwan nang eksena, na si Clifford parati ang nagsisilbing “ace player” ng kanilang koponan, may isang player roon na tila gumagawa naman ng sarili niyang eksena, bagaman hindi siya gaanong mapapansin dahil na rin sa solong atensiyong ibinibigay ng mga manonood kay Clifford. ‘Nakakapanibago ang intensity mo ngayon ah?! Anong meron?’ Naiintrigang tanong ni Chad kay Warren. ‘No reason. Inspirado lang ako kasi nanonood si Annie.’ Simple nitong tugon. ‘Hmm? Pero bakit parang ayokong maniwala? Kung hindi ako nagkakamali, dito lumipat ng school si Jillia Corsega. Kung gano’n nga hindi na nakapagtataka!’ May kapilyuhan niyang siniku-siko si Warren. ‘Tumahimik ka na nga lang! Sinisira mo ang momentum ko eh!’ Paiwas pa siyang umirap para hindi nito mahalatang pinamumulahan siya. ‘Hayyy!!! Magsisinungaling ka pa ba ng lagay na yan?! The more you deny it, the more na nabubuko ka! Okay lang yan tsong! Kahit siguro ako makita pa lang ang angelic figure niya kahit siguro si Jordan matatalo ko! Nanonood rin kaya siya ngayon?’ Alam ng langit kung paano niyang idinadalangin na sana nga’y nanonood si Jillia sa laro nila ngayon pagka’t bukod sa karamihan ng nandoo’y sa kaniya lamang naman siya umaasa ng suporta. At handa niyang lunukin ang sariling prinsipyo, kahit man lang sa umagang iyon, para sa dalaga na mapansin rin siya nito. Nakatatawang isipin, aniya, na nakikipag-kumpitensiya siya ngayon kay Clifford para lang sa bagay na iyon. Tinapos ni Warren ang laro sa pagtatala ng 27 points, 14 rebounds, 7 assists, at 2 steals; isang impresibong laro na matagal-tagal niya na ring hindi nagagawa, magmula ng magbalik siya sa Pilipinas. At kahit papaano’y kuntento siya sa ipinakita niyang performance sa umagang iyon. ‘Astig ka tol! Kayang-kaya mo naman palang ilabas ang A-game mo kung gugustuhin mo lang eh! Kaya nagtataka ako kung bakit sinasayang mo yang talent mo sa pagpapaka-late araw-araw sa practice at pagtakbo ng 30 laps sa court! Tuloy, lumalaki ng lumalaki ang ulo ng Sanders na yun!’ Pamimitagan ni Chad kay Warren. ‘Huwag kang masiyadong madaldal! May tenga ang dingding!’ ‘Ah! Sori! Sori! Hindi ko lang talaga kasi mapigilang mapa-wow sa laro mo kanina! Pero honestly pare! Mas magaling ka pa sa hambog na ‘yun! At para sa ‘kin, ikaw ang mas may karapatan na maging team captain!’ Nang walang anu-ano’y biglang may sumunggab sa likod ni Warren. ‘Yaaaayyy!!! You’re as cool as ever bro!!! ang galing talaga ng laro mong ‘yon!!!’ Sa labis na tuwa ay sumampa pa ito sa likuran nito, halos matumba si Warren sa ginawang iyon ng kapatid. ‘Yikes! That’s some welcome! Alam niyo, kung hindi lang kayo magkapatid baka akalain ng mga tao na mag-jowa kayong dalawa!’ Naaaliw na puna ni Chad sa pustura ng magkapatid. ‘A-Annie?! Get off already! Ang bigat mo! Tsaka nakakahiya sa mga tao!’ Hindi naman maipinta ang mukha ni Warren sa labis na pagka-asiwa. ‘Oh! Quit being a whiner! Let me hug you brother! You’re just so amazing back there; I was so overwhelmed that I can’t restrain myself! Ang galing-galing talaga ng kuya ko!’ ‘Oh, man!’ Napalingon pa si Warren kay Chad habang nakangiting umiiling. ‘By the way, kuya! Remember what I told you last time? Now’s the time to show-off to your girl! Naayos na namin ang lahat so the rest is up to you! So, are you ready?’ May kapilyahan pa siyang napakindat. Napalunok si Warren sa sinabing iyon ni Annie. Ang araw na pinakahihintay niya’y dumating na, nguni’t sa kabila nito’y may agam-agam sa kaniyang puso. Hindi niya mapigilan ang panginginig ng kaniyang mga kalamnan at anumang pilit niyang kumbinsihin ang sarili na isang katotohanan ang lahat ay hindi niya maiwasang magduda sa katotohanang iyon. Marahil, aniya’y nasanay lang siyang pinagmumuni-munihan lang ang pantasya niyang iyon. Nguni’t ngayon ay magkakaroon na rin sa wakas ng katuparan ang matagal na niyang pinapangarap. Nagpunta ang magkapatid, kasama si Chad na nagpumilit sumama sa dalawa dahil na rin sa kuryosidad sa exit ng TC gym kung saan naghihintay sina Jillia at mga kasama nito sa school publication. ‘Annie! You’re finally here! Tamang-tama lang naman pala ang pagpunta namin dito!’ Pambungad na bati ng kaklase ni Annie na si Shelley. ‘Good! I brought him with me so you can start anytime!’ ‘Ayos kung ga’non! Jill! Andito na ang interviewee natin! Let’s get going! Rob, ihanda mo na ang recorder!’ ‘Recorder?’ Naguguluhang tanong ni Warren sa kapatid. ‘Oh! Hindi ko pa pala nabanggit sa’yo! Humingi kasi ng pabor sa ‘kin si Shelley na kung puwede ka raw bang imbitahan for an interview para sa gagawin nilang article ng event na ‘to para sa school paper nila! And so there! Ito ang naisip kong paraan para magka-usap kayo ni Jillia! Okay! Galingan mo, and don’t screw up now! Break a leg!’ Tinapik-tapik pa nito si Warren sa balikat. ‘Oo nga tol! Kaya mo yan! Itaas mo ang bandera ng mga kalalakihan!’ Gatong pa ni Chad. ‘Geez! I have a bad feeling about this…’ Litanya na lang ni Warren. ‘Okay! How are you Warren! Ako nga pala si Jillia. Gusto ka sana naming imbitahan for a short interview para sa article namin. Don’t worry, it won’t take long. So, can you spare us some time?’ ‘S-s-sure! I don’t mind! It’s a pleasure really!’ Nauutal niyang sagot. ‘Excellent! Let’s go down to business then!’ Sinenyasan niya ang kasamang si Rob na paandarin na ang kanilang portable recorder. ‘Alright, first of, tell me something about your role in your team?’ ‘O-okay! My name’s Warren Seales, of the Ateneo Blue Eagles a-and I play center-forward. My role in our team is m-mainly for defensive purposes. A-although in some crucial situations, I also provide offensive support to the team.’ Hindi magkandatuto si Warren sa pagsagot sa mga tanong ni Jillia na kung tutuusi’y hindi naman kahirapang sagutin. Ngayon lamang kasi niya nakausap ng harapan ang dalaga at hindi niya masaway ang kanyang mga matang gumala sa kabuuan ng dalaga; ibang-iba ito sa malapitan, mula sa kaliit-liitang detalye’y wala siya makitang kapintasan, sa isip-isip niya, hindi tuloy niya maiwasang mag-isip ng kung anu-anong kapilyuhan at nagagalit siya sa kanyang sarili sa inaasal niyang iyon. ‘Okay! That’s all for the interview! Thank you so much for giving us your precious time! It was a pleasure to meet you Warren! Nakakatawa nga lang isipin na hindi ganoon karami ang nakakapansin na cute ka in-person! But at least I got the chance to know it myself!’ ‘I hardly deserve anything! Sa tingin ko nga, mas maigi siguro kung yung ace player namin mismo ang in-interview mo dahil wala naman akong maipo-provide na magandang scoop!’ Natatawa pa niyang sabi. ‘Nah! It’s quite all right! And besides, sa nakita kong laro mo kanina, hindi naman nagkakalayo ang talent ninyong dalawa ni Clifford Sanders! And to think na walang gaanong nakakapansin sa prowess mo eh more than enough nang scoop ‘yun!’ ‘W-well, w-whatever you say…’ ‘Are you okay Warren? You look a little tense?’ Puna ni Jillia sa kaniya. ‘N-no! I-I mean it’s nothing! R-really…’ Tangi na lang niyang nasabi habang malayo ang tingin sa dalaga. ‘Hi! Hi! Hi! Hi! Alam mo, may naaalala tuloy akong lalake na katulad mo kung magsalita. Palagi rin siyang nauutal kung magsalita at laging nakakamot-ulo!’ ‘K-kung ang kausap naman niya ay katulad mong isang prinsesa hindi ko siya masisisi!’ Lakas-loob niyang sinabi. ‘Hi! Hi! Hi! Hi! Now you’re flattering me!’ ‘No, I’m just telling the truth! Tanga na lang ang hindi man lang mapapalingon sa’yo sa ganda mong ‘yan!’ ‘Well, what can I say? But sometimes, I get fed-up of people saying the same things all the time like “you’re cute!” “you’re so beautiful!” and what not! Sana naman may magsabi rin sa akin na pangit ako for a change!’ Pabirong tinuran ni Jillia. ‘That wouldn’t be fair! Alam mo hindi mo naman talaga mapipigil ang mga taong magsabi na napakaganda mo dahil napakaganda mo naman talaga! Ako, hindi ko kayang sabihing pangit ka habang tinitingnan kita, it’s just not right!’ ‘Okay naniniwala na nga ako sa’yo! But did you know na guwapo ka rin? And with that I thought we make up a perfect love theme don’t you think? Ha! Ha! Ha! Ha!’ Bahagyang naumid si Warren sa sinabing iyon ng dalaga: ‘M-man! I don’t what to say! I can’t imagine…’ ‘Haay! Eh ikaw rin naman pala itong hindi matanggap na guwapo siya eh, pareho lang tayo!’ Sabay pang nagkatawanan ang dalawa. Nang mapawi ng tuluyan ang kanilang tawanan lakas loob na nagsalita si Warren: ‘U-umm… Jillia?... w-would you mind i-if I invite you to go out tonight?...’ Pikit-mata niya na lang sinabi ang mga salitang iyon habang naglilitanya ng “bahala na!.” Batid niyang wala na siyang natitira pang pagkakataon pa bukod sa nakahain sa kaniya ngayon, kaya’t kahit walang katiyaka’y susugal na siya. ‘You mean a date?’ ‘W-well… you can think of it that way… s-so…’ Habang sa kaniyang isip ay patuloy niyang sinasabing “please! Pumayag sana siya!” ‘Now I get the picture! Naniningil ka na pala ng talent fee ha?! Hi! Hi! Hi! Hi! Hi! Okay then, I accept! Magandang pagkakataon ‘to para makakuha pa ko ng mas magandang scoop sa’yo!’ ‘T-thanks!!!’ Ang sagot na iyon ni Jillia ay nangangahulugan ng tagumpay. ‘Ummm, one more thing Jillia. Puwede ko rin bang makuha ang number mo?! Y-you know? So I can give you a ring?’ ‘Oo naman!’ Kinuha nito ang kaniyang mobile phone, binuksan ang kaniyang phone directory at ibinigay kay Warren. ‘Okay, thanks! Inilagay ko na rin yung akin sa directory mo. I’ll call you later at six. Is that all right?’ ‘That’s fine with me! So, till later right?’ ‘Yes! Later!’ Habang nag-uusap naman sina Warren at Jillia sa may exit ay mataman namang nakamasid sa kanila sina Chad at Annie na kanina pa nasasabik na malaman kung ano na ang nangyayari sa pag-uusap ng dalawa. ‘Man! Worried na talaga ako kay kuya! Sana naman hindi siya nagkalat o kahit papaano hindi karamihan ang ikinalat niya!’ Sabi ni Annie habang kinakagat-kagat pa ang mga kuko niya. ‘Pero sa nakikita ko mukhang mission accomplished naman! Alam ko ang mga ngiting yan ni Warren dahil kung tutuusin hindi naman siya palangiti! He! He! He! He!’ ‘I hope so…’ ‘Speaking of which, gusto ko sanang malaman ang… progress ko sa’yo…’ Ngingiti-ngiting nagkakamot ng kanyang mukha si Chad. ‘Let’s see… siguro kung magiging kasing galing mo na ang kuya kong maglaro pupuwede na!’ Sa tono nito’y halatang nagbibiro lang. ‘Ngeeekkk!!! Eh para mo na rin sinabing wala na akong pag-asa sa sa’yo! Pambihira naman oh?!’ ‘You think it’s too much a burden to you? Well pasensyahan tayo! Ha! Ha! Ha!’ Maya-maya’y may napansing kung sino si Chad na lumapit sa dalawa. At nang makilala niya kung sino ang taong iyo’y unti-unti nang naparam ang kaniyang ngiti. ‘Oh no… This is ugly…’ Iiling-iling na sabi ni Chad. ‘Damn!!! Of all these days, ba’t ngayon pa siya umeksena?!’ Sa kalagitnaan ng masayang pag-uusap nina Warren at Jillia’y dumating si Clifford. hindi siya agad napansin ng dalawa dahil pareho silang sa isa’t-isa nakatuon ang atensiyon. ‘How are you gorgeous? You’re looking busy. Bati ni Clifford sa dalaga. ‘Cliff!’ Pagkuwa’y humalik siya sa pisngi nito. ‘Yeah! Medyo busy nga kami. Ini-interview lang namin itong team mate mo para sa gagawin naming article. Akala ko nga natabunan ka na ng mga escolarians! Buti nabuhay ka pa!’ Pabiro pa nitong sabi. ‘Exactly! Napaka-overwhelming talaga ng pagtanggap nila sa amin dito. Feeling ko nga nasa Blue Eagle Gym lang ako eh!’ Sunod niyang nilingon si Warren na nabigla sa pustura nilang dalawa kanina: ‘I didn’t know na magkakilala pala kayo ng vice captain ko! Kuwentuhan niyo naman ako kung paano kayo nagkakilala?’ ‘Actually ngayon lang kami nagkakilala ni Jillia. She invited me for an interview tungkol nga sa gagawin nilang news article.’ Pantay ang boses ni Warren na nagpaliwanag. ‘That’s right Cliff. At malaking scoop ang nakuha ko sa kaniya, tungkol sa team ninyo at sa mga players! At sa nakita kong laro niya kanina, mukhang may sumisibol nang archrival mo ah? Galingan mo pa dahil siguradong tatalunin ka niya kapag nagpabaya ka!’ ‘Tama ka diyan sweetheart, dahil ever since naman na pumasok siya sa team namin ay mataas na talaga ang potential niya na maging isang basketball superstar. Hindi nga lang niya gaanong ginagamit para hindi ma-scout ng ibang team ang game plan namin. Right, Warren?’ ‘Sobra-sobra namang remark yan captain. I hardly deserve it.’ ‘Ganyan talaga ang team-mate kong yan palaging pa-humble effect. But that’s what everyone likes about him. By the way Warren, anong masasabi mo sa girlfriend ko? Hindi lang siya ubod ng ganda, super sweet pa siya hindi ba?’ Pagmamalaki ni Clifford na sa totoo’y nanunuya kay Warren. ‘G-girlfriend?...’ Waring nabingi siya sa sinabing iyon ni Clifford. ‘Ayyy! Ano ka ba, Cliff! Hi! Hi! Hi! Hi! Ganyan talaga ‘yan magmalaki sa mga tao ever since naging kami! Nakakailang tuloy minsan kasama ang lalaking ‘to eh!’ ‘Masisisi mo ba ‘ko prinsesa? Hindi mo lang alam kung gaano ako ka-grateful nung time na sinagot mo na ‘ko! Kung puwede nga lang ibo-broadcast ko pa nationwide na girlfriend na kita eh!’ ‘There he goes with that crap again! Ha! Ha! Ha! Ikaw na sanang magpasensiya Warren! Baliw lang talaga tong captain ninyo. ‘N-no, don’t mind me! Congratulations captain. I hope for the best for you two.’ Halos hindi na marinig ang kaniyang boses. ‘I appreciate it vice captain! By the way princess, are you free for a dinner tonight?’ ‘Oh! Sorry Cliff, nakapangako na ‘ko kay Warren na lalabas kaming dalawa tonight. Puwede bang skip muna ‘ko? Okay lang naman sa’yo ‘yon di ba?’ ‘Wait Jillia.’ Biglang singit ni Warren: ‘It’s all right. Kayo na lang ang lumabas ngayong gabi. I just remembered that I made some commitments back home. Maybe we can go out some other time. Sorry talaga.’ Ani Warren sa malamlam na tinig. ‘A-are you sure? Baka naman dahil kay Clifford? Huwag mong alalahanin si Cliff, akong bahala sa kaniya!’ ‘Don’t worry about me. Talaga lang na may nakabinbin pa akong gawain sa bahay. Ngayon ko nga lang naalala dahil sa tune-up game namin ngayon. You two just enjoy yourselves alright?’ ‘W-well, if you say so. Okay kung gano’n next time na lang.’ ‘Sure thing! O pa’no, una na ko sa inyo Jillia! It was a pleasure meeting you!’ Iyon lang at tumalikod na siya papunta sa puwesto nina Chad at Annie. Ang mga nangyari sa nagdaang umaga, para kay Warren ay isang pangarap na naging katotohanan. Ngunit sa kanyang natuklasan waring mananatiling isang lumulutang na pangarap na lamang ang lahat. ‘Sayang… sayang… sayang at ngayon lang kita nakilala…’ Sa kanyang isip ay paulit-ulit na sinasabi ni Warren. NEXT: Moon Chant :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
nasan na po ung ibang chapter pls...ahihihi..gusto kong basahin...
resemblance
•reply
Jul-1-08@12:16AM
Chapter 1- http://www.tristancafe.com/forum/114406
Chapter 2- http://www.tristancafe.com/forum/114531 Chapter 3- http://www.tristancafe.com/forum/114705 Chapter 4- http://www.tristancafe.com/forum/114854 Chapter 5- http://www.tristancafe.com/forum/115389 Chapter 6- http://www.tristancafe.com/forum/145078 Chapter 7- http://www.tristancafe.com/forum/145213 Chapter 10- http://www.tristancafe.com/forum/145367 Chapter 11-12- http://www.tristancafe.com/forum/151607 Note: yung chapters 8 & 9 nawala na yung link dito sa tcaf kaya kailangan ko pang i-repost. pero makakasunod ka pa rin naman kahit wala yung mga yun!
dont wori ngbabasa rin nmn ako...
![]()
resemblance
•reply
Jul-1-08@2:05AM
hindi naman sa nagda-drama ako
sanay naman na akong nilalangaw ang post ko; tamad rin naman kasi akong magreply sa comment nila
nadaan lng po...
inde n nkkdalaw kc hindi n lht game mkpg-kulitan ngaun s comments,hehe ngcomment pa nga aq s pinakaunang mong post s SN n2, inde k reply eh.. ngpp-suggest p nmn aq xeo na....ano sa mga dula mo ang unang bbsahin q.. ![]()
resemblance
•reply
Jul-2-08@1:59AM
ito lang ang mga nare-cover kong link ng mga gawa maliban dun sa mga nai-post kong bago. wala na rito yung 8&9 pero okay lang naman
Chapter 1- http://www.tristancafe.com/forum/114406 Chapter 2- http://www.tristancafe.com/forum/114531 Chapter 3- http://www.tristancafe.com/forum/114705 Chapter 4- http://www.tristancafe.com/forum/114854 Chapter 5- http://www.tristancafe.com/forum/115389 Chapter 6- http://www.tristancafe.com/forum/145078 Chapter 7- http://www.tristancafe.com/forum/145213 Chapter 10- http://www.tristancafe.com/forum/145367 Chapter 11-12-http://www.tristancafe.com/fo rum/151607
irah0407
•reply
Jul-2-08@2:44AM
o cge since eto latest novel u ang binigay u ang nilagay u n links d2 eto po ang bbsahin q..lam ko po hanapin links...
click here
yey
nandto na naman ![]() snabi mo pa kuya,, bc tlga sa skul ![]() maya ko lng basahin to..
kuya,,email ad ko po miyina_0630@yahoo.com.ph dnt 4get d .ph ha..tnx!
![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70995)Arts & Entertainment (7634) Lifestyle & Culture (3327) Politics & Issues (2958) Poetry & Fiction (9382) Random Thoughts (10305) Forwarded Thingies (7396) FrendzCorner/ShoutOutz (21461) Games & Fun Questions (2364) Patawa Ka Talaga (2338) Tristancafe Musikahan (3861) Careers & Work Stuff (1538) School Matters (3263) Technology & Internet (4040) Classifieds & Advertisements (3613) Tristancafe Halo-Halo (1568) Barangay Tristan (1751) Site Announcements (44) Zines, sp00ky, adeek13, pink_pearl08, joyce_q, bryanwizard, mommy_shadow, and 31 guests Random Love Quotes
|