|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Barangay Tristan
The King Of Nothing To Do
"Well baby, I don't want to take advice from fools
I'll just figure everything is cool Until I hear it from you." -Gin Blossoms, Til I Hear It From You Topak ko na naman ang magbasa-basa ng libro. Sa ngayon, pinipilit kong tapusin ang libro ni Lualhati Bautista na Bata Bata Paano Ka Ginawa? Matagal ko ng binili to, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na tutukan. Oo, sa laging nagtatanong saken kung sino ang iniidolo kong manunulat, walang iba kundi si Lualhati Bautista. Isa ako sa mga masusugid nyang tagahanga. Mula sa mga libro nyang pinaglipasan ko ng basahin gaya ng Gapo, Dekada ’70, Buwan Buwan Hulugan Mo Ako Ng Sundang, (Moon, Moon, Drop Me a Sword), At Bulaklak Sa City Jail. Lahat ng yan ay binasa ko sa sobrang paghanga ko sa nasabing manunulat. Pero wala akong intensyon na gayahin sya. Masaya na ko sa isang dahilan na may hinahangaan ako. Meron pa kong isang binabasang libro. “The King Of Nothing To Do” ni Luis Joaquin M. Katigbak. Pero hulaan nyo kung saan ko binabasa. Dahil wala akong pera ngayon pambili, doon ko sya pinagtyatyagaan basahin sa National Bookstore Recto. San ka pa! Libre na, air-con pa! hehe.. May kalakihan ang libro kumpara sa mga libro ng sikat na author. Kung katulad kitang mahilig mangolekta ng libro, itong libro na to ang hindi mo siguro magugustuhan. Pero sa hindi ko malamang dahilan, e bigla ko syang nadampot at nakuwang buksan. Basa-basa-basa-basa-basa. Nakakailang pahina na ko ng madiskubre ko ang sarili na nag-eenjoy na sa nasabing libro. Shit! Kung alam lang ng may-ari ng Bookstore na ‘to na minomolestya ko na ang libro nila sa pamamagitan ng libreng pagbabasa, malamang ay ipahagis nila ko palabas sa gwardyang sinasahuran nila. Sa totoo lang, maganda ang libro. Kung mahilig kang magsulat ng kung ano-ano, kailangang mabasa mo 'to. Hindi naman talaga akong nerdong tao. Yung tipong nagsusuot ng salamin na mataas ang grado dahil sa sobrang labo ng mata kakabasa? Kailan na lang ako pumatol sa pagbabasa ng mga seryosong libro gaya ng mga nobela. Nakakatawa nga kung iisipin, dahil tsaka pa ko nagkahilig sa libro kung kalian di na ‘ko nag-aaral. Nakasanayan ko na lang sa ngayon yung magbasa bago matulog. Dati kasi, ang mga binabasa ko lang e IKABUD, PUPUNG at Pugad Baboy. Deadma pa saken noon yung magagandang libro. Minsan nga, iniisip ko, isa siguro noon sa mga pinapanalangin ng nanay ko e yung humipo ako ng libro para magbasa. Hehe.. Nung Elementary naman ako, natatandaan ko, nagyayaya lang ako pumasok ng library kapag gusto kong maglaro ng ‘paramihan ng tao’ Oo! Paramihan ng tao. Ito yung laro sa libro kung saan maghahanap lang kayo ng naka-drawing na tao. Tapos, pitikan sa daliri kung ilan ang tao na lamang mo. Pwede rin paramihan ng hayop kung librong maraming naka-drawing na hayop naman ang nadamput nyo. At kung adik naman kayo ng kalaro mo, pwede nyo rin isama sa bilangan yung lahat ng capital Letters na makikita nyo sa libro. Hehe.. Kapag wala talaga akong pera pambili ng libro at sinisipag akong magbasa, nagiging bisyo ko na ang magbasa-basa sa mga tindahan nito. “Buraot” ang tawag ko sa ganitong gawain ko. Minsan, naghihiram naman ako sa mga kaibigan kong mahilig ring magbasa. Pero minsan, kapag nakakaluwag-luwag e bumibili rin ako. Sa Recto madalas kapag gusto kong makamura. Doon sa mga nagkalat na second hand. Pero meron pa akong isang sikretong binibilhan ng murang libro. Pero syempre, sikretong malupit ko na yon! Baka kasi malaman nyo pa, doon rin kayo bumili, Mahirap na! Magkakaroon pa ako ng kakumpetensya! hehe :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
waaaa alam ko yun paramihan ng tao!!! naglalaro din ako non eh wahahahah
susumbong kita sa Natl Bookstore mimolestya mo yung libro nila..pero dahil nirecommend mo yang libro na yan hahagilapin ko sya weheheheh actually sa post mo lang din ko nabasa yun Mitch Albom na books eh pwede ka ng maging salesman ng mga libro ![]()
YHOTSKI
•reply
Jun-30-08@1:30AM
hehe.. e di magsumbong ka! kala mo ah?! Ui joke lang yon! hehe.. Frend tayo diba?
Wala lang kasi akong magawa kaya tumingin-tingin ako sa National, (depensive) hehe Maganda yung libro. Bilhin mo. Murang mura lang naman e 300+ Ang totoo nyan, salesman tlga ako. May binebenta ako ditong palanggana at saka arinola? bili ka? hehehe...
Minomolestya?? bakit bos, kapag binubuklat mo ba ang kada pahina ng librong tangan mo hinahaluan mo pa ba ng laway ang daliri mo???![]() siguro nga, at maamo sa iyo ang mga libro. ![]() malamang ang reading glasses mo ay nasa 100 0 120, wag ka magkaila, ang sinungaling nakakalbo!! wujajajaja hindi pala tayo nagkakalayo ng interes kapag nasa siyudad ako, yun nga lang ang madalas na 'ni reraid' ko ay ang tindahan sa 'rockwell'...yun bukstor dun sa third floor ata...sabay daklot ng FHM wehhhh!! ![]() pre...aus sino mas aus, si Precious Adona o si Ehra Madrigal?? ...kung sa real life lng nakow!! kahit cno!
YHOTSKI
•reply
Jun-30-08@1:37AM
Tangan ka dyan?! Tangan mo ah!! hehehe.. biro lang! bket mo alam na hinahaluan ko pa ng laway yung daliri ko? hehehe
Ooooppss, excuse me! hindi ako nagsusuot ng reading glasses, matakaw ako sa kalabasa kaya malinaw ang aking mata. hehe at isa pa, kalbo talaga ako kaya wala akong pake kung makalbo ako sa pagsisinungaling. E manyakol ka pala eh. FHM. hehe.. hindi ako nagbabasa nun. Mga makikita mo lang naman doon e yung mga babaeng magagaling tumuwad at saka hindi marunong magsaluwal. Kung ako ang papipiliin mo kina Precious Adona o si Ehra Madrigal, ang pipiliin ko e si Barbarra Mori. hehe Shit! My Brother Wife ba to? hahaha -Yhotski
maganda yung bata bata pano ka ginawa (2x na kong nagkaron ng kopya nito, 2x na ring nahiram sa kin ng walang solian
). hindi ko pa nababasa yung Buwan Buwan Hulugan Mo Ako Ng Sundang, (Moon, Moon, Drop Me a Sword), At Bulaklak Sa City Jail. masarap mamili sa recto ng 2nd hand books. namimiss ko na ngang gawin yan kasi wala na kong time ngayon pero dati, lagi kong ginagawa yun (madami kaming nabiling young adult pocketooks don nina r.l. stine at christopher pike). san ba yung bilihan ng murang 2nd hand books? para mapuntahan ko naman minsan ![]()
YHOTSKI
•reply
Jun-30-08@1:40AM
Oo, maganda yung librong Bata Bata Paano Ka Ginawa? Gusto ko yung takbo ng istorya. Masyadong makatotohanan at hindi nakakahon sa pagkukunwari. Magaling talagang tumipa ng letra si Ka-Lualhati. Idol ko sya!
Masarap tlgang mamili sa Recto, lalo na kapag nire-raid ng mga MMDA yung namimili, pwede ka ng hindi magbayad, dadampot ka na lang. Yun nga lang, wag kang papahuli, kasi kapag nahuli ka, sayo lahat ibubuhos ng mga tindera yung sama ng loob nila kay BF. hahaha
lugi n ang national bookstore sau
luma n kapag my bumili nun. tpos tinutupi mo p ata ang page na tinigilan mo..![]() gawain din nmin un nung elementary.. ung padamihan ng tao.. adik tlga..
YHOTSKI
•reply
Jun-30-08@1:43AM
hehe.. baket naman malulugi? Para nagbabasa lang e. hehe.. Kung ayaw nilang pabasa, e di wag silang magtitinda doon ng mga walang balot na libro?! hehe Nga pla, kahit may plastic yung libro doon, pasimple kong tinutungkab para mabasa. hahaha Ang sama talaga ni Yhotski!
-Yhotski
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (68999)Arts & Entertainment (7462) Lifestyle & Culture (3258) Politics & Issues (2886) Poetry & Fiction (9127) Random Thoughts (10030) Forwarded Thingies (7307) FrendzCorner/ShoutOutz (21058) Games & Fun Questions (2323) Patawa Ka Talaga (2239) Tristancafe Musikahan (3713) Careers & Work Stuff (1473) School Matters (3188) Technology & Internet (3936) Classifieds & Advertisements (3508) Tristancafe Halo-Halo (1551) Barangay Tristan (1708) Site Announcements (42) cardcaptorsakura17, kinty, and 15 guests Random Love Quotes
|