tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
HUMANAP KA NG PANGET: 20
posted by (Jun 26, 2008 @ 4:34AM) views: 553
nag nakaraan... http://www.tristancafe.com/forum/151407



Ika-dalawampung Yugto


Sabay-sabay kaming kumain sa hapag-kainan. Muling bumalik ang saya ng kwentuhan dahil tila wala nang problema si Hazel. Matapos kumain ay muli kaming bumalik sa may sala habang nagliligpit naman ang dalawang babae.

“Simulan na natin ‘tol!” sabi ni Edwin habang binibuksan ang mga bote. Isinalin niya iyon sa pitsel.

“Masyado ka namang atat! Hintayin na natin sila.” Sagot ko naman.

“Sige, palamigin na muna natin to.” Sabi niya. “Oo nga pala, balita ko, nag-file ka daw ng resignation. Kailan nga ulit yung effectivity nun?” tila binuhusan ako ng malamig natubig sa tanong na iyon ni Edwin. Parang tumigil ang aking mundo. Saka ko naalala. One week na lang pala ako sa company.

“Ha? Ah eh….” Hindi ko malaman ang isasagot ko.

“Nagbago ang isip mo?” tanong ni Romer.

“H-hindi na. tuloy na talaga.”

“Ano ba yan? Kung kailan naman, nagiging close ka na sa amin.” malungkot na sabi ni Romer.

“Kailangan kong mag-aral eh….di bale, pag natapos ako, mag-aaply agad ako sa office nyo.” Sabi ko. “Sana tanggapin ako” dugtong ko.

“Wag kang mag-alala bro, ako mismo ang magre-recommend sayo!” sabi ni Edwin.

“Hoy, anong recommend-recommend yang naririnig ko ha?” sabi ni Betty habang papalapit sa amin. umupo siya sa tabi ko. nasa gitna kami ng sofa. Napatingin ako kay Edwin. Parang ok lang naman sa kanya. Sumunod naman si Hazel at saglit na tumigil at naghanap ng mauupuan. bahagya akong umurong at nagkaroon ng space sa gitna namin ni Betty. nagtaka pa siya at saglit na napatingin sa akin.

Umupo si Hazel sa ginta namin ni Betty.

“Ok, let’s get ready to rumble!” nakangiting sabi ni Edwin. Nilagyan niya ng beer ang isang baso at ipinakita sa amin bago niya ininom. Tapos ay muli niyang nilagyan iyon at iniabot kay Romer.

“Ok lang ba sa inyong maki-share sa iisang baso?” tanong ko kila Betty at Hazel. Sosyal kasi ang tingin ko sa kanila at baka hindi nila gusto ang mga ganung klaseng inuman.

“Sus naman! Bakit, mag rabbies ba kayo?” pabirong sabi ni Hazel.

“Wala naman, nagtatanong lang.” parang napahiyang sagot ko.

“Ano nga pala yung narinig kong recommend kanina?” si Betty.

“Sus! Ang tsismosa mo naman! Wala yun!” sagot ni Romer. “Di ba magre-resign na nga itong si Anton?”

Nabigla si Hazel. “Magre-resign ka? Bakit naman?” tanong niya.

“Mag-aaral kasi ako sa susunod na pasukan.” Sagot ko naman.

“Ahh… good for you! Tapos mag-apply ka dun sa office. Im sure. Tatanggapin ka nila.”

“Yun na nga ang sinasabi namin. Kami na mismo ang magre-recommend sa kanya.” Singit ni Edwin. “O, pano, pagtatagalin mo na lang ba sa kamay mo yang baso?” dugtong niya.

“Oo nga pala, sorry!” sabi ko at ininom ko ang beer na iniabot ni Edwin.

Tuloy-tuloy lang ang kwentuhan namin. Patuloy din ang pag-ikot ng baso ng beer sa amin. Nararamdaman kong parang kumakapal na ang aking pisngi at tila ba gumagalaw ang buo kong paligid pero nasa katinuan pa rin ang isip ko. tiningnan ko sila. Kitang-kita ang kalasingan sa kanila. Si Edwin ay bulol na sa paulit-ulit niyang kwento. Si Romer naman ay tahimik lang at pumipikit-pikit na. Abala namang nag-uusap ang dalawang dalaga na kapwa bulol na rin at halatang halata ang tama ng beer.

“Walang hiya talaga sya!” bigla na lang isinigaw ni Hazel. Nagulat kaming lahat. “Isinusumpa ko sya! Hayup sya!” biglang humagulgol si Hazel.

Niyakap siya ni Betty. “Hayaan mo na yun, walang kwentang lalaki”

“Ano bhang ayaw niyah sha akin?” mataas pa rin ang boses niya. “Mah..sha..ma bah akong babae? Panget bah ako?” bigla siya tumingin sa akin. “Pangit ba ako Anton?”

“H-hindi Hazel.” Nagulat ako sa biglang pagharap niya sa akin. Katabi ko kasi siya at halos magdikit ang aming mga mukha. Nalanghap ko ang amoy alak niyang hininga.

“Shige nga…,kung hindi ako panget-” sabi niya “Halikan mo nga ako!”

Lahat kami ay nagulat sa sinabing iyon ni Hazel. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Nakangiti sina Edwin at Romer ngunit tila nagdidilim ang mukha ni Betty. halata ang pagkainis niya.

“Hazel-” sabi ko. “Lasing ka lang ok? bukas na natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan!”

“Anung la..sheng… hindih akoh..lasheng.!” sagot niya. “Anoh?..halikan moh nah akoh!” sabi niya at lalo niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Bumilis ang tibok ng aking puso. Ito na ang pagkakataon upang magawa ko ang matagal ko nang pinapangarap. Pero hindi ko kayang gawin iyon. Ayokong samantalahin ang kanyang kalasingan.

“Tama na Hazel. Please.” Tanggi ko. “Maganda ka, pero hindi sapat ang isang halik para patunayan yun. Alam nating lahat yun diba?” tanong ko sa lahat at nagtanguan naman sila. Nakita ko pang napangiti si Betty.

“Tama si Anton” sabi ni Edwin. “Kahit naman sino ang tanungin, maganda ka talaga.”

Yumuko si Hazel at tuluyan nang humagulgol. “hayup sya! Hayup sya!” Paulit-ulit niyang sinasabi. Awang-awa ako sa kanya ngunit wala naman akong magawa para pakalmahin sya. Muli siyang niyakap ni Betty. Muli rin naming ipinagpatuloy ang inuman ngunit sa pagkakataong ito’y hindi na kasali si Hazel.

Hindi ko na namin namalayan ang paglipas ng gabi. bigla akong napamulat dahil parang punumpuno ang aking pantog. Tiningnan ko sila. Nakatulog na pala kaming lahat. Sina Hazel at Betty at nakasandal sa sofa. Ako naman ay nakatungo at nakatukod sa gilid ng sofa. Sina Edwin at Romer ay magkatabi sa sahig. Towel lang ang ginawa nilang banig. Bahagya pa akong napangiti sa itsura nila. Nakayakap si Romer sa bandang dibdib ni Edwin.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo para umihi. Parang umiikot ang paligid ko. Tiningnan ko ang oras. Alas kwatro ng umaga. Pagkatapos ay muli akong bumalik sa kinauupuan ko dahil parang mabigat ang mga mata ko at gusto ko pang matulog. Pero nakita kong nakasubsob na doon si hazel kaya’t wala na akong mapwestuhan. Nakita ko ring parang nahihirapan si Betty sa kanyang ayos. Nakapatong kasi ang mga paa ni Hazel sa kanya.

Kinuha ko ang towel ko at inilatag ko sa sahig..Tapos ay dahan-dahan kong binuhat si Betty at inihiga sa may sahig. Pahalang sa may bandang paanan nina Edwin. Inayos ko rin ang pagkakahiga ni Hazel sa sofa. Nang matapos ako ay hindi ko malaman kung saan ako hihiga. Medyo nahihilo pa ako kaya’t kailangan ko pang magpahinga. Tanging sa may tabi lamang ni Betty ang space pero nag-aalangan naman akong tumabi sa kanya.

“Betty… betty…” mahinahon ko syang ginising.

“b-bakit?” pupungas pungas niyang sabi.

“Pahiga dito ha?” itinuro ko ang space sa tabi niya. “Wala akong mahigaan eh!”

“Bahala ka.” At muli siyang pumikit.

Humiga akong patagilid sa tabi niya. Nakatalikod ako sa kanya. Tapos ay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil hilong-hilo talaga ako.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa may mata ko. tingnan ko ang paligid. Maliwanag na. nagulat ako nang mapansin kong nakayakap sa aking dibdib ang mga braso ni Betty, at ang kanyang mga hita ay nakadantay sa akin. Nakahiga ako sa sahig at nakatagilid siyang paharap sa akin. Tiningnan ko ang oras. Alas nwebe na ng umaga. Sinilip ko sila at lahat sila ay natutulog pa rin. Dahan-dahan kong inaalis ang kamay ni Betty na nakayakap sa akin.

Nang naialis ko na ang kamay niya ay bigla siyang nagising. Nagtama ang aming paningin. Ngumiti siya at muli akong niyakap. Mas mahigpit ngayon kaysa sa yakap niya kanina. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko kaya’t hinayaan ko na lang sya at muli akong natulog.

Nagising na naman ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa bandang paanan ko. “Hoy! Hoy! Pare!” naririnig kong tinig. Nagising din si Betty. Sabay kaming napabalikwas at mabilis na bumangon. Nagkatinginan kami at bahagya siyang napahiya. Tuluyang bumangon si Betty at nagtuloy sa banyo. Nakatayo sa harapan ko si Edwin at hinahampas ng bote ang binti ko. ito ang dahilan ng paggising ko. muli kong tiningnan ang oras. Alas dose y media na. bumangon ako at iniligpit ang hinigaan ko.

“Putsa pare, sinusulot mo yata ako eh!” bulong ni Edwin sa akin.

“Ha? Hindi ah! Ano ka ba?”

“Para kayong mag-asawa habang natutulog eh!”

“Hindi ko sinasadya. Tulog nga eh!”

“Bakit dyan ka humiga?”

“Saan pala? Sa ibabaw ni Hazel? Tingnan mo nga, wala nang space.” Katwiran ko. “Sana nakipagpalit ka ng pwesto sa akin.” Natahimik siya sa katuwiran ko.

“Guys! Ready na ang brunch!” tining ni Romer mula sa kusina.

“Wow! anong nakain mo’t nagpre-pare ka nang food?” nakangiting sabi ni Betty paglabas niya ng banyo.

“Wala pa nga akong kinakain kaya naisipan kong magprepare.”

“Ano bang makakain?”

“Bumili lang ako ng itlog, saka hotdog sa tindahan. Isinangag ko rin yung tira nating kanin kagabi. Ang dami pa eh!”

“Teka, gigisingin ko si Hazel.”

Papunta na kami ni Edwin sa kusina nang makasalubong namin si Hazel. “Good Morning Edwin!” nakangiting bati niya dahil bahagyang nauna si Edwin sa akin.

“Good afternoon!” sagot naman ni Edwin.

“Ay oo nga pala!” bawi niya. Tapos ay kami naman ang nagkasalubong. Nagtama ang aming mga kamay. Saglit kaming natigilan at ngumiti siya sa akin. Gumanti naman ako ng ngiti at tumuloy na ako sa kusina.

-itutuloy-
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
ChugiBear    •reply Jun 26, 2008 @ 4:56 AM
 
: g a l e n g : 
  ChugiBear    •reply    Jun-26-08@4:56AM
: f i r s t :  pala ako
: s m i l e : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-26-08@5:07AM
eto award mo!!!


: j o m b a g : 
  ChugiBear    •reply    Jun-26-08@5:08AM
: f u r i o u s :  : m i s i s : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-26-08@5:16AM
: l o l :  : l o l :  : l o l : 


lambing lang! : b l u s h : 
kul8qtlga    •reply Jun 26, 2008 @ 5:06 AM
 
: l o l :  ganda nman : l u v : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-26-08@5:07AM
maganda? sino? ikaw? : b l u s h : 
  kul8qtlga    •reply    Jun-26-08@5:42AM
: l o l :  tgal n poh aqng mganda : n a u g h t y :  : n a u g h t y : 

dont react na kuya : h m m : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-26-08@6:58AM
: t a k a s : 
shyly_mei    •reply Jun 26, 2008 @ 5:20 AM
 
bkla ba c romer?

: l o l :  : l o l : 

nkk2wa kc cya eh... : l o l : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-26-08@5:21AM
hindi mo sinubaybayan to noh? : s a k t a n : 
  shyly_mei    •reply    Jun-26-08@5:23AM
: h i d e : 

: s o r r y : 

hindi eh... : r a z z : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-26-08@5:27AM
e ano pang inuupo upo mu dyan?

BASAHIN MO NA!!! : s a k t a n : 
  shyly_mei    •reply    Jun-26-08@5:29AM
: h i d e : 

opo sir! : c r y : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-26-08@5:32AM
WAG NA UMATUNGAL DYAN!!! BASA NA!!! : j o m b a g : 
  shyly_mei    •reply    Jun-26-08@5:33AM
: h i d e : 

brutal mo! : c r y : 

bbsa n po sir... : c r y : 
  shyly_mei    •reply    Jun-26-08@5:37AM
bkas n lng kuya... : r a z z : 

smkit ulo ko kkhmpas mo eh... : r a z z :  : l o l : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-26-08@5:49AM
mas lalo kang masasaktan kapag ipinagpabukas mo pa!!! : s a k t a n : 
spuddiez    •reply Jun 26, 2008 @ 5:23 AM
 
basahin ko n lng po 2 maya kuya : ) 


: h u g : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-26-08@5:31AM
BAWAL BASAHIN MAMAYA!!!

ide-delete ko na agad to!!! : m a d : 
  spuddiez    •reply    Jun-26-08@6:23AM
bukas ko na po ito tatapusin basahin kuya : ) 

2log na po ako..

nite!

sweet dreams! : k i s s :  : h u g : 
  spuddiez    •reply    Jun-26-08@9:52PM
: l o l :  : l o l :  ayos talaga si betty....knows how to take opportunities : l o l : 


si rommer : r o l l : ...sana sila ni edwin magkatuluyan kuya: l o l : 
  irah0407    •reply    Jun-26-08@10:04PM
aq din gusto q cla mgkatuluyan... : n a u g h t y : 
Iversonkoh24    •reply Jun 26, 2008 @ 5:43 AM
 
wow! : g a l e n g :  hehe. : ) 
Iversonkoh24    •reply Jun 26, 2008 @ 5:45 AM
 
kuya parang ang guwapo talaga ni anton ah! : b o p : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-26-08@5:50AM
: s h r u g : 
  Iversonkoh24    •reply    Jun-26-08@6:03AM
kuya aminin mo na.. hehe, pag ba yumaman sya..paparetoke sya ng mukha? : n a u g h t y : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-26-08@6:59AM
bakit pa magpaparetoke?

eh may magmamahal naman sa kanya kahit pangit sya... : m a d : 
Iversonkoh24    •reply Jun 26, 2008 @ 5:46 AM
 
kuya jed pasend naman ng mga stories na ginawa mo
sa email kow. please?? erin_xtreme2003@yahoo.com
:thanks:
  Iversonkoh24    •reply    Jun-26-08@5:46AM
ay sablay naman! : t h a n k y o u : 
etina0511    •reply Jun 26, 2008 @ 8:05 AM
 
cguro nd naman subra pangit c anton ehehe dami ng umiibig sakanya
  jeddsteelhead    •reply    Jun-27-08@9:18PM
hindi nga siguro! : r a z z : 
insanity41    •reply Jun 26, 2008 @ 11:21 AM
 
nxt n po!
  jeddsteelhead    •reply    Jun-27-08@9:18PM
ok! ; ) 
xknothing    •reply Jun 26, 2008 @ 3:00 PM
 
betty..betty..patabi ha : r o l l :  : r o l l :  kailangan talga mang gising? ?lol:
  xknothing    •reply    Jun-26-08@3:01PM
sablay : m a d : 

: l o l : 
innocent_beyondeyes    •reply Jun 26, 2008 @ 6:26 PM
 
hehehehehe,..lagot ka anton,..TH si Edwin,.. : l o l :  : l o l :  : l o l : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-27-08@9:18PM
LAGOT! : n o n o : 
aq06_best    •reply Jun 26, 2008 @ 6:37 PM
 
kuya sino ang pra kay kanino? : ? 

: l o l :  : l o l : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-27-08@9:19PM
ako ang para kay Hazel.....

ako rin ang para kay Betty...



at ako rin ang para kay Romer : h i d e : 
iloveyou_22    •reply Jun 26, 2008 @ 9:00 PM
 
bitin n2mn kUyA.. : ? 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-27-08@9:19PM
lagi na lang bitin! : s a d n a n a : 
irah0407    •reply Jun 26, 2008 @ 10:52 PM
 
lam q n cno mgkktuluyan! nbabasa q na ang ns isip mo.... : n a u g h t y : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-27-08@9:20PM
alam mo ang nasa isip ko? : w h a t t h a : 




BASTOS! : m a d : 
  irah0407    •reply    Jun-29-08@6:17PM
: l o l : 
TeenAgeDrama    •reply Jun 27, 2008 @ 9:53 PM
 
jedd..!! so pano na ang book 2 ng OBRA?
  jeddsteelhead    •reply    Jun-27-08@10:08PM
hindi ko alam kung sino ang magli-lead... : ( 
pacho    •reply Jun 27, 2008 @ 10:16 PM
 
ay may ksunod n pla : r a z z : 
emotechie_03    •reply Jun 27, 2008 @ 11:34 PM
 
nxt n.. pls... haha...
  jeddsteelhead    •reply    Jun-28-08@5:26AM
ok! ; ) 
geminier    •reply Jun 28, 2008 @ 2:59 AM
 
npag iwanan nko sa update. : c r y :  : c r y : 

pede po pa email sken ng whole story.. : p r a y : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-28-08@5:25AM
HINDI PWEDE!!!! : m a d : 



hehehe! : b l u s h :  : b l u s h :  : b l u s h : 
  geminier    •reply    Jun-28-08@11:42PM
: t a m p o : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-29-08@12:18AM
nakahabol ka na eh! : b l u s h : 
pacho    •reply Jun 28, 2008 @ 7:18 AM
 
no 21 n pls : r a z z : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-29-08@12:17AM
: s h r u g : 
shelly_eds17    •reply Jun 28, 2008 @ 3:06 PM
 
: s m i l e :  nice!...
  jeddsteelhead    •reply    Jun-29-08@12:17AM
tenks! : b l u s h : 
geminier    •reply Jun 29, 2008 @ 12:27 AM
 
sa wakas nakahbol nko : l o l :  : l o l : 

kala mo ha... : l o l : 

cno b tlga ang pra ke anton : ? 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-29-08@2:04AM
: c h i s m i s : 

si Romer!
emotechie_03    •reply Jun 29, 2008 @ 12:49 AM
 
asan n?? 21?? pls// 21 n..
  jeddsteelhead    •reply    Jun-29-08@2:05AM
: h i d e : 
  emotechie_03    •reply    Jul-5-08@2:41AM
hanggang ngaun b... la p rin?? : c r y :  : c r y :  : c r y : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
next to you: what's up with him?
older post:
GAME LOVE CHAPTER 23
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com