|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
GAME LOVE CHAPTER 22
CHAPTER 22 LUNES! Maagang nagising si Net, kaagad nyang sinimulan ang morning rituals na nakaugalian na nya. Masigla na ang dalaga nakabawi na kasi sya ng pahinga. Ngayong araw ding ito nila sisimulan ang plano para kay Ryan. Kahapon nagpunta sina Jed, Nyl at Jay sa bahay nila para ayusin ang lahat ng kanilang plano. Napagkasunduan nilang, si Jed muna ang unang magbabantay kay Ryan. Nang maplano na nila ang lahat, masaya nilang pinagkwentuhan ang nangyari sa game nung nakaraang Sabado. Nalaman din ni Net na si Paul ay nakagawa ng 14 assist na naging isa sa susi sa pagkapanalo rin ng team nila. Hindi pa uli sila nagkikita ni paul mula ng huling laban. Kahapon naman kasi ay Linggo kaya walng pasok. Bagaman panay ang text ni Paul sa kanya bilang Anton, hindi naman nya maihayag ang nararamdaman dito bilang si Net sa kanyang mga reply. Kung ano lang ang tanong nito yun lang ang kanyang sinasagot. Nakakahiya naman kung magtanong sya bilang Anton kung kumain na ba ang binata. Eeeww! Malamang sa susunod na magkita sila ni Paul na naka Anton sya eh baka hindi na sya nito kausapin! Narinig nya ang busina ng kotse ng papa nya kaya nagmamadali n syang bumaba ng kwarto nya. “Net! Eto na, kainin mo na lang sa kotse.”, habol ng mama nya sabay abot kay Net ng sandwich, milk in can(sterilized) at isang green apple. Kinuha ito ni Ne at humalik sa ina bago tuluyang lumabas ng pinto. Sumakay sya sa kotse sa tabi ng kanyan papa na nasa harap ng manibela. Every Monday kasi sumsabay sya sa papa nya kasi maaga ang class nila. Habang daan kinakain naman ni Net ang bigay na pagkain ng kanyang mama. Ayaw na ayaw kasi nito na nagpapaliban sila ng pagkain! Naubos nya ng pagkain bago pa huminto ang sasakyang ng kanyang papa sa main gate ng kanilang unibersidad. “Ingat pa!”, sabi ni Net sabay halik sa pisngi ng ama saka bumaba ng kotse ito. Kumaway naman ang kanyang papa bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. Pumasok na si Net sa main gate ng kanilang eskwelahan. Diretso nyang tinungo ang kanilang room na nsa third floor ng kanilang building. Paakyat sya ng hagdanan patungo ng ikalawang palapag ng mapansin ang nakangiting si Ryan sa taas. “Sh*t! sira na gad ang araw ko!”, pabulong na sabi ni Net sa sarili ng makitang palpit sa kanya si Ryan. Nagmamadali syang umakyat ng hagdan patungo sa ikatlong palapag. Subalit huli na, nakalapit na sa kanya ang mayabang na si Ryan. “Babe!” tawag nito sa kanya. Babe! Yuck! Gusto nyang tadyakan si Ryan dahl sa tawag nito sa kanya. Hindi sya lumingon, nagkunwari na lang syang hindi narinig ang binata. Nagpatuloy sya sa pag-akyat para tuluyang maiwasan ang binata. “Babe! Hindi mo ba narinig na tinawag kita!”, sabi ni Ryan na mabilis na naklapit sa kanya at nahawakan ang kanyang braso. Madiin ang pagkakasabi ni Ryan sa bawat salita kaya nahihimigan ni Net na asar na ang binata sa kanyang ginawa. “Bakit ba?! Malay ko bang ako ang tinatawg mo!”, bwisit na singhal ni Net sa binatang nasa harapan. “Sorry na babe kung hindi ako nakatext sayo kahapon.”, nakangiting sabi ni Ryan sa kanya ngunit lalong humigpit ang hawak nito sa kanyang braso. Napansin rin ni Net na may mga estudyanteng dumadaan sa kanilang tabi na napapatingin sa kanilang dalawa. Napakagaling na artista ng hinyupak na lalaki na to! “Sabay na lang tayong mag lunch mamaya, okay?”, nakangiti pang sabi nito. Hindi sumagot si Net kaya lalong humigpit ang kapit ni Ryan sa kanyang braso na ikinangiwi ng dalaga. Tumango na lang si Net para matapos na ang eksenang yun. Dahan-dahan namang lumuwang ang hawak ni Ryan sa kanya hanggang tuluyan ng inalis nito ang kamay sa pagkakahawak sa kanya. “Ayan, kung ganyan ka ba ng ganyan palagi.”, bulong nito sa kanya. “ Sige na babe, baka malte ka pa!”, malakas pa nitong sabi sa kanya na ikinatingin pa ng ibang estudyante. Nagmamadaling tumalikod si Net kay Ryan. Sukang-suka na kasi sya sa pagmumukha ng binata! Pagkarating ng 3rd floor kaagad nyang tinungo ang kailang roo. Andun na ang tatlo nyang kaibigan na pawang mga nakaupo at nagkukwentuhan. Pabagsak syang naupo sa kanyang silya na ikinatingin ng tatlo. “Anong nangyari sayo? Lunes na Lunes busangot mukha mo.”, takang tanong ni Jed na syang katabi nya sa upuan. “Panu naman sa dinmi-dami ng makikita kong lalaki sa eskwelahan na ito, eh ang hinayupak na Ryan pa na yun ang nakita ko!’, gigil na sabi ni Net sa mga ito. “Sus, kaya naman pala! Ako nga rin nakita ko rin sya, binati pa nga ako, inirapan ko lang!”, mataray na kwento ni Nyl. “Hayaan nyo na muna ang pangit na yun, ako ng bahala sa kanya mamaya. Kelangan ko lang ang schedule nya.”, sabi ni jed sabay kindat kay Net. “Kaya ikaw Net, be good! Tiis ka muna, lambingin mo muna pag nakuha mo na kelangan ntin saka ka na bumawi!” nakangiting sabi ni Jay. Naputol na ang kanilang pag-uusap ng dumating ang kanilang prof. Sunud-sunod na ang kanilang magiging klase sa umagang yun. SAMANTALA, hangos na pumasok si Paul sa kanilang room, late na ksi sya ng sampung minuto. “Good morning sir.”, nakangiting bati ni Paul sa nadatnang prof nila. Tumango lang ito sa kanya,nagtungo na si Paul sa kanyang sariling upuan. Tatawa-tawa naman syang tiningnan ni Jemal na kaklase nya sa subject na yun. Tinapik sya ni Allen,kaklase rin nya, sa balikat na nakaupo lang sa likuran nya. “Pare nabalitaan mo na ba?”, tanong nito sa kanya nang lumingon sya dito. “Nabalitaan? Ang alin?”, naguguluhang tanong ni Paul. Maging si Jemal ay napalingon na rin kay allen. “Si Net yung setter ng volleyball team syota na pala ni Ryan yung captain ng volleyball team.”, mahinang balita ni Allen. Nagulat ang dalawa sa narinig mula sa binata. “Wee! Hindi totoo yun! Galit kaya si Net kay Ryan. San mo namn nkuha tsismis na yan?”, si Jemal ang sumagot ng makitang natameme si paul sa narinig. “Kasi kanina daw sa kabilang building nakita at narinig ng gf ko na nag-uusap sila, sabi pa nga daw ni Ryan sabay silang mag-lunch ngayon at eto pa babe ang tawag ni Ryan kay Net.”, mahabang paliwanag ni Allen sa dalwa. “What’s going on there?”, mataray na tanong ng kanilang prof sa kanilang tatalo. Bigla silang natahimik ng makitang galit na nakatingin sa kanila ito. Hindi tuloy nakapagconcentrate si Paul sa kanilang lesson dahil sa nabalitaan kay Allen. Tatanungin na lang nya mamaya si Net pag nagkita sila sa canteen. “SA WAKAS!”, nag-iinat na sabi ni Nyl, tapos na kasi ang kanilang 4 na subjects at ngayon nga ay makakapag-lunch na silang lahat. Inaayos ng tatlo ang kanilang gamit ng mapansin na hindi kumikilos si Net mula sa kanyang pagkakaupo. “Net, ayaw mo bang mag-lunch?”, takang tanong ni Jay sa kaibigan. “kayo na lang baka kasi makita ko ang lalaking yun mapatay ko pa yun!”, nakasimangot na sabi ni Net. “Ano ka ba Net, kelangan mong maging mabait sa kanya panu mamaya si Jed kung hindi nya alam kung saan ang lakad ng pangit na yun!”, mataray na sabi ni Nyl habang nakapamewang pa sa harap ng nakaupong si Net. “Oo nga naman Net ngayon lang yan, pag natapos na yung plan natin, saka ka na lang gumanti.”, sang-ayon ni Jed. Tumango naman ang katabing si Jay bilang pagsang-ayon din. “Nakakainis talaga!”, padabog na sabi ni Net sabay tayo mula sa pagkakaupo at sinalipot ang kanyang mga gamit. Natatawa namang inakbayan ni Jed ang kaibigan habang palabas sila ng room. CANTEEN! Humanap na bakanteng upuan sina Nyl at Net habang pumila naman sina Jed at Jay para bumili ng pagkain. Magkaharapang naupo sina Net at Nyl sa kanilang nakitang table. “dami tao ngayon ah!”, sabi ni Nyl habang nililibot ng tingin ang buong canteen. “Monday kasi kya marami estudyante.”, sabi namn ni Net na binubuksan ang mga mensahe sa kanyang celphone. “Net! Parating na Prince charming mo!”, nakangiting sabi ni Nyl habang nakatingin sa direksyon ng pintuan ng canteen. Nilingon naman ni Net ang direksyong tinitingnan ng kaibigan. Nakita nyang papasok dito sina Paul kasama si Wesley at Derrick. Kumaway si Wesley ng makita silang nakaupo ni Nyl. lumapit ang mga ito sa kanila. “Hi girls! San yung dalawa?’’, nakangiting bati ni Wesley. “Pumipila. Kulang ata kayo?”, sabi ni Nyl na parang may hinahanap an gmga mata. “Uyy, hinahanap si Jemal!”, biro ni Derrick sa dalaga. “Hindi kaya!”,pairap na tugon ni Nyl. nakakatawang pagmasdan si Nyl todo deny pero pulang-pula naman ang mukha! Hahaha! “May klase pa si Jemal pero mamaya bago tayo matapos kumain malamang andito na yun.”, nakangiting sabi ni Derrick. “Dun muna kami, order na kami ng pagkain natin.”, sabi ni Wesley sabay tapik kay Paul sa balikat. Tumango naman ang mga naiwan sa table. Nakita nilang pumunta ang dalawang binata sa nakapilang sina Jed at Jay. “Istorbo ba ko?”, nakangiting tanong ni Nyl sa dalwa. Namula naman si Net dahil sa tanong nya samantalang ngumiti naman si paul sa nagtanong na dalaga. Hindi pa nakakabwelo si Paul para magtanong kay Net ng muling magsalita si Nyl. “Andyan na asungot!”, tila asar na sabi ni Nyl habang nakatingin sa paparating na si Ryan. Npakunot pa si Nyl ng mapansin na parang may nag-iba sa papalapit na binata. Para kasing biglang lumaki ang katawan nito! “Hi Babe!”, nakangiting bati nito particular na kay Net. Maang namang napatingin si Paul kay Ryan bago sa dalagang nakupo sa kanyang tabi na ngayo’y nakatungo na. “Sabi ko sabay tayong mag-lunch babe. Lika na sa labas na lang tayo kumain.”, sabi nito sabay hawak sa kamay ni Net. Nabigla man si Paul pero kaagad na nakabawi ang binata. “Teka lang Ryan, nakikita mo ng nakupo na sya dito ibig sabihin ditto nya gusto kumain.”, mahinahong sabi ni Paul sabay tanggal ng kamay ni Ryan sa pagkakahawak kay Net. Tumingin namn si Ryan kay paul na bored na bored ang hitsura. “Eh ano bang pakilam mo!? Hindi mo b alam na girlfriend ko yung inaaya kong kumain na kasama ko!”, asar na sabi ni Ryan sa katabing binata ni Net. “Girlfriend!? Ha!sinong may sabi?”, natatawang sabi ni paul. “Sinong may sabi pala. Net sabihin mo sa lalaking ito kung sino ako sayo!”, mataas ang boses ni Ryan na sabi kay Net. Hindi kumilos mula sa pagkakaupo si Net maging sa kanyang pagkakatungo. “Net!!”, ulit ni Ryan sa pangalan ng dalaga. Nagbabanta ang boses nito na labis na ikinabahala ni Net. Huminga ng malalim si Net bago mahinang nagsalita. “B-boyfriend ko sya.”, mahina ang pagkakasabi ni Net pero parang bombang sumabog sa pandinig ni Paul. Hindi nakapagsalita ang binata nakatingin lang sya sa dalaga. Ni hindi sya nakakilos ng hilahin ni Ryan ang dalaga mula sa pagkakaupo para umalis sa lugar na yun. Para syang binaril at sapul na sapul sa kanyang puso! Para syang pinatay ng mga sandaling yun! sori po l8 n upd8 ko..... mlpit n mtpos... p rn s lhat ng bmbasa at ngbbigay ng kanilang comments.... comments po uli.... :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
e2 po ung link ng mga naunang chapter...
CHAPTER 1 www.tristancafe.com/forum/143763 CHAPTER 2 www.tristancafe.com/forum/144088 CHAPTER 3 www.tristancafe.com/forum/144220 CHAPTER 4 www.tristancafe.com/forum/144366 CHAPTER 5.1 www.tristancafe.com/forum/144511 CHAPTER 5.2 www.tristancafe.com/forum/144628 CHAPTER 6 www.tristancafe.com/forum/144855 CHAPTER 7 www.tristancafe.com/forum/144985 CHAPTER 8&9 www.tristancafe.com/forum/145124 CHAPTER 10&11 www.tristancafe.com/forum/145261 CHAPTER 12 www.tristancafe.com/forum/145767 CHAPTER 13 www.tristancafe.com/forum/145889 CHAPTER 14 www.tristancafe.com/forum/146052 CHAPTER 15 www.tristancafe.com/forum/146257 CHAPTER 16 www.tristancafe.com/forum/146498 CHAPTER 17 www.tristancafe.com/forum/148734 CHAPTER 18 www.tristancafe.com/forum/149005 CHAPTER 19 www.tristancafe.com/forum/149111 CHAPTER 20 www.tristancafe.com/forum/149362 CHAPTER 21 www.tristancafe.com/forum/150300 ![]()
pangit talagang Ryan nah yan
Paul akin kah nah Lang whahaha juk Lang peow pede mowh namang seryisohin ehehehe papalicious kah naman eh!btw, para namang vakla yang c Ryan pumapatol sa va2e
shyly_mei
•reply
Jun-22-08@9:16PM
yaan u mlpit n mkgnti cla ky ryan... 4 d mintym oki lng mglit k mna ky ryan...
etina0511
•reply
Jun-23-08@12:11PM
4ever nah aqoe galit kay ryan ala nah 4 d mintym ayaw qoe nang pangit whehehe ang ugali whahaha pang gulo ang shokwe nah yun!
ahahaha talagang aabangan qoe nah sya sa skul nila saktan sama qoe mga tropa qoe ahahaha vaka maulit uli yung nd nanaman ma2loy dahil sa mga papalicious dyan hihihi
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70992)Arts & Entertainment (7634) Lifestyle & Culture (3327) Politics & Issues (2958) Poetry & Fiction (9382) Random Thoughts (10305) Forwarded Thingies (7395) FrendzCorner/ShoutOutz (21460) Games & Fun Questions (2364) Patawa Ka Talaga (2338) Tristancafe Musikahan (3860) Careers & Work Stuff (1536) School Matters (3263) Technology & Internet (4040) Classifieds & Advertisements (3613) Tristancafe Halo-Halo (1568) Barangay Tristan (1751) Site Announcements (44) Cloneberry, mishka_burton, alexxe, yuzhendeng, and 24 guests Random Love Quotes
|