|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Childhood Playground (Chapter 25)
CHAPTER 20
CHAPTER 21 CHAPTER 22 CHAPTER 23 CHAPTER 24 CHAPTER 25 Anim na buwan na ang nakalipas mula ng bumalik galing Pilipinas ang mag-iina. Mga ilang buwan na rin ng nagkahiwalay sina Grace at ang kanyang kasintahan. Wala itong ibinigay na rason sa dalaga. Malapit ng mag-debut ang dalaga kaya pinaki-usapan niya ang mga kaibigan na maging parte ng kanyang eighteen roses at eighteen candles. Simple lamang ang naging handaan. Escort niya ang isang kaklase na mayroong pagtingin ang dalaga. Masayang masaya ang dalaga dahil nandoon ang lahat ng kaibigan. Ang mga kaibigan niya sa New Zealand ay hindi nakarating ngunit mga tumawag para bumati. “Ang daya mo!! Hindi mo kami hinintay para makarating dyan!” reklamo ni Pauline sa kabilang linya. “What? Hintayin kayo? Eh next year pa kayo pupunta dito! Hahaha!!” “Ate!! Sino escort mo? Nandito pa kami nila Miguel at Sol.” Sabi ni Vince mula sa likod. Nakasanayan na ng dalawa na “ate” at “kuya” ang tawagan. “Naka-speaker phone ba kayo??” tanong ng dalaga. “Oo. We’re celebrating your birthday here. Para di kami left out sa party noh!” sabi ni Iris. “Hala! Si Pauline umiiyak na don sa may sofa… Sana daw nandyan kami para sa debut mo.” Matagal tagal na nag-usap ang magkakaibigan hanggang sa dumating ang mga bisita ni Grace. Masaya ang buong gabi na iyon para sa lahat. Lalong lalo na sa dalaga. Nang makasayaw nito ang escort niya ay hindi tumigil sa paghiyawan ang mga kaibigan at kaklase. “They look so good together!!” “Max!! Go closer!!” “You two look so adorable!!!” Hindi alam ni Grace kung sino ang mga sumisigaw dahil kinakausap ito ng binata. Hinalikan siya nito sa pisngi pagkatapos ng kanilang sayaw. Rason para lalong lumakas ang paghiyawan ng mga bisita. Hanggang matapos ang gabing iyon ay hindi mawala ang ngiti ng dalaga. Tila kinikilig pa din ito sa nangyari kanina. Kinabukasan ay parang wala pa din sa sarili ang dalaga at tila nanaginip pa din. Ngiti ito ng ngiti kaya inaasar ito ng kanyang ama. Nagpasya si Grace na mag-computer muna dahil wala naman ginagawa. Tinignan nito ang e-mail at Friendter niya. May nag-message sa kanya na Gerald ang pangalan. “Sino naman ‘to?” Tanong ng dalaga sa sarili. Nang buksan niya ito ay nagsimulang manginig ang katawan ng dalaga at nanlamig ang kanyang mga palad. Subject: hi i'm Shane's friend Message: ahm i would like u to know that he wants to have communication with you but there is something wrong with his friendster account ahm if you want to contact him,this is his cell no. 0918******* ahm dats all thanks for reading this message Hindi malaman ng dalaga ang gagawin. Gusto niyang sumigaw sa tuwa pero baka magtaka naman ang mga magulang niya. Tuwang tuwa ito dahil may komunikasyon ulit siya kay Shane, kahit sa text man lang. Para masigurado ng dalaga na si Shane nga iyon ay sinubukan nitong tawagan ang number ng gabing iyon. “Hello?” Tinig nang isang lalake sa kabilang linya. “Um…Hi… Shane, ikaw ba yan?” nanginginig na boses ng dalaga. “Grace? Kumusta ka na???” sabik na tono ng binata. “Ayos lang naman. Ikaw ba?” “Nasa jeep ako ngayon pa-uwi. Pero masaya sobra!” “Ay! Ganon ba… Sige baba mo na yung phone. Baka manakaw pa yan. Text text na lang tayo pag-uwi mo.” “Sige mamaya na lang. Baka mapagalitan ka din at maubos load mo. Grace…” Saglit na huminto ang binata. “Grace… I miss you…” Nabigla ang dalaga sa narinig ngunit napakasaya niya. Naputol ang usapan nila dahil naubusan ng load ang dalaga. Hinayaan na lamang iyon ng dalaga. Masaya na ito na narinig ulit ang boses ng binata. “It started when we were younger… You were my… My boo…” Tumunog ang celphone ng dalaga ng nakahiga na ito para matulog. “Sino naman tatawag ng ganitong oras?” medyo naiinis na tanong ng dalaga sa sarili. “Hello?” Pagsagot ni Grace. “Grace, natutulog ka na ba?” “Shane! Bigla ka napatawag. Baka maubos load mo nyan.” “Ah… Hindi, wala yun. Bumili ako ng load bago umuwi. Gusto kasi kita makausap.” Nagsimula nanaman sa pagngiti ang dalaga at bumilis nanaman ang pagtibok ng kanyang puso. “Kumusta ka na ba? Ikaw ha, ang tagal mo na ng nawala hindi ka pa nagpaalam saken.” Sabi ng binata. Ipinaliwanag ng dalaga ang nangyari nung araw na paalis na sila. Kung pano sila nagkasalisi at kapag tumatawag siya na wala naman ang binata sa bahay. “Buti na lang binuksan ko yung dati kong account sa Friendster. Nabasa mo yung message mo saken kaya pinaki-usapan ko yung kaibigan ko na mag-reply.” Tumahimik sandali ang binita. “So, nasa Switzerland pa din kayo?” tanong ni Shane. “Switzerland?? Nasa New Zealand kami dati, lumipat kami dito sa Australia last year lang.” natatawang sagot ng dalaga. “Akala ko all this time Switzerland… Bumalik ka na nga dito!” Kinuwento ng dalaga ang pag-uwi nila noong karaang pasko. Tungkol sa pagkikita kita ng mga kaibgan at mga outings na pinuntahan. “Bakit hindi ka nagsabi?” sabi ng binata. “Grace, may boyfriend ka ba ngayon?” “Um… Wala. Kakabreak lang namin a few months ago.” Sagot ng dalaga. Nagdadawalang isip ito sa susunod na itatanong pero itinuloy pa din. “Ikaw, may girlfriend ka ba ngayon?” “Sorry… Wag ka na malungkot. Pero siguro kung hindi mo ako iniwan, hindi ka masasaktan ng ganyan ngayon.” Seryosong sabi ng binata. “Para naman sa tanong mo, wala. Matagal na kami nag-break. Ilang taon na din yun.” “Ah…Sorry! Kasi naman ikaw na lang ang pumunta dito.” “Sorry nga pala hindi nakarating escort mo nung debut mo. Naiwan ako ng eroplano eh!” Natawa ang dalaga sa sinabing iyon ng binata. “Ay Shane, tanong lang. Nasa’yo pa ba yung Mickey Mouse na alarm clock?” “Ah… yun… Oo naman. Ito nga tinitignan ko ngayon, nasa bedside table ko pa din and gumagana pa.” “Di nga??” “Pagbalik mo dito papakita ko sayo!” “Shane… Ano eh… Pasensya na nga pala kung nasampal kita dati nung inaasar mo ako.” “Wala yun. Sampal lang ng pagmamahal yun!” Natawa si Grace sa sinabi ng binata. Para sa dalaga ay nag-iba na ito ng kaunti. Hindi na siguro ito kasing torpe ng dati. “Um… Grace… Pagbalik mo dito, sisiguarduhin kong hindi ka na babalik dyan…. Jokes!” “Ano nanaman yan? Ikaw talaga. Maiba lang ako, nagigitara ka pa din ba?” “Yup! Nasa band ako ngayon kasama mga kaibigan ko. Lead guitarist ako. Hehehe” pagmamalaki ng binata. “Naks naman! Sige nga… Pa-try.” Pabirong sabi ng dalaga. “Sandali, kunin ko lang gitara ko.” Nawala sandali ang binata. Narinig ni Grace ang pagkalabit ng gitara. Nagsalita na ulit si Shane sa kabilang linya. “Ano ba maganda tugtugin? Hm….” Nag-isip ito ng kaunti “Ah.. Ito na lang muna ngayon…” Nagsimula itong tumugtog at kumanta. “Oceans apart… Day after day… And I slowly go insane…” Kanta ni Shane sa kabilang linya. Hindi matigil ng pagngiti si Grace habang kumakanta ang binata. Napakabilis ng tibok ng kanyang puso. Bigla na lamang huminto sa pagkanta at paggigitara si Shane. “Oh, bakit ka huminto?” tanong ng dalaga. “Pagnagkita tayo, don ko na lang tatapusin. Gusto ko din makita reaksyon mo. Ang lakas mo talaga magpahirap!!” sagot ng binata. “Ng bitin!! Kahit na kelan ka talaga hito!” “Linta!” Sandaling katahimikan. “Hindi na kita papabalikin diyan pag-uwi mo dito Grace” seryosong sabi ni Shane. “Ano?” natawang sabi ni Grace. “Wala! Sabi ko, I miss you!!” Lumipas ang ilang buwan at nagtuloy ang pag-uusap ng dalawa. Paminsan ay nagcha-chat, text o tumatawag sa isa’t isa. Nagkita na din sila sa unang pagkakataon makalipas ang ilang taon ngunit sa webcam lang. Sapat na iyon para kay Grace. Ang mahalaga para sa kanya ay ang patuloy na komunikasyon nila ng binata. Ngunit hindi nagtagal ay nagtapat si Shane sa dalaga na may gusto ito dati sa kanya. Umamin na din ang dalaga sa dating nararamdaman sa binata. Simula noon ay lalong naging magkalapit ang dalawa. ...Itutuloy... :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Oceans apart… Day after day… And I slowly go insane - napakanta ako
![]() aieeeee!!! otor naman eh! bakit parang minadali mo yung last paragraph? biglang summary? ![]() wah. nabawasan tuloy kilig ko. hmf! pero perpek pa din! ![]() more more update! ![]()
spuddiez
•reply
Jun-20-08@8:48AM
ang haba na sobra eh..and wla pumapasok sa utak q pra sa conversation nila ![]() sorry! ![]() thank you!!!! ![]() 2 chapters na lang and tapos na po ang story
slow paced masyado 'to ah pero in fairness habang tumatagal mas paganda ng paganda. sana umabot sa part na kinasal sila at nagkaanak. (siguro by next year pa yata yun maipopost...
)
nd qoe man alam nah nag break nah pala kami ni shane huhuhu vkit nd qoe alam yun? kla q panaman ![]()
etina0511
•reply
Jun-22-08@9:41AM
aqoe kaya yung gurkalu sa f's nya
![]() vkit nya cnav nah break nah kami ![]() okay move on naku mag la2ndi nah Lang uli aqoe hmm cnu kaya ang maganda (xepre aqoe) este gwapo hmmm hanap muna aqoe
syet naman.. yung kanta na un.. “Oceans apart… Day after day… And I slowly go insane…”
dedicated q un sa dati qng mahal na taga tcaf.. ![]() pero past is past... toinkz.. ![]() matatapos na pala toh.. sabi q wak mo muna tapusin e., pero happy aq para kina shane at anyD este grace.. ![]()
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70995)Arts & Entertainment (7634) Lifestyle & Culture (3327) Politics & Issues (2958) Poetry & Fiction (9382) Random Thoughts (10305) Forwarded Thingies (7396) FrendzCorner/ShoutOutz (21461) Games & Fun Questions (2364) Patawa Ka Talaga (2338) Tristancafe Musikahan (3861) Careers & Work Stuff (1538) School Matters (3263) Technology & Internet (4040) Classifieds & Advertisements (3613) Tristancafe Halo-Halo (1568) Barangay Tristan (1751) Site Announcements (44) pink_pearl08, mommy_shadow, mCdamz, nikka_bunny, sandyohseven, adeek13, neonblues, ryukendo, JOHANNLUCAS, and 24 guests Random Love Quotes
|