|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Barangay Tristan
House Bill no. 4315
"I know you're the loneliest person i know
Just a flag in the wind that won't blow Just a tear rolling down the window You see that i know you're the loneliest person i know Just a blade in the grass that won't grow Just a hand holding on that lets go." -Splender, The Loneliest Person I Know ...Bago magkalimutan, gusto ko munang batiin ang isa kong kaibigan na nagngangalang Ji-Ann, oh ayan ah, binanggit na kita dito ah?! Hehe.. Ok na nga pala ako tungkol doon sa pagkaka-suspende ko. Kasalukuyang pumapasok na uli ako sa trabaho. At maski papaano, may natutunan ako sa pagkakasuspende kong yon. Natutunan ko na kahit ano palang talino at sipag mo sa buhay, kapag mahirap ka lang at isang empleyado, luluhod at yuyuko ka sa may perang bobo. Yan yata ang isang katotohanan sa buhay na ito. Pero hindi laging ganito. Yang ang sa tingin ko. Nang disgrasyang makapanood ako ng balita kanina na Umagang Kay Ganda, may binalita na kung maisasa-batas ang House Bill no. 4315 na naglalayon na maaring makulong ang sinuman na mahuhulihan ng kalaswaan na video o sa ibang salita na kahalayan na video sa cellphone ay maaring makulong ng anim na buwan hanggang anim na taon at may multa na hindi bababa sa limang daang libong piso ay medyo napaisip ako, hindi sa kadahilanang may itinatago akong malaswang video sa cellphone ko, (wala akong ganon sa cellphone at hindi kailangan.) Medyo napaisip lang ako na mukhang malabo ang ganyang batas. Hindi sa kinokontra ko ang House Bill no. 4315, may alangan lang kasi sa utak ko kung paano nila gagawin na tingnan ang lahat ng may cellphone kung may itinatagong sexual videos. Tipong haharangin nila ang lahat ng tao para tingnan ang cellphone? Paano naman ang privacy ng bawat may cellphone? Sa dami ng may cellphone sa buong mundo, malabong mangyare na magawa nila yon. At kung ako naman ang iimbestigahan nila, bakit ko naman patitingnan ng basta-basta sa kanila ang cellphone ko? Nakasisiguro ba ko na gusto lang nilang malaman kung may itinatago akong mahalay na video? Paano rin akong makakasiguro na hindi sila cellphone snatcher? Hehe. Kaya hindi ako masyadong sang-ayon sa nasabing batas na to. Kumbaga sa pakulo, malabo talaga ‘to mag-click. Parang kapareha lang ‘to ng pagsugpo sa hindi mapigil na pagsulpot na parang tigyawat sa mukha ng Metro Manila na mga piniratang VCD at DVD. At ayon pa sa balita, hindi lang daw ang mga naglalagay ng sexual video sa cellphone ang sakop ng nasabing batas, pati rin ang mga naging pastime na ang mag-upload ng malaswang video sa Internet. Kung pwede lang sana magdagdag na parusa, idadamay ko na rin yung ilang tao na mahilig mag-post ng mga bastos na sex scandal link sa mga forum site. At sa wakas, napanood ko na rin yung nakakatawang Meet The Spartan. Matagal ko ng gustong mapanood yon eh, hindi ko lang maisingit dahil busy ako sa trabaho. At dahil nga sinuspende ako ng tatlong araw at isang linggo, nagkaroon ako ng pagkakataon na mapanood sya sa Dvd. Ang masasabi ko sa pelikula, walang kwenta! Hehe.. Puro kalokohan lang talaga. Sobrang laugh trip nga ko sa bahay nung pinapanood ko. At seryoso, sumakit yung panga ko katatawa. Kaya kung hindi mo pa napapanood yung nasabi kong pelikula, panoorin muna, sobrang nakakatawa. Sasakit talaga ang tawa mo sa kakatiyan. Hehe.. :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
SUCH A LONG READ.. VERY INFORMATIVE THOUGH
EARN DOLLARS ONLINE SIMPLY BY CLICKING AND VIEWING WEBSITES. (advertisers pay by snail-mailing you a check or directly to your bank account and atm card via paypal) CLICK THESE TEXT LINKS TO SIGN UP FOR FREE! cashbux titanclicks beanybux HAPPY CLICKING ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (67806)Arts & Entertainment (7387) Lifestyle & Culture (3208) Politics & Issues (2852) Poetry & Fiction (8952) Random Thoughts (9870) Forwarded Thingies (7246) FrendzCorner/ShoutOutz (20873) Games & Fun Questions (2321) Patawa Ka Talaga (2172) Tristancafe Musikahan (3675) Careers & Work Stuff (1450) School Matters (3142) Technology & Internet (3879) Classifieds & Advertisements (3455) Tristancafe Halo-Halo (1382) Barangay Tristan (1702) Site Announcements (42) magicBMD, _miaka_, President_of_D_Room and 27 guests Random Love Quotes
|