tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
LOVE TEAM [part 4]
posted by (Jun 18, 2008 @ 1:01PM) views: 417
LOVE TEAM
sound track link by itchyworms



1. http://www.tristancafe.com/forum/150537
2. http://www.tristancafe.com/forum/150561
3. http://www.tristancafe.com/forum/150732


Si Alfred.

Tatlong araw na rin ang nakakaraan mula ng huling mag-usap sina Alfred at Jessy. At ngayon habang nakasakay siya sa van, kasama si Bam ay hindi maiwaglit ni Alfred ang isipin pa rin ang kanyang matalik na kaibigan.

Nag-aalala siya na baka hindi na siya muling kausapin ni Jessy. Hindi tanga si Alfred at nararamdaman niyang may gusto sa kanya ang kanyang kaibigan, subalit parang hindi matanggap ni Alfred ang ideyang mahal siya ng kanyang best friend. Ayaw niyang matabunan ng pag-ibig ang tila habang-buhay nilang samahan ni Jessy.

Habang patuloy sa pagtakbo ang van, patungo sa building ng kanilang TV station... ay bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Napabuntong hininga na lamang si Alfred. Iniisip pa rin ang best friend nito.

Saglit pa at huminto ang sasakyan, bumukas ang pinto sa tagiliran ng inuupuan ni Alfred... at walang anu-ano ay pumasok si Apple.

"Bakit ba kelangang sumabay ako sa sasakyan niyo?!", inis na naitanong ni Apple, habang inaayos ang kanyang upo, at nang makita si Alfred ay lalo itong nagdabog.

Napangiti naman ng kaunti si Alfred. "Hi Apple!", pagbati ng binata, subalit sinimangutan lamang siya ng aktres.

"Well, para naman makita kayo ng mga tao sa ABS na magkasabay ng bago mong leading man. Para naman magkarun agad kayo ng issue ni Papa Alfred.", paliwanag ni Kuya Bam.

"This LOVE TEAM should better be worth it!", nasabi ni Apple, habang nakadungaw sa labas ng bintana ayaw humarap kay Alfred.

Mayamaya pa ay nagring ang cellphone ni Kuya Bam, mabilis niya itong sinagot, at nang maka-usap niya ang nasa kabilang linya ay para itong nagulat.

"Naku Apple, I have to leave you now, kayo na muna ang umattend sa meeting, may emergency kasi si Mamang.", pagpapa-alam ng manager nila Apple at Alfred. "Kuya Zet, pakihatid na lang po ng ligtas ang dalawang ito sa ABS. I have to go now.", bilin nito sa driver at lumabas na sa van na kanilang sinasakyan.

Naiwan sina Apple at Alfred sa loob.

"Asar talaga!", parang sasabog na sa galit na nasabi ni Apple, pagdakay sumandal na lamang sa upuan at ipinikit ang mga mata upang matulog.

Makalipas ang ilang minuto ay napahimbing na nga ang dalaga. Nilingon siya ni Alfred at muli ay napangiti ito. Hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin ang binata na kasama niya ngayon si Apple. Na sa tuwing pagmamasdan niya ito ay para bang nananaginip lang siya.

Dalawang araw na lamang at mag-sisimula na ang shooting niya sa MKM, magkahalong kaba at pananabik ang nadarama ni Alfred para doon.

"Apple...", nasabi na lamang ni Alfred, pinagmamasdan pa rin ang babae ng kanyang pangarap.

Sandali pa at bahagyang gumalaw si Apple, at nakita niyang tumakip ang buhok ng dalaga sa maganda nitong mukha, kaya dahan-dahan itong hinawi ni Alfred, upang masilayan pa rin ang kagandahan ni Apple.

Ngunit masyadong sensitibo si Apple, at nagising ito dahil sa ginawa ng binata.

"Alfred, what are you doing?! Why are you touching me?!", galit na naitanong nito. "You're taking advantage of me!"

"No Apple. Mali ang iniisip mo!", kabadong pag-tanggi nito sa bintang ni Apple.


Si Apple.

"So bakit mo hinahawakan ang ulo ko ha?!"

"Kasi... kasi...", hindi masabi ni Alfred ang tunay na dahilan. Na hinawi niya ang buhok ng babae, upang makita niya ang maganda nitong mukha.

"Hindi ka maka-pagsalita 'no?! Dahil totoo!", inis na nasabi ni Apple. "Pervert!"

Sa kabila ng mga bintang ni Apple, ay wala pa ring maisagot si Alfred.

"Kuya Zet paki-tigil ng sasakyan.", utos ni Apple, at huminto nga ang van. "Baba! Bumaba ka Alfred, dahil hindi pwedeng mag-kasama tayo sa iisang sasakyan."

Walang reaksyon si Alfred, tila sindak pa rin sa dalaga.

"Miss Apple, umuulan po, baka po magkasakit si Sir.", pag-papa-alala ni Kuya Zet.

"Wala akong paki-alam.", tinitigan ng masama ni Apple si Kuya Zet, at wala na itong nasabi.

Marahang binuksan ni Alfred ang pinto ng sasakyan, at pagkatapos ay lumabas sa ulanan.

"Magkita na lang tayo sa ABS.", naka-simangot pa ring nasabi ni Apple.

Tumakbo na ang van, naiwan si Alfred, basang-basa sa ulan. Walang kamalay-malay na kasabay ng mga patak ng ulan ay ang mga butil ng mga luhang nanggagaling sa kanyang mga mata.


Si Andre.

Naroon na si Andre sa ABS-CBN building, inaabangan ang pag-dating ni Apple.

Napatayo na lamang siya nang matanaw niya ang dalaga. Mabilis siyang naglakad papunta dito. Habang ang tibok ng puso ay pabilis ng pabilis.

"Apple!", nakangiting pagtawag nito, at nakita niyang gulat ang babae nang malaman nitong naroroon siya.

"Andre! What are you doing here?", bakas ang saya sa mukha ni Apple.

"Pinatawag ako ni Ma'am Jan. Mukhang may movie project na i-ooffer sa akin."

"Talaga?! Ako rin e, kasama rin ako sa meeting ni Ma'am Jan."

"Well I guess we will be working together."

"Siguro nga."

At sabay nang sumakay sa elevator ang dalawa. Hindi maitatanggi ng bawat isa ang labis na ligayang nadarama.

"Apple.", pagtawag muli ni Andre, nang sumara ang pinto ng elevator, at silang dalawa lamang ang sakay.

At nang lingunin ni Apple si Andre, ay isang halik ang sumalubong dito.

Tinanggap ni Apple ang halik na iyon, patunay na may nadarama pa rin ang dalaga sa kanya.

"I miss you so much Apple."

"I miss you too.", sagot ng dalaga.

"Di ba sabi mo tawagin kita pag dumating na ang araw na ready na akong ipaglaban ang pag-ibig ko sayo?", naitanong ni Andre, at tumango lamang si Apple.

"Well, ngayon na Apple, ngayon na ang araw na iyun.", at muling hinalikan ni Andre si Apple.

"Andre.", nasabi na lamang ni Apple.

Bumukas na ang elevator, at hawak-kamay silang lumabas, papunta sa office ni Ma'am Jan.


Si Jessy.

Naka-upo si Jessy sa isang upuan, kaharap ang ilang sikat na artista, kinakabahan siya. Malapit nang magsimula ang meeting tungkol sa pelikulang gagawin ng Star Cinema, at naroroon siya, dahil siya ang writer ng kwento noon.

Bumukas ang pinto, at may pumasok na artista. Nakita nito si Apple Brown, at muling tumibok nang malakas ang puso ni Jessy, dahil alam nitong kasama ni Apple si Alfred.

Saka lamang niya nalaman na siya'y nagkamali nang makita nitong si Andre Bautista pala ang kasama ng dalaga.

"Apple? Where si Alfred?", biglang naitanong ni Derek Boji na kasama rin sa meeting.

"Ah Derek may dinaanan pa siya e, pero pasunod na rin iyon.", paliwanag nito. Pagkatapos ay sabay ng umupo ang dalawa.

"So tungkol po ba saan ang movie project na ito?", agad na naitanong ni Apple sa producer na si Ma'am Jan.

"I think we have to wait for Mr. Alfred Lee, before we start the meeting. Because he's the leading man of the project.", pagsagot ni Ma'am Jan na tila ikinahiya ni Apple.


"Alfred. Nasaan ka na Alfred? Nasaan ka?", paulit-ulit na tanong ni Jessy sa isip, sa tuwing makikita niya ang mga sikat na artista na nasa kanyang harapan. Wala siyang kakilala sa loob ng kwartong iyon.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto, at iniluwa nito si Alfred. Basang-basa at bagsak ang mapupulang mata, tila pagod at wala sa sarili.

Napatayo agad si Derek Boji, nag-aalala kay Alfred. "Susmariyosep! Anong nangyari sayo Alfred?!"

Napalingon si Alfred sa paligid... nanlalamig siya, nilalagnat. Nakita niya si Apple, at halos madurog ang puso nito nang makita niyang katabi nito si Andre, ang dating ka-love team ng dalaga.

"Alfred!", boses ng isang babae, pamilyar kay Alfred. At nang lingunin niya ito, ay nakita niya si Jessy.

"Jessy?", nagtatakang tanong ni Alfred, pagkatapos ay nanghihinang naglakad, papalapit dito.

Kumalat ang mga bulung-bulungan sa loob ng silid...

'Kakilala ni Alfred ang babaeng iyon?'

'Mag-kaibigan ba sila?'

'Sino ba ang girl na iyan?'


At nang makalapit si Alfred kay Jessy ay agad itong yumakap sa dalaga. "Thank God you are here Jessy.", nanghihinang nasabi nito.

Yumakap rin si Jessy. "What happened?", naitanong nito sa lalaki nang maramdaman nito na nanginginig ang katawan ng binata dahil sa ginaw.

"Wala 'to Jessy, naisip ko lang na maligo sa ulanan.", pilit na pagpapatawa ni Alfred.

Subalit sandali pa ay bigla na lamang nahimatay ang aktor, at nag-sigawan ang ilan sa pangyayaring iyon.

[itutuloy...]
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
mmb6119    •reply Jun 18, 2008 @ 5:31 PM
 
: g a l e n g : 
innocent_beyondeyes    •reply Jun 18, 2008 @ 6:41 PM
 
nku next na po ha.... ; ) 
jeddsteelhead    •reply Jun 18, 2008 @ 9:50 PM
 
: g a l e n g : 
jeddsteelhead    •reply Jun 18, 2008 @ 9:53 PM
 
You know what?

When I heard this song, I planned to make a new novel... then nakita ko itong story mo and sabi ko sa sarili ko, "Naunahan ako ni Kuya Kuligma" : r a z z : 
  kuligma    •reply    Jun-18-08@10:11PM
wahahhaha, mukhang lagi tayong pareho ng iniisip, nauunahan lang kita, ahehehhe : l o l : 
  dEaThAnGeL_MaRa19    •reply    Jun-19-08@4:05AM
sa totoo lang..ako din e.. : ( 
  dEaThAnGeL_MaRa19    •reply    Jun-19-08@4:06AM
after sana nung wish granted.

pero anyway..congrats kuya kuligma.. mgnda! : n o t w o r t h y : 
  kuligma    •reply    Jun-19-08@6:36AM
hehehe nagkakapareho na tayong mga SWAT yata, hehe : r a z z : 
magicBMD    •reply Jun 18, 2008 @ 10:24 PM
 
: b o o k : 
cRuSh_kitA08    •reply Jun 19, 2008 @ 1:22 AM
 
wow cute naman ng song... : l o l : 
dEaThAnGeL_MaRa19    •reply Jun 19, 2008 @ 4:05 AM
 
: b l u s h : 
spuddiez    •reply Jun 19, 2008 @ 6:37 AM
 
ang cute ng story!!! : D : D : D 

next na kuya! : r a z z : 
  kuligma    •reply    Jun-19-08@6:46AM
ehehhe... kaso hanggang dyan pa lang na-gawa ko e, dati pa kasi tong post na ito e, bago ko pa gawin ang MMRA, ehehhe, pero try kong gawan ng update. : r a z z : 
  spuddiez    •reply    Jun-19-08@6:50AM
hehehe ok po: ) 

ano n nga pala ngyari sa MMRA? lol
  kuligma    •reply    Jun-19-08@7:06AM
ayun pahinga rin, hahahah... nagawa ko na story nun e, kaso nakakatamad mag type. ehehe : l o l : 
pissedoFF    •reply Jun 19, 2008 @ 10:19 AM
 
wa. gling tlga. : b l u s h :  : s m i l e : 
misskonapinas07    •reply Jun 19, 2008 @ 1:16 PM
 
pabsa nga po ng umpisa : r a z z : 
insanity41    •reply Jun 19, 2008 @ 5:08 PM
 
ang bad nmn ni apple!
: m a d :  : m a d : 

nxt n po
: ) 
misskonapinas07    •reply Jun 20, 2008 @ 7:05 AM
 
wow ha mukhang exciting toh..
cheska_31    •reply Jun 20, 2008 @ 8:12 PM
 
next na.... hehehee
exciting.... : c h e e r : 
ceezzanesz    •reply Sep 7, 2008 @ 12:43 PM
 
wuhOOO.. aush!
ganda ganda..

next pOh! : r a z z : 
aq06_best    •reply Sep 8, 2008 @ 12:33 AM
 
: b l u s h : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
..x.O.x..
older post:
next to you: is it a date?part2
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com