tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
LOVE TEAM [part 3]
posted by (Jun 18, 2008 @ 3:21AM) views: 350
LOVE TEAM




1. http://www.tristancafe.com/forum/150537
2. http://www.tristancafe.com/forum/150561


Si Apple.

"Kelangan kong puntahan si Andre sa hospital!", naisigaw nito, nang mapanood niya sa TV ang balitang pagtatangka ng aktor sa sarili nitong buhay.

"No Apple, you have to stay here. Madadamay ka lang sa negative issue na ginawa ni Andre.", pagpigil ng manager ng dalaga.

"I don't care. Buhay na ni Andre ang pinag-uusapan dito."


"Pero you heard the news! Ligtas na si Andre, stable na ang kalagayan niya!"

Ngunit tila walang naririnig si Apple. Agad nitong kinuha ang susi ng kaniyang kotse.

"Apple! You stay here, or i'll hold some of your future projects, and give it to my other talents!!!", naisigaw ni Kuya Bam.

"I don't care.", mabigat na naisagot ni Apple, at isang matalim na titig ang ibinigay nito sa kanyang manager, pagkatapos ay lumabas na ng silid.


Si Alfred.

Nagulat siya sa sandaling dumampi ang labi ni Jessy sa kanyang labi. Dahan-dahang bumalik sa kanya ang mga masasayang alaala kasama si Jessy. Ang paglalaro nila sa parke noong sila'y mga musmos pa lamang. Ang mga pamamasyal nila sa mall nang makarating sila ng high school. At ang minsan nilang pagtulog sa bahay nila Jessy, isang gabi, dahil sa lakas ng ulan. Marami pang alaala ang biglaang dumalaw sa isipan nito, at iyon ay nangyari lamang sa pitong segundong nakalapat ang mga labi nila, sa isa't-isa.

"Sandali!", biglang nasabi ni Alfred, at umatras.

Napatigil silang dalawa, tumahimik.

Nilingon ni Alfred ang kanyang kaibigan at doon niya napansin ang nagblu-blush na pisngi ni Jessy.

"Jessy, was it me... o talagang hinalikan mo ako?", mabilis at awkward na naitanong nito.

"I... I don't know...", hindi komportableng naisagot ng dalaga. "I think it was just a mistake, at mas makakabuti pang kalimutan na lang natin yun. After all it's just a kiss...", mabilis na nasabi nito... "At kelangan ko na rin palang umalis Alfred. I have to see my Mom.", pagdakay agad na tumalikod sa binata, tila nagmamadali.

"Sandali Jessy...", pagpigil ni Alfred at hinawakan sa balikat ang dalaga. "It's not just a kiss... you kissed me... and..."

"Maniwala ka sakin Alfred... it's just an accidental kiss, okay?", nasabi nito habang dinadaya ang pagtawa at nananatiling nakatalikod sa kausap.

"May ganun ba? Accidental kiss?", nalilitong tanong naman ni Alfred.

"Well i really don't know Alfred, for God sake!", pagka-inis na ni Jessy. "Bakit ba andami mong tanong?! Ikaw ba, sa tingin mo, ano ba ang kiss na yun?!", at sandaling natahimik ang dalawa.

"Sa totoo lang... hindi ko alam kung ano ang halik na iyun... at hindi ko rin alam kung anong meron tayo ngayon.", nasabi na lang ni Alfred.

"Then let's just drop it okay! It's just a kiss, and we're only just friends! Okay?!", naiinis nang nasabi ni Jessy, pagkatapos ay lumingon sa binata. At doon lang napansin ni Alfred na lumuluha na pala ito. Dahil sa pagkabigla sa nakita ay napabitaw siya sa pagkakahawak sa balikat ng dalaga.

Naglakad na si Jessy papalayo, at hindi na siya pinigilan pa ni Alfred.


Si Andre.

Iminulat nito ang kanyang mga mata. Naramdaman nito ang kirot ng sugat na kanyang ginawa, kagabi, ng magtangka siyang magpakamatay.


"Apple?", nagtataka nitong naitanong nang makita niya si Apple na nakaharap sa kanya. Hindi niya alam kung patuloy pa rin siyang nananaginip o totoo na ang lahat.

"Yes Andre, it is me.", at hinawakan ni Apple ang pisngi ng binata. Doon na nalaman ni Andre na hindi siya nananaginip. Sandali itong napangiti, subalit agad ring nawala.

"Anong ginagawa mo dito?! Hindi ka dapat pumunta dito!", bahagyang umangat sa pagkakahiga si Andre.

"Ako ang girlfriend mo... and as your girlfriend it is my responsibility to be here with you.", marahang nasabi ni Apple.

"Umalis ka na! Hindi kita kailangan!!! At hindi na kita girlfriend!!!", itinulak nito ang dalaga, at doon parang kinurot ang puso ni Apple.

"Pero bakit mo ginawa ito ha?! Bakit mo kailangang magpakamatay, if you really don't have any feelings for me?!", sumabog na ang damdamin ng dalaga.

"Hindi ko sinasabi na wala na akong nararamdaman para sayo.", biglang pumatak ang luha sa mga namumulang mata ni Andre. "I still love you Apple.", paghikbi nito. "I love you so much, that I am so addicted to you. Na ang tanging paraan na lang para magamot ko ang aking sarili ay ang magpakamatay, para hindi ko na maramdaman ang sakit sa bawat araw na pinipilit kong lumayo sa iyo!!!"

"E bakit hindi mo ipaglaban ang pag-ibig mo sa akin?! Our love?", umiiyak na rin si Apple, pagkatapos ay lumapit, at niyakap ng mahigpit si Andre. "Why don't you fight for it Andre?"

"Dahil hindi ko kaya Apple. Maraming kalaban, lahat sila, lahat ng nagsasabing hindi tayo bagay.", humagulhol na si Andre. "Ngayon Apple, please do me a favor... iwanan mo na muna ako. Kelangan kong mag-isa.", tinanggal nito ang mga kamay na nakayakap sa kanya at mabilis na pinunasan ang mga luhaang mata. Napa-atras naman ang dalaga.

"Kung mahal mo talaga ako, kahit buong mundo pa ang kontra sa atin, dapat ipaglaban mo pa rin Andre.", nasabi ni Apple, at sandali pa ay naglakad na ito patungo sa pintuan. "Sabihin mo lang kung handa ka nang ipaglaban ang pag-ibig mo. Dahil gusto kong magka-partner tayo sa laban na iyun.", nagpakawala ito ng isang malungkot na ngiti, pagkatapos ay lumabas at isinara na ng tuluyan ang pinto. Naiwan si Andre sa loob ng silid, mag-isa at malungkot.


Si Jessy.

Mag-isa sa kwarto, ay patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Pinipilit niyang pigilan ang mga luha, sa pamamagitan ng pagtakip niya ng unan sa kaniyang mukha.

"Manhid ka talaga Alfred... isa kang manhid!", pagsasalita nito ng mag-isa.

Hanggang narinig na lamang niyang nag-ring ang telepono. 'Kriiinggg!'

Inakala niyang si Alfred iyon, marahil ay tumawag upang humingi ng tawad. At nagdalawang-isip pa ito kung sasagutin ba niya ang telepono o hindi.

Ngunit puso niya ang nagpasya nang sagutin niya ito. Mahal talaga niya si Alfred. "Hello?", malungkot ang boses niyang naitanong, umaasang ang matalik niyang kaibigan ang nasa kabilang linya.

Subalit nabigo siya, bagkus ay isang babae ang sumagot. "Hello, nand'yan po ba si Miss Jessy Sanio?"

"Speaking...", nasabi nito, pagkatapos ay suminghot, pinipigilan ang pag-iyak.

"Ah, Miss Jessy. This is Miss Jan, from Star Cinema Productions. Nabasa po namin yung script na pinasa ninyo, at interested kami sa story nito."

Biglang napabalikwas si Jessy sa kanyang kinalalagyan. Naalala nitong minsan ay nagbalak siyang mag-apply bilang writer sa isang TV station, at nagpasa ito ng isang kwento kasama ng kanyang application.

"We would like to talk to you personally about some details Miss Jessy. And yes, you'll be a part of this movie project."

Doon muling nagliwanag ang lahat para kay Jessy.

"Ah Miss Jan. Pwede bang mag-request? Kasi since ako yung gumawa ng story, nais ko sanang mag-suggest kung sinong artista ang dapat na gumanap sa role ng bida."

"Ok, we'll see... so who is it?"

"Gusto ko sana si Miss Apple Brown..."


[itutuloy...]
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
zeronine_twentyone    •reply Jun 18, 2008 @ 3:30 AM
 
: c h e e r : 
jeddsteelhead    •reply Jun 18, 2008 @ 4:10 AM
 
ang iksi naman ata ngayon : h m m : 



ay! nag-comment ako! : l o l : 
magicBMD    •reply Jun 18, 2008 @ 4:11 AM
 
: b o o k : 
etina0511    •reply Jun 18, 2008 @ 6:39 AM
 
ei ka2vtin naman powh
888ladylady888    •reply Jun 18, 2008 @ 7:08 AM
 
another long but quite intersting post!

here's something really intersting...


wanna get paid every 30 seconds...
FREE to join! Monthly Paychecks!
join us and start earning!
http://www.clixsense.com/?2467740







.
cheska_31    •reply Jun 20, 2008 @ 8:05 PM
 
ganda pow... : c h e e r :  : c h e e r : 
ceezzanesz    •reply Sep 7, 2008 @ 12:35 PM
 
wuhOOO.. artistahinsz ang mga bida! : b l u s h : 


nxt nxt.. anOh kea ang istorya nung mOvie.. : ? 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
HUMANAP KA NG PANGET! (Ika-labing walong yugto)
older post:
Guys And There Chances
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com