|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Childhood Playground (Chapter 24)
CHAPTER 20
CHAPTER 21 CHAPTER 22 CHAPTER 23 CHAPTER 24 Kinailangang lumipat ng Australia ng mag-anak dahil sa trabaho ng kanilang ama. Apat na taon din silang nanirahan sa New Zealand. Sa pangalawang pagkakataon ay kailangan nanamang iwan ng dalaga ang mga kaibigan. Mahirap pa din ito para sa dalaga dahil sa konting panahon na iyon ay napakatibay na ng samahan nila. Sa loob din ng apat na taon, ay walang minahal si Grace na lalake tulad ng naramdaman nito kay Shane. Nagsimulang mag-aral ang dalaga sa Australia. Doon ay nagkaroon siya ng kasintahan. Hindi siya malungkot sa piling nito ngunit hindi din siya ganoong kasaya. Sa loob ng taon na iyon ay madaming pagbabago sa buhay ng dalaga. Ang pinakamahirap sa kanya ay ng makakuha ng tawag mula sa kanilang tito sa Pilipinas at sinabing may natagpuang tumor sa utak ng kanilang lola. Hiniling ng kanilang tito na kung maari ay doon sila magpasko at bagong taon para makasama ng kanilang lola lahat ng kanyang mga anak kahit paano. Nagplanong umuwi ang mag-iina para makasama ito. Ipinaalam ang dalaga sa boyfriend niya ang biglaang pag-uwi ng mga ito. Sa araw ng pag-alis nila ay hindi natulog buong gabi ang dalaga dahil sa pagkasabik na umuwi. Natutuwa ito at makikita na ulit ang mga kamag-anak at mga kaibigan pagkatapos ng limang taon. “Di ka natulog kagabi noh?” tanong ni Sol ng nagkita sa airport. Galing ng New Zealand sila Sol at nagkataon naman na sa parehong lugar at oras ang kanilang stop over. “Laki ng eye-bags mo oh! Hahaha!!” Natawa si Grace sa sinabi ng pinsan. Buti na lamang at nandoon siya dahil hindi malaman ng dalaga ang gagawin sa pag-aalala sa kanilang lola. “Anong balak mo gawin pagdating natin don?” tanong nito sa pinsan. “Well… Unang una, syempre bibisitahin ko si ama. Tapos…” tila nihihiyang ituloy ni Sol ang sasabihin. “Tapos? Oi, Sol! Bakit parang bigla kang napunta sa ibang lugar at ngingiti ngiti ka pa dyan?” natatawang sabi ng dalaga. “Ha? Ah… Eh…” nagdadalawang isip na sagot ng binata. Nakita nito ang nagtatanong na tingin ng pinsan. Wala naman sila kadalasan lihim sa isa’t isa kaya nagpasya na din itong sabihin. “Ano eh… Naalala mo pa ba yung nililigawan ko dati? Plano ko kasing ligawan ulit pagdating natin.” Nahihiyang sabi ni Sol sa pinsan. “Edi maganda! Update mo ako lagi ha?” “Eh ikaw? Ano balak mo tungkol kay Shane?” Hindi inaasan ni Grace ang tanong na iyon. Sa totoo lang ay gusto niya itong makita pero alam naman nito na imposible iyon dahil wala silang komunikasyon at may kasintahan silang dalawa. “Naalala mo pa pala yun?? Um… I don’t know, basta gusto ko makita si Rodelyn. And remember what I told you before? May howe na siya.” Paalala ng dalaga sa pinsan na may kasintahan na si Shane. “Sigurado ka ba na hanggang ngayon eh sila pa din? Malay mo break na sila, pag-asa mo na ‘to!” Kilala ni Sol ang kanyang pinsan at alam nitong isa sa dahilan ng pagsama ng dalaga ay para makita ulit si Shane. “Tigilan mo nga ako! Pano naman howe ko? Bad influence ka din noh??” Tumawa na lang ang magpinsan dahil dumating na din ang kanilang mga magulang. “Pano? Kita kita na lang pagdating natin sa Pinas! Later days!” paalam ni Sol. Nagpaalam ang dalaga sa mga pinsan at sa kanyang tito at tita. Nauna ang flight ng mga ito sa kanilang ng dalawang oras. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng dalaga pagbaba ng eroplano. Umuulan ng mga sandaling iyon pero kitang kita pa din ang buhay na buhay na lunsod ng Maynila. Lalo na sa panahon ng pasko. Na-miss nito ang mga parol na nakasabit sa mga poste. Gandang ganda din ito sa malaking pagbabago ng Manila Bay at sa mga nakikitang banda at kainan sa Bay Walk. Malayo ang iniisip ng dalaga ng biglang marinig nito na nataranta ang bunsong kapatid. “Mom!! Tito’s driving on the wrong side of the road!!! Stop!!! We might crash!!!” Sigaw ng kapatid. Nagtawanan silang lahat sa loob ng sasakyan. Ipinaliwanag ng mga ito na sa kanan ang direksyon ng traffic sa Pilipinas. Tuwang tuwa din ang mga ito ng makapunta sa Jollibee. Matagal tagal na ding hindi nakakakain sa Jollibee ang magkakapatid dahil wala naman nito sa New Zealand o Australia. Hindi matigil sa pagngiti ang kanilang tito dahil parang inutil daw ang mga pamangkin nito. Sa totoo lang ay pinagtitinginan na sila sa kainan dahil madaldal ang bunsong kapatid ni Grace at tuloy tuloy sa pag-iingles dahil bulol magtagalog. Kinabukasan ay nakita ni Grace ang iba pang mga pinsan nito. Tumuloy sila Sol sa lolo’t lola niya sa mother side. Hiniram ng dalaga ang celphone ng nakatatandang pinsan para ipaalam kay Rodelyn naka-uwi sila. “Lyn!! C grace 2…musta b? Free k b ngaun?kta tau! Miss na miss n kta!!!” nakalagay sa text ng dalaga. Mabilis namang nagreply ang kaibigan “anong c grace!! Nek nek mo!! Kung sino ka man wag ka manloko!! Alm q nmn qng nsan kaibgan q noh!!” Bago pa man ibigay ng pinsan sa dalaga ang celphone ay nabasa nito ang reply ni Rodelyn. Tumatawa ito habang iniabot ang celphone sa pinsan. Natawa din ang dalaga sa nabasa. “Ahia, pasensya na ha. Baka maubos ko load mo para kumbinsihin ito. Wala kasi silang phone ngayon eh.” Sabi ng dalaga sa pinsan. “Ayos lang yun. Gamitin mo lang.” nakangiting sabi ng pinsan. “Hoi bruha!! Pumunta ka kc d2 sa bahay pra malaman mo..mauubos q n load ng kuya Stephen q! hahaha” reply ng dalaga. “OMG!!! GRACE!!! U mean i2 number ni fafa Stephen?hahaha!!! Topak ka talga!!! Bkt di ka ngsbi n uuwi ka!! Kta tau bukas..punta me s SM daanan kta ü” Dumating si Rodelyn kanila Grace ng mga alas-dos ng hapon. Kinumusta nito ang mommy ng dalaga pati ang mga kapatid. Nagpaalam sila na uuwi sila bago mag alas-nwebe. Parehong hindi matigil sa pagngiti ang magkaibigan. Nakipagkita din sila sa dawala pa nilang kaibigan na sina Jean at Risa. Naglakad lakad sila sa SM at tumingin na din ng pwede iuwi ni Rodelyn sa probinsya para pasalubong sa mga pinsan at lola. “Nakakahalata na ako ha, kanina mo pa ako binabatukan… Kung may galit ka sabihin mo lang…” nakangiting sabi ni Grace kay Rodelyn. Natawa lamang ito at binatukan ulit ng mahina ang kaibigan. “Sana makasalubong naten si Shane. Gusto ko makita reaksyon non pagnakita ka!!” kinikilig na sabi ni Risa. “Tingin nyo muka pa ding hito yun???” Nagtawanan lamang ang tatlong dalaga. Umupo sila sa foodcourt pagkatpos maglibot libot. Tuwang tuwa si Grace na kasama ang mga malalapit na kaibigan. Napagkwentuhan nila ang mga nakakatawang nangyari noong magkakasama pa silang lahat. “Naalala mo pa ba kung pano magalit si Darwin? Yung hindi nakakatakot ang dating pero nakakatawa.” Tanong ni Risa. “Oo naman noh! Si Roland naalala nyo yung lagi tawag kay Lyn eh ‘sweetie’?” pang-aasar ni Grace sa kaibigan. “May makakalimot ba sa buhok mo na laging mahangin sa labas ang dating?” tinig ng lalake mula sa kanilang likod. Nilingon iyon ng tatlong dalaga. “Darwin!!!” Agad na niyakap ni Grace ang kaibigan. Kasama nito si Michael. Nagulat pa ang mga ito at may magandang babae na kasama iyon. “Oh! Nag-date kayo ni Michael?” tanong ni Rodelyn kay Darwin. “Sira! Nagpasama lang yan dahil sinubukang i-partner ako sa kaibigan ng ka-date nya. Di ko nga alam pano nakakuha yan ng magandang babae eh!” Nagtawanan ang mga ito sa sinabi ni Darwin. Lumapit sa kanila si Michael. Naninibago si Grace sa mga kaibigan. Ang laki na ng mga pinagbago ng mga ito. Pero pagdating sa ugali at kalokohan ay parehong pareho pa din. “Hi Jean!! Simba tayo sa Baclaran this coming Wednesday ha?” Bungad ni Michael. “Tigilan mo nga ako Michael! Magsimba ka mag-isa mo! Magalit pa baby ko.” Sagot ni Jean. Limingon sa ang binata paligid at napansin si Grace. “Grace!!! Kelan ka pa dumating??? Kumpleto nanaman sana tayo. Sayang si hito lang ang wala dito!!” Isang buwan din na nasa Pilipinas ang mag-iina. Sa tuwing lumalabas ang mga ito ay umaasa lagi si Grace na makita man lang si Shane. Dumating ang huling araw ng bakasyon ng dalaga. Hindi nito nakita ang binata pero laging nasa bahay nila ang iba pang mga kaibigan. Pagdating ng tito ni Grace ay nagkataon na nandon pa ang mga kaibigan. “Guys! Good news!!!” Masayang sabi ng kanilang tito. Nasanay na ito na laging nasa bahay nila ang mga kaibigan ng dalaga kaya parang pamilya na din ang turing sa mga ito. “Na-misdiagnose si mama. Wala daw tumor, nagkamali lang daw ng basa yung doctor.” Paliwanag ng kanilang tito. Masaya ang huling araw ni Grace kasama ang pamilya at mga kaibigan. Sa loob ng dalaga ay nanghihinayang ito na hindi nakita si Shane. Pero ayos lang iyon sa kanya, inisip nito na siguro ay hindi lang talaga iyon ang tamang oras na magkita sila. ...Itutuloy... Inagahan ko na po ang pag-update para makabawi naman sa tagal na hindi ako nag-update last time. And baka sa weekends pa po ulit ako makapag-update. Thank you po sa lahat ng sumusubaybay ng CP !!!!
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
otor naman eh
si shane! umaasa din ako na bigla siyang eentrada sa chapter! ![]() astig! eeeek! napakabilis ng takbo ng panahon. eek! galing ni otor! ito ang mga story na dapat pinapalabas sa tv! di ung mga paulit ulit ang storya iniba lang title saka cast ![]()
next na..
![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70993)Arts & Entertainment (7634) Lifestyle & Culture (3327) Politics & Issues (2958) Poetry & Fiction (9382) Random Thoughts (10305) Forwarded Thingies (7395) FrendzCorner/ShoutOutz (21461) Games & Fun Questions (2364) Patawa Ka Talaga (2338) Tristancafe Musikahan (3861) Careers & Work Stuff (1537) School Matters (3263) Technology & Internet (4040) Classifieds & Advertisements (3613) Tristancafe Halo-Halo (1568) Barangay Tristan (1751) Site Announcements (44) freedertjosh, fiona_baby, nikka_bunny, and 26 guests Random Love Quotes
|