|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Childhood Playground (Chapter 23)
CHAPTER 15
CHAPTER 16 CHAPTER 17 CHAPTER 18 CHAPTER 19 CHAPTER 20 CHAPTER 21 CHAPTER 22 CHAPTER 23 Tatlong taon na ang nakalipas ng makarating ang mag-aama sa New Zealand. May sarili ng bahay ang mag-anak at sumunod na ding nagpunta ang pinsan ni Grace na si Sol kasama ang mga magulang nito. Nalaman din ni Grace na lumipat na ng school si Shane pagkatapos ng kanilang graduation. Wala na itong komunikasyon kahit sino sa barkada. Nadagdagan na din ang mga kaibigan ng dalaga sa Auckland, kasama ang pinsan at iba pang mga naging kalapit nito. Sila Pauline, Tricia Jena, Iris, Vince at Miguel ang mga kadalasan nitong kasama. Sa maliit na barkada nila ay napag-uusapan nila ang tungkol sa kanilang mga buhay ng nasa Pilipinas pa ang mga ito. “Hey guys, check out n’yo yung site na ito www.friendster.com. Social networking site daw yan na pwede mahanap mga relatives and old friends from Pinas.” sabi ni Iris sa mga kaibigan ng minsan ay nasa bahay nila Grace ang mga ito. “Oi patingin! May cute ba??” nakangiting tanong ni Tricia. “Teka! Patingin din!” nakisingit naman si Pauline sa harap ng computer. “Grace, gagawan ka namin ng account and yun ang gagamitin ha?” Paalam ni Vince. Hinayaan lamang ni Grace ang mga kaibigan na gamitin ang computer nila. Alam naman niyang matino ang mga pupuntahang sites ng mga kaibigan kaya hindi din naman siya mapapagalitan ng mga magulang. Binabasa nito ang katatanggap pa lamang na sulat galing kay Rodelyn. Dear Grace, Miss you!!! Kumusta ka na ba? Sabi mo mga 3 years babalik ka na! Alam mo nakita ko si hito. Nakita ko kanila Darwin. Ok naman s'ya...Ang saya nga eh! Kasi nag-swimming kaming lahat, sayang wala ka… Anyway about Lovelife, yung singer, foreign BF ko pumunta dito last July...Cute nya! GRABE, SI BEN ADAMS (from A1)!!! Well.. Sa ngayon malungkot nga ako kasi iniwan na nya ako muli. Hehehe. Well, ikaw, how's everything? Sorry Grace wala pa akong balita kay Shane.. Hirap hirap kasing huliin yan hitong yan! Kaya wala akong mahanap na news para sayo. Sana naman kahit paano ay happy ka ngayon. Pero alam mo sa tingin ko hindi ka masaya sa lovelife mo dahil alam ko na yung "true love" and "first love" mo ay nasa tubig, este malayo, sayo. Diba tama ako? Huwag kang mag-alala kapag nahuli ko na sya sa tubig na pinagtataguan nya ipapadala ko syo as "Pritong Hito" hehehe!! Grace, wag mo sana i-deny ang tanong ko na ito okay? Diba inlove ka pa din kay hito? Sana h'wag mo syang kakalimutan kahit naging "best enemy" mo sya dati. Feel ko kasi kawawa naman sya kung na-inlove yung prinsesa nya sa iba hihihi. Kahit naman naging masama naman sayo si hito eh alam kong mahal ka nya!! And mahal mo din sya... Aminin!!! Siguro kaya lang naman kayo nag-aaway dahil naniniwala kayo sa "THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE" diba? Paano ba ito? Best, hindi ko alam kung paano akong magpapasalamat sa letter (lalo na sa advice tungkol sa problema ko) at sa mga pictures na pinadala mo. Kahit nandiyan ka na, you’re still here for me whenever I’m in need. THANK YOU SO MUCH! Alam mo bang parang gusto ko na ngang isama si Shane dito sa sulat ko, tanda ng pasasalamat ko! Hahaha!! Bru, hanggang dito na lang muna ha? Namiss lang kita kaya ako nagsulat sa’yo. Mag-aaral muna ako para sa exams. Mag-iingat ka lagi dyan ha? Miss you so much!!! Pag may nakuha akong balita kay Shane sasabihin ko agad sa’yo. Ingat lagi! God bless. Love, Rodelyn Hindi namalayan ng dalaga na nakikibasa na si Jena sa likod niya. “Uuuyyyyy!! Si Shane ba childhood sweetheart mo?” tanong ni Jena. “Ano?? Details bilis!! Ano pangalan? Hanapin natin sa Friendster, dali!” sabay upo ni Iris sa harap ng computer. Nginitian lamang ng dalaga ang mga kaibigan. “Huy Grace! Sige na! Gusto namin malaman ichura nya. Ano full name?” pamimilit ni Pauline. Nagdalawang isip pa ang dalaga bago sumagot. Naalala nito na hindi naman mahilig iyon sa computer kaya baka walang profile ang binata. Pumayag na din ang dalaga na hanapin iyon ng mga kaibigan para hindi na siya kulitin ng mga ito. Sa totoo lang ay umaasa si Grace na makita nga nila iyon. “Okay, Shane Santos po.” Hindi mapigilan ng dalaga na ngumiti ng mabanggit ang pangalan ng binata. Matagal tagal na din niyang hindi narinig ang buong pangalan nito. “Yiiiheee!! Nagba-blush si bebz!!!” pang-asar ni Trisha na sinabayan naman ng magkakaibigan. “Oi!! Nakita ko profile nya!” excited na sabi ni Iris. “Patingin nga sweetheart ng ate ko.” Sabi ni Vince habang tumabi kay Iris. Hindi na lumapit si Grace dahil nakaharang ang mga kaibigan sa screen. Sinabi na lang niya sa sarili na tignan ito mamaya para naman hindi siya asarin ng mga kaibigan. Kumpleto ang araw na iyon ng dalaga. Nakakuha na siya ng sulat galing kay Rodelyn at nagkaroon pa siya ng paraan para makausap muli ang minamahal. Hindi mawala ang ngiti nito buong araw. Pag-uwi ng mga kaibigan ay agad nitong ginawa kung ano man ang dapat gawin sa bahay para makagamit na siya ng computer. Wala siyang load kaya hindi din mapaalam ng dalaga kay Rodelyn tungkol sa nahanap na paraan para makumusta ang binata. Natapos na lahat ng ginagawa niya. Binuksan agad ang computer at pinuntahan ang site para hanapin ulit si Shane. Nakita niya ang litrato ng binata. Lalong hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Grace. “Ganon pa din ichura nya, nag-mature lang pero maamo pa din ang muka.” Sabi ng dalaga sa sarili. Binuksan niya ang profile nito. Habang hinihintay na bumukas iyon ay nanlalamig ang kanyang mga kamay at nanginginig sa kaba. Masayang masaya ito dahil makakausap na niyang muli si Shane. Buti na lamang at tulog na ang mga tao sa bahay nila kaya walang nakakita ng kanyang pagkasabik na makita ulit ang binata. Pagkabukas ng site ay parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalaga. May girlfriend na si Shane. Ang profile na ginawa niya ay para sa kanyang kasintahan. Nakita nito ang mga litrato ng dalawa na magkasama. Parang sinasaksak ng dibdib ng dalaga sa sakit ng makitang magkasama at nakangiti ang dalawa. Nag-iwan na lamang ito ng message para mangumusta. Ilang beses niyang binasa iyon para masigurado na hindi malungkot ang dating ng sulat. Tinignan nito ang iba pang mga litrato. Tila gumuho ang mundo ng dalaga ng nakitang magkayakap ang magkasintahan at magdikit ang mga pisngi. Dumadaloy ang kanyang mga luha sa mga sandaling iyon at hindi na sinubukang pigilang umiyak ni Grace. ...Itutuloy... :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
guys! paki bisita din po sana itong post na ito http://www.tristancafe.com/forum/150477
![]()
hmmm spuddiez and ader readers wag po kau maga2lit peow aq powh yung gurlalu dun sa pix ni shane sa f's nya ehehehe nah sungkit koh nah po sha since lumayas nah c grace sa lyf nya
spuddiez
•reply
Jun-16-08@6:13AM
cguro po....
wala pa naman siya eh ![]() ![]() di ko sasabihin qng san ka nakatago
wah... tragic... tsktsk...
![]()
french_smile
•reply
Jun-16-08@6:21AM
grb tragic.. haha..
cnu un gf nia c rodelyn?.. nyahaha.. bad ko..
CLIXSENSE
get paid every 30 seconds... FREE to join! Monthly Paychecks! http://www.clixsense.com/?2467740 .
bakt naman ganon,,3 years na nga,,tapos wala pa rin,, hmm...a long time ago ba ang setting ng kwento nito? kc nun walang celfon,,tapos bago pa sa kanla ang friendster.. true to life ba toh??or based on experience?? ![]()
syet naman!
purkit naging busy lang aq sa studies q kinalimutan na aq ni shane.. may girlfriend na siya.. bweset ka shane!! --> sis nagsearch ako ng Shane Santos sa friendster, daming lumabas e.. may babae, may lalaki.. ahahaha ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70995)Arts & Entertainment (7634) Lifestyle & Culture (3327) Politics & Issues (2958) Poetry & Fiction (9382) Random Thoughts (10305) Forwarded Thingies (7396) FrendzCorner/ShoutOutz (21461) Games & Fun Questions (2364) Patawa Ka Talaga (2338) Tristancafe Musikahan (3861) Careers & Work Stuff (1538) School Matters (3263) Technology & Internet (4040) Classifieds & Advertisements (3613) Tristancafe Halo-Halo (1568) Barangay Tristan (1751) Site Announcements (44) sp00ky, mCdamz, lyn467, neonblues, pink_pearl08, joyce_q, bryanwizard, adeek13 and 33 guests Random Love Quotes
|