|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Childhood Playground (Chapter 21)
SORRY PO kung ngayon lang po ulit nakapag-update!!!
may exams po kasi ako for the past two weeks..bukas na po last day ..Sana po magustuhan nyo ![]() **** CHAPTER 1 CHAPTER 2 CHAPTER 3 CHAPTER 4 CHAPTER 5 CHAPTER 6 CHAPTER 7 CHAPTER 8 CHAPTER 9 CHAPTER 10 CHAPTER 11 CHAPTER 12 CHAPTER 13 CHAPTER 14 CHAPTER 15 CHAPTER 16 CHAPTER 17 CHAPTER 18 CHAPTER 19 CHAPTER 20 Chapter 21 Simula ng biyahe papunta sa Olonggapo hanggang sa makarating doon ay naiisip lang ni Grace ang mga kaibigan. Hindi niya napapansin ang magagandang tanawin sa daan sa lalim ng iniisip. Nakarating na sila sa bahay ng kapatid ng kanilang lola at hindi man lang nahalata iyon ng dalaga. Nabalik siya sa realidad ng marinig ang tinig ng kanyang lola. “Grace!!! Ang laki laki mo na!! Dalagang dalaga na ang apo ko!!” sabik na sabi ng kanyang lola habang nakayakap sa dalaga. Lumapit ito sa dalawang nakababatang mga apo at niyakap ng mahigpit. Hindi narinig ni Grace ang sinabi ng lola sa mga kapatid dahil biglang lumabas ang kanilang lolo. “Ano? May boyfriend na ba?” tanong ng lolo na nagpakawala ng tila nang-aasar na ngiti. “Meron ata ‘tay. Kanina pa yan parang wala sa sarili eh.” Sagot ni Freddie sa ama habang natatawa sa reaksyon ng anak. “Daddy naman! Wala po!” depensa ni Grace. “Kayong dalawa talaga! Tigilan nyo nga ang apo ko.” Nakangiting pagtanggol ng lola ni Grace sa kanya. “Halika at pumasok na tayo para makapagpahinga na rin kayo.” Nasa loob na sila ng bahay at nagkukwentuhan. Doon na sinabi ng ama nila ang plano nilang pag-alis kinabukasan sa mga magulang nito. Sandali lamang ang mag-aama sa Olonggapo dahil din sa hinahabol ang kanilang pag-alis kinabukasan. Pinipigil ni Grace ang pag-iyak ng yakapin ang kanyang lolo at lola. Hindi niya alam kung kelan ulit niya makikita ang mga ito. “Mag-iingat lagi kayo don ha? Lagi kayo magpapakabait. Studies n’yo lagi niyong pag-igihin. Lalo ka na Grace, keep up mo high grades mo okay?” Bilin ng kanilang lola sa magkakapatid habang nakayakap ang umiiyak ito. “We’ll see you soon sa New Zealand pagdumalaw kami ha? We’ll miss you so much.” Sabi ng lolo sa mga apo at anak. Hindi na napigilan ni Grace ang pagpatak ng luha. Yumakap ito ng mahigpit sa kanila. “I’ll miss you po ‘nay, ‘tay!! Love you po..” “Tatawag po kami sa inyo pagkadating namin don. Mag-iingat po kayo lagi.” Pagpapaalam ng ama sa mga magulang nito. Tahimik ang mag-aama habang nilalakbay ang daan pauwi. Hindi makapagsalita si Grace dahil nasasaktan pa din na iwan ang kanyang lolo at lola. Ang dalawa namang kapatid ay masarap na natutulog katabi ng dalaga. Naisip ni Grace na sana ganoon na lang ulit siya kabata, na walang kaalamalam sa mga nangyayari para hindi siya nasasaktan ng ganito sa pag-iwan ng lahat ng mga importanteng tao sa kanyang buhay. Nang makarating sa Maynila ay nagmamadaling pumasok ang dalaga sa loob ng bahay. “Guama! Ate! May tumawag po ba para saken?” tanong agad ni Grace pagpasok ng bahay. “May tumawag kanina. Si Rodelyn at Shane. Sabi ko tumawag na lang ulit ng mga ganitong oras pagnakabalik na kayo.” Sagot naman ni Jing sa alaga. Naghintay ng tawag ang dalaga sa mga kaibigan ng halos mag-iisang oras. Hindi pa din tumatawag ang mga ito. Inip na inip na ang dalaga sa paghihintay kaya’t siya na lamang ang tumawag sa mga ito. Ngunit parehong wala sila Shane at Rodelyn sa bahay. Nagpasiyang puntahan ng dalaga si Rodelyn, tutal mas malapit naman ang bahay nito sa kanila. 4pm ang alis nila sa bahay dahil 8pm ang flight nila. Sinabi na ng kanilang ama na maaga aalis para maiwasan ang traffic. “Dad! Punta lang po ako kanila Rodelyn. Dadalhin ko lang po muna yung Christmas present ko para sa kanya.” Paalam ng dalaga sa ama. “Sige, pero be back before 3:00 okay?” bilin ng ama habang nagmamadaling lumabas ng pinto ang dalaga. 2:30pm na, pero sa tingin ni Grace ay makakahabol naman siya kaya tumuloy pa din ito. Sumakay ng tricycle ang dalaga papunta sa bahay ng kaibigan. Daladala nito ang regalo dahil pasko na kinabukasan. Gusto niya na maibigay ang regalo na ito sa kaibigan bilang isang alaala bago siya umalis. Pinara ng dalaga ang tricycle sa tapat ng bahay nila Rodelyn at mabilis itong nagtungo sa pinto. Kumatok ito ng ilang beses hanggang sa pagbuksan siya ng nanay ni Rodelyn. “Hi tita! Kumusta po? Nandyan po ba si Rodelyn?” “Ay! Ang sabi pupunta sa inyo. Kaalis lang. Kasama niyang umalis si Shane.” Sagot ng ina ng kaibigan. “Tita, pwede ko po ba iwan itong regalo ko kay Rodelyn? Ito nga din po pala yung regalo sa inyo nila mama.” Nakangiting sabi ng dalaga habang iniabot ang mga regalo. Sa loob niya ay nalulungkot ito at nakasalisi ang kaibigan. 2:50 na kailangan na niyang umuwi. Pagdating niya sa bahay ay wala don ang mga kaibigan. Ilang minuto na lang ay aalis na sila. Hindi pa din nawalan ng pag-asa ang dalaga na tatawag ang mga ito. Lalong lalo na si Shane. "Naku Grace, bat ngayon ka lang? kagagaling lang dito nila Rodelyn. at may kasamang lalaki." si Jing. "Ano? Kanina pa sila? bakit hindi na lang ako hinintay?" sagot naman ni Grace. "Ang sabi kasi ng daddy mo, pupunta ka sa kanila, kaya inisip nilang magpapang-abot pa kayo dun." Tila tumigil ang pagtibok ng puso ni Grace. labis na kalungkutan ang kanyang nadarama. “Nakaayos na ba ang lahat? Wala na ba tayong maiiwan?” nag-aapurang tanong ng ama ni Grace. “Ayos ng lahat kuya.” Sagot ni Jing. Nilapitan nito ang magkakapatid at yumakap. “Wag niyo akong kakalimutan ha? Hindi ako iiyak pag-alis nyo, at least wala na makukulit dito!” pabiro na sabi ng yaya pero halata ang pagkalungkot nito. Hindi humiwalay sa pagkayakap si Grace sa yaya sa pagkat ito na halos ang nagpalaki sa kanya. “Ate, sama ka na lang samin!!” iyak ng mga kapatid ng dalaga sa yaya. “Oh pano ba yan. Jing, aalis na kami ha. Ikaw na bahala kanila mama.” Paalam ng ama sa kasambahay. “Pakikumusta na lang ako kay ate, kuya. Pakihanap na din ako ng mapapangasawa don.” Papalabas na ng bahay sila Grace ng biglang tumunog ang telepono. Mabilis na tinakbo ng dalaga ito para sagutin. “Hello?” “Hello? Grace?” “Rodelyn!! Kanina ko pa hinintay tawag mo.” “Punta ako dyan ha? Gusto ko sumama sa mga tito mo para ihatid kayo sa airport.” Nagsisimula ng humikbi ang kaibigan sa kabilang linya. “Sorry bru, paalis na kami ngayon. I’ll miss you!!” tuluyan ng umiyak ang dalawa sa telepono. “Grace!! Male-late na tayo!!” pag-mamadali ng ama sa anak. “Sige na Lyn, I have to go. Ingat ka lagi!!” “Kayo din. Tawag ka or sumulat ka pagdating mo don ha? Bye!” “Bye.” Hindi na natigil ang mga luha ni Grace. Hanggang sa paglabas ng kanilang sasakyan mula sa bahay ay umiiyak pa din ito. Nilingon niya ang kanilang bahay at nakita ang kanilang yaya na nagsasara ng gate pero tumutulo din ang mga luha nito. Sa huling pagkakataon ay tinignan ng maigi ni Grace ang bahay nila at ang subdivision kung saan ito lumaki. Hindi malaman ng dalaga ang nararamdaman. Ang mga luha ba niya ay dulot ng kalungkutan na iiwan niya ang lahat ng naksanayan o dahil sa hindi niya naka-usap ang pinakamamahal para makapagpaalam. ...Itutuloy... :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70995)Arts & Entertainment (7634) Lifestyle & Culture (3327) Politics & Issues (2958) Poetry & Fiction (9382) Random Thoughts (10305) Forwarded Thingies (7396) FrendzCorner/ShoutOutz (21461) Games & Fun Questions (2364) Patawa Ka Talaga (2338) Tristancafe Musikahan (3861) Careers & Work Stuff (1538) School Matters (3263) Technology & Internet (4040) Classifieds & Advertisements (3613) Tristancafe Halo-Halo (1568) Barangay Tristan (1751) Site Announcements (44) CookieMonster, peenay, shinsheyn, lalaladeedah, tootsing, missingself, diewithme, glad_sweet162004, joyce_q and 23 guests Random Love Quotes
|