|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Childhood Playground (Chapter 20)
CHAPTER 1
CHAPTER 2 CHAPTER 3 CHAPTER 4 CHAPTER 5 CHAPTER 6 CHAPTER 7 CHAPTER 8 CHAPTER 9 CHAPTER 10 CHAPTER 11 CHAPTER 12 CHAPTER 13 CHAPTER 14 CHAPTER 15 CHAPTER 16 CHAPTER 17 CHAPTER 18 CHAPTER 19 CHAPTER 20 Umuwing malungkot si Grace. Hindi niya inaakalang magiging ganoon ang sitwasyon. Hindi man lamang niya nakita si Shane. Bukas na ang kanyang flight at matagal pa bago siya bumalik. O maaaring hindi na siya babalik. Paupo siyang sumalampak sa sofa at muling bumalik sa isipan ang mga nakaraan. Ang masasayang araw na kasama niya ang mga kaibigan. “Nandyan ka na pala, kanina ka pa namin hinihintay.” Tinig mula sa kanyang likuran. Ang kanyang ama. “Pasensya na po dad, hindi ko namalayan yung oras. Napahaba yung kwentuhan eh!” Ngumiti ito sa kanya “Ok lang yun. Kumain ka na ba? Teka-” tumalikod ito sa kanya. “Jing, pakihandaan nga ng pagkain si Grace at nang makaalis kami ng maaga.” Muli itong tumingin sa kanya. “Maliligo ka pa ba ulit o ayos na yang suot mo?” Saglit na nag-isip si Grace. “Maliligo ulit ako, sobrang init sa labas eh.” “Sige, bilisan mo lang at kanina pa naiinip ang mga kapatid mo.” ”Opo.” Tumayo ang dalaga at saglit na sinulyapan ang phone sa gilid ng sofa bago nagtungo sa kusina. Alam niyang tatawagan siya nito mamaya kaya’t hihintayin na lamang niya ito. kung hindi man siya tawagan ay siya na mismo ang tatawag sa binata para magpaalam. Tutal naman ay bilang kaibigan lang ang gagawin niyang pagtawag. Matapos kumain ay nagtungo na siya sa kwarto. Nadatnan niyang bihis na ang dalawa niyang kapatid. Nakaupo iyon sa kama. “Ang tagal mo naman Achi!” nagmumukmok na sabi nito. “Dun na kayo maghintay sa sala at susunod na ako after 5 minutes.” Sagot naman ni Grace. “Five minutes? Promise?” tumango ang dalaga sa tanong na iyon. Mabilis namang lumabas ang magkapatid at tila excited na nagtungo sa sala. Samantalang nagmamadali ding nag-ayos si Grace. Saglit na paliligo lang ang ginawa niya dahil baka sumpungin pa ang kanyang kapatid sa sobrang inip. Ilang sandali pa’y bihis nang lumabas ang dalaga at tuloy na nagtungo sa sala kung saan naroon ang mga kapatid maging ang kanyang ama. “Hay salamat!” sabi ng kanyang kapatid. Ngumiti ang kanyang ama. “Kanina pa inip na inip yan.” Inakbayan ni Grace ang kapatid, “Tara na!” tumingin siya sa kanyang daddy. “Saan po ba tayo pupunta.” Ngumiti ito, “Sa Olongapo!” “Olongapo?” “Bakit ka nagulat? Magpapaalam tayo sa mga relatives natin dun.” “Tapos babalik tayo dito?” tumango ang ama. “Anong oras pa tayo makakabalik? Dapat pala kaninang umaga pa tayo umalis.” “I told you. Agahan mo. Don’t worry. We’ll be using your tito’s car. Tara na!” Hindi makapaniwala si Grace. Bukas ng gabi ang kanilang flight. Siguradong gabi na sila makakarating sa Olongapo. At tiyak niya rin na bukas na ng madaling araw ang balik nila sa bahay. Ang plano niyang tawagan si Shane ay hindi matutupad. Kahit man lang sana sa telepono ay makapagpaalam siya rito. “Mga anong oras tayo makakabalik dito dad?” tanong ni Grace sa ama. “Bukas na siguro. Nothing to worry. Ayos na lahat ng gamit natin.” “Ah..ok!” Paglabas nila ng bahay, tumuloy agad sila sa kotse at agad na pinaandar ito ng kanyang daddy nang masigurong ayos na ang lahat. Nilingon pa niya ang kanyang lola kasama ng kanyang yaya na nakatingin sa kanila habang papaalis. Umandar na ang kotse at dahan-dahang lumabas ng bakuran ng bigla’y narinig niyang tumunog ang telepono. Biglang lumakas ang tibok ng kanyang dibdib. Nais niyang takbuhin iyon ngunit huli na dahil mabilis na ang andar ng kanilang sasakyan. Samantala, sabik na hinihintay ni Shane ang pagsagot sa kabilang linya. Hindi na niya pinansin ang kaba na kanyang nararamdaman. Ito na lang ang pagkakataon para sabihin niya ang kanyang nararamdaman kay Grace. Ngunit tila naiinip ito dahil ilang ring na ay wala pa ring sumasagot. Ibababa na sana niya ang phone ng biglang narinig niya ang pag-angat mula sa kabilang linya. “Hello?” tinig ng babae mula sa kabilang linya. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ni Shane. “G-Good Afternoon po. P-pwede po kay Grace?” “Ay,wala sya eh. Kaalis lang. Sino po sila?” “Ganun po ba? Pakisabi na lang po, tumawag si Shane.” “Ok.” “Salamat po. Bye!” “Bye!” Malungkot na ibinaba ni Shane ang phone. Natuon ang kanyang paningin sa alarm clock na nasa tabi niya. Muling bumalik ang alaala nila ni Grace. Hindi niya malaman ang gagawin. Kakaiba ang kanyang pakiramdam. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Halos mapatalon siya ng biglang- KRIIINGGG!!! Tumunog ang telepono sa kanyang tabi. Nanginig ang buong katawan niya at biglang bumilis ang kabog ng dibdib. Nagmamadali niyang iniangat ang telepono. “Grace?” sabik niyang sabi. “H-Hello? Shane?” tining mula sa kabilang linya. “Si Rodelyn to. Shane, ikaw ba yan?” Biglang nalungkot si Shane. “O-oo ako nga. Kamusta? Napatawag ka ata” “Oo, itatanong ko sana kung nagkausap na ba kayo ni Grace?” Bumuntong hininga siya “Hindi pa nga eh!” “Hindi pa? Bukas na ang alis nun ah!” “Oo nga eh. Tinawagan ko kanina, wala daw, umalis.” “Umalis nga daw. Katatawag ko lang.” “Hindi man lang kami nakapag-usap.” “Tawagan mo ulit bukas, tapos magkita kayo.” “Paano? Eh, may pasok ako.” Katahimikan. “Anong oras ba ang flight nya?” “Gabi pa naman daw.” “Ok! Pwede pa pala. Sige, bukas na lang. Pupuntahan ko na lang sya sa bahay nila. Pwede mo ba akong samahan?” “Oo ba! Balak ko rin ngang pumunta sa kanila bukas.” “Sige, kita na lang tayo sa school.” “Ok. bye!” “Bye!” Biglang nagkaroon ng pag-asa si Shane. Ang kaninang lungkot na kanyang nararamdaman ay biglang napalitan ng kaunting kasiyahan. Bagamat hindi lubos ay ayos na rin ito sa kanya. Ngayon pa lang ay nasasabik na syang makita ang dalaga. ‘Hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito’ sa isip niya. Sa kabilang dako naman, hindi maalis sa isip ni Grace ang tunog ng telepono kanina. Sigurado sya, si Shane iyon. Kakaiba ang kutob niya. Kung tinagal-tagalan lang sana niya ang paliligo o kaya naman ay ang pagbibihis, malamang ay naabutan pa niya iyon. Sayang talaga. “Kanina ka pa tulala dyan, may problema ba?” nagulat si Grace sa tanong na iyon ng kanyang daddy. Kahit pala nagda-drive ito ay napapansin pa rin nito ang malalim na iniisip ng dalaga. “Ha? W-wala po.” Sagot ni Grace. “Nalulungkot lang ako kasi-” “Iiwanan mo ang boyfriend mo?” pinutol ng kanyang daddy ang sasabihin niya. “Hindi po ah! Wala pa po ako nun.” “E bat defensive ka?” “Defensive?” “Ha ha ha! Just kidding. Bakit ba naman kasi napaka-seryoso mo? Tingnan mo ang mga kapatid mo, ang himbing ng tulog. Excited pa yang lagay na yan.” Saglit na nag-isip si Grace “Parang nakakalungkot kasing isipin na iiwanan ko yung mga friends ko rito.” “Ganyan talaga ang buhay anak, there’s always a choice. In each choice, there are consequences. And you should endure it in both negative and positive ways. We chose this path, then we should face the consequences. It’s for our future’s sake anyway.” Paliwanag ng kanyang ama. “Opo nga. Kaya tanggap ko ng maluwag sa dibdib ‘to. Hindi lang talaga mawawala ang sadness.” “Ganyan din ang naramdaman namin ng mommy nyo. Alam mo naman kung gaano kami ka-close sa mga relatives di ba?” Tumango ang dalaga. “Di bale, aagahan natin ang uwi para naman makausap mo pa ang iba mong mga kaibigan.” “Talaga po?” tumango ang kanyang daddy. “Thank you po! Thank you talaga.” Nakangiting sabi ni Grace. ...Itutuloy... :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
“Ganyan talaga ang buhay anak, there’s always a choice. In each choice,
there are consequences. And you should endure it in both negative and positive ways. We chose this path, then we should face the consequences. It’s for our future’s sake anyway.” nosebleed aq sa speech ng tatay ni grace ![]() bweset naman si shane bagal bagal tumawag.. ayan tuloy bakit parang wala yata silang celfone? ![]()
(Visit 14th President Of Philippines)
http://continue.to/sexy_asian
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70994)Arts & Entertainment (7634) Lifestyle & Culture (3327) Politics & Issues (2958) Poetry & Fiction (9382) Random Thoughts (10305) Forwarded Thingies (7395) FrendzCorner/ShoutOutz (21461) Games & Fun Questions (2364) Patawa Ka Talaga (2338) Tristancafe Musikahan (3861) Careers & Work Stuff (1537) School Matters (3263) Technology & Internet (4040) Classifieds & Advertisements (3613) Tristancafe Halo-Halo (1568) Barangay Tristan (1751) Site Announcements (44) pissedoFF, success, flesrouy, yuzhendeng, shy_maria, germanx0084, star_dust88, pink_pearl08, KewlKaLang, bryanwizard, nikka_bunny and 26 guests Random Love Quotes
|