|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Kati Pati Ang Langit 6
Chapter 6
"It's okay, mas importanteng nagamot ka at nakapagpahinga. Kumusta ka na ngayon? I mean, nawala na ba ang pagka-shock mo? Hindi mo ba napapanaginipan ang nangyari sa'yo?" "Hindi naman. Pinipilit ko na ngang kalimutan 'yon. Kaya lang, hindi ko na yata kayang maglakad nang nag-iisa sa underpass." "Understandable naman 'yon. Ano ang reaksiyon ng parents mo?" "Matagal ng patay si Daddy." "I'm sorry." "Na-upset si Mommy. Pinagsabihan niya akong mag-ingat na sa susunod. Ikaw, naikuwento mo ba sa parents mo ang ginawa mong pagliligtas sa akin?" "Hindi." "Bakit? Hindi mo ba kasama ang parents mo?" "Hindi." Nakahalata siyang tila ayaw nitong pag-usapan ang bagay na iyon kaya hindi na siya nagtanong pa rito hanggang sa makarating sila sa compound ng Makati City Hall. "Ang mabuti pa siguro, dito ka na lang sa kotse," sabi nito nang humimpil na sila. "Ako na lang ang pipila sa loob." "Okay lang sa'yo?" Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito. Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Sumikdo na naman tuloy ang dibdib niya. "Oo naman, para hindi ka na magitgit pa ng mga tao." Napaka-caring naman ng taong 'to. Haay! Nilibang niya ang sarili sa pakikinig ng music sa CD player habang wala ito. Nangangalahati na ang latest album ni Alanis Morissette nang makabalik si Jonathan. "Nainip ka ba?" wika nito nang makapasok sa loob ng kotse. Iniabot nito sa kanya ang tatlong set ng mga natatakang ITR. "Pasensiya ka na, ha? Medyo mahaba lasi ang pila." "Expected ko na 'yon. Mabilis ka pa nga ng lagay na 'yan, eh." Pinaandar na niya ang makina ng sasakyan. "Babalik ka pa ba sa office n'yo?" Tiningnan siya nito na para bang pinag-aaralan kung ano ang nakapaloob pang mga salita na hindi nabigkas sa kanyang itinanong. Hindi naman niya sinalubong ang tingin nito. "Puwedeng hindi na. Ine-expect kasi ni Boss na matatagalan ako sa pagpila rito. Bakit mo naitanong?" "Dumaan muna tayo sa bahay. Ayoko na kasing bumalik pa sa office." Saka siya tumingin dito. "Kung may iba ka pang pupuntahan, okay lang." "No," maagap nitong turan na muntik na niyang ikangiti. "G-gusto kong sumama sa'yo." Hanggang sa tuluyan na siyang napangiti. Napansin ni Grace na mukhang tensiyonado na si Jonathan nang pumasok na ang kanilang sinasakyan sa gate ng kanilang bahay sa Bel-Air Subdivision. Lalo pa iyong naragdagan nang isa-isa niyang ipakilala rito ang kanyang mga kasambahay. "Ito si Yaya Clemen," pagpapakilala niya sa isang may lampas-kuwarenta anyos nang babae. "Iyong nakasakay sa wheelchair, si Uncle Efren, pinsan siya ni Mommy. Iyon namang batang naglalaro sa veranda," wika niya sabay turo sa itaas. "Si Ron-Ron 'yon, kapatid ko." Nakatingin dito ang nakangiting si Yaya Clemen. Si Uncle Efren naman ay nananatiling nakamasid lang sa kanila sa di-kalayuan na parang walang balak na makihalo sa kanilang usapan. "Siya ho si Jonathan, 'yong ikinukuwento ko sa inyong nagligtas sa akin doon sa holdupper." "Naku, tingnan mo nga, hindi ka lang pala matulungin, guwapo ka pa," masayang saad ng kanyang yaya na ikinapamula nito. Nagpauna na siyang pumasok. Nagtungo siya sa kinatitigilan ni Uncle Efren at nagmano rito. "Siya iyong ikinukuwento ko sa inyong tumulong sa akin, Uncle, si Jonathan." Walang pangingiming pinasadahan nito ng tingin ang kanyang kasama mula ulo hanggang paa. "Marunong ka bang maglaro ng domino?" ani Uncle Efren dito. "H-ho?" gulat na sambit nito. "Uncle, kagagaling lang naming mag-file ng ITR sa city hall. Samahan n'yo na kaming mag-merienda ni Jonathan," salo niya rito sa sitwasyon. http://www.tristancafe.com/forum/146967- 1 http://www.tristancafe.com/forum/147161- 2 http://www.tristancafe.com/forum/147302- 3 http://www.tristancafe.com/forum/147446- 4 http://www.tristancafe.com/forum/147574- 5 Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories iane, sup3rm4n_0321, anyD, bukaykay, KupZz75, faylnn, jdom, kayth19, esinad, sundaythefifth, CHANGDARA, BABADOODLES and 52 guests |