tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Rhythm of Heartbeat
posted by (May 21, 2008 @ 4:18AM) views: 635

: c h e e r :  weee... : c h e e r : 

nais ko lang pasalamatan ang mga patuloy na sumusubaybay sa ROH..

: t h a n k y o u : 

at sa mga nagbigay ng hula.. tumama man o hindi.. panalo kayo sa puso ko..

: l o l :  ahaha! : l o l : 

: a w a r d : 

: r a h r a h :  : r a h r a h :  : r a h r a h : 


para po kay sis aq06_best.. cheer up na po.. kaya mo yan : k i s s : 


eniwei, basa-basa na po mga interesado magbasa.. : b o o k : 


oOoOo

Chapter 23

Differences


Inistorbo ng isang tawag ang kasiyahan nina Rich, Rico at Arthur.

“Hello?” nakangiti pa si Rico nang sagutin niya ang tawag sa kanyang cell phone samantalang sina Rich at Arthur ay patuloy pa rin sa pag-uusap at pag-inom. Napatayo si Rico sa kinauupuan na tila gulat ang mukha. “Seryoso ka ba?” tanong niya sa kausap. Napatingin sina Rich at Arthur sa kanya. “O sige, sige, susunod kami riyan!” at ibinaba niya ang tawag.

Sandaling tumahimik si Rico at kumuha ng hangin upang makahinga.

“Anong problema, Rico?” tanong ni Rich.
“Tumawag si Ate Margarita. Nawawala ang isa sa kambal!” pagbabalita niya.

Nagulat sina Rich at Arthur. “Ano?” sabay nilang naitanong. Umalis na ang tatlo sa puwesto nila at dali-daling nagtungo sa ospital.

Nadatnan nila ang malulungkot na mukha ng mga nurse at doktor nang dumating sila sa ospital. Agad na umakyat si Rico sa hagdan na sinundan nina Rich at Arthur.

“Bakit ba kasi ang taas ng ospital na ito?” nagawa pang umangal ni Arthur.

Kumpol ng tao ang naroroon nang makalapit sila sa silid ni Bernadette. Nasa loob si Margarita karga ang umiiyak na si Reed na naging dahilan ng pagkagising ng pangalawa sa kambal. Tulog pa rin si Bernadette.

“Anong nangyari sa asawa ko?” tanong niya kay Andrew na naroroon din sa loob at mukhang dismayado sa nangyari.

Ipinakita ni Andrew ang heringgilyang natagpuan sa silid, “Ito. May nag-inject sa kanya nito. Pampatulog.”

Sinubukang magpaliwanag ni Margarita, “Umalis kami ni Reed, lumabas kami ng ospital. Si Millie lang naman ang naiwan dito.”

“Nakita namin si Millie. Lumabas siya dala ang bata pero ‘di namin pinansin. Akala namin wala lang,” salaysay ng isang babaeng nurse.

Takang-taka naman si Arthur kung sino ba ang Millie na tinutukoy nila. At umabot siya sa isang konklusyon, “Walang ibang tao, pinatulog ang asawa mo, kinuha ang baby. Ninakaw ang anak mo, Rico!”

“Ninakaw ni Mildred!” bulalas ni Rich.

Ang lahat ay bumigat ang loob kay Millie. Doon nalaman ni Arthur na ang Millie palang tinutukoy nila ay si Mildred Roces. Wala siyang kaalam-alam na nagbalik na pala ito sa Pilipinas. Wala man lang nagsabi sa kanya.

Makalipas ang ilang araw, lumabas na si Bernadette sa ospital. Nalulungkot siya sa mga nangyari. Nang ilabas niya sa sinapupunan ang kanyang anak ay dalawa ito pero ngayon ay nag-iisa na lamang. At pag naiisip niya ang huling sinabi ni Millie sa kanya,

“Souvenir ko na lang si Reeve, puwede ba?”


ay hindi niya maiwasang hindi umiyak. Bakit ginawa ni Millie iyon? Hindi naman bagay si Reeve. Isa siyang walang kamalay-malay na sanggol, humihinga at may buhay. Ni hindi man lang niya iyon nayakap ng matagal. Pero naisip niyang kailangang magpatuloy ang buhay. Naririyan pa naman ang pangalawa sa kambal na pinangalanan nilang Benjamin Rico at tinawag na Benjo. Na sa hinaharap ay magiging isang batang masayahin at magkakaisip na wala man lang kinikilalang kapatid, na nakatakda na palang bawian ng buhay sa gulang na labing siyam.

Para kay Rico ay hindi rito nagtatapos ang lahat. Kailangan niyang makita si Millie. Kailangan niyang mabawi ang anak niya. Buti na lang at nakuha niya ang address ni Millie na nasa record ng ospital. Wala silang inaksayang oras at hinanap nila ni Rich ang bahay ni Millie. Nang mabasa ang address, kinutuban na si Rich at nang mapuntahan na nila ang bahay, tama nga ang kutob niya.

“Sinasabi ko na nga ba’t ito iyon,” wika niya.

Napasuntok na lang si Rico sa pader. Ito ang bahay na tinirhan nina Millie at ng nanay niya noon. Abandonado na ang bahay at wala nang nakatira. Limang taon na ring hindi natitirhan ang bahay na ito. Sa madaling salita, nagbigay si Millie ng maling address. Hindi na nila alam kung saan siya hahanapin.

Sa mga panahong ito, nakatira na si Millie sa mansyon. Ito ang bahay ng kanyang asawa rito sa Pilipinas. Silang dalawa lang ni Reeve ang tao sa mansyon. Hindi na siya tumuloy sa flight niya, at agarang pinauwi ang asawang si Robert Evans na isang Amerikano at minsan nang nanirahan sa Pilipinas. Sa una’y hindi niya nagustuhan ang ideya ni Millie na pagkuha sa bata pero nangyari pa rin ang dapat mangyari. Inerehistro ang bata sa pangalang Hans Evans, nilakad ang papeles, umalis ng bansa at sina Robert at Millie na ang kinilalang ama’t ina nito.

Dumaan pa ang ilang araw. Hindi pa rin mawaglit sa isip ni Rico ang nangyari. Isang gabing dumalaw si Rich sa kanila, nagkaroon sila ng masinsinang usapan sa sala.

“Bakit ginawa ni Mildred yun?” ang laging tanong ng isip ni Rico.
“Sabihin na nating dahil sa pagmamahal,” sagot ni Rich.

Naguluhan si Rico, “Pagmamahal? Anong ibig mong sabihin, kuya?”

“Mahal ka pa rin ni Mildred hanggang ngayon,” sagot ni Rich.

Nasurpresa si Rico, “Ano?”

“Hindi ka niya nakuha kaya anak mo na lang ang kinuha niya. Nanggaling din naman iyon sa iyo.”
“Kalokohan! Pagmamahal ba ang tawag dun? Paano mo naman nasabing mahal pa rin ako ni Mildred?”
“Sinabi niya sa akin noong nakausap ko siya sa ospital.”

Natahimik si Rico.

“E ikaw, ganoon din ba ang nararamdaman mo para sa kanya?” mapaghamong tanong ni Rich.
“May pamilya na ako, may asawa na siya! Matagal ko nang kinalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam mo yan, Kuya Rich!” matigas na sabi ni Rico.
“Siguro nga. Maaaring makakapagsinungaling ka sa akin, kay Bernadette at sa ibang tao pero ‘di mo maloloko ang sarili mo, Rico.”

At natapos ang usapan ng magkapatid.

Gabing-gabi na rin pero hindi pa natutulog si Bernadette. Nasa malalim siyang pag-iisip. Nakahiwalay na rin ang mga binili nilang gamit noon para kay Reeve. Nakahanda na ang mga gamit bago pa isilang ang kambal. Nakalabas din ang isang kahon.

“Ano ang gagawin mo sa mga iyan, mama?” tanong ni Rico sa asawa.

Inisa-isa nang ilagay ni Bernadette ang mga gamit ng sanggol sa loob ng kahon. “Itatago. Wala na rin namang silbi ito. Wala na naman si Reeve rito.” At bumuhos na naman ang mga luha niya. Niyakap siya ni Rico.

“Tama na ang iyak, mama. Tama na,” pagpapatahan niya sa asawa.
“Sorry papa, ‘di ko sinasadyang marinig ang usapan ninyo ni Kuya Rich,” paghingi ng paumanhin ni Bernadette.

Nagulat si Rico, “Narinig mo?”

Tumango si Bernadette, “Oo.” Pero hindi siya nagalit bagkus ay nagpakumbaba, “Please, ‘wag mo akong iwan. Hindi tayo maghihiwalay. Ipangako mong diyan ka lang sa tabi ko.”

“Oo, ‘di kita iiwan,” tugon ni Rico. “Pangako iyan. Magkakasama tayo habang buhay at aalagaan nating mabuti si Benjo. Palalakihin natin siyang walang nalalaman sa nakaraan.” At humingi siya ng tawad kay Bernadette, “Sorry, mama. Sorry kung may inilihim ako sa iyo.”

At ang pangyayaring iyon ang nagpatibay lalo sa mag-asawa.

Tatlong taon makalipas ang insidente, isinilang ni Millie ang isang batang lalaki na pinangalanang Kyle. Anak niya ang bata sa kanyang asawang si Robert Evans. Matapos, pinili niyang manirahan muli sa Pilipinas samantalang si Robert ay naiwan sa Estados Unidos.

Lumaki ang kanyang mga anak na malayo ang loob sa isa’t isa. Si Hans ay lalaking-lalaki at nahilig sa basag-ulo gawa na rin ng pagtatanggol sa kanyang kapatid na si Kyle. Tampulan kasi ito ng tukso gawa ng kanyang pagiging kilos babae. Trinato ni Millie na espesyal si Hans samantalang pangkaraniwan lang ang pagtrato niya kay Kyle. Kinainggitan ni Kyle ang kanyang kuya dahil paborito ito ng kanyang ina. Kinamuhian niya ang asal nito na ‘di man lang nalalamang dahil na rin sa kanya kung bakit ganito ang kuya niya.

At kahit na sabihin mong maliit ang mundong ito, hindi pa rin iyon naging dahilan upang magkita ang kambal. Magkaiba pa rin ang mundong kanilang ginalawan. Lumaki sina Hans at Benjo na may parehong mukha at parehong walang alam sa nakaraan pero magkaiba ang kanilang mga kapalaran.

Namuhay si Hans sa isang malaking bahay, kasama sina Millie at Kyle pati na rin ang ibang katulong samantalang si Benjo ay namuhay sa isang simpleng bahay kasama ang tunay na magulang at sila ay nagtutulong-tulong. Nag-aral si Hans sa isang ekslusibong paaralan at pinagbawalan ni Millie na gumamit ng wikang Tagalog samantalang si Benjo ay nag-aral sa paaralang kanyang naibigan at hindi inalis sa kanya ang karapatang gamitin ang sariling wika. Lumaki si Hans kasama ang kapatid na si Kyle na may galit sa kanya samantalang si Benjo ay lumaking kasama ang pinsang si Reed na tuwang-tuwa sa kanya. Lumaking bugnutin si Hans at walang kaibigan dahil ipinagkait ito ni Millie samantalang si Benjo ay naging masaya sa piling ng mga kaibigan.

Hanggang sa pagsapit ng ika-labing apat na taong gulang ni Hans, naganap ang isang aksidente at ang aksidenteng ito ang nakapagpabago sa buhay ng lahat lalong lalo na sa buhay ni Benjo, ni Reed at ni Margarita, ang pamilyang Salas.


oOoOo

para sa mga gustong humabol, click lang : n a u g h t y : 

Chapter 1: The Wishing Well



Chapter 2: Hopeless Wish



Chapter 3: Forbidden Love



Chapter 4: Deepest Secret



Chapter 5: Long Time No See



Chapter 6: Who Are You?



Chapter 7: My Fair Lady


Chapter 8: A Sweet Yes

Chapter 9: Change of Heart

Chapter 10: Why?

Chapter 11: Alias Soulm8

Chapter 12: A Tale to Tell



Chapter 13: The Face Behind The Mask


Chapter 14: A Smooth Plan


Chapter 15: Rejection


Chapter 16: The Reunion


Chapter 17: Hans Meets Benjo


Chapter 18: Strange Feeling


Chapter 19: Raindrops


Chapter 20: Who Am I?


Chapter 21: Gemini


Chapter 22: One Last Hug


oOoOo

tanong: Bakit kaya nagkaroon ng aksidente? Paaano nangyari ang aksidente?

may sasagot kaya sa tanong ko? : e s e p : 

: w a v e :  alis na q pipz.. lab yah ol : k i s s : 




Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Kati Pati Ang Langit 6
older post:
The Labyrinth of my dream

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Kotaro2114    •reply May 21, 2008 @ 4:20 AM
 
1st?
  anyD    •reply    May-21-08@4:21AM
: t a r a y : 
  Kotaro2114    •reply    May-21-08@4:22AM
hahhaha akala ko ba maikli lang to... cge lil sis... bye bye: w a v e : 
  anyD    •reply    May-21-08@4:25AM
maikli lang naman talaga... : t a m p o : 

mahaba ba big bro? : l o l : 

di ko yata napansin na mahaba..

sige alis na q.. : w a v e : 
  Kotaro2114    •reply    May-21-08@4:29AM
naku, may tanung na namn.. at sa tingin ko huli na to...hahahah : r a z z : 
  anyD    •reply    May-21-08@9:53AM
: l o l : 

huling tanong na nga siguro big bro
anyD    •reply May 21, 2008 @ 4:20 AM
 
anu ba un..

humaba post q.. daming space..

ahihi... cge alis n q.. : w a v e : 
  anyD    •reply    May-21-08@4:24AM
: w a v e : 

bye world : d e a d n a n a : 
etina0511    •reply May 21, 2008 @ 4:35 AM
 
nakita nila bigla c mildred then umuulan dat day tapos ayaw ibigay ni mildred yung baby nila tapos sumakay sha sa car nya den ayun nag habulan cla tapos nabanga yung car nila RICO ayun dedu na cla
  Kotaro2114    •reply    May-21-08@5:27AM
mali... d na baby c hans that moment, remember, 14 na cla nung mamatay ang mga mgulang nila...
  kleiokyut010    •reply    May-21-08@6:09AM
bka susubukang agawin nila rico c hans/reeve kay mildred...n then sa di inaasahang pagkakataon ay my nakasalubong silang truck tpos c bernadette yung ngda-drive..tpos d nya inaasahan yun dahil nkatutok cia sa paghabol kay mildred...ngulat n lng xa nung makita yung truck tapos nabungo nya yung truck..and then yun dedo na...wawng benjo..

: o k l a n g y u n : 
  anyD    •reply    May-21-08@10:03AM
detalyado talaga yan sis ha.. : g a l e n g : 

sige, sa mga susunod na chapters malalaman natin kung ano ang nangyari.. : k i s s : 
  anyD    •reply    May-21-08@10:02AM
ala ka bang hula big bro? : n a u g h t y : 
  anyD    •reply    May-21-08@10:02AM
: e s e p : 

hmm.. game na game sa panghuhula si etina : g a l e n g : 

uu nga sis, tama sabi ni big bro Kotaro,, 14 y.o. na si Hans nang maganap ang aksidente.. si Benjo naman magbbday pa lang siya

titingnan natin kung tama ba ang vibrations mo : c h e e r : 
  kleiokyut010    •reply    May-22-08@2:07AM
ate...aabangan ko nxt post mu!!!

ang kyut kxe nung flow nung istory...mgkakakonek..

^^,V
  anyD    •reply    May-22-08@2:30AM
wow.. salamat po sis.. : k i s s : 
April_May    •reply May 21, 2008 @ 5:52 AM
 
WATCH MY HOT VIDEOS Watch Free Latest Movies PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel and many more channels...WATCH NOW
  anyD    •reply    May-21-08@9:53AM
ikaw na naman?!

salamat sa pagbisita sa post q.. : t h a n x : 

button: sana may sense tohng comment mo : r o l l : 
precious_joy05    •reply May 21, 2008 @ 7:42 AM
 
: b o o k :  sis q...: h u g : : w a v e : 
  anyD    •reply    May-21-08@9:57AM
: w a v e :  sis.. elow pu.. ^^

basa mode? wahehe..

tnx pu
anyD    •reply May 21, 2008 @ 10:06 AM
 
sino pa game manghula?

: s u g o d 2 : 

sige alis na muna q uli...

balik aq uli..

: w a v e : 
  mesteryosa_blue    •reply    May-21-08@2:52PM
game ako : r a z z : 

update muna taz hulaan ko : l o l :  : l o l :  : l o l : 
  anyD    •reply    May-22-08@1:44AM
: l o l : 

pag nag update aq sis siguro sunod-sunod na eksena na po sa kasalukuyang panahon : e s e p : 
yasmin13    •reply May 21, 2008 @ 3:42 PM
 
nagkaroon ng aksidente dahil bumalik c millie sa bansa tpos nalaman un nina rico tpos hinanap nila tpos tumakas c millie aun,di ko na alam.
haha ;p
  anyD    •reply    May-22-08@1:45AM
: l o l : 

nasa bansa na talaga sila sis..

eniwei, check na lang natin yan : k i s s : 
misz_masungit    •reply May 21, 2008 @ 4:45 PM
 
ayyy kala ko babae c kyle..ahaha..

ndi ko nlng sasagutin ung tanung mo baka kasi ndi nanaman ako tama eh : c r y : 



: l u v : 
  anyD    •reply    May-22-08@1:46AM
: o k l a n g y a n : 

binabae siya! hehehe

ok lang naman kahit hindi tumama.. katuwaan lang naman ito misz_masungit : k i s s : 
mmb6119    •reply May 21, 2008 @ 11:07 PM
 
sunod na plsssss : c h e e r : 
  anyD    •reply    May-22-08@1:47AM
sige po : k i s s : 
kriz_tin    •reply May 21, 2008 @ 11:37 PM
 
sis anyD!!! natpos ko nang basahin ang iyong story in 1day and ahalf! HAHAHAHAAH!! kanna kc sa uni binbsa ko ren while i was w8n mag start lecture ko heeheheh!! : n o t w o r t h y : 
  anyD    •reply    May-22-08@1:47AM
grabe sis.. adik mode ha! : l o l : 

salamat sa pagbabasa sis : k i s s : 

sana na-enjoy mo po
mickeymawsh    •reply May 22, 2008 @ 12:22 AM
 
: h m m : 
hintay nlng aku sis ng update : r a z z : 

malapti na ba tu sis matapos : ? 



: b l u s h : 
  anyD    •reply    May-22-08@1:48AM
ahaha! ayaw na manghula ni sis.. : s u g o d 2 : 

malapit-lapit na rin..

mga 30+ chapters din po..
abbylei    •reply May 22, 2008 @ 12:30 AM
 
toh pla 23.., : r a z z : 
  anyD    •reply    May-22-08@1:49AM
23 na nga po : k i s s : 
cLysLy    •reply May 22, 2008 @ 12:52 PM
 
how can i post new topic?? : ? 
  anyD    •reply    May-23-08@1:13AM
new post?

mayroon naman po jan sa gilid..

sa baba ng

You are logged-in as
[Sign in name]
(Log Out)

click nyo po, may box dun na nakalagay Submit New Post

: s m o k e : 
easle    •reply Jun 15, 2008 @ 10:01 AM
 
bitter si mill
yingying    •reply Aug 18, 2008 @ 1:24 AM
 
naaawa pa rin ako kay millie.. : ( 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Kati Pati Ang Langit 6
older post:
The Labyrinth of my dream
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Being a third party doesn't always mean you ruin a relationship; you are also helping those people involved realize that they are not meant for each other. Nyahaha!

You need to be logged in to Facebook