|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Childhood Playground (Chapter 18)
CHAPTER 1
CHAPTER 2 CHAPTER 3 CHAPTER 4 CHAPTER 5 CHAPTER 6 CHAPTER 7 CHAPTER 8 CHAPTER 9 CHAPTER 10 CHAPTER 11 CHAPTER 12 CHAPTER 13 CHAPTER 14 CHAPTER 15 CHAPTER 16 CHAPTER 17 CHAPTER 18 “Hello, si Shane po ito. pwede po kay Grace?” Biglang bumulis ang kabog ng dibdib ni Grace. Nanlamig ang kanyang pakiramdam. Tila ba nanginginig ang buo niyan katawan. “H-hello?” tila nag-aalangang sabi ng dalaga. “Grace? Ikaw ba ‘to?” muling sabi sa kabilang linya. Kakaiba ang naramdaman ng dalaga. Tila iba ang boses ni Shane. “Yes. Shane? Is this really you?” “Oo naman. Bakit? Hindi ba halata?” “Hay naku, kung sino ka man, wag ka nang magpanggap.” “Si Shane talaga ‘to!” “Shane mo mukha mo!” “Ha ha ha ha” malakas na pagtawa mula sa kabilang linya. Nakilala na ni Grace ang tinig na iyon. “Sabi ko na nga ba, Rodelyn! Sira ka talaga!” “Halata ba?” “Buking na buking.” “Gusto mo, tawagan natin sya? 3-way calling.” Tanong ni Rodelyn. “Wag na, nakakahiya.” “Akong bahala. Teka-” at narinig ni Grace na nag-dial ang kaibigan. “Hello?” tinig sa kabilang linya. Isang lalaki ang sumagot. “Hello, pwede po kay Shane?” tanong ni Rodelyn. Tahimik lang si Grace. Dinig niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. “Speaking” sabi ng lalaki. “Shane! Si Rodelyn to.” “O, hi Rodelyn. Napatawag ka.” “Oo, may itatanong lang yung isang tao dyan.” “Ha? Sino?” Lalong bumilis ang kabog ng dibdbi ni Grace habang pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. “Hoy magsalita ka naman.” Si Rodelyn. “H-hello?” sabi ni Grace. “Grace?” si Shane. “Wow! Kilala ang boses!” singit ni Rodelyn. “May itatanong ka daw?” si Shane muli. “Amm… oo sana…” sagot ni Grace. “Itatanong ko lang sana kung ikaw yung tumatawag dito tuwing hapon.” Nangingiti si Rodelyn, “Gaga! Ako yun!” nakatawang sabi niya. “Ano? Hindi nga?” hindi makapaniwalang sabi ni Grace. Napahiya siya. Ang buong akala niya ay si Shane nga iyon. “Oo! Ako! hahahaha” “Hahahaha!” nakitawa na rin si Grace. Katahimikan. “Grace-” si Shane. “A-ako nga yun….Ako yung tumatawag dyan.” Hindi malaman ng dalawang dalaga ang sasabihin sa inamin ni Shane. “Rodelyn?” si Grace. “Actually-” si Rodelyn. “Hindi talaga ako.” “Ano ba talaga? Sino sa inyo?“ naguguluhan ngunit tila excited na tanong ni Grace. “Me.” Sagot ni Shane. “Hindi talaga ako. Sorry” si Rodelyn. “Shane? Bakit ka naman tumatawag?” hindi malaman ni Grace ang nararamdaman niya. “W-wala lang. Gusto lang sana kitang kamustahin.” Mahinahong sagot ni Shane. “Guys, sandali lang ha?” si Rodelyn, Kasunod niyon ay narinig nilang inilapag ng dalaga ang phone at- “AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!” malakas na sigaw niya. Matapos ang malakas na pagsigaw ay muli niyang iniangat ang phone. “Hello?” sabi niya na tila walang nangyari. Natawa si Grace sa kaibigan. “San na nga ba tayo?” tanong ni Rodelyn. Walang sumagot sa linya. “Ah oo. Si Shane nga. Tapos?” wala pa ring sumasagot. “Hello? Nakakaistorbo ba ako? sige na bye!“ “Wait! Rodelyn.” Pigil ni Shane. “May sasabihin ka yata kay Grace eh!” “Rodelyn, ang arte mo ha?” nakangiting sabi ni Grace. “Ok lang. Wala namang problema kung marinig mo eh.” Sabi ng binata. “Ano ba yun?” si Rodelyn. “Grace-” saglit na tumigil. “Mami-miss kita talaga. Sobra! Ikaw ang pinaka-kalog, at pinaka-mabait kong kaibigan.” “My God! My God! My God!” kinikilig na sabi ni Rodelyn. “Hihimatayin yata ako!” dugtong pa niya. “Oy, Rodelyn, ang OA mo na ha?” sabi ni Grace. “Pa’no guys, iwan ko muna kayo. May inuutos pa si Mama.” Sabi ni Rodelyn. “Am… ako rin, m-may gagawin pa kasi ako eh. Bye na rin.” Paalam ng binata. “Ok. Bye sa inyong dalawa.” Sagot naman ni Grace na tila gusto pang pigilan ang pag-alis ng dalawa. Tuluyan na niyang ibinaba ang phone at paulit-ulit na bumabalik sa kanyang pandinig ang sinabing iyon ng binata. Nakatingin siya sa malayo ngunit wala doon ang kanyang isipan. “Hoy, Grace!” nagulat ang dalaga sa tinig na iyon ng kanyang yaya. “H-ha?” “Ang sabi ko, ok na ba ang pakiramdam mo?” sagot ng kanyang yaya. “Ah, opo. Ok na po. Nagpahinga lang ako saglit.” “Asus! E bat tulala ka dyan?” “Ako? tulala? Hindi ah! Hindi ko lang po namalayan na dumating ka na pala.” “Edi tulala ka nga!” tumuloy na si Jing sa kusina at naiwan si Grace sa kinauupuan. Muli, bumalik sa kanyang isipan ang masasayang alaala ng mga kaibigan. Higit sa lahat….. si Shane. Kaybilis ng panahon. Ang oras ay naging araw. Ang araw ay naging linggo ng tila hindi namamalayan ang pagdaan nito. Hindi na muling nakapag-usap pa sina Shane at Grace. Hindi na ito tumatawag sa kanila kaya’t sumasama na lang si Grace sa yaya kapag tataya ng lotto. Nakakahiya naman kung siya pa ang tatawag sa binata. Minsan na lang din kung makausap niya si Rodelyn sa phone. Lagi na rin kasi itong busy dahil malapit na ang periodical exam nila. Ibinuhos na lamang ni Grace ang pagkabagot sa pagsusulat at pagguhit. Marami na siyang nagawang tula at mga imahe. Ilang linggo pa ang lumipas, naghahanda na sila para sa kanilang pag-alis. Nakausap kasi niya ang kanyang daddy at darating na ito sa makalawa para sunduin ang mga anak. Magkahalong excitement at kalungkutan ang naramdaman ni Grace ng mga panahon na iyon. Nais niyang makausap man lamang ang mga kaibigan, lalong lalo na si Shane, bago pa man siya umalis. Ngunit naging mahigpit ang kanyang lola. Naniniwala kasi ito na kapag malapit nang magbiyahe ang palayo ang isang tao, nagiging malapit ito sa disgrasya. ...Itutuloy... :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Ayaw ko nang mauna…. Hahabaan ko na ang comment ko para naman habang nagta-type ako, meron nang maunang makapag-post…. Nakakasawa na kasi ang laging una… para na akong adik…
ADIK! ADIK! ADIK! ![]()
jeddsteelhead
•reply
May-13-08@4:06AM
ANAK NG PITUMPU'T PITONG PUTING TUPA NAMAN OH!!!
PERS NA NAMAN!!!!
GRRR!
Shane, pwede magtapat ka na kay Grace? Kainis ka tlga! Torpe ni Shane! Huhuhu! Aalis na si Grace at lahat, nacho-chope pa rin! ![]()
kinilig naman ako sa phone call.
ahaha!! at anong malapit sa disgrasya ha? ![]() next na sis! update na! ![]()
spuddiez
•reply
May-15-08@1:04AM
di ko din alam qng anong klaseng disgrasya sis...bka ibang klase waaaaaaaaah!!!! i did not just say dat!!!! ang lakas manghawa ni kuya jedd!!!!!
19 na!
![]() torpe torpe ni shane.. tsk.. haha..
french_smile
•reply
May-15-08@2:15AM
ako dn eh.. d n mxado tambay dun..
hehe.. d2 n ko npapadpad pag online ako.. basa ng mga stories d2.. ehehe.. kaw musta?..
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70993)Arts & Entertainment (7634) Lifestyle & Culture (3327) Politics & Issues (2958) Poetry & Fiction (9382) Random Thoughts (10305) Forwarded Thingies (7395) FrendzCorner/ShoutOutz (21461) Games & Fun Questions (2364) Patawa Ka Talaga (2338) Tristancafe Musikahan (3861) Careers & Work Stuff (1537) School Matters (3263) Technology & Internet (4040) Classifieds & Advertisements (3613) Tristancafe Halo-Halo (1568) Barangay Tristan (1751) Site Announcements (44) macabante09, torogi_dyunyor, Cloneberry, martini, misz_masungit, bryanwizard, and 19 guests Random Love Quotes
|