|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light 10 (Reprise)
Read this first, especially yingying: Last post ko nag-comment sa kin si yingying at ang request niya ay kung puwedeng iprint niya ang mga chapters ng NL. ang sagot ay puwede, kaso hindi mo pa siguro maibu-book bind dahil yung mga reprise version nung ibang chapters hindi ko pa naipo-post. marami na kasi akong binago sa kuwento at sa tingin ko kung ibu-book bind mo siya ngayon, male-left out ka sa maraming scenes na puwede mo pang makita. ang puwede mo lang mai-print ngayon ay yung 6 at 7 na reprise, kasunod nitong 10 na ipo post ko palang. puwede ko nang ibigay sa'yo yung iba pa ibigay mo lang sa kin yung email add mo tapos send ko na lang sayo okay ba?
anyway kung nagtataka kayo nag-skip ako ng 2 chapters. side quest kasi ni Warren, isa sa mga characters sa story ang dalawang chapters na yon. para madali tayo lalampasan na natin yun since many of you readers have already seen them. Chapter 6 Chapter 7 A Meeting And A Mystery (Reprise) Isang ordinaryong araw ng Biyernes. Katatapos lamang ng klase nina Alfredo, Rei at Chito. Dalawang oras nang nakakainip at nakakairita nilang klase, ayon kay Chito. Nandiyan ang kanilang propesor na ayon din sa kaniya’y kampeon sa pagpapaantok ng mga estudyante, dahil sa mga nakakainip at walang kuwenta nitong liksyon. At ang pinakamatindi niyang kalaban; ang tila freezer na lamig sa kanilang silid-aralan. Sa sobrang lamig nga’y maya’t-maya siyang lumalabas para magbanyo. At sa pagtunog ng bell, para kay Chito, iyon ang hudyat ng kalayaan. ‘Haaayyy!!! Nakalaya rin sa wakas! Pakiramdam ko bumalik ako sa era ng martial law! Kung puwede lang sanang i-delete sa linggo ang Biyernes, ginawa ko na para hindi na ‘ko makabalik sa lungga ni Mr. Alfuente!’ Paghihimutok ni Chito. ‘Kailan ka ba kasi hindi nagreklamo sa klase ni ser Alfuente, o kung hindi lang, sa lahat ng klase natin?! baboy ka, magbago ka na, napakatamad mo!’ Maya-maya’y nag-ring ang mobile phone ni Rei. Ang kanta ng Marilyn Manson na “New Model No.15” ang ring tone noon. Nangiti si Rei nang malaman kung sino ang nag-text sa kaniya. ‘Guys! Baka hindi ako makasama sa inyong mag-lunch. Maaga kasing natapos yung klase ng best friend ko eh! Sasamahan ko siyang kumain. Kita na lang tayo sa next class!’ At noon di’y humiwalay na si Rei kina Alfredo at Chito. ‘O pa’no, kumain na rin tayo. Sobrang ginaw ‘dun sa loob ng room ginutom tuloy ako. Sa’n ba ang kainan natin ngayon?’ ‘Dun na lang siguro tayo sa may cafeteria sa baba. Tinatamad akong lumabas eh! Tsaka wala akong payong, malakas pa naman ang ulan sa labas!’ Pagkababa nina Alfredo mula sa 6th floor ng ISC building, agad silang dumiretso sa cafeteria. Pagkapasok, agad silang pumila sa counter. Habang nasa pila, may naulingan si Alfredo na tumawag sa kaniya. ‘Heeeyyy!!! Alfred! Over here!’ Lilinga-linga naman si Alfredo. Ginagalugad ng kaniyang mga mata kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa kaniya. Hanggang mapako ang kaniyang tingin sa isang sulok ng cafeteria, at lumiwanag ang kaniyang mukha ng malaman kung sino ang tumawag sa kaniya. ‘Jillia!!!’ Pasigaw din na bati nito sa dalaga. ‘Jillia? Sino naman ‘yun?’ Takang tanong ni Chito kay Alfredo, habang nakakunot noong nakatitig pa dito. ‘Mamaya ko na ipapaliwanag sa’yo ‘pag nan’don na tayo!’ Pinuntahan nila si Jillia sa mesa nito. Kasalukuyan din itong nanananghalian ng mga oras na iyon. ‘Here! Have a seat! But save that seat to my best friend.’ Tinutukoy ni Jillia ang silyang may nakapatong na itim na bag. ‘Lumabas lang siya sandali para bumili ng lunch. Ayaw niya kasi ang mga pagkain dito eh!’ ‘Salamat! Pero baka nakakaabala kami ha?’ Atubili naman si Alfredong umupo. ‘No, that’s alright! Besides, dalawa lang naman kami eh! And the more, the merrier!’ ‘S-sige. Sabi mo eh. Ah, siya nga pala Jillia, ito nga pala si Chito, kaklase ko! Chito, si Jillia! Siya yung sinasabi kong na-meet ko nuong first day!’ ‘Oh! Hi! Chito! Nice to meet you!’ Nakipagkamay ito. ‘H-ha?... Ah! N-nice to meet you rin! He! He! He! He!’ At tinanggap ang pakikipagkamay ng dalaga. Pagkatapos ay hinila niya payuko si Alfredo at binulungan. ‘Siya na ba ‘yung sinasabi mong nakilala mo nuon sa parent’s?!’ Parang hindi pa rin siya makapaniwala na kaharap na niya ang babaeng ibinidida sa kaniya noon ni Alfredo. ‘Oo sabi!!!! Ba’t ba ang kulit mo?!’ ‘Hindi siya maganda pare!!! Diyosa siya!!! Sheeettt!!! Higit pa ‘to sa inaasahan ko!!! Ahahay!!! Idol na kita brother!!! Hindi ko akalain na ang katulad mong bokya sa mga girls ay makakasipat pa nang ganito kaganda, ay mali pala, ng Diyosang katulad niya?!’ ‘Ikaw ang OA mo ah?! Huwag ka ngang mag-iskandalo dito! Nakakahiya sa kaniya!’ Pananaway ni Alfredo sa makulit na si Chito. ‘Ah! Oo nga pala! Sori! Sori! Sige! Mamaya mo ‘ko kuwentuhan ha?!’ At pagkatapos ay sabay nilang hinarap si Jillia. ‘Uhmmm? What were you talking about just now?’ Usisa sa kanila ng dalaga. ‘Ah! Wala naman! Pinag-usapan lang namin yung quiz namin kanina! Tama! Yun! Di ba, Chito?’ Lumingon pa kay Chito habang namemeke ng tawa. ‘Ah! Tama! Yun nga ang pinag-uusapan namen! He! He! He! He!’ ‘Well… O-okay… What a strange bunch!’ Pabulong na sabi ni Jillia nguni’t nakangiti. Maya-maya pa’y dumating na rin ang kaibigan ni Jillia. Nasorpresa naman sina Alfredo at Chito nang makilala kung sino ito. ‘Kayo?!’ Ang tanging nasambit ni Rei nang makita ang dalawa na kasama ni Jillia. ‘You know them sis?! Wow it’s a small world! Ha! Ha! Ha! Ha! Say, pa’no kayo nagkakilalang tatlo?’ Si Jillia na labis ang tuwa sa hindi inaasahang pagkakakilala nilang apat. ‘Actually, mga kaklase ko sila sa AMT! Nagkabungguan kami noong isang kase namin sa Math. How about you? Pa’no mo naman na-meet ang dalawang bugoy na ito?’ ‘Oh! That? Si Alfredo lang talaga ang na-meet ko personally! Remember nung naligaw ako noon, at di ko makita yung SDV? Siya yung nagturo sa ‘kin ng daan! Right? Alfred?’ Kinindatan pa nito si Alfredo. ‘O-oo tama siya Rei!’ Kiming tugon ni Alfredo. ‘Figures… Eh pa’no itong si Mr. Liempo?’ ‘Ipinakilala siya sa ‘kin ni Alfredo ngayun-ngayon lang! nakita ko silang magkasama!’ ‘Grabe ka naman! Para kang imbestigador kung makatanong ah?’ Puna ng tinutukoy na Mr.Liempo. ‘May problema ba do’n? Mr. Liempo?’ Tinikwasan pa niya ito ng kilay. ‘Heh! Hayaan mo na nga!’ ‘Isn’t it great guys? All of a sudden, nakabuo tayo ng barkadahan? Ang saya di ‘ba!’ ‘Tama ka diyan sis! At kumpletos rekados pa! meron tayong prinsesa! Actually dalawa pa nga! Tapos may alalay tayo, in the presence of Alfredo Sandoval! Oh di ba?! At Siyempre, meron tayong payaso sa katauhan ni Janus Hubalde, A.K.A Chito! San ka pa diyan!’ ‘Alalay pala ‘ko…’ Nakayukong bulong ni Alfredo. ‘At kung ako man ang payaso mo, prinsesa Rei Hayase, sisiguraduhin kong maiinis ka sa mga patawa ko! Pero di sa’yo prinsesang diyosa! Gagawin kong laging masaya ang mga araw para sa’yo! Pramis yan!’ At kumindat-kindat pa. ‘Ignore him sis! Luko-luko lang talaga ang kalbong ‘yan!’ bulong ni Rei kay Jillia, habang natatawa-tawa. ‘Pansin ko nga! Hee! Hee!’ ‘Ahmm! Excuse me lang Prinsesa Jillia! Maiba ako ng topic. Medyo curious lang kasi ako kung paano kayo nagkakilala netong mahiyain kong kaibigan! Ikuwento mo naman ang nangyari?!’ Nililingon pa nito si Alfredo na waring nanunudyo. ‘Oo nga sis! Pa’no kayo nagkakilala?! Curious din ako!’ Gatong pa ni Rei. Si Alfredo nama’y kinakabahan na. Ikinuwento ni Jillia ang lahat ng detalye. Pati ang pagpasyal sa kaniya ni Alfredo sa CEU at ang pag-a-ice skating nilang dalawa sa Mega mall na dahilan kung bakit lumiban ang binata sa klase nila noong nakaraang linggo. Aliw na aliw naman sina Chito at Rei sa mga ikinuwento ng dalaga, habang si Alfredo’y lukot na lukot na sa sobrang hiya. ‘Aha! Yun pala ang dahilan ha?! Ikaw talaga! Pilyong bata!’ Kinurot pa ni Rei sa pisngi si Alfredo. ‘Kala ko inosenteng anghel ka ‘yun pala may kapilyuhan ka rin! Hi! Hi! Hi! Hi! Gusto ko ‘yang style mo ha?!’ ‘Aba! Aba! Aba! Hindi ko ata alam yan ah? Nagpapa-baby face ka lang pala noon! Pero ang totoo pala eh expert ka pala sa mga chikas ah?! At di lang basta chikas! Mga diwatang chikas! He! He! He! He! Turuan mo naman ako ng diskarte, papi!’ Nakaakbay pa ito kay Alfredo habang kurot-kurot din ang kabilang pisngi nito. ‘T-teka naman! M-mali ang iniisip niyo! Hindi ganu’n yon!’ Depensa naman ni Alfredo. ‘Tama siya guys. Ako ang namilit sa kaniyang mag-cutting classes! Although… I must admit; Magaling mag-skate niyang si Alfred! At sweet pa! Katunayan, binuhat niya pa nga ako noon nung nasaktan ako eh! Hi! Hi! Hi! Hi! Hi!’ Nakisali na rin ito sa panunukso kay Alfredo. ‘Wow! Ang sweet naman ni Alfred my boy!!! Sa susunod tayo naman ang mag-skate ha?! Hee! Hee! Hee! Hee!’ Ani Rei habang kinukurot pa rin si Alfredo sa pisngi. ‘Haaayyy!!! Nakakainis kayo! Pinagkakaisahan niyo ‘ko!’ Himutok ni Alfredo. At nagkatawanan na silang lahat. Pagkatapos kumain, nagpunta ang bagong magkakaibigan sa archives section ng library. Agad humiwalay si Chito sa grupo para manghiram ng ilang libro na gagamitin nila sa kanilang research work, habang si Jillia’y inilabas ang kaniyang portable music player para mag “sound trip.” Bagay na sinamantala ni Rei upang kausapin ng masinsinan si Alfredo. Bahagyang kinabig ni Rei si Alfredo para bulungan: ‘Seriously, Alfredo, ano ba talaga ang ginawa mo para sumama sa’yo si Jill sa Mega Mall?’ Panimula niya. ‘Ginawa? W-wala akong ginawa. Basta isinama lang niya ako para samahan siyang mag-ice-skating. Katunayan, pinilit niya lang ako eh.’ Kaswal niyang tugon na pabulong din. ‘Oh? Siya ang nag-imbita sa’yo?! Grabe! Nakakagulat talaga!’ ‘Ano naman ang nakakagulat dun?’ ‘Alam mo kasi, masiyadong pihikan sa lalake yang si Jill! She’s one tough cookie at best! Hindi yan basta-basta sumasama sa kahit kaninong guy lang! You’ll need to learn all the tricks in the world before she can even give you her phone number! Plus, Jillia hates boring guys! Actually dun pa nga lang soplak ka na eh! kaya nga nagtataka talaga ako kung paanong ang isang “vegetable,” na katulad mo eh inimbitahan ni Jilliang makipag-date sa kaniya?! Unbelievable talaga!’ ‘Wala naman sigurong espesyal sa ginawa naming pag-a-ice skating no? tsaka hindi kami nag-date, simpleng pamamasyal lang yun! Pero bukod dun, wala na akong nakikitang mabigat pang dahilan!’ Pangangatwiran naman ni Alfredo. ‘Lokong lalaki ‘to; nilalang-lang mo lang yung pamamasyal?! Tsaka pasyal, date, ganu’n na rin ‘yun! Ang nakapagtataka lang, parang sobra naman atang palagay ang loob niya sa’yo at siya pa mismo ang nag-imbita sa’yo?! Tsaka kailan lang ba kayo nagkakilala, wala pa namang isang buwan ang nakakalipas? Hindi naman kaya… may ginawa ka nanamang kapilyuhan, Alfredo my boy?’ Tinitigan pa ng may kapilyahan ni Rei si Alfredo. ‘Tigilan mo nga yang titig mo na yan?! Hindi na tama yan! Mali yang iniisip mo!’ Pananaway nito kay Rei. Samantala, irita naman si Chitong bumalik sa puwesto nina Alfredo. Hinahalungkat nito ang kaniyang bag na tila may mahalagang bagay na hinahanap. ‘Ay ano ba yan! Sa’n ko ba naiwan yon?! ‘Ano ba yung naiwan mo? Ang burara mo kasi!’ Puna naman ni Rei. ‘Yung lapis ko! Ano ba yan?! May quiz pa naman tayo bukas!’ ‘Gusto mong hanapin ko?’ Pag-aalok ni Alfredo. ‘Ay! Oo nga pala! Sige nga p’re! Kailangan ko yun eh!’ ‘Saan mo ba ‘yon huling itinago?’ ‘Dito sa hidden parchment ng bag ko!’ ‘Sige. Akina.’ Pagkaabot ni Chito ng kaniyang bag kay Alfredo’y hinawakan niya ito at pumikit na waring nag-iisip ng malalim. Sa labis na pagtataka dahil sa ginawang iyon ng binata’y nagkatinginan pa sina Rei at Jillia. Mga ilang sandali lamang at muling dumilat si Alfredo. ‘O? Nahanap mo na?’ ‘Oo. Naiwan mo sa front desk sa may reception area.’ Simpleng tugon ni Alfredo na para bang siguradung-sigurado sa kaniyang mga sinasabi. Agad namang nagtungo sa reception area si Chito para kunin ang naiwan niyang lapis. Mga ilang sandali pa’y nagbalik na si Chito, na dala na ang kaniyang nawawalang lapis. ‘Ang galing mo talaga papi! Nandu’n nga yung lapis ko!’ ‘W-wait a minute?! How did you know it was there?!’ Hindi maipinta ang mukha ni Jillia sa labis na pagtataka. Hindi umimik si Alfredo kaya’t si Chito na lamang ang nagpaliwanag sa dalaga. ‘Oo nga pala! Kundi niyo naitatanong, isa ‘yan sa mga talent nitong pare ko! Kapag nagpahanap ka sa kaniya ng kahit anong nawawala, gagamitin lang niya yung 3rd eye niya at presto! Mahahanap niya na! Astig no?!’ ‘Weeeeehhh!!! Jiji-ero! Baka naman alam na niya noon pa na naiwan mo talaga dun sa reception desk yung lapis mo, hindi lang niya nasabi!’ Ani Rei na hindi kumbinsido sa ibinibida ni Chito. ‘Ay sus! O sige, ganito na lang! magpahanap ka ng kahit anong bagay sa kaniya! Pag nahanap niya, ikaw ang magsosole nitong mga libro sa archives!’ Paghahamon ni Chito. ‘Oo ba?! Okay! Wala akong ipapahanap! May ipapahula ako sa’yo, Alfredo! Hulaan mo nga kung ilan ang score na nakuha ko sa quiz last week sa Mandarin?!’ ‘O-okay. Pero bago yun, puwede ko bang mahiram yung ball pen na ginamit mong pansulat?’ ‘Sige! Eto siya!’ Inabot ni Rei ang isang Parker pen. Pagkakuha nito ni Alfredo’y pumikit siya at tila nag-iisip na naman ng malalim. Sina Jillia at Chito nama’y tahimik lang na nakatingin kay Alfredo sa ginagawa nito. Maya-maya’y dumilat na si Alfredo. ‘So? Nalaman mo na ang sagot? Manghuhulang pepot?!’ Nanunudyong tanong ni Rei. Nginitian lang ni Alfredo si Rei bago nagsalita: ‘Ang score mo sa quiz ay 20. ang nag-check ng papel mo ay si Carrie Hultmann. Natatandaan ko rin ang marka ng tinta malapit sa pangalan mo. Malilikha lang ang tintang yon ng isang kaliweteng writer, dahil ang talsik ng tinta ay napahid mula sa kaliwa pakanan dahil nga nahahagip yon ng kaliwa mong kamay habang nagsusulat ka. Kung gusto mo, tingnan mo pa.’ Ang detalyadong pagpapaliwanag ni Alfredo. Tiningnan ni Rei ang papel na kaniyang ginamit sa quiz, at manghang-mangha siya pagkat perpektong nagkatugma-tugma ang lahat ng detalyeng sinabi ng binata. ‘Hwooow!!! Ang galing ah?! Pero, pa’no mo nagagawa yun? Magic ba ‘yun? Paano?’ Hindi talaga makapaniwala si Rei sa ginawang iyon ni Alfredo. ‘S-sa totoo lang, hindi ko rin maipaliwanag eh. Basta ko na lang nagagawa. Pero sana sa atin-atin na lang ‘to ha? Ayoko na kasing pagmulan ‘to ng kuwento sa iba.’ ‘Pero ang galing talaga nung ginawa mo! Pero yung mga bagay lang ba sa nakaraan ang nakikita ng 3rd eye mo?’ Tanong ni Jillia. ‘Hindi ako sigurado kung may 3rd eye nga talaga ako. Kahit ako hindi ko makumbinsi ang sarili kong nagagawa ko nga ang mga bagay na ‘yon na talagang imposible. Pero kung makakatulong naman sa iba ang kakayahan kong ‘to, siguro hindi na lang ako mag-uusisa pa.’ ‘Talaga? Sayang naman. Gusto ko pa naman sanang ipahula sa’yo kung magkakatuluyan ba kami nung crush ko! Hi! Hi! Hi! Hi!’ Ani Jilliang may kapilyahan. ‘Bruhang babaeng ‘to! Ginawa pang Madam Auring itong si Alfredo!’ At nagkatawanan silang apat. Sa kanilang pagtatawana’y nahagip ng tingin ni Alfredo ang artikulong binabasa ni Chito sa book compilation. Bigla siyang natigilan na tila may nakita siyang pamilyar sa kaniya. ‘Chito. Puwede bang mahiram niyang binabasa mo sandali? May titingnan lang ako?’ ‘Sure! Why not coconut?!’ Sabay abot kay Alfredo ng malaking aklat. Matamang binasa ni Alfredo ang artikulong iyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa kaniyang natuklasan, at bigla’y pinagpawisan siya ng butil-butil. ‘H-hindi!!! Ito ang garden na nakita ko noon sa panaginip ko! Pero paano? 1933 pa noong pinasinayaan ang garden?!’ Sinasabi niya ang mga iyon sa isip niya. Lalo siyang kinukutuban habang binabasa ang artikulong iyon sa book compilation. At dahil doo’y pinaspasan pa niya ang pagbuklat sa mga pahina na waring alam na kung saan maghahanap. At muli, ang ekspresyon ng kaniyang mukha ang nagpakita ng kaniyang pagkamangha. ‘Walang duda! Pati pala ang mini chapel na nakita ko rin sa panaginip ko… nandito rin! At pareho ng garden, taong 1933 din ito noong binuksan sa mga estudyante! Kung gano’n… nakita ko ang CEU sa nakaraan nitong estado sa panaginip ko… P-pero paano?’ Walang anu-anong napatingin si Alfredo kay Jillia. Kanina pa pala siya tinitingnan nito nang nakangiti. Nguni’t may kakaiba sa ngiti niyang iyon; wari nangungusap sa kanya. Sa mga mata nito, tila may malamlam na bakas ng kalungkutan. ‘Huy! Alfredo! Ano nanamang drama yan?! Huwag mong sabihing multo naman ang nakikita mo ngayon?! Walang takutan ha?!’ Hindi na lamang umimik si Alfredo. Sa puntong iyo’y tila naglaho na rin ang kakaibang aura na bumabalot kay Jillia, na naramdaman niya kani-kanina lang. Magkagayunma’y nababagabag pa rin siya sa mga pangyayari magmula nang magsimula ang pasukan. Una si Jillia. Sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan tila ang lahat ng bagay ay konektado sa kaniya. At ang mga panaginip niya ng babaeng iyon na kamukha ni Jillia--kung Bakit ba ito nagpapakita sa kaniya, sa mga ganoong lugar at pagkakataon. Noo’y binabalewala lamang niya ito at inakalang normal lamang ang lahat; nguni’t ngayon, kinukutuban siya na maaaring hindi lang nagkataon ang lahat. NEXT: Chapter 11-Bearer of Stars Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
bkit po bgla nging 10?
ang gulo.. old story n po b to? kung old nmn po.. pki send nmn po ung link nung complete..plz..
insanity41
•reply
May-1-08@10:25PM
ay hnd ku nbsa ung 2nd paragraph.. peo kung meon n po tlgang orig. pede po b mkita uhn?
resemblance
•reply
May-2-08@8:37AM
medyo malabo yung hiling mo, kasi yung orig neto ni-rewrite ko. kaya ipakita ko man sa'yo balewala rin kasi andami ko nang binago ever since. unless gusto mong ma-spoil ang pagbabasa mo, i suggest mag-antay ka pa ng kaunti hanggang matapos ko lang i-rewrite yung mga lumang chapters.
insanity41
•reply
May-5-08@8:45PM
okie.. w8 ku nlng.. then pag tpos n.. enge po copy.. o khit linkz lng.. pra mbsa ng buo.. pretty plz.?
bigla na kong nacurious.., asan na yung next.., ![]()
resemblance
•reply
May-2-08@8:39AM
teka teka hinay hinay lang! pano ko maipopost yung kasunod kung babambuhin mo ko niyang batuta mo?
hi po! tnx po sa pgpayag saking request!
spexal menxon pa ha..haha,,nakz,, email add ko po ay miyina_0630@yahoo.com.ph tnx po marami!! pero nalilito talaga ako sa story..gusto ko po kasi i.include yung previous chapters,,gusto ko po kc kumpleto talaga..pero am confused kung anong chapters ang i.include ko kc,,sabi nyo po iniba nyo lang yung some chapters,,baka may mga chapters na mgkapareho.. anu po bang chapters tlaga ang i.include ko?? di ko pa po natatapos mgbasa eh,,ang haba kc.. pero oks lang! masaya ang mahaba! ![]()
resemblance
•reply
May-2-08@8:27AM
yung mga post ko na may nakalagay na "reprise" lang ang i-include mo. nandito naman sa post na to yung mga link.
resemblance
•reply
May-2-08@8:52AM
tinatrabaho ko na, pero baka matagalan pa. medyo marami rin kasi akong ginagawa; related din sa pagsusulat.
@resemblance
request ko lang sana yung mga chapters na di ko nabasa.gusto ko sanang mbasa ng kumpleto ang story..please???Kailan mo ipopost ang next?nakakacurious naman..ehehe..keep it up..
resemblance
•reply
May-2-08@8:30AM
siguro bukas yung chapter 11. pero yung mga luma, baka matagalan pa; lahat kasi yun nire-rewrite ko pa. kaya patience pa
@resemblance
ok sige..kakaexcite..thanks to u!abangan ko yan..ehe..
di ko makita yung chapter 16.3
..nasan na ba?? ![]()
resemblance
•reply
May-3-08@9:14AM
binasa mo nga talaga?! hehehe indi ka na talaga makaantay ha? o sige na nga;
![]() 16.3-http://www.tristancafe.com/for um/127695
yingying
•reply
May-3-08@10:08AM
tenx poh!!
oo natapos ko na yung un-reprise edition! ![]() ang ganda talaga ng story! ang husay mo namang magsulat! andami pang deep tagalog,,pero maganda kahit di ko maintindihan ang ilan..haha. excited na ako sa susunod na kabanata..
resemblance
•reply
May-3-08@10:23AM
ang totoo part 1 palang ng trilogy yan. ang title nitong mga binabasa mo ngayon ay "Where Angels Lose Their Way." yung 2nd ay "The Betrothed" prequel naman yun at ang last "Loosed Ends" sequel sa original. ang totoo medyo matatagalan pa kong tapusin lahat. gusto ko kasing masiguro na maganda siya sa panlasa ko; pag nagustuhan mo kasi ang gawa mo, most likely magugustuhan din ng iba!
resemblance
•reply
May-3-08@10:25AM
nga pala, kung may mga tagalog words ka na hindi mo maintindihan, tanong mo lang sa'kin; may dictionary ako dito, tagalog to english
akala kOh super seriOusz nag kwen2 n2!
may cOmedy dnsz pla.. ![]() lalOng interesting.. mau pOwersz naah.. reencarnatiOn bah c Jilli!? ay tma bah ung word nah yansz!? ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77645)Arts & Entertainment(7997) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11237) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22951) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4241) Careers & Work Stuff(1815) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4056) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) argus_bloodbeard02, Laiideechuii, arzel18, cherii1o, mhelaisky, anonsenselove, iM_urZ, nikoasis2, Earthlingz, and 33 guests |