tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light 7 (Reprise)
posted by (Apr 30, 2008 @ 11:26AM) views: 506
Read This First:Good morning ulit sa inyo mga tambay sa tc! Gusto ko nga palang pasalamatan yung mga nagbigay ng comment nila sa last post ko, salamat na marami! Today ang mababasa niyo ay yung original chapter 8 ng Northern Light, although inilipat ko na siya sa 7 dahil tinanggal ko na yung dati. sana magustuhan ninyo to this time!


Chapter 6


Chapter 7

Riding The Starlight (Reprise)

‘Sa’n ka pupunta?’ Ang punong-puno ng kuryosidad na tanong ni Rei sa papaalis na si Alfredo.

‘Meron lang akong aasikasuhin sandali. Mauna na kayong kumain sa ‘kin.’ Ang simpleng tugon ni Alfredo.

‘Okay! Sunod ka na lang sa ‘min ha? Alam mo na naman kung saan!’ Pagkatapos ay bumaling kay Chito, sabay hagis rito ng kanyang bag. Halos dumulas naman sa mga kamay ni Chito ang bag nang saluhin niya ito. ‘Mr. P.A, aalis na tayo!’

‘Gawin ba naman akong chimay! Kundi ka lang maganda, kuuu!!!’ Pabulong na sabi ni Chito.

Patakbo namang tumungo ng CDL building si Alfredo upang puntahan si Jillia. Nagkataon kasing pareho ang schedule ng kanilang klase nang Huwebes kaya’t may pagkakataon siyang puntahan ito. Pagsapit niya sa silid nina Jillia’y tamang-tama namang nagsisilabasan na ang mga kaklase nito kaya’t minabuti niyang maghintay sa front door upang agad niya itong mababati.

Habang naghihintay, nag-iisip si Alfredo kung paano ba niya babatiin si Jillia. Ayaw na niya kasing maunahan pa siya nito dahil natatameme siya kapag ganoon. ‘Ikaw ba naman ang titigan ng mata sa mata ng isang prinsesa, kung hindi ka pa himatayin?!’ Sa isip-isip niya.

‘Kumusta ka!’... Masyadong namang ordinaryo!... ‘Good Morning! Kumusta naman ang klase mo ngayong araw?’... Tsk! Parang hindi natural! Pa’no nga kaya?’ Nakahalukipkip pa ito habang palakad-lakad paroo’t-parito.

Nang walang maisip, sinilip niyang muli ang silid mula sa front door. Nagtaka siya pagka’t wala ng tao roon gayong hindi pa niya nakikitang lumabas si Jillia at napagisip-isip na baka hindi ito pumasok ngayong umaga.

Papaalis na sana siya nang mula sa likuran niya’y may nagtakip sa kaniyang mga mata. Bahagya siyang napa-igtad sa pagkagulat.

‘Hulaan mo kung sino akoooo!!!’ Wika nito habang tinatakpan pa rin ang mga mata ni Alfredo.

‘J-Jillia?!’ Nabosesan niya ito.

‘Surprise!!! Hi! Hi! Hi! Hi!’

‘A-akala ko hindi ka pumasok! Saan ka dumaan? Bakit hindi kita nakitang lumabas?’

‘Dumaan kasi ako dun sa back door! Pa’no po kasi, nakita ko po kayong aali-aligid sa tapat ng front door! So I came up with this bright idea to sneak behind you and boom!!! Catch you off guard! Hi! Hi! Hi! Nagulat ka no?!’ Wika nitong nang-uuyam.

‘Gano’n pala… Balak ko pa naman ako ang manonorpresa, pero ako pa ‘tong nagulat!’

‘Really? Gusto mo kong surpresahin?! Hmm? Sana pala hindi na kita ginulat, para malaman ko kung ano yung surpresa mo sa ‘kin! So what’s with this surprise?’

‘Ang totoo niyan, n-nagpunta ‘ko dito kasi meron akong isasauli sa’yo.’ At kinuha sa kaniyang bulsa ang fountain pen na aksidenteng naihulog ni Jillia kamakailan at iniabot rito.

‘Oh! How thoughtful of you… Thanks!’ Tinanggap ang fountain pen at inilapat ito sa kaniyang dibdib. Mababanaag sa kaniyang ekspresyon ang pagkaalwan ng pakiramdam.

‘Mukhang mahalaga sa’yo ang pen na ‘yan ah?’ Puna ni Alfredo.

‘Oh, yes. Bigay sa akin ‘to ni mommy no’ng 12th-year birthday ko. Kung titingnan mo nga medyo worn out na siya. Pero napaka-intricate naman ng design niya di ba? Ganito na siya no’ng ibigay sa ‘kin ni mommy eh. At alam mo ba, parang may magic ang pen na ito! Kapag kasi may mga times na nahihirapan akong mag-isip, for instance sa mga homework ko o kaya kapag nagsusulat ako ng isang literary piece, gagamitin ko lang siya at para na akong na-fully energized at nagkakaroon na ‘ko ng mga bagong ideas! Galing di ba?!’ Pagmamalaki pa nito.

‘O-o sige Jillia, tutuloy na ‘ko. Dumaan lang kasi ako para isauli ‘yang pen mo.’

‘Aalis ka na agad?’ Bahagyang lumungkot ang mukha.

‘Oo, kasi hinihintay na ‘ko ng mga kaibigan ko sa labas. O pa’no Jillia, hanggang sa susunod na lang ulit. Tumalikod na siya at humakbang palayo.

Hindi pa man nakakarami ng hakbang si Alfredo’y biglang humabol sa kanya si Jillia: ‘Sandali Alfred! Kalimutan mo muna ‘yung mga kaibigan mo pansamantala, mag-ice skating tayo sa Mega Mall, kahit ngayon lang?!’

‘I-Ice skating? Pero… ang problema hindi ako marunong eh. Baka makaabala lang ako sa’yo.’

‘Don’t worry akong bahala sa’yo! Tsaka hindi namang kailangang marunong ka, basta isipin mo na lang na parang namamasyal lang tayo okay?’

‘P-pero…’ Pero hindi pa man siya nakakapagsalita’y hinila na siya nito paalis ng CDL, halos madapa naman siya sa pagkakahatak ng dalaga sa kamay niya.


‘Silly guy! Hindi ko naman sinabing um-oo ka o humindi dahil talagang sasamahan mo ko whether you like it or not! Hi! Hi! Hi! Hi! Animo isa siyang batang hila-hila si Alfredo.

‘P-pero hindi nga ako marunong mag-skating…’ Pilit niyang pangangatwiran.

‘Hay ikaw talaga huwag ka ngang magpakipot pa! Tsaka sigurado ‘ko namang mag-e-enjoy ka sa gagawin natin, baka nga makalimutan mo pang hindi ka marunong eh! So quit being a drag and let’s get going, alright?’

‘Ano pa ba’ng magagawa ko eh hila-hila mo na ang kamay ko?’ Napabuntong hininga na lamang siya.

Pagsapit sa mall, dumiretso agad ang dalawa sa skating rink at umarkila ng dalawang pares ng skating blades. Si Jillia ang sumagot sa pang-arkila. Atubili at bahagyang kinakabahan si Alfredo habang isinusuot ang skating blades. Kinatatakutan niya na magmukha siyang katawa-tawa sa harap ng dalaga, nguni’t sa kabila nito’y wala siyang magawa; ni hindi pa nga siya nakakakita ng nag-a-ice skating, paano pa na siya mismo ang gagawa.

Maya-maya’y natapos na ring magpalit ni Jillia ng pang-ibabang damit. Nakasuot kasi siya ng uniporme nang pumunta sila sa mall at mahirap gumalaw sa yelo nang naka-pencil cut skirt kaya’t kinailangan niyang magpalit.

‘O? Ang tagal mo namang magsuot!’ Puna nito nang madatnan niyang hindi pa ito tapos isuot ang mga blades. ‘Baka wala tayong mai-skate niyan, sayang naman yung pinang-arkila natin!’

‘Sori… medyo kinakabahan kasi ako. Ngayon lang kasi ako makakasubok nito eh…’


‘Just relax, you’ll figure it out soon enough, once you’ve stepped on to the ice. Anyway, Bago tayo mag-skate, tuturuan muna kita ng kaunting basics. Huwag kang mag-alala dahil isang Asian Games Gold Medallist yata ang magtuturo sa’yo! At kaharap mo siya ngayon!’ Tinutukoy ang kaniyang sarili.

‘Sana naman makalabas pa ‘ko ng Mega Mall na buo pa ang mga buto!’ Pabirong wika ni Alfredo bagama’t kinakabahan, at sabay silang pumunta sa skating rink.

Sa umpisa’y mga simpleng stroking lang muna ang itinuro ni Jillia kay Alfredo upang matuto itong gumalaw sa ibabaw ng yelo. Gegewang-gewang naman si Alfredo sa tuwing susubukan niyang ihakbang ang paa, samantalang todo naman sa pag-alalay sa kaniya si Jillia. May mga pagkakataong napapasandal pa siya sa dalaga kapag nararamdaman niyang matutumba na siya, at kapag nagkakaganoo’y lalo siyang nilulukob ng hiya pagka’t pakiramdam niya’y nawawalan na ng pasensiya sa kaniya si Jillia. Hanggang sa hindi na maatim ni Alfredo ang sariling kapalpakan at humiwalay na sa pagkakahawak kay Jillia.

‘Suko na ko Jillia. Hindi talaga ako para sa skating. Pasensiya na sa abala…’ Ang nahihiyang sabi ni Alfredo at akma nang aalis sa skating rink.

‘Don’t say that! You’re actually getting there. Kailangan mo lang ng kaunti pang motivation matututo ka rin. C’mon! Let’s practice more!’ Pamimilit naman ni Jillia.

‘Wag mo na kong bolahin. Kilala ko ang katawan ko. At masiyado talagang matigas ang mga buto ko. Hindi ko talaga kaya…’ Hindi na talaga siya nagpapigil sa pag-alis.

‘O-okay. Magpahinga ka muna sandali. Pero itutuloy natin ang pagpa-practice mamaya ha? In the meantime, ako muna’ng panoorin mo!’

Simpleng tango lamang ang isinagot ni Alfredo, ngunit wala na talaga siyang balak pang bumalik sa ibabaw ng yelo. Pumirmi na lamang siya sa isang sulok at pabagsak na umupo.

Si Jillia naman’y kasalukuyang naghahanda na sa kaniyang free skating. Matapos makapag-warm up, nagsimula siyang mag-stroking. Salit-salitan ang kaniyang mga paa, at kung minsa’y paatras-atras. Maya-maya’y mga ilang sitting spins at upright spins naman ang kaniyang ginawa. Paunti-unti’y nakukuha na ni Jillia ang atensiyon ng ilang taong nakamasid at mga kapuwa niya skaters, maging si Alfredo na kanina pa nakatungo ng mga oras na iyon. At habang tumatagal ay nagiging komplikado na ang mga galaw ni Jillia, mula sa mga ordinaryong spins, hinahalinhinan niya na ito ng mahihirap na flips at mga grasyosong footwork.

Makapigil hininga ang mga sumunod na galaw ni Jillia. Ang mga manonood ay napapapalakpak at napapasinghap sa tuwing ginagawa niya ang ilang mahihirap na galaw gaya ng double flip at back flip. Si Alfredo naman nang mga sandaling iyo’y napabalikwas na ng tayo. Waring hindi makapaniwalang nagagawa ng isang mahinhing dalagang tulad ni Jillia ang mga ganoong ispektakular na mga galaw. Napapahiyaw pa nga siya tuwing lumulundag si Jillia dahil tingin niya’y parang madudulas ito.

Lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga tao. Inaabangan kasi nila ang pam-pinaleng routine ni Jillia. Pigil hininga ang lahat habang nag-i-stroking si Jillia para kumuha ng buwelo. Pabilis ng pabilis, at sa dulo ng kaniyang momentum, tumalon si Jillia ng pagkataas-taas; pambungad sa kaniyang pam-pinaleng routine, ang ‘Demon’s Spiral’. Halos yanigin ng mga sigawan ng mga tao ang buong skating rink sa ginawang iyon ni Jillia. Maging si Alfredo’y hindi naiwasang mapasigaw rin.

Matatapos na sana ni Jillia ang kaniyang final routine nang paglapat ng paa niya sa yelo’y nagkamali siya ng hakbang kaya’t dumausdos siya sa yelo bago bumangga ang kaniyang katawan sa railing. Nagimbal ang mga tao sa nangyaring iyon kay Jillia. Bakas sa mga mukha nito ang labis na pag-aalala sa kalagayan ng dalagang kanina lamang ay masiglang nag-i-skate sa ibabaw ng yelo. Patakbong pinuntahan ni Alfredo si Jillia upang sumaklolo.

‘Jillia! Jillia! Ayos ka lang ba?! Jillia pakiusap!!! H-hindi ko alam ang gagawin ko!!! Asar naman! Bakit ngayon pa?!!’ Ang naghihisterya nang sabi ni Alfredo.

Bubuhatin na lamang sana ni Alfredo si Jillia nang biglang dumilat ito: ‘Bulagaaa!!! Nahuli nanaman kita!!! I’m such a great actress now huh?! Ha! Ha! Ha! Ha!’

‘Ano?!... Nagkunwari ka lang na nadulas kanina?!’ Sabi ni Alfredo na bahagyang nagtaas ng boses.

‘Sinubukan lang kita kung talagang hindi mo nga kayang mag-skate. And you proved me wrong! Sabi ko naman sa’yo eh! Motivation lang ang kailangan! Tingnan mo! Nakapag-sprint ka papunta sa ‘kin, pero hindi mo namamalayan ‘yon! At---‘

‘Hindi ‘yon ang punto!!!’ Galit nang bulalas ni Alfredo. ‘Paano kung nagkamali ka ng kalkulasyon, at hindi mo naitukod kaagad ‘yang blades mo sa railing?! Sa tingin mo saan ka pupulutin?! Alam ko magaling ka! Pero hindi dahilan ‘yon para ipagsapalaran mo ang kaligtasan mo para lang sa walang kuwentang dahilan!!!’

‘Aaaayyy nagalit… Oo na nga po! Sorry po kuya Alfred! Hi! Hi! Hi! Hi! But admit it! Napabilib kita di ba?! Hi! Hi! Hi! Hi! Hi! Hi!’

‘Puwede bang kahit minsan, magseryoso ka naman?’ Sapo ang kaniyang mukha habang iiling-iling si Alfredo.

Napukaw ang pag-uusap ng dalawa dahil sa mga hiyawan ng mga tao nang malamang hindi nasaktan ang dalaga. At tila inuudyukan pa nila itong ituloy ang kaninang naudlot niyang routine. Si Jillia naman, palibhasa’y isang batikang performer at atleta’y hindi naman makakayang biguin ang kaniyang mga manunood, kaya’t tumayo na siya at naghandang muli sa kaniyang pagpapakitang gilas. At sa katapus-tapusa’y nagawa rin niya ang kumpletong Demon’s Spiral na siya namang nagpayanig ng husto sa buong skating rink. Si Alfredo naman ay napapalakpak na rin.

Pagkatapos ng kaniyang performance, ay si Alfredo naman ang binalingan ni Jillia.

‘Now, Alfred! Siguro naman sasamahan mo na akong mag-skate, ngayong napanood mo na ‘ko?’ Inabot nito ang kaniyang kamay kay Alfredo.

‘Kailangan ba talaga?’ Nakakamot-ulo nanaman ito at atubiling tinanggap ang kamay ng dalaga.

Magkahawak-kamay ang dalawa habang nag-papadulas sa yelo. Wala lang sa loob niyang gawin iyon; para lang mapagbigyan si Jillia sa hiling nitong mag-skate silang dalawa. Maya-maya pa’y huminto si Jillia at hinarap si Alfredo.

‘Alfred, gusto kong magsayaw tayo!’

‘M-magsayaw?!’ Sabi niya sa di maipintang ekspresyon.’

‘Oo. Gagawin natin ang ‘Death Spiral’ at para na rin tayong nagsasayaw no’n!’

‘Hindi! Ayoko!’ Mariin niyang sabi. ‘Kanina muntik ka nang mapilayan sa katigasan ng ulo mo! Pero hindi kita kukunsintihin sa pagkakataong ‘to!’

‘C’mon? I only did that to provoke you, but I got everything under control, sinadya ko talaga ‘yon! Sige na, kahit isang ikot lang! please?’

‘Huwag mo ‘kong kulitin Jillia! Kanina kontrolado mo pa ang sitwasyon, pero pa’no mo naman kokontrolin ang sarili mo kapag nabitiwan kita at humampas ka na sa railing?! Basta’t hindi ang sagot ko! Hindi parating suwerte ka sa lahat ng pagkakataon!’ Matigas pa rin nitong sabi.

‘A-alright…’ Nanlulumo nitong tugon at bumitaw na sa pagkakahawak sa kamay ni Alfredo.

Mabagal na nagpadulas papunta sa gilid ng skating rink si Jillia, para magpahinga na. Habang papalayo, waring naantig naman si Alfredo sa ekspresyon ng dalaga kaya’t hindi rin ito nakatiis tinawag niya ito:

‘Kuuu!!! Sige na! Sige na! Magsayaw na tayo! Tara na bumalik ka na rito!’

‘Really?!!’ Namimilog ang mga mata ng lumingon ito.

‘Pero kung alam kong magiging delikado ang lahat ititigil na natin agad, maliwanag ba ‘yon?’ Agad na dugtong ni Alfredo.

‘Yaaayyy!!! Okay, I promise!’ At noon di’y nagmamadaling nagpadulas pabalik kay Alfredo.

‘Errrrr… p-pa’no ba ‘ko magsisimula?’

‘It’s easy; all you have to do is keep up with me and I’ll do the rest!’

‘Sasabayan kita sa pagsisirko-srko mo?! Easy nga!’ Sarkastikong sabi ni Alfredo.

‘I’ll explain it to you. Sa gagawin natin ako lang ang gagawa ng routine, since hindi ka pa marunong. Now, what I want you to do is hold my arm tight while I do the spinning and that’s it! Simple as that!’

‘T-teka nga?! Gagawin natin ‘yon habang gumagalaw tayo?! Mahirap ‘yon! Kung ako nga hindi ko kayang umikot sa kinatatayuan ko, yung gumagalaw pa kaya?! Baka mabitawan kita?!’

‘Don’t worry, makakaya mo! Kung nagawa mo kaninang mag-sprint papunta sa ‘kin, sisiw lang sa’yo ngayon ‘to! Basta’t tandaan mo lang; may tiwala ako sa’yo; kung mabaldog man ako, responsibilidad ko, you won’t be blamed by it, pero sigurado naman akong hindi mangyayari ‘yon! Okay, so let’s get started!

‘Tsk! Bahala na nga!’

Muli silang naghawak kamay at nagpadausdos sa yelo. Si Jillia ang nangunguna habang sumasabay lang sa bilis niya si Alfredo. Unti-unti pabilis na nang pabilis ang pagdausdos ni Jillia, at nang sapat na ang bilis, bahagyang siyang pumihit paharap sa binata at humilig patalikod.

‘Now’s the time Alfred!’ Senyas niya sa binata.

‘Sige!’ At buong lakas na hinigpitan ni Alfredo ang pagkakahawak niya kay Jillia.

Idiniin ng bahagya ni Jillia ang kanyang bigat pakaliwa para siya’y umikot, habang nagpapadausdos sila paabante. Ngayo’y tila nakahiga na sa yelo si Jillia na tanging ang kaliwang paa lamang niya ang sumosoporta habang sila’y umiikot. Napapalakpak ang mga taong nanonood sa kanila sa ginawa nilang iyon, at ang ilan pa nga’y naghihiyawan sa pagkamangha.

Walang kakurap-kurap si Alfredo sa bawat sandaling umiikot sila ni Jillia; katumbas ng isang simpleng pagkakamali lang niya kasi’y maaaring ikapahamak ng dalaga. Ganunpaman, nakaramdam rin siya kahit papaano ng kasiyahan, at kaunting kumpiyansa. Isipin lamang niyang kasama niyang sumasayaw sa ibabaw ng yelo ang isang batikang ice skater, bukod pa ang kakaibang kagandahan nito, pakiramdam niya hawak niya ang mundo sa kanyang mga palad.

Napukaw siya sa pagmumuni-muni ng maramdaman niyang bahagyang bumaba ang pagkakatukod ng paa ni Jillia sa yelo. Kasunod noo’y nagbaba rin siya ng pang-upo at ang lalong paghigpit ng kapit niya sa kamay nito. Halos mahulog naman ang puso niya sa lupa; Akala niya’y nagkamali na siya. Ngunit kung hindi sana nangyari iyon, hindi niya makikita ang tagpong iyon, na kahit sa bilis ng kanilang pag-ikot ay hindi nagmintis ang kanyang paningin roon; nakita niya si Jillia na nakangiti.

Natapos ang ‘Death Spiral’ nang umangat na si Jillia at patalikod na humilig sa dibdib ni Alfredo – isang romantikong pagtatapos, at isang masigabong palakpakan ang sumaboy sa buong skating rink pagkatapos. Hindi nga niya mamamalayang tapos na sila sa kanilang palabas, kundi pa sa mga ingay ng mga hiyawan ng mga tao sa loob ng rink.

Lumabas na ng skating rink ang dalawa at nagpahinga sa isa sa mga bench roon.

‘Woohooo! That was great Alfred! Ngayon na lang uli ako nag-enjoy ng husto sa pag-i-skating! And I must admit, you’re pretty good for a beginner! Even as a kid, I didn’t skate that well as you now! Palagi nga akong natutumba noon! Nice going!’

‘Ayy! Huwag mo na nga ‘kong bolahin! Natyambahan ko lang naman ‘yon. Tsaka ano ba ang espesyal sa paghawak ko lang sa’yo habang umiikot ka?’ Pangangatwiran ng mahiyaing binata.

‘Hay naku! Tigilan mo na nga yang pa-humble effect mo na ‘yan! Kahit minsan naman tumanggap ka rin ng compliment! Come to think of it, it would’ve been better kung seseryosohin mo na ang pag-aaral ng skating! Kung gusto mo, ipapasok kita sa isang crash course training! O kung gusto mo naman ako na mismo ang magte-train sa’yo, tutal naman mukhang mas prefer mo kung isang magaling na’t cute na katulad ko ang magtuturo sa’yo di ba?’ Nakapamaywang pa itong pakindat-kindat.

‘Oo! Isang makulit at pasaway na bata! Hindi na ‘ko nagtataka kung bakit ka palaging natutumba sa pag-i-skate nung bata ka, kasi masyado kang makulit, lahat suko sa’yo!’ Natatawa namang sabi ni Alfredo. Natawa na rin sa sinabi niyang iyon si Jillia.

Maya-maya, matapos ng malalakas na tawanan bigla na lamang pumagitna ang katahimikan sa kanilang dalawa. Tila kapwa sila naubusan ng maikukwento at pareho na lamang nakatungo. Matagal-tagal rin iyon. Hindi na rin nila namalayang numinipis na ang tao sa skating rink. Hanggang sila na lamang dalawa ang natitirang nakaupo roon.

‘May gusto lang sana ‘kong sabihin, Jillia…’ Pinilit simulan ni Alfredo ang pag-uusap.

‘What is it?...’

‘Alam mo naman siguro na kakikilala lang natin sa isa’t-isa... parang kahapon nga lang tayo nagkakilala sa pakiramdam ko… Pero sa kabila no’n pinakitunguhan mo pa rin ako ng mabuti… na para bang matagal mo na ‘kong kakilala… Wala naman akong pinoproblema ‘ron… Sa katunayan… masaya ako at nagkakilala tayo… Kanina nga... ‘nung papunta ako sa klase ninyo… Ewan ko nga ba?... Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nung mga oras na ‘yon, gustung-gusto na talaga kitang makita… At ayokong magsayang kahit ilang saglit para makita ka… Baka kasi kapag nahuli ako… baka hindi na kita maabutan…’

Napatingin naman si Jillia kay Alfredo. Hinihintay niya ang susunod na sasabihin ng binata.

‘Sana huwag kang mainis sa ‘kin… Pero pakiramdam ko kasi masyado kang naging mabait sa ‘kin… at… dahil do’n, masyado na rin akong nagiging mabait sa’yo… at nag-aalala akong… baka masira ko ang tiwala mo sa ‘kin… dahil hindi mo ‘ko lubusang nakikilala… Kung sayo, wala naman akong inaalala… Pero…’

Pinigil na ni Jillia si Alfredo sa sasabihin pa nito. ‘I get it now… Hindi mo na kailangan pang ipaliwanag…’ May pagkakuntento sa kaniyang pananalita. ‘Dahil nasabi mo ‘yan, may isi-share akong sikreto sa’yo.’

Matamang tinitigan ni Alfredo si Jillia. Banaag sa kaniyang mukha ang kasabikang marinig ang sikretong sasabihin ni Jillia.

‘Naaalala mo pa ba yung time na una tayong mag-meet sa parent’s lounge?... Ang totoo alam ko naman talaga ang papuntang SDV noon… Ginawa ko lang na dahilan ‘yon para makalapit sa’yo. But don’t get me wrong though! To be blunt, I’m not attracted to you or anything, I’m sorry to say. It’s just that when I first saw you that day, I felt this sudden flicker in my heart. It was strange; I never felt something like that before… and before I knew it, namalayan ko na lang na dinadala na pala ako ng mga paa ko papunta sa ‘yo. At nang malapit na ‘ko sa ‘yo, bigla na lang akong kinabahan. Mabuti na lang mabilis akong nakaisip ng dahilan. Pero alam mo ba, nung bigla kang natigilan nung tanungin kita, at nakita kong parang kinakabahan ka rin… ewan ko ba? It made me really happy, at nawala ang lahat ng pangamba ko, na baka iwasan mo ‘ko, o kaya hindi mo ko pansinin. At hanggang maghiwalay na nga tayo noon, hindi pa rin kita maalis sa isip ko, at para pa ngang nami-miss na kita agad! Ang weird ‘di ba?’

‘H-hindi ko alam na gano’n ang pakiramdam mo.’ Tila hindi naman makapaniwala si Alfredo sa ipinagtapat na iyon ni Jillia.

‘Ha! Ha! Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko no’n. Ang alam ko lang… magaan talaga ang loob ko sa’yo nung una palang kitang makita. Ikaw? Naramdaman mo rin ba ang gano’n nung makita mo ‘ko?’

Hindi nakasagot si Alfredo. Dahil ang totoo’y magaan rin ang loob niya rito noong una pa man silang magkita. Ano pa’t inasam-asam niyang magkita silang muli? Nguni’t paano nga ba niya sasabihin sa kaniya iyon?

‘I knew it… It doesn’t really make any sense right? What am I thinking letting myself off like that? Just forget I ever said that…’ Lumungkot ang mukha nito sa pananahimik ng binata.

Umiling-iling si Alfredo at diretsong tumingin sa mga mata nito. ‘Huwag mo nang alalahanin ‘yun Jillia. Sapat na sa ‘kin na ibinigay mo ang tiwala mo sa ‘kin nang walang pag-aalinlangan, sino naman ako para magtanong pa? Ako nga ang dapat na humingi ng paumanhin sa panguusisa ko pa. Kaya mula ngayon, ibibigay ko rin ang tiwala ko sa’yo Jillia; ano man ang sasabihin mo, at hilingin mo, asahan mo ‘kong laging nasa tabi mo!’

‘Thank you… Alfred… and… can I ask one more favor to you?’

‘Oo naman! Sige, magsabi ka!’

‘I feel a little… tired. P-puwede ba akong sumandal sa dibdib mo, kahit sandali lang?’

Sandaling natahimik si Alfredo, ngunit nakabawi rin naman agad. ‘S-sige… kung ‘yun ang gusto mo…’ Hinayaan niyang humilig sa dibdib niya ang dalaga. Biglang kumabog ng todo ang dibdib niya nang maramdaman niya ang buhok nitong dumampi sa dibdib niya.

‘Grabe… ang lakas ng heart beat mo… Dinig na dinig ko…’ Sabi ni Jillia habang nakahilig sa dibdib ni Alfredo.

‘I-iyan ba?... Huwag mo na lang yang pansinin…’ Bahagyang nanginginig ang kaniyang boses.

Matagal-tagal rin sila sa ayos nilang iyon. Sa paglipas ng oras, hindi na nila namalayang gumabi na pala. Maya-maya’y muling nagsalita si Jillia.

‘…Alfred…’

‘B-bakit?...’

‘I know it’s too much to ask… pero… puwede mo ba ‘kong… yakapin?...’

‘G-giniginaw ka ba?’ Kaswal niyang tanong.

‘Y-yeah… So, would you?...’

‘…Sige…’ Marahan niyang ikinulong sa kaniyang mga bisig si Jillia. Niyakap rin siya nito. Bahagya pang nagtaasan ang mga balahibo niya sa katawan, bagama’t pinilit niyang umaktong natural. Daig pa ng dalawa ang magkasintahan sa ayos nilang iyon at muling pumatlang ang mahabang katahimikan sa pagitan nila.

Maya-maya uli’y sinimulan ni Alfredo ang pag-uusap: ‘Ayos ka na ba ngayon, Jillia?’

‘Just a little longer… Let me stay a little longer…’

‘N-nag-aalala ako, hindi ba ako amoy araw?’ Sinadya niyang ibahin ang usapan upang ibsan ang kaniyang pagkailang.

‘Hindi… Katunayan… gusto ko ang amoy mo… Pakiramdam ko nga, nasa bundok tayo at nagpapahinga sa ilalim ng puno… Ang sarap talaga sa pakiramdam…’ Malambing niyang tugon.

‘Gano’n ba? Parang nakikinita ko nga... Tahimik ang paligid… malamig ang hangin… Masarap magpahinga…’

‘…Alfred…’

‘M-may problema ba?...’ May kakaibang kaba siyang naramdaman.

‘M-medyo namimingat na kasi ang mga mata ko… kung puwede sana, sakaling makatulog ako, ikaw na sana ang bahala sa ‘kin, Alfred?

‘Ngumiti si Alfredo bago sumagot: ‘O sige na Jillia… Ipikit mo na ang mga mata mo… Huwag ka nang mag-alala… ako na’ng bahala sa lahat…’

‘Thank you… Alfred…’ At unti-unti’y ipinikit na ni Jillia ang kaniyang mga mata, at siya’y nakatulog.



NEXT: Chapter 10-A Meeting And A Mystery
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
ANG KORNI KONG KWENTO
older post:
Ang Drama ng Buhay (chapter 1)

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
erinbie    •reply Apr 30, 2008 @ 12:00 PM
 
pers!!!wahehe..can't wait for chapter 10..
ganda po ng story..may mystery and thrill that keeps me interested..
  resemblance    •reply    Oct-17-08@1:18AM
talaga? hehehe nakakatawa ngang ako ang nagsulat nito; wala sa dugo ko ang pagiging romantic pero nagawa ko pa rin! nakakatawa talaga! : l o l : 
yingying    •reply Apr 30, 2008 @ 7:48 PM
 
waaah.. anhaba naman po.. : r a z z : 
  resemblance    •reply    Apr-30-08@9:25PM
full length novel kasi yan kaya natural mahaba : l o l :  maikli pa nga yan eh!: r o l l : 
kleiokyut010    •reply Apr 30, 2008 @ 9:30 PM
 
weeee....kakatuwa...anhaba hehehe...

: n a u g h t y : 
  resemblance    •reply    Apr-30-08@9:39PM
tinitigan mo lang ata eh?! : h m m : 
  kleiokyut010    •reply    May-1-08@8:44PM
hindi noh...nibasa ko kaya..: j o m b a g : 
  resemblance    •reply    May-1-08@8:51PM
o sigi na nga... ano masasabi mo : n a u g h t y : 
  kleiokyut010    •reply    May-1-08@8:53PM
aun...nkakainggit at swit moments nila...at gusto kong mkita sa personal ung performance ni jillia..

pede n?

naniniwala ka n??

: f i g h t : 
yingying    •reply Apr 30, 2008 @ 11:46 PM
 
hi po kuya resemblance..ngbabasa po aku ngayun sa chapter 1 ng northern light..ahm,, anu po ba tong northern light reprise edition..karugtong ba 2 ng naunang northern light?? di ku kc alam ibig sabihin ng reprise eh.. : r a z z :  : b l u s h : 
  resemblance    •reply    May-1-08@7:07AM
ah ito ba? karugtong pa rin ito nung original, yun nga lang may mga ideas na akong idinagdag at binawas; for instance yung chapter 7 na Shadow binura ko na yun kaya all in all so far 18 chapters na ang naipo-post ko. at yung meaning ng reprise, it means repetition. ; ) 
  yingying    •reply    May-1-08@8:58AM
owkei po..pwede ku po ba 2 ipa.print den i.bukbind..?

maganda po kasi,,gusto kong may hard copy ako..at pde pu ba sa printed copy eh,,baguhin ko yung mga gramaticaly or wrong speling,,yun lang naman kng meron kc gus2 ko parang 22ong pocketbook tlaga,,

dn isusulat ko rin naman name mo,,kng gusto mo complete real name pa..pde pls po..? : p r a y : 


: b l u s h :  : k i s s :  : l o l :  : r a z z : 
bebe_kakeru    •reply May 1, 2008 @ 4:38 AM
 
ang galeng


: p a n a l o : 
  resemblance    •reply    May-1-08@7:09AM
hekhek! sa dami ng 10 lumolobo na ang ulo ko niyan! : l o l : 
insanity41    •reply May 1, 2008 @ 6:48 PM
 
inpernes di sya nkkbitin.. haha l8 nkpg commnt..
  resemblance    •reply    May-1-08@8:40PM
oks lang basta may comment!
tomorrow    •reply May 1, 2008 @ 8:15 PM
 
: h m m : 

can't wait for the next chapter..,


mahanap nga sila sa mega baka andun sila..,: r o l l : 



kakainggit..,

sila inluv..,



: t a k a s : 
  resemblance    •reply    May-1-08@8:38PM
4 years ka nang late! tapos na ang kuwento non : l o l : 
  tomorrow    •reply    May-1-08@8:40PM
: h m m : 

malay ko ba kung nagpupunta pa din sila dun : n a u g h t y : 
yingying    •reply May 1, 2008 @ 8:40 PM
 
hi po kuya resemblance,,pwede ku po ba 2 ipa.print den i.bukbind ang novel mo..?

maganda po kasi,,gusto kong may hard copy ako..at pde pu ba sa printed copy eh,,baguhin ko yung mga gramaticaly or wrong speling,,yun lang naman kng meron kc gus2 ko parang 22ong pocketbook tlaga,,

dn isusulat ko rin naman name mo,,kng gusto mo complete real name pa..pde pls po..? : p r a y : 

: b l u s h :  : k i s s :  : l o l :  : r a z z : 
  resemblance    •reply    May-1-08@8:47PM
puwede, kaso hindi mo pa siguro maibu-book bind dahil yung mga reprise version nung ibang chapters hindi ko pa naipo-post. marami na kasi akong binago sa kuwento at sa tingin ko kung ibu-book bind mo siya ngayon, male-left out ka sa maraming scenes na puwede mo pang makita. ang puwede mo lang mai-print ngayon ay yung 6 at 7 na reprise, kasunod nitong 10 na ipo post ko palang. puwede ko nang ibigay sa'yo yung iba pa ibigay mo lang sa kin yung email add mo tapos send ko na lang sayo okay ba?
ceezzanesz    •reply Sep 9, 2008 @ 8:55 AM
 
aush!

hansweet nemen nila!
pilyang jillia! : l o l : 

buti walang sakit sa pusO
c alfredO.. : r o l l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
ANG KORNI KONG KWENTO
older post:
Ang Drama ng Buhay (chapter 1)
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Treasure the love you receive above all. It will survive long after your good health has vanished.

--Og Mandino

You need to be logged in to Facebook