|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light 6 (Reprise)
Read This First: good morning nga pala kina palikero at si princess anyD, since kayong dalawa ang medyo aware sa ginagawa kong novel, para sa inyo ang novel na ito. itong chapter 6 ay ang kinoconcider kong simula ng kuwento since yung last five eh kahit hindi niyo na balikan, kasi mga pagpapakilala lang ng mga characters at settings ang mga yun. so sana huwag kayong bibitiw, dahil pag ginawa niyo sigurado na ang retirement ko sa project na 'to
and hopefully magustuhan niyo... kahit konti lang! Frigid Damsel (Reprise) Naantala ang kaniyang atensyon sa pagbabasa nang may tumawag sa kaniya: ‘Umm… Excuse me? Puwede bang maki-share dito sa desk mo? M-medyo puno na kasi yung ibang desk. If you don’t mind?’ Nahihiyang pakiusap nito. ‘Oo naman. Sige lang miss.’ Tugon ni Alfredo habang nakatutok pa rin sa kaniyang binabasang libro. Ang dalaga nama’y mataman siyang tinitingnan; waring kinikilatis siya. ‘Wait a minute? I know you?!’ Bigla na lang bulalas ng dalaga. Napatigil naman si Alfredo sa pagbabasa at hinarap ang dalaga. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang babaeng nakikisalo sa kaniyang desk. ‘Oo nga! Ikaw nga! Ikaw nga yung nagturo sa ‘kin papuntang SDV! Ha! Ha! This is such a coincidence! Ikaw? Naaalala mo pa ba ‘ko?’ Ang maaliwalas na tanong ng dalaga. Katulad noong una nilang pagkikita, naunahan nanaman si Alfredo ng kakaibang sensasyong iyon. Natataranta na siya pagkat hindi niya malaman kung saan huhugutin ang mga salitang sasabihin. ‘Ummm… Hey? Y-you okay there? You’re not sick or anything, are you?’ Ang puna ng dalaga habang ikinakaway pa ang kamay nito sa mukha niya. ‘Ah-a-ah… H-ha? N-naku! Pasensiya na! Pasensiya na! A-ano nga uli ‘yung tanong mo?’ Nauutal niyang sabi nang matauhan. ‘Ang sabi ko kung naaalala mo pa ba ako? Ako yung nagtanong sa’yo ‘dun sa parent’s lounge nu’ng first day of class? Ano? Naaalala mo na?’ ‘Aaah… O-oo! Naaalala ko na!’ Paulit-ulit niyang pagtango. ‘Well, mukha namang naaalala mo pa nga ako! Pasensiya ka na nga pala kung hindi ako nakapagpasalamat sa’yo ng maayos last time. I really owe you big back then!’ ‘Na-naku naman! Huwag mo nang alalahanin pa ‘yon. Hindi naman ‘yon malaking bagay!’ ‘And I say it’s a big deal to me! Huwag mo na sanang tanggihan ang pagpapasalamat ko okay? Kundi dahil sa’yo baka na-late na ko ‘nung time na ‘yon!’ Pangangatwiran ng dalaga. ‘S-sige sabi mo eh…’ Sagot ni Alfredo na halos hindi marinig ang boses. ‘Okay! Siguro naman dapat magkakilala naman tayo ngayon! I’m Jillia Corsega by the way! Transferee ako dito, from Ateneo! Nice meeting you!’ Inabot nito ang kamay niya sa binata. Si Alfredo nama’y ipinunas pa muna ang kaniyang kamay sa kaniyang polo shirt saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Jillia. ‘A-Alfredo Sandoval naman ako. Nice to meet you rin…’ At tinanggap ang pakikipagkamay. Nang mahawakan na ni Alfredo ang kamay ni Jillia’y biglang nanakit ang ulo niya, sukat mapapikit siya at mabitiwan ang kamay nito. ‘Alfred? Alfred, what’s happening to you?! Are you all right?!’ Ani Jilliang nabigla sa binata. Lubhang napakatindi ng kirot sa kaniyang ulo. Sa sobrang kirot, napaluhod siya sa lupa, at tuluyang mawalan ng malay. Mga ilang sandali pa ang lumipas bago siya muling matauhan. Gegewang-gewang na tumayo si Alfredo: ‘H-huh?... A-anong… nangyari?’ Tangi niyang nasambit habang sapo ng kaniyang palad ang kaniyang mukha. ‘Alfredo…’ Anang boses mula sa kaniyang likuran. ‘Sino’ng__ ‘ Biglang pihit si Alfredo sa kaniyang likuran, na pinanggalingan ng tinig na iyon na tumawag sa kaniya. Ngunit madilim ang paligid kaya’t hindi niya gaanong maaninag kung sino iyon. ‘… kumusta ka na?... matagal rin tayong hindi nagkita…’ Anito sa malamig na tinig. ‘Si-sino ka?! Bakit mo ‘ko kilala?!’ Nalilitong tanong niya sa taong iyon na nabosesan niyang isang babae. ‘Alfredo… nasasabik na ako sa’yo alam mo ba?… matagal din kitang hinintay… matagal na matagal…’ Saad niya, sa malamig na tinig. ‘Hinihintay… mo ‘ko? H-hindi ko maintindihan… Sino ka ba’ng talaga?’ ‘Hawakan mo ang kamay ko… at maiintindihan mo…’ Hindi man siya sigurado sa gagawing desisyon, dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang kamay upang tanggapin ang kamay ng misteryosong babaing iyon. Pagdapo ng kaniyang kamay rito’y sumilay ang nakasisilaw na liwanag mula rito. ‘Alfred?! Alfred?! Are you all right?!’ Si Jillia habang hawak ang isang kamay ni Alfredo. Napasigaw ng malakas si Alfredo, at napabitiw sa kamay ni Jillia. Humihingal siya pagkatapos. Animo’y nagising siya mula sa isang malalim na pagtulog. Lilinga-linga pa nga siya, at nasumpungan ang sariling kaharap na muli si Jillia. ‘Dear me! You gave me a scare! Are you feeling better now? You need to lie somewhere?’ Usisa naman nito nang may pag-aalala. ‘O-okay lang ako Jillia… Medyo hinahapo lang ako, siguro dahil sa init. Balewala ‘to.’ Unti-unti nang bumaba ang kanyang balikat at tuluyan na siyang napaupo sa desk. ‘I’m Glad you’re okay! Hindi naman kaya, kaya sumakit ang ulo mo eh dahil sa sobrang kagandahan ko?!’ Pagbibiro nito, saka mahinhing tumawa. ‘Maaaring gano’n nga! Ang totoo napakaganda mo, na sa sobrang ganda nakakahimatay talaga!’ Gatong naman nito sa biro ng dalaga. Kapwa sila napahalakhak ng malakas. ‘Mabuti pa kaya magpalamig muna tayo, para naman mahimasmasan ka nang kaunti! Sasaglit muna ‘ko sa canteen, I’ll be right back okay?’ ‘S-sige salamat…’ Pagbalik nito ay may dala nang mga inumin at ilang sitsirya. Pinagbuksan pa siya nito ng isang lata ng dala niyang inumin. ‘Salamat. Nahihiya tuloy ako sa’yo; kakakilala pa lang natin sa isa’t-isa naabala na agad kita…’ Nakatungong panimula ni Alfredo habang inaabot ang inumin mula kay Jillia. ‘Don’t worry about it. Talaga naman kasing napakainit nitong hapong ‘to. Kahit ako parang hinahapo rin. Pero sigurado ka bang ayos ka na?’ ‘Oo, salamat.’ Sabay tungga sa lata ng soft drink. ‘Pagpasensyahan mo na nga pala ako kung makiki-share ako sandali dito sa table mo ha? Mahaba-haba kasi ang break ko, tapos mag-isa lang ako ngayon. Medyo alangan pa kasi akong sumama sa mga bagong kaklase ko eh.’ ‘Walang problema! Ang totoo niyan ako ang nag-aalala, kung hindi ka ba naiilang din sa ‘kin. Hindi naman kasi tayo magkakilala pa.’ ‘Mali ka diyan! Actually ikaw pa nga ang kauna-unahang estudyanteng nakilala ko dito sa campus eh. Remember the first day?’ ‘K-kunsabagay… matandain ka pala.’ Nanginigti niyang sabi habang kakamot-kamot ng ulo. ‘Hindi ko nakakalimutan ang mga taong nakatulong sa ‘kin!’ Sagot naman niya, kalakip ang isang matamis na ngiti. Maya-maya pa, kapwa sila nanahimik at nagkanya-kaniya na ng ginagawa___Si Alfredo’y bumalik sa pagbabasa habang si Jillia tahimik lang na umiinom ng softdrink. Sinikap ni Alfredong maging kaswal kumilos, at magkunwang wala siyang kaharap. Subalit habang tumatagal, lalo lang siyang naiilang. Paano’y hindi niya maiwasang mapasulyap kay Jillia___ni hindi nga lumipat maski isang pahina ang binabasa niyang libro dahil sobrang abala ang kaniyang mga mata sa pagsulyap sa dalaga. Para nga siyang manok na tango ng tango sa pag-iwas rito, kung bigla’y pipihit ito sa direksyon niya. Ngunit sa muli niyang tangkang pagsulyap rito’y minalas na mahuli siya nito. Ibinaba ni Jillia ang kaniyang iniinom at inayos ang upo paharap sa binata. ‘Don’t you have something to say to me Alfred?’ ‘H-ha? K-kuwan ah…’ Sa pagkatuliro’y nahulog pa nito ang librong kunwang binabasa. ‘Come on, don’t be so bashful! If you got something to say, you can tell me! Don’t worry, I won’t bite!’ Sabi nitong bahagyang nakatakip ang kamay sa bibig na bumubungisngis. ‘Ah w-wala naman Jillia. Baka kasi naiinip ka na k-kaya naisip kong yayain kang maglakad-lakad. Makapamasyal baga?’ Wala sa isip niyang naisagot na lang. Maging siya’y nabigla sa kaniyang nasabi. ‘You mean a campus tour?’ Sapagkat napasubo na’y ginatungan niya na lang ang kanyang sinabi kanina. ‘G-ganun na nga… k-kung gusto mo lang naman…’ Parang maiihi na sa pantalon si Alfredo. Naiinip siya na kinakabahan sa magiging sagot nito. ‘Well, that sounds nice!’ Pagkatapos ng mahabang sandali’y sagot niya. ‘Medyo namamanhid na nga ang mga paa ko sa pagkakaupo ko rito eh! Tara na!’ At noon di’y binitbit na ang kanyang hand bag at tumayo na sa kinauupuan. ‘H-ha?!... O-o… d-di sige! Tara na!’ Napabuntong hininga siya ng malalim, at napabulalas sa kanyang isip: “buti na lang!” Unang dinala ni Alfredo sa “Bulwagang Maestra Osang”, sa GDLSC si Jillia. Gusto niyang maaliw ng kaunti sa maliit na teatro ang dalaga nang sa ganoon hindi ito masyadong mainip, pagkatapos ay tuloy-tuloy na sa paglibot sa buong building. Sunod naman ay sa ISC building sila pumunta. Pinasadahan nila ang cafeteria, at ang mga computer classrooms. Dahil sa madalas namang napupuntahan ng dalaga ang SDV at CDL building ay nilampasan na nila ang mga iyon at lumabas sa San Rafael gate. Sa labas, sinaglit nila ang Lourdes Building, pagkatapos ay tumuloy sa loob ng Science building. Hindi sila gaanong gumala roon sapagkat maraming lugar sa gusali ang hindi maaaring mapuntahan gawa ng ang ilan sa mga iyon ay exklosibo para sa mga estudyante ng Dentistry at Nursing. Pinasyalan na lamang nila ang swimming pool at ang mini gym. Matapos mamasyal sa mga kalapit na building, bumalik sila sa main building at lumiko sa may Technology Center pagkapasok pa lang nila sa San Rafael gate. Doo’y inilibot naman niya si Jillia sa loob ng basketball court. Napansin niyang kanina pa tahimik ang dalaga magmula pa noong nasa Parent’s Lounge pa sila, kaya sinadya niyang lampasan ang Technology Center kanina para subukin ito kung nakikinig ba ito sa mga paliwanang niya. Kung nakikinig ang dalaga sa kaniya, agad nitong mapagtatanto na kalokohang lampasan pa nila ang Technology Center gayong madadaanan naman nila iyon bago pa sila lumabas sa main building. Pero hanggang sa makarating sila sa Technology Center ay tahimik pa rin ito’t palinga-linga lang kung saan-saan. Noon niya napag-isip-isip na maling ideya na ipasyal ang dalaga sa buong campus dahil sa mga ikinikilos nito’y baka naiinip na itong kasama siya’t marahil ay naiilang lamang magpaalam. ‘J-Jillia, kung pagod ka na puwede tayong magpahinga muna?’ Pag-iiba niya ng paksa nang tuluyan na silang makababa ng Technology Center. ‘Don’t worry about me. Just carry on; I’ll be right behind you.’ Pagkatapos ay ngumiti lamang ito kay Alfredo. ‘O-o di sige. Meron pa tayong isa pupuntahan. Panghuli na ‘yon kaya makakapahinga ka na rin tayo pagkatapos.’ Pumunta sila sa isang panig ng SDV building kung saan naroon ang Music Hall na nakaligtaan niyang puntahan kanina. ‘Ito naman ang Music Hall. dito madalas ikina-conduct ng mga choir members o ng mga rock bands ng school ang mga practices nila kung may mga programs na gagawin. Ginagamit din ito minsan ng mga Music students bilang class room kung magha-hands-on sila sa mga musical instruments.’ Tulad dati, ay kaswal niyang pagpapaliwanag. Nakahalukipkip lamang na nanonood si Jillia kay Alfredo habang nagpapaliwanag ito; waring naaaliw sa kaniya. Napansin naman iyon ng binata. ‘M-may tanong ka ba?’ Usisa niya rito; kunwang hindi niya pansin ang pilyang ekspresyon nito. ‘Wala naman!’ Bagama’t sa kanyang pagkakangiti ay meron. ‘M-masiyado ba akong madaldal?’ Sabi ni Alfredo sa pamosong pustura nito na nakakamot ulo. ‘Aaminin ko; hindi naman talaga ako nakikinig sa’yo kanina pa, dahil gusto lang kitang panoorin! Kung paano ka magsalita, paano magbago ang iyong facial expressions… at kung paano mo pilit iniiwas ang tingin mo sa ‘kin. ‘Tumawa siya ng mahinhin pagkatapos. ‘I think you’re trying too hard Alfred.’ ‘H-ha… a-no¬¬___’ Pinigil na ni Jillia si Alfredo sa sasabihin pa nito. ‘It’s all right, you don’t have to explain. Alam ko medyo naiilang ka pa sa ‘kin, kasi napaka-cute ko at sikat pa! At pinipilit mong maging pino sa harap ko dahil tingin mo baka pintasan kita kapag hindi!’ Tahimik lang na nakatungo ang binata. Basing-basa siya roon ni Jillia, bagay ba lalong nagpapakaba sa kanya. ‘Hay… Ikaw talaga!’ Lumapit ito kay Alfredo at inangat niya ng kanyang kamay ang baba nito paharap sa kanya. Napalunok ng bahagya ang binata. ‘Let me GET RID of that little twerp above your head! Now, look into my eyes… I will cast a spell on you… you’re going to like me… you will never look anywhere, or to anybody but me… you’re going to like me…’ Pagkatapos ay marahan niyang pinitik si Alfredo sa noo. ‘Well, did it work?’ ‘A-ah ummm… P-para saan ang ginawa mong ‘yon?’ Nagtatakang tanong niya kay Jillia habang hinihimas-himas pa ang noong pinitik nito. ‘Na-realized ko kasing hindi palagay ang loob mo sa mga hindi mo kakilala kaya…’ pinaikot-ikot niya ang kaniyang hintuturo sa mukha ni Alfredo, pagkuwa’y muli nanaman niyang pinitik sa noo ang binata, bahagya pa itong napapikit. ‘Ayun! Ginayuma kita para sa ‘kin ka lang titingin at hindi mabaling ang atensyon mo sa iba! Hi! Hi! So, effective ba?’ ‘H-hindi lang ako sigurado, pero kung hindi lang sana ako medyo mahiyain, kahit hindi mo ‘ko gayumahin hindi maaalis ang tingin ko sa mukha mo...’ Kinakamot niya ng kaniyang daliri ang kaniyang pisngi habang rumurolyo ang mga mata sa kanyang paanan. ‘Hi! Hi! Hi! Bolero ka rin pala! But in fairness, muntik mo na talaga akong mabola ro’n ha?!’ Saka magiliw na ngumiti na labas ang magagandang ngipin. ‘Hindi ko ugali ang mambola Jillia; mahiyain nga ako, pero hindi ako sinungaling, kaya hindi mo kailangang magduda sa ‘kin!’ Agad niyang tugon. ‘Well, whatever you say! So, siguro naman makakapag-bonding na tayo ngayon nang hindi nagkakailangan, tama? Para kasing naiipit ako sa’yo eh! Hindi ako sanay na ako lang ang nakikipag-usap. Now, can we?’ ‘S-sige, pipilitin ko…’ Saka kiming ngumiti. ‘That’s better! Let’s continue then!’ Sa patuloy nilang pamamasyal sa loob ng Music Hall, natamaan ni Jillia ng tingin ang grand piano sa gitna ng malaking bulwagan noon. Umaliwalas ang kanyang mukha at patakbong pinuntahan iyon. ‘Alfred, okay lang kayang pakialaman ko ‘to kahit sandali? Tinutukoy ang piano. ‘Puwede naman siguro. Nakikita ko nga minsan na tinutugtog ‘yan ng kung sino-sino. Bakit hindi mo subukan? Mukha namang marunong kang tumugtog.’ ‘Good! Meron akong ginawang bagong piyesa na gustong tugtugin! Pakinggan mo kung maganda!’ ‘O sige! Testingin natin!’ Eksayted na umupo si Jillia sa silya, pagkatapos inangat ang takip noon. Pinindot-pindot niya ang ilang key noon; napangiti siya nang masigurong nasa tono ang piano. Inunat niya muna nang kaunti ang kaniyang mga daliri at dahan-dahang tumipa sa keys. Mababagal ang kaniyang mga pagtipa sa umpisa; parang nagpapalutang-lutang lang ang mga daliri niya sa mga keys noon. Nakapikit ang dalaga na tila dinadama ang bawat himig ng kaniyang tinutugtog. Kapagdaka’y sumasabay na ang kaniyang katawan sa bawat pagtipa niya sa piano, na waring saklaw siya ng musika sa kaniyang pagtugtog. Si Alfredo naman, ay walang kaabog-abog na nakatayo lang sa tagiliran ng piano habang pinagmamasdan si Jillia sa kanyang pagtugtog. Sa kaniyang paningin, lalong naging kabigha-bighani ang dalaga, sa banayad niyang pagkilos, na sumasabay sa saliw ng musika na lalo pang nagpaibayo sa dati nang maganda niyang kabuuan. Habang sa ekspresyon naman ng kanyang mukha mababanaag ang isang walang pagsidlang bugso ng damdamin: damdaming hindi niya namamamalayang unti-unting sumisilay sa kanyang puso at rumerehistro sa kanyang isipan, na parang mga piraso ng isang larawan. Makalipas ng ilang minuto, natapos nang tumugtog si Jillia at may buong pananabik na hinarap si Alfredo. ‘So, what do you think? How does that sound to you?’ ‘Mahusay ang pagkakatugtog mo!’ Sabi niya habang pumapalakpak. ‘Sa sobrang ganda napapapikit nga ‘ko eh! Damang-dama ko nga ang bawat note; Masaya at masarap sa pandinig. Ginulat mo ‘ko, ang husay mo palang tumugtog!’ Sabi pa niya, na ang mga mata’y tila mga holen na namimilog sa pagkamangha. ‘Talaga?... Salamat ha?’ Sabi niyang nakatungo, bagaman nakangiti. Napaangat ng balikat si Alfredo sa reaksyon ng dalaga; nanibago. ‘T-teka?… M-masyado ka naman ‘atang pormal? Hindi mo naman kailangan pang magpasalamat; kasi magaling ka! Kung hindi naman, magaling na magaling!’ Pang-aalo pa niya. ‘Hindi naman dahil do’n kaya kita pinasasalamatan eh. Nagpapasalamat ako sa’yo kasi… naunawaan mo ang nasa puso ko…’ Napakunot-noo si Alfredo. ‘H-hindi ko makuha? Pa’no mo nasabi?’ ‘Dahil sa tugtog ko, nalaman mong masaya ako… Gano’n…’ ‘Kung hindi kalabisan, puwede mo bang sabihin sa ‘kin kung bakit masaya ka ngayon?’ Imbes na sagot, katahimikan ang isinukli niya sa tanong na iyon ni Alfredo. Ilang sandali ang kanyang pinalipas bago nagsabi: ‘I’m sorry Alfred… I can’t tell you right now…’ Maikli siyang bumuntong-hininga: ‘Gano’n ba? Bueno, hindi na ‘ko magtatanong pa. pasensya ka na sa pang-uusyoso ko.’ Nguni’t agad ring pumakli si Jillia: ‘Pero… baka balang-araw, masabi ko rin sa’yo. Hindi pa nga lang ako handang sabihin sa’yo ngayon. Sana nga lang nandyan ka pa rin kapag nangyari na ‘yon.’ Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi: ‘Eh di sige, maghihintay na lang ako kapag handa ka na. Hindi naman ako nagmamadali!’ ‘Salamat!’ Maya-maya’y tumunog ang bell nang ika-2 nang hapon. ‘Oh! It’s time already? Well, I have to go now Alfred. Thanks for your company! I really had a wonderful time! Maybe we could do this again anytime soon?’ ‘Oo ba? Salamat din nga pala sa refreshments!’ ‘Oh! Muntik ko nang makalimutan, puwede ko bang makuha ang number mo? Gusto ko kasing magkaroon tayo ng communication sa isa’t-isa, at para maibigay ko na rin sa’yo yung schedules ko para may ideya ka kung anong oras mo ‘ko puwedeng puntahan sa klase ko. Okay lang ba?‘ ‘Walang problema!’ Kumuha siya ng kapirasong papel at isinulat roon ang kaniyang mobile number. ‘Thanks! I’ll call you later today para maibigay ko sa’yo yung class schedule ko. Ibigay mo rin sa ‘kin yung sa’yo ha?’ ‘O-oo… pagtawag mo sa ‘kin ise-send ko sa’yo agad…’ ‘Alright! Now we’re officially friends now! So, till next time! Bye!’ ‘Sige! Hanggang sa susunod! Ingat!’ Sabi niyang kumakaway sa papalayong si Jillia. Paalis na sana si Alfredo nang biglang may matabig siyang kung anong bagay. Napatingin siya sa kaniyang paanan at nakita niya ang isang fountain pen. Pinulot nito ang fountain pen: ‘Naku! Baka kay Jillia ‘to!’ Agad niyang naisip. ‘Ah, di bale! Isasauli ko na lang sa kanya ‘to kapag nagkita uli kami.’ Ibinulsa niya ang fountain pen at nilisan na ang music hall. NEXT: Chapter 7: Riding The Starlight (Reprise) :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
pers aku?! mea ku n
to.. pasok muna ulit s skul.. ![]()
insanity41
•reply
Apr-29-08@2:30PM
anong hiwaga ang ntatago kay jillia? (shockz lalim.. di ku mdig..)
pnibgong kwento..
nakakainteresado nmang basahin..kaso anlayo na pala..
..i will take time to read that pag ntapos ko na 2ng novel ko.
resemblance
•reply
Apr-30-08@8:17AM
okay lang hindi required na mabasa mo yung iba. ayus na tong simula
it struck me.ehe.sana yung ibang chapters,mabasa ko..sana keep it going ..ehe..
resemblance
•reply
Apr-30-08@7:36AM
hindi naman malaking kawalang yung 5 chapters. makakasunod ka parin sa chapter na 'to. salamat nga pala sa comments
hehehe..
sariwang sariwa pa 2 ah.. remembr ko pa dati.. binabsa ko pa 2.. heheh reincarnate.. i love dis one.. =) one of my fave stories here in tcafe ![]()
resemblance
•reply
Apr-30-08@7:17AM
ganun? pero antagal ko na tong ipinopost! second reprise na nga ito.
mukang maganda to ah..
![]() basa muna.. ![]() san ba mababasa yung mga naunang chapters? ![]()
resemblance
•reply
Apr-30-08@7:19AM
sayang! pangalawang re-write ko na kasi to kaya akala ko marami nang nakabasa
pero hindi naman malaking kawalan yung 1 to 5. makakasabay ka pa rin kahit dito mo sinimulan
hi resemblance! malugod kitang winewelcome, sampu ng mga writers ng S.W.A.T. team... dahil ngayun ay bahagi ka na rin ng ATING OBRA!
pang 9 ka, samakatuwid ay pagkatapos ko, ikaw. sana ay maging aktibo ka sa event na ito, salamat! aabangan namin ang part mo, eheheh ![]()
resemblance
•reply
Apr-30-08@7:22AM
salamat!
naks naman malakas ako kay bosing! kahit huli na ko pumang-9 pa rin! hehehe!
aush!
ang ganda pOh.. super interesting! sana matapOsz kOh lahatsz tOh ngaunsz.. ![]()
needs improvement pa rin, pero at least nag-improve naman ng konti
![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70992)Arts & Entertainment (7634) Lifestyle & Culture (3327) Politics & Issues (2958) Poetry & Fiction (9382) Random Thoughts (10305) Forwarded Thingies (7395) FrendzCorner/ShoutOutz (21460) Games & Fun Questions (2364) Patawa Ka Talaga (2338) Tristancafe Musikahan (3860) Careers & Work Stuff (1536) School Matters (3263) Technology & Internet (4040) Classifieds & Advertisements (3613) Tristancafe Halo-Halo (1568) Barangay Tristan (1751) Site Announcements (44) Zines, pink_pearl08, cathy_ence, and 22 guests Random Love Quotes
|