|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
The More You Hate The More You Love Ep.3
sana po magustuhan nyo...
1st->>> http://www.tristancafe.com/forum/144435 2nd->>> http://www.tristancafe.com/forum/144598 The hang out 2:00 pm natapos na rin ang pinanonood nmin. Tinurn off ko ang T.V. at DVD player at bunuksan ko na nman ang stero. “Kevin anong oras ang uwi ni Tita?” tanong ni Fatima habang nakatingin sya sa picture nmin dalawa ni mommy. “mamaya pang 4:00 pm ang dating nun” sagot ko “mukang busing busy sa Hotel c tita ah..” sabi nman ni Charmaine habang binabalik ang DVD sa bag nya. “oo nga medjo busy c mommy ngayon. She has lots of meeting to attend to and medjo marami daw ang accommodations sa Hotel ngayon pero dati kahit maraming nag papa-book sa hotel pwede nman syang mag relax relax dto sa bahay.” Mahabang paliwanag ko sa knila. “Malapit na pla ang bday ni tita noh, chibugan na nman toh.” Sbi ni Dylan na nakahawak sa tyan nya. “ito tlga kakain mo lang nag tanghalian gutom ka na nman cguro at pagkain na nman yang nsa utak mo” sbi ni Mitsy at humaharap skin. “oo nga Kevin malapit na bday ni Tita” dugtong nya “oo nga pla noh March 20 na ngayon at sa April 5 na ang bday nya.” Sbi ko sa sarili ko “wag mong sabihin na nakalimutan mo? Magka month lang ang birthday nyo” paalalang sabi ni Cole “Almost pare buti na lng pinaalala nyo” medjo disappointed na sabi ko sa knila. “cgurado sa Hotel na nman gaganapin ang party ng mommy mo noh” sbi ni Kaye. “hindi ko pa nakakausap c mommy about this but when she gets home we’ll talk to her ok ba sa inyo un?” sagot ko sa kanila. “ahh cge two hours lang nman nandto na c tita.” Sabat ni Fatima. “pero ano kayang magandang regalo” tanong ko sa knila habang nakahawak ang kaliwang kamay ko sa baba ko. “oo nga noh” sbi ni Mark “nakakagutom mag isip pare, mag hahalungkat lng aq sa ref. nyo kong anong pwedeng kainin” sabi ni Dylan “ang takaw mo tlga” naaasar na sabi ni Fatima “cge lagi mo nmang gawain yan pare wag ka ng mag paalam. Feel at home” sabi ko sa knya habang nka ngiti. “want anything guys? Bago aq pumunta sa kusina..”sabi nya habang nka tayo sa pintuhan. “coke na lng. Pwede na un..” c Mitsy “ahh cge” sabi Dylan habang papunta na sa kusina “ano kayang magandang regalo noh?” tanong ko sa knila “tingin ko wla ng bagay ang kailangan ni tita Ina” sabi ni Mitsy “anong ibig mong sabihin” nalilitong sabi Kaye “ibig kong sabihin di na nya kailangan ng ng necklace,ring, earrings etc dahil marami na sya nun.” paliwanag ni Mitsy “ sa bagay may point ka” singit ni Dylan na kagagaling sa kusina at nilalapag ang mga coke in can, nova at malaking dorito sa lamesita. “bagay nman ang naiisip ko na pwedeng iregalo kay mommy”.sagot ko “ano kya pare kung apo ang iregalo mo kay tita” patawa ni Dylan Nag tawanan kming lahat.. “lakas ng tama mo pare ah” sabi ni Cole sa knya. “oo magandang idea un” sabi ni Fatima habang nakangiti skin “Hahahaha...Timigil na kau jan dahil alam ko na kung anong ireregalo ko sa knya.” Sagot ko sa knila “ano nman” sabi ni Mitsy “painting na sya ang nka paint.” Sagot ko “umm not bad” sabi ni Mark “ so un na lng?” sbi ko sa knila “oo yun na lng kc may kilala c papa na mga magagaling na pintor” sbi ni Cole Hindi namalayan ng mag kakaibigan na dalawang oras na pla clang nag iisip kung ano ang magandang iregalo sa butihing ina ng binatang si Kevin. Na sya nman na dumating na galing trabaho at naka tayo na sya sa pintuan sa sala. “ oh buti nman at naisipan nyong dumalaw dto?” mahihinhin na bati ni mommy sa knila “ good afternoon po tita” sabay sabay na bati nila. “hi mommy” bati ko nman at humalik sa pisngi nya “nag miryenda na kau?”tanong smin ni tita “kakain lang nmin ng nova at doritos” at itunuro ko kung ang lamesa kung nasaan ang mga iyon. ikaw mommy nag miryenda ka na ba?tanong ko sa knya. “oo bago aq umalis ng hotel nag miryenda aq”. Sagot nya. “teka magbibihis ako para makipag chikahan sa inyo ng konti at pagkatapos ay gagawa na ako ng mga paper works ko. Umakyat c mommy para magbihis ng pambahay at tumuloy sa sala. “Sa April 5 pla 45th b-day ko na. Gusto ko sana simple lng at gusto ko dto lng sa bahay gaganapin. Invited lahat ng close friends ko un nga ang mga parents nyo, at lahat ng kilala ko sa hotel.” Mahabang paliwanag ni mommy smin “45 nyo na pla tita” sbi ni Dylan “oo tumatanda na aq noh” sbi ni mommy “pero indi nman po halata” sbi ni Dylan “naku bolero ka tlgang bata ka hahaha”tumatawang sabi ni mommy “totoo po un” c Dylan ulit “Thank you kung ganun” pag papasalamat ni mommy “ O cge jan na muna kayo. Marami pa aqng gagawin na paper works dun sa office room ko”pag papaalam ni mommy Cge po tita sabay sabay na sbi nila “Wag kang masyadong mag papagod” sabi ko sa knya at humalik ulit aq sa pisngi nya. 6 na nag mag pasya clang umuwi. Gabi na rin at bka hinahanap na cla sa mga bahay bahay nila.. Nag sabay nman kmi ni mommy at Jenny sa pag kain ng dinner. Pagkatapos ay tumuloy na aq sa kwarto ko kinuha ko ang gitara ko at tumugtog ng kung ano ano. Samantala habang nag huhugas ng mga plato c Jenny ay narinig nyang pinapupunta sya ni Maam Ina sa Office room nya kpag natapos ito sa ginagawa nya.. Jenny’s Point of View “opo maam malapit na po aqng matapos” sagot ko sa kanya. Hayyzz napagod na aq sobra.. Nalipasan pa aq ng gutom kninang umaga pano ba nman pinabalik pa aq ng Kevin na yan sa palengke kya lunch na aq nka kain. Hindi kasi gumising ng maaga pra nasabi nya na dagdagan ung lulutuin kong sinigang at aba nag lait pa ha indi daw masarap ang sinigang ko pero nagustuhan nman ng mga kaibigan nya. Speaking of kaibigan, prang may kamuka ung Mark hindi ko lang matitigan dahil bka mahalata nyang tinititigan ko sya nakaka hiya nman noh. Bka nakasalubong ko lang yun jan sa tabi tabi. Anyway back sa kinaiinisan ko, Buti nakapag pigil ako kung hindi nasagot ko na un. Mabuti lang na nakapag pigil ako dahil baka matanggal aq sa trabaho ko at tuluyang mawalan ako ng tutuluyan. Yumuko na lng ako at tumahimik tulad ng palagi kong ginagawa pag sinusungitan nya ako ng wla sa lugar. Daig pa ang babae kpag may period. Sobrang arte pa pag dating sa damit gusto lahat planchado at wlang lukot. Hayzz naku kung indi lng dahil wla akong matutuluyan at kay maam Ina umalis na aq sa bahay na to. “ayan tapos na ako”sabi ko sa sarili ko. Kumatok aq sa pintuan. “pasok” sabi mi maam sa mahinhin na boses. “maam may pag uutos pa po ba kau?” sabi ko sa knya. “wla na. Gusto ko lang kamustahin kung ok lng ba ang trabaho mo?” tanong nya skin. “nalaban ko na po ung mga damit nyo kninang tanghali at bukas po mag lilinis aq ng room nyo.” Sagot ko sa knya na kinakabahan. “hindi un ang ibig kong sabihin Jenny” sabi nya sakin na nakangiti “hindi ka ba nahihirapan?”dagdag nya “hindi po maam ok lng po aq. Kailangan ko po kc talaga ng matutuluyan. Maraming salamat po sa pag kupkop nyo sa akin.” pag papasalamat ko “ganun ba. Mabuti nman at hindi ka na nahihirapan dto sa bahay. Cge mag pahinga ka na at mukang napagod ka.” Sbi nya skin “salamat po maam”, sabi ko nman sa knya. Tumuloy na si Jenny banyo sa maids quarter pra mag hilamos at mag sipilyo. “tatlong buwan na pla aq dtong nag tatrabaho, prang kelan lng lahat dto sa Manila prang napaka hirap. Ang pamamalengke dahil wla akong kasama sa mall dahil may pasok c Maam Ina at ang Kevin nman na yan puro lang gimik at tambay ang alam. Nakasanayan ko din ang mga house chores pero ang isa lang tlga ang indi ko makasanayan..... Ang ugali ng Kevin sunget na yan.”sabi ko sa sarili ko habang nag sisipilyo. Di nag tagal ay pumunta na c Jenny sa kwarto. Medjo may kalakihan ang kwarto dahil pang tatlong tao ang kwartong iyon kya saktong sakto pra sa knya. “makapag sulat na nga sa diary ko at makatulog na” habang nilalabas ko ang isang diary muna sa drawer ko. Sinulat ng dalaga kung ano ang mga naagyari ngayon araw na ito. Kung saan sya natuwa at nainis. Pagkatapos nyang mag sulat ay nag pasya na ang dalaga na matulog. -ITUTULOY- :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
hehehe..abangan na lang po natin sa susunod na episode kung karibal nga sya..
![]()
nyahaha....kala mu lng jenny...maiinlove k rin k kevin...c kevz kc eh...my pgkamsungit..hahayz..
![]()
ako nagbabasa di ba pang 3rd post mo na to?
the more you hate the more you love ang drama nila kevin.. baka mainlove na naman ako nito ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70994)Arts & Entertainment (7634) Lifestyle & Culture (3327) Politics & Issues (2958) Poetry & Fiction (9382) Random Thoughts (10305) Forwarded Thingies (7395) FrendzCorner/ShoutOutz (21461) Games & Fun Questions (2364) Patawa Ka Talaga (2338) Tristancafe Musikahan (3861) Careers & Work Stuff (1537) School Matters (3263) Technology & Internet (4040) Classifieds & Advertisements (3613) Tristancafe Halo-Halo (1568) Barangay Tristan (1751) Site Announcements (44) pissedoFF, success, KewlKaLang, Zines, nikka_bunny, flesrouy, bryanwizard, Cloneberry, shy_maria, germanx0084, and 20 guests Random Love Quotes
|