|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Rhythm of Heartbeat
sana patuloy ninyong subaybayan ang Rhythm of Heartbeat ![]() sana di kayo nakokompyus.. dalawang panahon ang tinatalakay rito, sa nakaraang panahon.. ang mga tauhan ay sina Rico, Mildred, Bernadette, Rich at Arthur sa kasalukuyang panahon, sina Ellie, Iris, Kyle, Hans at iba pa para sa mga naunang Chapters, click lang: Chapter 1: The Wishing Well Chapter 2: Hopeless Wish Chapter 3: Forbidden Love Chapter 4: Deepest Secret Chapter 5: Long Time No See Chapter 6: Who Are You? Chapter 7: My Fair Lady Chapter 8: A Sweet Yes Chapter 9: Change of Heart ![]() oOoOo Chapter 10 Why? Kasalukuyang panahon, araw ng Sabado. “Good morning! Tuloy kayo, tuloy,” ang pagbati ni Martha nang dumating sa mansyon ng mga Evans sina Iris at Ellie. Matagal na ring nagpupunta si Iris dito. Minsan, inaanyayahan siya ni Kyle kapag weekends at kapag may libreng oras. Isinama niya si Ellie dahil na rin sa pakiusap ni Kyle. Pinatuloy sila sa isang parte ng bahay na tinatawag na “visitor’s area” at doon ay naghintay sila ng ilang minuto. Umupo sila pareho. Makikita ang ilang litratong nasa visitor’s area. Kung mapapansin, kuha iyon ni Kyle kasama si Martha at iba pang kasambahay, mga bagong litrato. “Wala man lang siyang kuha kasama yung mommy niya o yung kuya niya,” sabi ni Iris nang siya ay tumayo at tiningnan isa-isa ang mga litrato. Sa ilalim ng isang glass table, kapansin-pansin ang isang lumang photo album. Naisip ni Iris na marahil naglalaman iyon ng mga litrato ni Kyle kasama ang mommy at kuya niya. Kukunin na sana niya iyon nang biglang dumating si Kyle. “Hoy bruha! Nakikialam ka na naman ng mga gamit dito!” paninita ni Kyle, may halong biro. Napatingin si Iris sa kanya. “Patingin lang e!” aniya. “‘Wag mo nang tingnan iyan dahil wala kang makikitang fafalicious diyan. Puro baby pictures lang iyan ng kapatid ko.” Nang marinig iyon, tumindi lalo ang pagnanasa ni Iris na makita ang mga litrato. “Talaga? Patingin na!” pamimilit niya. “‘Wag mong gagalawin iyan! Mangangati yung kamay mo, sige!” pananakot ni Kyle. Sinunod na lang ni Iris ang sinabi niya. Si Ellie naman ang sunod niyang napansin. “Hi!” bati ni Kyle. “Hello,” tugon naman ng isa. “Ano nga pala uli ang name mo?” tanong niya. “Eliza, Ellie na lang,” sagot ni Ellie. “Ako nga pala si Kyle Evans. You, anong surname mo?” “San Luis,” tugon muli ni Ellie. “A. Ang pretty mo naman. Alam mo, kung naging lalaki lang ako, nagkacrush na siguro ako sa iyo,” seryoso si Kyle. Natawa si Iris at nakuha pang sumabad sa usapan, “Uy sis! Hindi bagay!” “Puwede ba sis, ‘di ikaw ang kausap ko. Quiet ka muna riyan,” saway niya kay Iris. Tinabihan niya si Ellie. “Future sister ka pala ng sis ko. Ang swerte naman ng sis ko, ang pretty ng magiging future sister niya.” Nagpasalamat si Ellie sa papuring iyon. “Mamaya ha? Picture-picture tayo,” pakiusap ni Kyle. “Para naman may maidagdag akong pictures dito sa visitor’s area o kaya naman sa kuwarto ko na lang ilalagay.” Umalis na sila sa visitor’s area at nagtungo sa living room. Ipinagtimpla sila ng kasambahay ng mango juice at binigyan rin ng cookies. “Sorry nga pala sa abala ha?” paaumanhin ni Kyle. “Wala kasi akong magawa rito sa bahay e! Balak ko sanang mamasyal ngayon. Wala ba kayong gagawin?” “Wala naman,” sagot ng dalawa. “E bakit hindi na lang kaya yung mommy mo ang isama mo sa pamamasyal?” mungkahi ni Iris. “Hindi ko mayaya e! Mula nang umuwi siya rito, oo nag-uusap kami pero lagi rin siyang may kausap sa phone, business siguro. Minsan naman, daddy ko ang kausap. Kung hindi ganun, nasa terrace at nag-iisa, umiinom ng wine. Yun lang yata ang gusto niya e!” Kitang-kita ang kalungkutan sa mga mata ni Kyle. Naging dahilan iyon para tumahimik ang lahat. Alam ni Iris na sabik na sabik si Kyle sa mommy niya pero sa kinukuwento niya ngayon, halatang ‘di pa sila nagkakaroon ng oras sa isa’t isa. May naisip bigla si Kyle. “A, alam ko na! Punta na lang tayo sa swimming pool. Doon na lang tayo magkuwentuhan. Kung gusto ninyo, maligo na rin tayo.” Inaalala nina Iris at Ellie na wala silang dalang extrang damit o bathing suit man lang. “Oh don’t you worry! Pahihiramin ko kayo ng bathing suit ni mommy, yung hindi niya ginagamit. May naitatabi pa naman siya.” Nagbihis na sina Iris at Ellie, maging si Kyle ay naka-ready na. Hiyang-hiya talaga si Ellie sa suot niyang bathing suit. Komportable naman si Iris sa suot niya at naisip niyang napaka sexy siguro ng mommy ni Kyle. Nagsuot din sila ng robe. Natawa si Iris nang makitang nakasuot ng trunks si Kyle. Akala niya kasi, magsusuot din ito ng bathing suit. Iniimagine nga niyang naka two piece pa ang kaibigan niya. Wala na silang inaksayang oras at nagtungo na sila sa swimming pool. Tunog ng tubig ang narinig nila nang makalapit na sila sa sa swimming pool. Akala ni Kyle madadatnan niyang bakante ang swimming pool pero ginagamit pala iyon ng kuya niya. Inayos na muna niya ang lugar na uupuan nila. “Siya siguro yung… kuya ni Hans,” isip ni Iris nang makita ang lalaking nasa swimming pool. Sinundan niya ng tingin ang lalaki. Gusto niyang malaman kung ano ang hitsura nito pero maling anggulo ang lagi niyang nakikita. Umahon na si Hans nang mapansing may ibang tao sa paligid. Kinuha niya ang tuwalya niya at pinunasan ang sarili. Ang akala ni Iris pagkakataon niya na upang makita nang malapitan ang mukha ni Hans pero dumaan itong nakatakip ang mukha. Sayang! Sa ibang direksyon na lang siya tumingin. Sinundan rin ng tingin ni Ellie si Hans at nang tiyempong lumingon ito, labis siyang nagulat. Guniguni lang kaya niya ang nakita niya? Naabala siya nang tawagin siya nina Iris at Kyle para umupo. Sumunod na siya; naligo sila at nagkuwentuhan. Hindi mapakali si Ellie. Sino ba talaga ang lalaking iyon at bakit kamukha niya si…? “Kapatid mo ba yung naliligo sa pool kanina?” bigla niyang naisingit sa usapan, kay Kyle niya ibinato ang tanong. “Yup! Kuya ko yun, Hans ang pangalan.” “Ilang taon na siya?” “21 na yata.” Nagtaka si Iris kung bakit bigla na lang nagtanong ng ganoon si Ellie. “Imposible naman sigurong interesado siya kay Hans,” isip niya. “Hay! Ano ba itong iniisip ko?” Aaminin niya maski siya ay ganoon din ang gustong itanong kanina pero nahihiya siya lalo na pag naiisip niyang nakatext niya si Hans noong nakaraan. Hindi niya nga alam kung papansinin pa siya nito pag nalamang siya pala si Iris na nakatext niya. Buti at nasagot na rin ang katanungan niya. Alas singko y medya na ng hapon. Napagpasyahan ni Kyle na pauwiin na sina Iris at Ellie. Nakapagkuha na rin sila ng mga litrato. Ang problema nga lang, hindi na sila nakapamasyal. Nagmungkahi si Iris na sa ibang araw na lang sila mamasyal. Biglang naalala ni Kyle na may ibibigay pala siya kay Iris. Umakyat muna ang dalawa para magpunta sa silid ni Kyle. Nagpaiwan na rin naman kasi si Ellie. Ang sabi niya’y maghihintay na lang siya sa visitor’s area. Nang maupo na siya, bigla siyang napatingin sa ilalim ng glass table. Matagal din siyang tumitig doon bago tumayo at natuksong kunin ang photo album na hindi pinagalaw ni Kyle kay Iris. Tama si Kyle, mga baby pictures nga ito ni Hans. Tiningnan ni Ellie isa-isa ang mga litrato. Nang buklatin niya na ang pangalawa sa huling pahina ng photo album, nakita ni Ellie ang isang napakagandang babae. Karga-karga nito si Hans. Tatlong taong gulang lang si Hans noon, iyon kasi ang nakalagay sa caption. Marahil ito ang mommy nina Hans at Kyle. Ngumiti siya. Kitang-kita kasi sa paraan ng pagkarga nito ang pagmamahal ng isang ina. Nang buklatin na ni Ellie ang huling pahina, may nakaipit na recent photo ni Hans kasama pa rin ang mommy niya. Nanginig ang buong katawan ni Ellie. Ano ba itong nakikita niya? Kanina, akala niya guniguni lang yun ngunit ang litratong ito mismo ang nagsasabing totoo ang nakita niya. Isinara niya na ang photo album at ibinalik sa kinalalagyan. Umalis siya sa visitor’s area at tuluyan nang lumabas ng bahay. Pagkababa nina Kyle at Iris, hindi nila nakita si Ellie sa visitor’s area. Wala rin siya sa paligid. Sinabihan sila ni Martha na lumabas na si Ellie. Nakita nila ito malapit sa gate. “Uuwi na ba tayo?” tanong ni Ellie nang lapitan siya ni Iris. Tumango si Iris at umalis na nga sila sa mansyon ng mga Evans. Hindi nila nalimutang magpasalamat kay Kyle dahil sa pag-iimbita nito. Naglalakad ang dalawa. Lumubog na ang araw. Nakatahimik lang si Ellie, bagay na ipinagtaka ni Iris. Inalok na lang niya ito ng Hershey’s Kisses na bigay ni Kyle. “Gusto mo ba, Ellie?” tanong niya. Huminto bigla si Ellie. “Iris, puwede ba kitang yakapin?” Nagulat si Iris, “Ha? A e, rito sa gitna ng kalye?” Niyakap bigla ni Ellie si Iris. Nagsimula na siyang umiyak. Hindi alam ni Iris kung ano nga ba ang nangyayari sa future sister niya. Hindi na siya nagtanong at dinamayan na lang si Ellie. Maya-maya, sinabi ni Ellie ang, “Namimiss ko si Benjo. Namimiss ko siya,” at umiyak pa siya lalo. Nalungkot si Iris. Bakit ganoon na lang ang ikinilos ni Ellie? Bakit namiss niya si Benjo? Bakit sa ganitong oras? Wala siyang ideya. Sinubukan niyang patahanin si Ellie, “Tahan na, Ellie. Tahan na.” “Peep peep!” binusinahan na sila ng isang kotse. Hinila ni Iris si Ellie, “Ellie, tumabi tayo, nakaharang tayo sa daan. Baka masagasaan pa tayo.” Dinala niya ito sa isang tabi. Imbis na umandar ang sasakyan ay huminto lang ito sa harap nila at mula rito, bumaba si Neri kasama ang kasintahang si Reed. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
po muna! ![]()
insanity41
•reply
Apr-23-08@7:46PM
ate pede mng hula?!
mrame sna ehh.. kso wak nlng.. maiispoil tlga ung kwento.. oh well.. db po ung nanay nila hanz c mildred?! tama po b?
insanity41
•reply
Apr-23-08@8:03PM
ay ge po.. tahimik nlng me..
..say ng bu2n ko: sana may sense 'tong comment ko.
insanity41
•reply
Apr-23-08@8:46PM
ate w8, noob lng aq.. san mu po sinend ung mail ir? o dun s yahoo mail ko po..
kung ir pano ku mki2ta uhn?! sorry po tanga lng.. di p alm psikut sikut nito...
insanity41
•reply
Apr-23-08@8:55PM
ay nkita ku n.. sorry po.. shoshonga shonga aku ehh.. haha.. tuwa po kau?!
kla ku po mga2lit kau.. well.. khit nmn po tama mli ung hula ku syempre.. bs p din.. my bu2n says: "O tamang hinala ka na naman!"
anyD
•reply
Apr-23-08@8:57PM
ahaha! ok lang no, nasabi ng professor ko na pag nahuhulaan ng mambabasa yung kwento.. yung "predictable" ba kung tawagin.. eh naiintindihan nila yung takbo ng story. kaya walang masama roon.. masaya ako
insanity41
•reply
Apr-23-08@8:59PM
haha.. flinatter n nmn aku ni otor..
haha.. button: oist bangag ka na naman ba?
insanity41
•reply
Apr-23-08@9:12PM
lalabas n po ulit ung rascals?! wee.. reunion.. syng ala c benjo.. huhuh
..ahmm w8.. noh n ngyare s backstabbers?! ask lng po..
ayy namiss ko rin c benjo..ahahha jokeness..
hmmm..anu kaya nakita nia? ammp naman nakakabitin... nice..nice...
misz_masungit
•reply
Apr-23-08@8:26PM
hehehhe..ayy binasa ko ulit ung last episode ng music of love mo..naalala ko c trish..
sa america pa din po ba xia?ahahaha
misz_masungit
•reply
Apr-23-08@8:35PM
ndi mo na ba xia sasali sa story mo? bkit parang ang daming bagung characters?? sunod na plz...
anyD
•reply
Apr-23-08@8:39PM
bukas pa yung kasunod eh.. gusto mo bang isali ko siya sa story? magulo na naman kapag ganun
misz_masungit
•reply
Apr-23-08@8:44PM
hindi wag na...eepal na2man eh..
ahahah!!! wala lng kasi naalala ko lng.. hayyzz..naalala ko 2loy nun nakakaiyak..
anyD
•reply
Apr-23-08@8:47PM
lahat ng nakabasa dun sa part ng pagkamatay ni benjo naiyak.. maski yung barkada ko eh..
siguro talagang minahal nyo si benjo kaya ganun..
misz_masungit
•reply
Apr-23-08@8:51PM
hehehe...sana may time na mag rereunion cilang magkakabarkada..ahahah..
ang mga RASCALS.. bzta pagandahin mo pa ung kuwento actually maganda....
anyD
•reply
Apr-23-08@8:55PM
sige para sa inyong lahat pagagandahin ko..
![]() actually, magkakasama pa rin naman ang Rascals.. sa next episode lilitaw sila..
misz_masungit
•reply
Apr-23-08@8:58PM
wooohoooo.
![]() umh...may tanun lng ako.. tapos mo na po ba ito? like nag popost ka nlng? gets? gooooo RASCALS...SAKAL
misz_masungit
•reply
Apr-23-08@9:11PM
ohh talaga?
kala ko tapos mo na tapos nag popost ka nlng.. hheheh cge po antuk na aketch.. babasahin ko nlng tom ung susunod.. keep it up... ingatz
insanity41
•reply
Apr-23-08@9:11PM
psingit.. llbas n ulit ung rascals?! cno n nga po pla ung drummer nila ngaung la n c benjo?! hayz..
insanity41
•reply
Apr-23-08@9:22PM
whaha.. alm ku my mga ngplit ng role ehh.. well.. bshin ku nlng ung last part ng Music Of Love..
insanity41
•reply
Apr-23-08@9:41PM
ay may danun? "di sila bida next chapter"
kwento po kxe to ni mildred at ni rico ryt?
sno c benjo? bkit sya namatay?
roxellemae
•reply
Apr-24-08@1:47AM
si benjo ay kaibigan ni ellie..
kaya poh namatay si benjo kxe binaril ni harold lim ung bf ni trisha.. na dating gf ni ivan...
anyD
•reply
Apr-24-08@4:16PM
sa previous book (Music of Love) si Benjo po ay bestfriend ni Ellie, na kaibigan ni Ivan (bf ni Ellie ngayon sa istoryang Rhythm of Heartbeat, nanggaling sila sa isang banda, at ang vocalist nitong nasabing banda ay pinsan ni Benjo, si Reed na bf naman ng ate ni Ellie)
namatay siya dahil binaril siya ni Harold Lim.. si Harold Lim at Ivan kasi ay bf ni Trish (nag two time siya sa kwentong Music of Love) ikinagalit iyon ni Harold.. at ayun.. nabaril si Benjo na ikinamatay niya. hindi naman dapat siya ang mababaril, si Ivan kasi talaga ang target pero humarang siya..
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories loveu4ever915, temyong, nyL_zgyd, silentheart08, cnniketrade, jhamereth, anyD, tearsofakane, ballababy24, sundaythefifth, and 47 guests |