tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Rhythm of Heartbeat
posted by (Apr 22, 2008 @ 10:26AM) views: 804
umabot na tayo sa Chapter 9.. wee.. : c h e e r : 

mayroon diyang nagsabing ayaw niya kay Bernadette : m e c r y : 

para sa ibang Chapters, click lang po : n a u g h t y :  :

: t h a n k y o u : 


Chapter 1: The Wishing Well

Chapter 2: Hopeless Wish

Chapter 3: Forbidden Love

Chapter 4: Deepest Secret

Chapter 5: Long Time No See

Chapter 6: Who Are You?

Chapter 7: My Fair Lady

Chapter 8: A Sweet Yes


oOoOo

Chapter 9

Change of Heart


Kasalukuyang nag-uusap sina Rich at Rico sa labas ng bahay. Kararating lang ni Rico at hindi muna siya pinagbihis ni Rich, kinausap siya agad ng kapatid.

“May utak ka ba talaga?” pag-uumpisa nito.

Nagpintig ang tainga ni Rico sa narinig. “Ano na namang nagawa ko?” tanong niya rito.

“Ilang beses ko bang sasabihing huwag siya! Huwag!”

Nagagalit si Rich kay Rico. Matagal niya nang sinasabing huwag si Mildred pero hindi ito nakikinig at pinipilit pa rin ang gusto. Nakuha na rin ni Rico kung ano ba ang ibig sabihin ng kanyang kapatid. Umiwas siya ng tingin.

“Kayo na ba?” tanong ni Rich. “Huwag kang magsisinungaling. Alam kong hindi ka magaling sa ganyan.” Hindi umimik ang kapatid. “Tama nga ako sa naiisip ko,” pagtatanto niya.
“Paano mo nalaman?” nahihiwagaan si Rico.
“Sinabi sa akin ni Arthur,” sagot ni Rich.
“Ni Arthur? May alam si Arthur?”
“Wala siyang alam. Sinabi lang ni Mildred sa kanya na may boyfriend na siya. Sino pa nga bang puwede kong paghinalaan e ikaw lang itong dikit nang dikit sa pinsan natin? Sa palagay mo ba gusto ka talaga niya?”
“Oo.” Ikinagulat lalo ni Rich ang sagot na iyon. “Oo. Gusto niya ako. Mahal ko siya at sinabi niyang mahal rin niya ako!”

Tumindi lalo ang galit ni Rich, “Itigil mo iyang kalokohan mo!”

“Kalokohan na ba ang magmahal?” tanong agad ni Rico.

Kumalma si Rich, “Hindi kalokohan ang magmahal. Yung minamahal mo ay isang malaking kahibangan! Pinsan natin si Mildred, Rico. Kaunting respeto lang, please.”

At natapos ang kanilang usapan. Si Rich na ang nagparaya. Baka kasi uminit lalo ang diskusyunan nila at kung saan pa mauwi.

Gustong umiyak ni Rico nang mga sandaling iyon. Tumutol na naman ang kuya niya, lagi na lang. Pumasok na siya sa kanyang silid. Doon niya na hinubad ang sapatos niya at nagtanggal din siya ng pang-itaas na damit. Humiga siya sa kama at nag-isip.

“Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Mali nga siguro ito…”

Pinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Tahimik ang buong paligid. Nakabibinging katahimikan. Wala na siyang naririnig na anuman maliban sa tibok ng kanyang puso.

Dugdug dugdug… Ang tibok ng kanyang puso…

Tinanong niya muli ang sarili, “Kung hindi si Mildred, sino?”

May narinig siyang boses na nanggagaling sa kailaliman ng kanyang puso. Isang boses na pamilyar sa kanya.

“Kuya Rico! Kuya Rico!” naririnig niya ang pagtawag nito sa kanyang pangalan.

Hindi siya nagkakamali. Ang boses na naririnig niya ay ang boses ni Bernadette.

“Bunso…” bulong niya at bumalik lahat sa alaala niya ang mga nangyari noong nakaraan.

Naalala niya, bago niya matagpuan si Bernadette, gulong-gulo rin ang isip niya. Nang makita niya si Bernadette, takot na takot siya. Nang mailigtas niya si Bernadette, napalagay na siya. Nang makilala niya si Bernadette, lagi siyang nauutal kapag nagsasalita. Nang inihatid niya na ito, nakadama siya ng kalungkutan. Ano nga kaya… Ano kaya kung si Bernadette na lang? Kaso, makikita niya pa kaya ito? Hindi naman kasi niya alam kung saan ang bahay ni Bernadette.

Matapos ay isang katok.

“Pasok!” matamlay niyang sagot.

Narinig niyang bumukas ang pinto, tapos ay sumara. Binuksan niya ang kanyang mga mata at laking gulat niya nang makita si Bernadette sa ibabaw niya! Nakatayo ito at kung pagmasdan siya’y sobrang lapit ng mukha sa kanya.

“Hi, Kuya Rico!” nakangiting bati nito.

Nataranta si Rico, “A-a-anong ginagawa mo rito?”

Umayos ng tindig si Bernadette. Bumangon naman si Rico at tinakpan ng unan ang kanyang dibdib.

“Binibisita ka! Masama ba? Buti na lang at natandaan ko ang bahay ninyo.”
“T-teka, gabing-gabi na ha! M-mag isa ka lang?”

Umiling si Bernadette, “Kasama ko si mommy, nasa baba siya. Kausap niya nga ang mama mo e! Nagpunta kami rito para magpasalamat. Hmm. Alam mo na, nagpalipas lang ng ilang araw para bumalik si mommy sa katinuan. Hehe! Grabe yung iyak niya nung nawala ako e! May dala nga pala akong pasalubong.”

Hindi lubos akalain ni Rico na matatandaan pa ni Bernadette ang bahay nila at babalik pa ito para magpasalamat. Masaya rin siya ngunit nandiyan na naman yung kabang nararamdaman niya pag nakikita niya ito.

“A bunso, puwede bang lumabas ka muna?” pakiusap niya.
“Bakit? Pinapasok mo ako tapos palalabasin mo ako,” pagtatampo ni Bernadette.
“Sige na. Saglit lang, magbibihis lang ako. Maghintay ka na lang sa ibaba.”

Ngumiti si Bernadette, “A, ok kuya!” Lumapit siya sa pinto, inikot ang door knob at sinabi, “Baba ka ha!” Umalis na siya.

Naiwan si Rico sa loob. Hinawakan niya ang dibdib niya at naramdaman niyang ang bilis ng tibok ng puso niya.

“Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pag kaharap ko siya…” Mukhang hindi niya nagugustuhan ang nangyayari sa kanya.

Kinabukasan, sa Unibersidad. Magkakasama na naman ang tatlo, sina Arthur, Rich at Rico. Ikinukuwento ni Rich kay Arthur kung ano ang nangyari kagabi sa bahay nila at ibinibida niya ang ginawang pagliligtas ni Rico kay Bernadette.

“Biro mo, nangyayari pala talaga sa totoong buhay yun! Amazing! Akala ko sa mga pelikula lang yun makikita. Bakit nga pala ngayon ninyo lang naikuwento ito?” si Arthur ang nagsalita. Pinagkatuwaan niya si Rico, “Dapat ka pala tawaging super hero! Super Rico! Haha!”

Ngumiti bahagya si Rico, “Loko loko! Super Rico ka riyan!”

Kinahapunan, nang maiwang magkasama ang magkapatid ay humingi ng paumanhin si Rico kay Rich.

“Sorry, Kuya Rich. Sorry kung sinuway kita, kung naging matigas man ang ulo ko.”
“Hindi ka naman kasi nagpapaawat e! Sinusunod mo ang gusto mo, hindi ka nag-iisip. Kung tutuusin, malaki ka na, Rico. Dise nuebe anyos ka na, hindi ka na dapat pinagsasabihan pa. Dapat e alam mo na ang tama sa mali. Ang puwede sa hindi.”
“Alam kong may mali sa akin. Mali ang nararamdaman ko. Hahanapin ko ang sarili ko, kuya.”
“Sige, gawin mo kung ano ang nararapat. Naniniwala naman akong matalino ka. Nabubulag ka lang siguro. Oo, maganda si Mildred at marahil may nakita kang mga katangian sa kanya na wala sa iba pero hindi siya ang para sa iyo. Hindi puwede."

Binigyan siya ni Rich ng palugit na isang lingo upang makapag-isip at upang itama ang mga maling nagawa niya gaya ng pakikipagrelasyon kay Mildred. Sabi ni Rich, kailangang mailagay niya sa ayos ang lahat habang maaga pa para hindi na lumala ang sitwasyon. Para na rin hindi mag-iwan ng pilat ang sugat na ililikha ng kanyang maling hakbang.

Kinagabihan, usapang puso ang kanilang naging paksa. Naikuwento ni Rich na natitipuhan niya si Margarita Clemente, mas kilala sa palayaw na Rita, na ka-batch niya. Kilala ni Rico si Margarita dahil minsan na itong nangampanya sa klase nila noong nakaraang taon para sa pagiging Bise Presidente ng Student Government. Kung iyon ang liligawan ng kapatid niya, masasabi niyang boto siya rito.

Hindi na hiniling ni Rich na magkuwento pa si Rico tungkol sa love life dahil alam niyang wala itong ibang sasabihin kundi si Mildred. Pero nagulat na lamang siya nang tanungin siya nito ng,

“Kuya, anong tingin mo kay Bernadette?”

Matapos ibigay ni Rich ang opinyon niya ay napangiti siya dahil mukhang may ibig sabihn ang tanong na iyon at nararamdaman niyang may pinaplano na si Rico. Mukhang handa na nitong ilagay ang lahat sa tama.


oOoOo

tulog na q..

1:30 na pala..

: d o z e : 

Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
...walang header ehhhhh... basa nalang po kayo...
older post:
Sana Tinanong Mo Noon Pa... [1]

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
anyD    •reply Apr 22, 2008 @ 10:27 AM
 
: w a v e :  bb
mars4141    •reply Apr 22, 2008 @ 11:12 AM
 
Dugdug dugdug… Ang tibok ng kanyang puso…


ganon ba ang tibok ng puso?
  anyD    •reply    Apr-22-08@5:45PM
ganun kasi naririnig ko pag pinapakinggan ko yung tibok ng puso ni : s h u t u p : 

kaya sa tingin ko ganun : e s e p : 
etina0511    •reply Apr 22, 2008 @ 12:35 PM
 
naku la na q masabi ehehehe

keep on updating na lang
  anyD    •reply    Apr-22-08@5:45PM
speechlesz na.. : r o l l : 

sige po.. update ko na lang..
insanity41    •reply Apr 22, 2008 @ 3:18 PM
 
yee! ang tanung nlng pano ng break c mildred ska c rico.. ska pano nging cLa.. : h m m :  : h m m :  : e s e p : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@5:47PM
nagcomment po ikaw sa Chapter 8 di ba? : e s e p :  doon po nakalagay..
  anyD    •reply    Apr-22-08@5:47PM
nakalagay dun kung pano naging sila.. hehe.. nakalimutan na yata.. : b l u s h : 
  insanity41    •reply    Apr-23-08@5:13AM
ay bitin pla ung commnt.. dpat po nklgay dian.. "pano nging cla ni bernadette" patawad po..

haha.. hnd ku npancin.. : g r i n : 
  anyD    •reply    Apr-23-08@7:25AM
ah ganun po ba? malalaman natin yan sa pagdating ng iba pang Chapters : b l u s h : 
  insanity41    •reply    Apr-23-08@4:51PM
haha.. ge w8 ku po.. update k po b mmya?! : e s e p :  : ? 
dambalasik    •reply Apr 22, 2008 @ 5:48 PM
 
bitin n naman bhe. : h m m :  : h m m :  : h m m :  : h m m : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@5:52PM
aw.. di kasi pedeng ipost lahat.. sowee.. hintay na lang po ikaw ng kasunod..
  dambalasik    •reply    Apr-22-08@5:56PM
ang ganda kasi ng story. i love you bhe. : k i s s :  : k i s s :  : k i s s : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@5:59PM
thankz po.. :thanks:

at wak mo na ko tawaging "bhe" : g r i n : 
  dambalasik    •reply    Apr-22-08@6:03PM
ay galit. meorn ka ba ngayon? kasi mainit ang ulo mo eh. : c o o l :  : c o o l :  : c o o l : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@6:04PM
ahaha! di kaya mainit ulo ko.. : l o l : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@6:04PM
wuah.. mali yung code.. : c r y : 
  dambalasik    •reply    Apr-22-08@6:06PM
: l o l :  : l o l :  : l o l : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@6:12PM
ikaw kasi eh.. : ( 
  dambalasik    •reply    Apr-22-08@6:13PM
miz lang kita anyD. : k i s s :  : k i s s :  : k i s s : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@6:29PM
wow.. : b l u s h : 
  dambalasik    •reply    Apr-22-08@6:37PM
: h u g :  : k i s s :  : h u g :  : k i s s :  love you : k i s s : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@6:39PM
thanks for loving me.. sorry kung di ko masuklian..
  dambalasik    •reply    Apr-22-08@6:41PM
ok lang yun. ang mahalga post mo ang kasunod na episod. : l o l :  : l o l :  : l o l : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@6:44PM
: l o l :  sige, bukas
  dambalasik    •reply    Apr-22-08@6:46PM
ngayon na lang kasi. : m a d :  : m a d :  : m a d : 
misz_masungit    •reply Apr 22, 2008 @ 6:15 PM
 
nyhahaha...magbrereak na xila...toink...bkit naman...


eh kong mahal nila isat isa eh...hay naku! : ( 
  anyD    •reply    Apr-22-08@6:29PM
kasi.. magpinsan sila eh.. bawal yun di ba? : ( 
  misz_masungit    •reply    Apr-22-08@8:25PM
hindi rin..nyhahah!
ehhh bkit ung mga iba magkapatid nga eh
meron ba? nyhahaha
  anyD    •reply    Apr-22-08@9:53PM
ahaha! opo, magkapatid, merong ganun..

kaso.. kahihiyan sa pamilya yun.. konserbatibo pa naman daw ang mga kamag-anak nila Rich... : s a d n a n a : 
  misz_masungit    •reply    Apr-23-08@7:54PM
maniwala ka dun..ahaha
  anyD    •reply    Apr-23-08@10:52PM
: l o l : 

loka : b o p : 
LanceCape    •reply Apr 22, 2008 @ 6:45 PM
 
: s m i l e :  : s m i l e :  : s m i l e : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@7:39PM
: s m i l e : 
frann17    •reply Apr 22, 2008 @ 8:06 PM
 
: s m i l e :  hala, chapter 9 na pala
  anyD    •reply    Apr-22-08@8:14PM
opo, Chapter 9 na.. : k i s s : 
frann17    •reply Apr 22, 2008 @ 9:05 PM
 
amf!!! : c r y :  : c r y :  : c r y : 

more! more! : w e l g a : 
  eHm_mysELf1222i    •reply    Apr-22-08@9:27PM
aNU un?!., parang pocKet book?!., di cOh nibasa ..
: b o o k : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@9:49PM
bukas uli sis.. : k i s s : 
frann17    •reply Apr 22, 2008 @ 9:05 PM
 
tapos ko na mula ch.1 : l u v : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@9:51PM
tenx sis : b l u s h : 
frann17    •reply Apr 22, 2008 @ 9:06 PM
 
more!more!more!

: w e l g a : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@9:52PM
nagwelga pa.. : r o l l : 

bukas uli
aq06_best    •reply Apr 22, 2008 @ 9:09 PM
 
anyD nabasa ko ung music of love tsaka inlab ako kay top...mas maganda ung music of love...grabe ang drama... : n a u g h t y :  : n a u g h t y : 

: g a l e n g : 
  eHm_mysELf1222i    •reply    Apr-22-08@9:30PM
maganda tLAga?!.,

: w a l a l a n g : 

di cOh pa niBBsa eHH!., : p l a n t s a : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@9:51PM
pag may time ka po, basahin mo.. : b l u s h : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@9:50PM
oo nga eh.. nakita ko nga yung comment mo.. salamat sa pagbabasa..

mas marami nga ang may gusto ng Music of Love kaysa rito.. : m e c r y : 
  eHm_mysELf1222i    •reply    Apr-22-08@10:13PM
tLAga?!., BinaBAsa cOh na Nga eHH

KAiniZ LAng : m a d :  : m a d : 
kZ dMIng nTAwag sakin..

paranG di tULOy akO makaintinDeee.. : e s e p : 
sNA ngA LAng bawas bawas sa mga CAllers
: p r a y :  : p r a y :  : p r a y : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@10:21PM
basahin nyo na lang po pag di na kayo masyadong busy..

alis na ako : w a v e : 
  anyD    •reply    Apr-22-08@10:22PM
daming error ng Music of Love eh.. : m e c r y : 

unang beses ko lang po kasi gumawa ng story nun..
  aq06_best    •reply    Apr-23-08@5:41PM
: l o l :  : l o l : 

at nag : p r a y :  pa tlga... : n a u g h t y : 
eHm_mysELf1222i    •reply Apr 22, 2008 @ 10:44 PM
 
gUe ingat ,,,tngin cOh naman maganda un ehh : l u v : 
  anyD    •reply    Apr-23-08@7:03AM
sana nga po magustuhan ninyo.. : b l u s h : 
  eHm_mysELf1222i    •reply    Apr-23-08@5:22PM
owkEi

: k i s s :  : k i s s :  : k i s s : 
ceti_twinkle    •reply Apr 22, 2008 @ 11:16 PM
 
wawa nmn c mildred...kso mgpnsan nga cla...pnu kya un..?

hntay q nlng ung nxt..
  anyD    •reply    Apr-23-08@7:09AM
edi.. : b r o k e n : 
roxellemae    •reply Apr 22, 2008 @ 11:17 PM
 
anu ba un.. : m a d : 
bitin pa! : l o l : 
  anyD    •reply    Apr-23-08@7:06AM
wuahhh.. wak ka magalit : o k l a n g y a n : 
  roxellemae    •reply    Apr-23-08@11:28PM
wahaha..hindi ako nagagalit noh!
aq06_best    •reply Apr 23, 2008 @ 12:30 AM
 
back to the history... : n a u g h t y : 

ano na kaya ang susunod na mangyari? : ? 
  anyD    •reply    Apr-23-08@7:20AM
subaybayan na lang natin.. : g r i n : 
rosiejan    •reply Apr 23, 2008 @ 2:20 AM
 
are u sure ka na ba rico..,? (sabi ng bu2n..,)
  anyD    •reply    Apr-23-08@7:23AM
: l o l : 

sabi ba ng button yun? : r o l l : 
bebe_kakeru    •reply Apr 23, 2008 @ 3:32 AM
 
sure na ba yan? : l o l : 
  anyD    •reply    Apr-23-08@7:24AM
sure na! : l o l : 
frann17    •reply Apr 23, 2008 @ 1:35 PM
 
sis, bigay mo sakin link nung Music of LOve.. linsyak, may celeb crush pa man din akong top : l o l : 
  anyD    •reply    Apr-23-08@4:42PM
send ko na lang kaya sis sa e-mail add mo?! kasi meron ako yung mas maayos na copy ng M.O.L.. yung nipost ko kasi rito sa tcaf nirevise ko yun eh.. : e s e p : 

pero.. ito yung link niya sis. http://www.tristancafe.com/forum/109661

: b l u s h : 
yasmin13    •reply May 5, 2008 @ 11:07 PM
 
waww nmn.
soul searching ahh.
hahaha
  anyD    •reply    May-6-08@1:00AM
wee.. : c h e e r :  : c h e e r :  : c h e e r : 

la na ko masabi sis.. wee na lang.. : l o l : 
  yasmin13    •reply    May-6-08@9:52AM
: l o l : 
kleiokyut010    •reply May 20, 2008 @ 5:34 AM
 
nalulungkot aq...


bkt kasi bawal ang pisan to pinsan...

buti n lng ung crush ko...pinsan ng bestfriend ko...



nyahahaha..

ang swerte ko..


^_^
  anyD    •reply    May-21-08@1:36AM
: l o l : 

buti naman kung ganun po..
easle    •reply Jun 15, 2008 @ 12:52 AM
 
: c r y :  : c r y :  : c r y :  : c r y :  : c r y :  : c r y :  : c r y :  : c r y :  : c r y :  : c r y : 
  anyD    •reply    Jun-15-08@1:33AM
bakit ba sis? : o k l a n g y a n : 
easle    •reply Jun 15, 2008 @ 12:53 AM
 
ang daya mo rico.

i hate you

: r o l l : 
  anyD    •reply    Jun-15-08@1:34AM
: l o l : 

mas maiinis ka kay rico sa isa pang chapter dito
  easle    •reply    Jun-15-08@1:38AM
nabasa ko na ba : ?  : l o l :  : l o l :  : l o l : 
  anyD    •reply    Jun-15-08@1:46AM
uu nabasa mo na.. nakita kong may comment ka dun eh
  easle    •reply    Jun-15-08@1:51AM
: l o l :  : l o l :  : l o l :  uu nga : l o l : 
  anyD    •reply    Jun-15-08@1:53AM
kakainis naman c nobody

di man lang nagpapadala ng mensahe kung may nagcomment na..

nakasubscribe naman aq.. : m a d : 
yingying    •reply Aug 17, 2008 @ 10:14 PM
 
hala di ku feel si bernadette.. : h m m : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
...walang header ehhhhh... basa nalang po kayo...
older post:
Sana Tinanong Mo Noon Pa... [1]
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Some people will die for love, some will die because they lost it.

You need to be logged in to Facebook