tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Rhythm of Heartbeat
posted by (Mar 31, 2008 @ 9:32PM) views: 1492
: b o w :  _speech_ : b o w : 

ehemm.. ehemm..


hello po : w a v e : 

etoh na naman ako.. hehe..

matapos ng Music of Love at Naku, Lagot! Inlab Ako Kay Top One!..

(di ko na natapos yung Ang Medalyon at kahit may errors yung post ko.. may mga nagtiyaga pa ring nagbasa. salamat, salamat.

hmm. may kaunti nga pala akong binago sa Music of Love..)


..ay naghahatid na naman ng isang panibagong kuwento ng pag-ibig.

bali sequel toh ng Music of Love.. may mga nagrequest kasi nung nakaraang bakasyon na gawan ko raw ng kasunod.. ewan ko nga lang kung nandito pa sila para subaybayan ang kuwentong ito.. : e s e p : 

nawala na nga rin yung ibang writer na kilala ko.. : m e c r y : 

sana naman po magustuhan ninyo.. : p r a y : 

maraming salamat sa mga interesado..: t h a n x : 

oOoOo

Chapter 1

The Wishing Well


Ilang araw na ring binabagabag si Ellie ng kanyang mga panaginip. Mga panaginip na hindi rin niya maintindihan kung ano ang ibig ipahiwatig. Magdadalawang taon na nang pumanaw si Benjo, ang matalik niyang kaibigan. Pero sa kanyang mga panaginip, parang ito ay buhay at nasa paligid lamang.

“Benjo… Benjo…” kanyang nasambit at naramdaman niyang tumutulo ang kanyang mga luha; dumadaloy ito sa kanyang pisngi.

Nagising siya nang tumunog ang alarm clock na nasa tabi ng music box na ibinigay sa kanya ni Ivan. Dito niya nalamang oras na pala upang maghanda para sa pagpasok sa Unibersidad at sa taong ito, nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo sa kursong Bachelor in Secondary Education.

Bumaba na siya at nakitang nagluluto ng almusal si Neri, ang kanyang nakatatandang kapatid. Mas matanda ito ng apat na taon sa kanya.

“Good morning, little sister!” bati nito.

Little sister. Parang kailan lang nang siya’y labing anim na taong gulang pa lamang. Iyon ang unang pagpasok niya sa Unibersidad, maaga kasi siyang pinag-aral ng kanyang mga magulang. Kahit matalino siya, hindi naman siya na-accelerate.

Hindi na komportable pa si Ellie na marinig ang mga salitang iyon, ang “little sister”.

“Ate Neri, huwag mo na kaya akong tawaging little sister,” mungkahi ni Ellie.

Napahinto si Neri sa pagluluto. “Bakit naman?” tanong niya.

“A kasi, malaki na ako e! Parang ‘di na yata akmang matawag pa akong little sister,” sagot ng kapatid.

Bumalik rin si Neri sa pagluluto, “A basta! Kahit malaki ka na, kahit tumanda ka na at magkaanak kayo ni Ivan, tatawagin pa rin kitang little sister!”

Natawa si Ellie, “Haha! Magkaanak ni Ivan? Marami pa kaming bigas na sasaingin at kaning kakainin bago kami umabot sa ganyan!”

Naluto na ang almusal. Lahat ay dumulog sa mesa. Naghanda si Neri ng isang panalangin at pagkatapos ay nagkani-kaniyang subo na sila. Nang matapos kumain ay naghanda na sila ng sarili at sumakay sa kotse.

Dalawa ang sasakyan ng Pamilya San Luis. Ang isa ay gamit ng mag-asawang Arthur at Leda at ang isa naman ay gamit nina Neri at Ellie. Si Neri ang taga hatid-sundo ni Ellie ngunit minsan, kung mahuhuli gawa ng trabaho, si Ivan ang nagsusundo rito. Minsan din ay mag-isa si Ellie na umuuwi; malaki na naman siya, kaya niya na ang sarili niya.

Narating na ng magkapatid ang Unibersidad at bago bumaba ng kotse si Ellie ay hinalikan niya si Neri sa pisngi.

“I love you, big sister!” kanyang sinabi at bumaba na siya.

Naglakad siya sa mahabang daanang papasok sa Unibersidad. Walang masyadong estudyanteng pumapasok. Tumingin-tingin siya sa paligid. Nadadaanan na naman niya ang patag na sementong ito, nakikita ang mga poste at natatanaw ang mga punong pagkarami-rami. Nakita niya muli ang lugar na iyon, ang lugar kung saan sila nagtago ni Ivan noong pinagtangkaan ni Lex ang kanyang buhay.

Huminto muna siya at tinitigan sandali ang lugar na iyon. Matapos ay kumilos ng kusa ang kanyang mga paa na para bang hinihila siya papasok. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at kusang huminto ang kanyang mga paa.

“Ito na iyon,” sabi niya sa sarili. Nakatayo siya sa harap ng isang puno. Ito na siguro ang punong kanilang pinagtaguan noon. Bagama’t ‘di siya sigurado, sinasabi ng isip at puso niyang ito na nga iyon.

Teka, bakit nga ba siya nandito? Tiningnan niya ang kanyang relo, mag a-alas siyete pa lang. Alas siyete y medya pa naman ang klase niya kaya naisip muna niyang manatili.

Pinagmasdan ni Ellie ang puno. Wala naman siyang nakikitang espesyal dito ngunit nang naglakad siya paikot sa puno, napansin niyang may nakaukit dito. Hinawakan niya ito at kanyang binasa.

Mildred and Rico


Iyon ang nakaukit sa puno. Pangkaraniwan na namang makakita ng ganoon. Sa mga parke ay marami niyan at hindi na nakapagtataka kung pati rito sa Unibersidad ay mayroon niyan. Sino kaya sina Mildred at Rico? Marahil ay magkasintahan at sa dinami-rami ba naman ng may pangalang Mildred at Rico sa mundo, hindi niya na inintindi ito. Umalis na rin naman si Ellie sa lugar na iyon makalipas ang ilang minuto.

Maingay na naman sa Unibersidad. Palibhasa’y umpisa ng klase, may freshmen na naman. Noon ay isa lang rin siyang freshman. Ito ang unang pagkakataong nagkaroon siya ng mga taong maituturing na kaibigan. Ito rin ang unang pangkakataong umibig siya at nasaktan.

Nang ituon niya ang kanyang paningin sa tambayan, ibang tao na ang kanyang nakita. Wala na roon ang bandang Rascals. Nagsipagtapos na kasi ang mga ito sa kursong kinuha nila maliban nga lang kay Benjo. Alam ninyo naman ang nangyari ‘di ba? Ni hindi man lang nito natapos ang taon. Ang Backstabbers ay nagsipagtapos na rin. Maging si Neri na kanyang kapatid ay hindi niya na makakasama sa Unibersidad. Si Ellie na lang pala ang natira. Mag-isa niyang kahaharapin ang mga hamon sa loob ng Unibersidad.

Umupo siya sa dati nilang tambayan. Nang makaupo ay tumingin siya sa kanyang relo. Pakiramdam niya ay napakabagal ng oras. Limang minuto pa bago magsimula ang klase. Umusog siya ng kaunti nang may umupo sa kanyang kanang tabi. Kinuha niya ang kanyang cell phone mula sa kanyang bag nang tumunog ito. May text message siyang natanggap mula kay Iris, ang kapatid ng kanyang kasintahang si Ivan.

Nasan k?” tanong nito.
D2, nkaupo s tmbayan,” sagot niya. “Eh kw?” pahabol pa niya.
Nkaupo s tbi m.

Nang tumingin si Ellie sa kanyang kanan ay nakita niya si Iris. Bahagya siyang ngumiti. “Ikaw pala yung tumabi sa akin,” sabi niya.

“Hindi mo ako napansin?” tanong nito.

Hindi naman pala nag-iisa si Ellie dahil sa Unibersidad din pala nag-aaral si Iris at kumukuha ito ng kursong Nursing. Halata naman sa puting unipormeng suot niya at gaya ng kanyang kuya ay isa ring scholar sa Unibersidad. Nasa ikalawang taon na si Iris sa kolehiyo ngayong taon. Halos magkasing gulang nga lang sila ni Ellie at kung ‘di nga lang pinag-aral ng maaga si Ellie, malamang ay pareho silang nasa 2nd year.

Tumunog na ang bell na nangangahulugang umpisa na ng unang klase. Bago maghiwalay ay nakiusap si Iris kay Ellie.

“Ellie, mahihintay mo ba ako mamayang uwian? Mga alas sais, may pupuntahan kasi ako e! Gusto ko kasama ka.”
“O sige, wala naman akong gagawin mamaya. May oras naman ako para sa lahat ng bagay. Saan ka ba pupunta?”
“Basta, mamaya ko na lang sasabihin ha?”

Sumang-ayon si Ellie at naghiwalay na silang dalawa.

Habang nasa klase ay nag-iisip ng malalim si Ellie, “Mildred… Rico… Rico, Rico… Parang pamilyar…”

Lumipas ang ilang oras. Alas sais kinse na sa relo ni Ellie. Ang tagal niya nang naghihintay kay Iris. Napapaisip nga siya kung saan kaya sila pupunta.

Dumating na rin sa wakas si Iris. “Kanina ka pa ba? Pasensya na ha? Ang tagal kasi naming palabasin e!” paumanhin niya.

“Saan ba talaga tayo pupunta? Huhulaan ko, may date ka ano?”
“Ha? Anong date? Wala a!” tanggi nito. “Halika na Ellie, alis na tayo.” Naglakad na sila palabas.

Nangniningning ang ilaw ng mga poste sa paligid. Ang mga dahon ng mga puno ay sumasabay sa galaw ng hangin. Nang tumingin si Ellie sa langit, naroon ang bilog na buwan. Huminto sila.

“Bakit tayo nandito?” tanong niya kay Iris. Nandito kasi sila sa lugar na pinuntahan niya kaninang umaga.
“Itatanong ko sa iyo, Ellie, may isang bagay ka bang matagal nang minimithi sa buhay mo?”

Nag-isip si Ellie, “Hmm. Meron syempre.”

“Gusto mo bang makuha iyon?”
“A. Oo naman!” sagot niya, tila naguguluhan. Ano kaya ang ibig sabihin ni Iris?

Hinawakan ni Iris ang kamay ni Ellie at naglakad sila papasok sa lugar na iyon. Napakaraming puno sa paligid na parang nasa isang kagubatan sila. Bawat paghakbang nila ay lumalagatok ang maliliit na sanga at tuyong dahon. Nalagpasan na nila ang puno kung saan nabasa ni Ellie ang mga pangalang Mildred at Rico. Patuloy sila sa paglalakad na parang walang katapusan ang daan na kanilang tinatahak. Nang huminto si Iris ay huminto na rin si Ellie. Ngayon lang siya nagawi sa lugar na ito. Kitang-kita na kahit madilim na sa paligid ay maliwanag pa rin sa parteng ito. Marahil ay gawa ng sinag ng buwan.

Nagsalita si Iris, “Ellie, kung may bagay kang hihilingin, isang bagay na gusto mong makamit, maglabas ka lang ng barya. Kahit magkano! Tutuparin ng wishing well ang mga kahilingan mo.”

Wishing well. Oo, isang wishing well nga. Sa hitsura nito, matagal na sigurong naitayo ang wishing well na ito rito. Naglakad sila palapit sa wishing well at nakita ni Ellie roon ang maraming barya, ang iba ay nilulumot na. Tiyak na may mga nagpupunta rin dito bukod kay Iris.

Naglabas si Ellie ng piso at nang ihulog niya ito, hindi isang hiling ang inusal niya kundi isang katanungan.

“Sino sina Mildred at Rico?”

Lumubog na ang piso. Nadagdagan na naman ng barya ang wishing well. Natutupad nga ba talaga ang bawat hiling mo? Ano kaya ang kasagutang hatid nito?

OoOoO

: b l u s h :  salamat po sa pagbisita : b l u s h : 

: t a k a s : 

: s m o k e : 
: s m o k e : ~anyD~: s m o k e : 
: s m o k e : 

Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Panatang Maka – DoTA
older post:
'Vandalism' Chapter 6

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
dambalasik    •reply Mar 31, 2008 @ 9:45 PM
 
bitin. yung karugtong naman bhe. : k i s s :  : k i s s :  : k i s s : 
  anyD    •reply    Mar-31-08@9:57PM
ahahaha.. langya.. nandito ka na naman.. : l o l : 

kitamz una ka pa.. : k i s s : 
  dambalasik    •reply    Mar-31-08@10:21PM
oo naman. nag aabang ako sa post mo eh. tapos miz kita bhe. : k i s s :  : k i s s :  : k i s s : 
  anyD    •reply    Apr-1-08@9:48PM
nyahaha,, misz daw o!

wala akong load.. sensya kung di aq makareply.. : ( 
  dambalasik    •reply    Apr-1-08@10:46PM
miz na miz na miz na miz na miz kita bhe. sayo lang umiikot ang buhay ko. mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita ella sobrido. : k i s s :  : k i s s :  : k i s s : 
  anyD    •reply    Apr-2-08@2:49AM
nalunod naman ako sa mga salitang yun.. : d e a d n a n a : 
precious_joy05    •reply Mar 31, 2008 @ 10:03 PM
 
: l o l :  next sis.. : n a u g h t y : 
  anyD    •reply    Mar-31-08@10:10PM
bukas sis! : n a u g h t y : 

asar pinapalayas na ako ng kapatid ko.. : m a d : 

: s m o k e : 
  precious_joy05    •reply    Mar-31-08@10:24PM
: l o l :  gnun tlga,,...
  roxellemae    •reply    Mar-31-08@10:27PM
wehhh?!! anu ka! kanina ka pa eh!
  precious_joy05    •reply    Mar-31-08@10:31PM
: l o l :  : l o l :  ayn xa pla my ksalnan..
  roxellemae    •reply    Mar-31-08@10:44PM
haha... : l o l :  : l o l : 
geminier    •reply Mar 31, 2008 @ 10:17 PM
 
babasahin ko muna iba stories mo.. ; ) 
  anyD    •reply    Mar-31-08@10:20PM
nakaww.. eh.. dami pong errors niyan eh.. kaya nga nirevise ko..

pero sige po, kung mapagtyatyagaan mo po..

salamat

: t h a n x : 
anyD    •reply Mar 31, 2008 @ 10:20 PM
 
alis na po muna ko.. balik ako mamaya.. : w a v e : 
roxellemae    •reply Mar 31, 2008 @ 10:29 PM
 
elow! : w a v e : 
roxellemae    •reply Mar 31, 2008 @ 10:46 PM
 
ahh..kaya pala wishing well..ahehehe..cnu kaya ung mildred at rico na un????

aba..galing mung gumawa ah!!! : l o l :  : l o l : 

im proud of you sistah!!ahehe.. : c h e e r :  : c h e e r : 
  anyD    •reply    Apr-1-08@9:49PM
ay nahiya naman aq bigla.. : b l u s h :  : l o l : 
resemblance    •reply Mar 31, 2008 @ 11:31 PM
 
uy nakabalik na ang prinsesa : l o l : 
  anyD    •reply    Apr-1-08@9:51PM
prinsesa ka jan.. kuya Keane.. namisz kita wah.. : h u g : 
yasmin13    •reply Apr 1, 2008 @ 2:51 PM
 
yahoo!
neks na po ate : ) 
  anyD    •reply    Apr-1-08@9:52PM
sige sige yasmin.. : k i s s : 
rosiejan    •reply Apr 2, 2008 @ 2:15 AM
 
, nXt nA poUwH.,!

, mILdRed At RicO.,?!
  anyD    •reply    Apr-2-08@2:48AM
nasa Chapter 2 sis! : k i s s : 
misz_masungit    •reply Apr 19, 2008 @ 9:05 PM
 
woohooo..ganda xia... naalala ko na.. music of love pla un! ahihihih!!
  anyD    •reply    Apr-20-08@1:55AM
ito yung sequel ng M.O.L misz_masungit : w a v e : 
__einjhel__    •reply Apr 20, 2008 @ 3:16 AM
 
tpOsz na tOh.. next aman : l o l : 
  anyD    •reply    Apr-20-08@3:21PM
tenx sa pagbisita sis.. : t h a n x :  churi kung napasakit ko mata mo,, : s o r r y : 

: b l u s h : 
bebe_kakeru    •reply Apr 21, 2008 @ 12:15 AM
 
sis... hehehe
inuumpisahan ko nang magbasa!
nakow may bok 2 na pala e2.. =) : l o l : 
  anyD    •reply    Apr-21-08@9:14AM
sana subaybayan mo uli sis.. : k i s s : 
abbylei    •reply Apr 29, 2008 @ 8:01 PM
 
wuuHh..ganda nmn ng stowi..ehehe : r a z z : 
  anyD    •reply    Apr-29-08@9:45PM
weeee... salamat po : c h e e r :  : b l u s h : 
sayonaraLover    •reply May 2, 2008 @ 11:31 PM
 
: l u v :  wow... : l u v : 
  anyD    •reply    May-2-08@11:33PM
: w a v e : 

hello.. puro puso yang mata mo : l o l : 
mickeymawsh    •reply May 6, 2008 @ 1:51 PM
 
kakabisita ku lng tristan ulit..
nag change pla aku ng SN aku si FJM nung last... : g r i n : 
sana naalala mu pko... : s m i l e : 
  anyD    •reply    May-7-08@8:35PM
sis!!!! uu naman naalala pa kita.. buti at nakadalaw ka uli : h u g : 
kleiokyut010    •reply May 20, 2008 @ 4:20 AM
 
ayun oh...

auz pla ate!!!

danda!!!

: l u v : 
  anyD    •reply    May-20-08@4:21AM
wow.. salamat po! : t h a n x : 

sequel na po ito ng Music of Love e
cheska_31    •reply Jun 9, 2008 @ 4:23 PM
 
grabeeee....
kailangan ko pang bsahin ang music of love...
hehe. umpisahan ko na... hehehe lolz...
  anyD    •reply    Jun-12-08@6:05PM
: w a v e : 

elow po! ngayon lang po kayo napadaan..

uumpisahan nyo po ang MOL? weee.. : c h e e r :  : c h e e r :  : c h e e r : 

maraming salamat po : k i s s : 
easle    •reply Jun 14, 2008 @ 10:34 PM
 
wah : c r y : 


me namiss ako bigla. haha.

: b o o k : 

35 more epi to go : b l u s h : 
  anyD    •reply    Jun-15-08@1:26AM
sino raw namiss mo sis : n a u g h t y : 
  easle    •reply    Jun-15-08@1:30AM
si dadeh : ( 
  anyD    •reply    Jun-15-08@1:32AM
: e s e p : 

dadeh? c fafa marc? : ? 
  easle    •reply    Jun-15-08@1:36AM
uu : ( 
nerzgamz    •reply Sep 15, 2009 @ 5:56 PM
 
sawap aman bsahin nito...
hehehehe.. buti merong gnito sa tristan
boring na ksi sa Skul...
heheheheee...
nerzgamz    •reply Sep 15, 2009 @ 6:02 PM
 
kelan ba ko matutong mag navigate dito!??
haaaustt!!
kakaAZAr na ha!!
di ko mkita-kita ang Karugtong na to!!!

hehehehe... btw..
pagtyatyagaan ko tlga toh... : b o w : 
  anyD    •reply    Sep-15-09@10:14PM
http://www.tristancafe.com/forum/150333

ito po yung link.

nanjan na lahat,,

tnx sa pagbabasa.. : b l u s h : 
nerzgamz    •reply Sep 25, 2009 @ 6:53 PM
 
Ayun!!!
tapos ko nG basahin yung MUSIC OF LOVE!!!!
an LUPHET!!!!!

muntikan na kong UMiyak!!!
uy Mamats sa Link ha!!!
Love it!!!!! : n o t w o r t h y : 
  anyD    •reply    Sep-27-09@5:00AM
sa inyo din po.. salamat sa pagbabasa.. : t h a n k y o u : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Panatang Maka – DoTA
older post:
'Vandalism' Chapter 6
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
He should know that the great aim of every human being is to understand the meaning of total love. Love is not to be found in someone else, but in ourselves; we simply awaken it. But in order to do that, we need the other person. The universe only makes sense when we have someone to share our feelings with.

--Paolo Coelho

You need to be logged in to Facebook