|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
BANGIS! (Chapter 25)
Picture: http://img376.imageshack.us/my.php?image=bangiswk1.jpg
Panimula - http://www.tristancafe.com/forum/115100 Chapter 1 - http://www.tristancafe.com/forum/115212 Chapter 2 - http://www.tristancafe.com/forum/115340 Chapter 3 - http://www.tristancafe.com/forum/115457 Chapter 4 - http://www.tristancafe.com/forum/115598 Chapter 5 - http://www.tristancafe.com/forum/115708 Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/115708 Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/115927 Chapter 8 - http://www.tristancafe.com/forum/116033 Chapter 9 - http://www.tristancafe.com/forum/116207 Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/116385 Chapter 11 - http://www.tristancafe.com/forum/116854 Chapter 12 - http://www.tristancafe.com/forum/117185 Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/117520 Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/117870 Chapter 15 - http://www.tristancafe.com/forum/118331 Chapter 16 - http://www.tristancafe.com/forum/119308 Chapter 17 - http://www.tristancafe.com/forum/119548 Chapter 18 - http://www.tristancafe.com/forum/120414 Chapter 19 - http://www.tristancafe.com/forum/120543 Chapter 20 & 21 - http://www.tristancafe.com/forum/121173 Chapter 22 - http://www.tristancafe.com/forum/121477 Chapter 23 - http://www.tristancafe.com/forum/122632 Chapter 24 - http://www.tristancafe.com/forum/123642 CHAPTER 25 Patuloy ang paghagupit ng tila bagyong kapangyarihan ni Lareena. Wala ni isa sa mga kawal ang makalapit sa kanya. Napakalakas ng pagbugso ng pinaghalong hangin at tubig. Lahat ay nabuwal sa tindi ng kapangyarihang iyon. Nang makitang nahihirapan na ang mga kawal ay ibinaba nito ang kamay at sa isang iglap ay tumigil ang pagbugso ng kapangyarihan. Nakangiti ito at tila nasisiyahan sa nakikita. Ang paghihirap ng kawal ni Freya. Kakaibang kasiyahan ang kanyang nadama ng ipamalas niya ang kanyang lakas. Lalo pang nakadagdag ang dahan-dahang pagtayo ng mga kawal mula sa pagkakabuwal. Tila nasalanta ng bagyo. ‘Ngunit kulang pa ito’. sa isip niya. Muli niyang itinaas ang mga kamay. At maya-maya lamang ay lumutang sa hangin ang mga butil ng tubig. Unti unting humugis iyon na tila isang patalim at sa isang iglap ay naging matigas na parang bakal iyon. Daan daang patalim. Nakalutang ito sa bandang likuran ni Lareena. Nakahandang lumusob sa anumang oras na naisin niya. Tila mga patalim na nakalutang sa hangin. Takot ang mga kawal sa nakita. Uulan ng matatalim na tubig. Tiyak na hindi sila makaka-iwas sa paglusob na iyon. Matamang pinagmasdan ni Lareena ang mga kaaway sa kanyang harapan. Waring nasisiyahan siya na makita ang takot sa mukha ng mga kawal. Maya-maya pa’y muli niyang itinaas ang mga kamay. Hudyat ito upang pakawalan ang patalim na tubig. Binalot ng takot ang mga kawal. Wala silang maisip na gawin ngunit handa sila sa anumang mangyayari. Dahan dahang gumalaw ang mga patalim na tubig. Tumutok iyon sa mga kaaway. Biglang ikinumpas ni Lareena ang mga kamay at sa isang iglap ay lumusob ang mga patalim. Mabilis iyon. Walang nagawa ang mga kawal kundi yumuko. TSUG! TSUG! TSUG! Ilang ulit na narinig iyon. Sunud-sunod. Katahimikan. Natapos ang paglusob ng mga patalim na tubig. Unti-unting bumangon ang mga kawal. Lahat ay nagtataka. Wala ni isa man lang sa kanila ang nasugatan. Tumingin sila sa paligid. Tila nadagdagan ang kadiliman. Nagulat sila sa matataas na punongkahoy na nakaharang sa kanilang harapan. Maging si Lareena ay nagulat sa nakita. “Ako ang harapin mo!” tinig ni Raima.. Nakalutang ito sa hangin sakay ng kanyang mahiwagang dahon. Unti-unting lumubog sa lupa ang mga puno sa harapan ng mga kawal. Natuwa ang mga ito. “Raima. Ang tagapangalaga. May hawak ng kapangyarihan ng mga puno at halaman” ani Lareena. “Magaling! Mabuti naman at gaganahan akong makipaglaban. Ang mga kawal ninyo ay mga walang silbi.” Dugtong pa nito. “Ibigay mo ang lahat ng kaya mo!” Itinutok ni Lareena ang kanyang mga kamay kay Raima. “kung ganon, simulan naaaa!!!!” sigaw nito at nagpakawala ng matutulis na tubig. Papunta sa kaaway. Sunud-sunod iyon. Mabilis namang iniiwasan ni Raima ang mga iyon. Sakay ng kanyang dahon, lumipad itong pataas habang umiiwas. Sinundan naman ito ni Lareena. Nang maiwasan ang lahat ng patalim na tubig ay humarap si Raima kay Lareena ngunit nabigla siya. Halos isang dipa na lamang ang lapit nito sa kanya. Napansin niya ang espadang tubig sa kamay nito. Nakatutok sa kanya. Akmang isasaksak ito ni Lareena kay Raima ngunit naiwasan ito ng dalaga. at sa isang iglap ay nabuo ang isang latigong tinik sa kanyang kamay. Mabilis niyang inihampas iyon kay Lareena. Nagulat naman iyon ngunit nakaiwas sa paglusob ni Raima. Kapwa sila dumistansya sa isa’t isa. Sabay na nakikiramdam ng susunod na paglusob. Biglang lumitaw sa isa pang kamay ni Lareena ang isa pang espadang tubig. Ngayo’y dalawang kamay na nito ang may matalim na panlaban. Si Raima naman ay nagpalabas ng panangga sa kabilang kamay. Yari ito sa kahoy at mga dahon. Sa kabilang kamay nito ang latigong tinik. Nakatingin sila sa isa’t isa. Mata sa mata. Mabilis na sumugod si Lareena. Nakaumang ang dalawang espada kay Raima. Sinalubong naman ito ng dalaga at humanda sa depensa. Inundayan ng saksak ni Lareena si Raima ngunit nasalag nito ang kanyang sandata. Palitan sila ng paglusob at pag-iwas habang nakalutang sa hangin. Manghang pinanonood iyon ng mga kawal. “Mga kawal!!! Sugoooood!!” sigaw ni Majud at nagsigawan ang mga kawal. Lumakad ito patungo sa kampo ni Ameesha. Narinig iyon ni Lareena. ‘hindi pa sila maaaring sumugod, kailangang mapigilan ko sila’ sa isip niya. Ngunit mabilis ang bawat pag-unday ng espada ni Raima. Hindi siya maaaring kumurap man lamang. Patuloy ang kanilang sagupaan ng biglang lumipad ng mataas si Lareena. Umiwas siya kay Raima at pagkuwa’y mabilis na bumulusok paibaba papunta sa mga kawal. At nang malapit na ito’y muling itinaas ang kamay at lumabas ang napakaraming matutulis na tubig. Nakatutok iyon sa mga kawal. Napakabilis ng pangyayari at tila hindi namalayan iyon ni Raima. Sumunod siya kay Lareena. Bumulusok din ito pababa sakay ng kanyang mahiwagang dahon. Nakataas ang kamay ni Lareena. Sumigaw si Majud at inutusan ang mga kawal na gamitin ang mga kalasag. Mabilis namang sumunod ang mga ito at nagtipon-tipon at nagtago sa kanya-kanyang kalasag. Nakahanda na si Lareena upang pakawalan ang mga punyal na tubig. Ibinigay na nito ang hudyat at biglang gumalaw ang mga ito. tila iisa lamang ang ikinikilos. Lahat ay nakatutok sa mga kawal. Nang bigla’y naroon si Raima sa kanyang likuran. Inundayan siya ng latigong tinik sa likuran. Bumaon ang talim ng tinik sa kanyang likod. Ramdam niya iyon at nawaln ng kontrol ang kanyang paglipad ngunit mabilis niyang binago ang direksyon ng mga punyal na tubig habang bumabagsak paibaba sa lupa. Napunta ito kay Raima. Agad namang sinalag niyon ng dalaga ngunit hindi lahat ay naiwasan niya. PSK! PSK! PSK! Tatlong punyal ang humagip sa kanyang mga braso. Nawalan ng kontrol ang kanyang paglipad. Halos sabay silang bumagsak sa lupa. Kapwa sila bumangon at muling lumipad sa himpapawid. Minadali ni Lareena ang paglusob gamit ang kanyang espada at muli silang naglaban. Sinamantala ng mga kawal ni Freya ang pagkakataon at patuloy silang lumusob hanggang marating nila ang pinto ng kaharian ni Ameesha. Bahagya nang nakapaghanda ang mga kawal doon at nakahanda na rin sa pakikipaglaban. Labis na nag-alala si Lareena dahil hindi niya napigilan ang paglusob ni Freya. Hindi kasi naging madali sa kanyang pigilan si Raima sa bawat atake nito. napasok na nila Freya ang kampo ni Ameesha. Lumabas na rin sina Roshnan at Sharukh. Ang apoy at ang hangin. Maging si Ameesha aylumabas upang makipaglaban. Naging magulo na ang labas ng kaharian. Lumaban na ang mga kawal ni Ameesha sa mga kawal ni Freya. Bawat isa ay naghahanap ng makakalaban. Nagliliparan ang mga sibat at kanya kanyang unday ng espada. Nakalutang sa hangin sina Ameesha at ang dalawang pwersa nito. matamang pinanonood ang kaguluhan. Tila nangingilid ang luha ni Ameesha. Hindi niya ito nais ngunit kailangan niyang lumaban para sa kanyang paniniwala. Tumingin siya kay Sharukh at sumenyas. Tumango ang binata at bumaba ng bahagya. Itinaas ang mga kamay at biglang nagpalabas ng pwersa. Isang malaking bolang apoy! Wala ni isa man ang nakapansin doon dahil abala sa pakikipaglaban. Biglang ihinagis iyon ni Sharukh pababa sa mga naglalaban. Napakalaking bolang apoy niyon at tiyak na walang makakaligtas sa pwersang iyon. Mabilis na bumaba ang apoy patungo sa mga kawal na walang kamalay-malay sa mangyayari. Nang biglang napatingala ang isa sa mga kawal. “ILAAGGG!!!” sigaw nito. at tila nakuha ang atensyon ng karamihan at sabay-sabay na napatingala. Nakita nila ang papalapit na higanteng bolang apoy, ngunit huli na upang makaiwas pa. papalapit na ito sa kanila. Ito na marahil ang kanilang katapusan. Halos lahat ay napayuko. Natigil ang labanan. Ngunit biglang nabago ang direkyon ng apoy. Lumihis ito at dumaan lamang sa lahat. Sa may gawing silangan ito bumagsak at nagkaroon ng isang malakas na pagsabog. Nagtaka si Sharukh, at hindi niya malaman kung sino ang may kagagawan niyon. “Isa kang hangal Sharukh!” tinig ni Ameesha habang papalapit sa binata. “Hindi mo naisip na pati ang ating mga kawal ay masasawi sa gagawin mo?” “Pero nakahanda naman sila sa mangyayari. Hindi na dapat pagtagalin pa !” ”Isa kang hangal!” at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng binata. “Tauhan pa rin natin sila!” “Para kay Reyna Ameeshaaaa!!!!” sigaw ng isang alagad at sinundan iyon ng malakas pang sigawan at muling natuloy ang labanan ng mga kawal. Si Sharukh ay natahimik at humingi ng tawad kay Ameesha. Ngunit agad naman itong napatawad ng reyna. Muling nagsimula ang kaguluhan. Nagpalabas si Sharukh ng maliliit na bolang apoy at tumingin sa ibaba. Sinipat ang mga kawal ni Freya at tinantya ang paglusob na gagawin. Tiniyak niyang ang mga kaaway lamang ang tatamaan. Iniangat niya ang kanyang kamay at akmang titirahin ang mga kawal ng biglang may kung anong pwersa ang tumama sa kanyang dibdib. Matigas na bagay iyon. Namilipit siya sa sakit. Biglang naglaho ang apoy na kanyang nilikha. Nakita niyang bumagsak ang isang piraso ng bato mula sa kanyang dibdib. Halos kasinlaki ito ng kanyang ulo. Nagulat siya at hinanap ang pinagmumulan ng batong iyon. Sa di kalayuan ay nakangiti sa kanya si Mallika. Nakalutang din ito sa hangin at kumindat pa ito ng magtama ang kanilang paningin. Labis na ikinagalit iyon ni Sharukh. Bahagya siyang lumapit sa kinaroroonan ni Mallika at gumawa ng apoy sa kanyang mga kamay. Itinaas nya iyon sa kanyang harapan at sumambulat ang napakalakas na apoy patungo sa direksyon ni Mallika. Hindi ikinagulat ni Mallika ang ginawa ni Sharukh. Bagkus ay gumawa siya ng isang makapal na usok ngunit nahagip iyon ng apoy ni Sharukh. Tumagos ang apoy hanggang sa likod. Lihim na ngiti si ang binata. At unti-unting napapawi ang usok. Ngunit ikinagulat iyon ni Sharukh. Wala si Mallika. Naglaho itong parang bula. At bigla, sa kanyang likuran, isang bato ang tumama sa kanya. Humagis siya at bumangga sa isang puno at tuluyan nang nawalan ng kontrol sa paglipad at bumagsak sa lupa. Nakangiti si Mallika habang papalapit sa kanya. “Yun na ba ang kapangyarihan mo?” anito. “Isa kang traydor!” mataas ang boses ng binata habang tumatayo. “Traydor? Dahil hindi tumama ang apoy mo sa akin? Hahaha!” may pang-aasar na sabi nito. “Kayang-kaya kitang tapusin!” ani Sharukh. “At ikaw? Hindi ko kayang tapusin? Pasalamat ka dahil pangatlong buhay mo na yan! Dalawang beses nang tumama ang mga bato sa katawan mo. Paano kung espada ang inihagis ko sa iyo?” ani Mallika at natahimik ang binata. “Bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon… Sugod na!” Muling lumutang sa hangin si Sharukh. Magkatapat na sila ngayon. Mata sa mata. Muling nag-apoy ang mga kamay ni Sharukh. “Simulan mo na!” nakangiting sabi ni Mallika. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
idol pagwa naman comment oh!!!
![]()
shinobi0911
•reply
Oct-2-07@4:28AM
hmm... about the girl of my dreams... kahit gusto kong mapalapit sa kania... para naman siang lumalayo.... hehehe sana makagawa ka idol!!!
jeddsteelhead
•reply
Oct-2-07@4:43AM
i will try... haba pa ng pila... hindi ko pa naasikaso eh.. busy sa work...
,`
foR u ![]()
jeddsteelhead
•reply
Oct-2-07@4:43AM
ah... ok!!!
pero parang iba ang dating eh! ![]() anyway, eto na lang para sayo
parang valkyrie profile! parang war of the gods ang dating! (isa yung psx game. actually may prequel siya sa ps 2.)
jeddsteelhead
•reply
Oct-3-07@8:47PM
ay ganun? wala akong hilig sa mga games sa pc eh... i'll try and check it...
jeddsteelhead
•reply
Oct-6-07@10:48PM
kahit na ano.. basta hindi ako mahilig jan... ni hindi ko nga tiningnan man lang yung psp na pinabili sa akin ng kapatid ko.
resemblance
•reply
Oct-9-07@12:57AM
ganun?
pero oks ding maglaro paminsan-minsan lalo na kung ang mga lalaruin mo ay yung mga rpg (role playing games) pero not necessarily yung mga on line rpgs (wala namang kuwento ang mga larong yun) maganda kasi para ka na ring nanonood ng pelikula dahil sa story
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories sEmAj_0711, btchybratinella, chry_01, 2late, babytaz_0124, iane, jenny_santos2282, zurfc, hydy, _lituhin_, loveless09, airspeed101, itadakemasu, and 54 guests |