|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
50 by YHOTSKI
Last Friday ngayon ng buwan ng Setyembre. At dahil sa panata ko na talaga ang magsimba sa Quiapo kapag ganitong araw, pagkatapos ng misa, may naisipan akong gawin na hindi ko pa nasusubukan sa buong buhay ko, "Magpahula." Wala naman sa puso ko ang pagpapahula. Gusto ko lang masubukan, baka kasi sakaling mabago ng manghuhula ang takbo ng buhay ko. Maraming matandang babae ang nakaupo sa lilim ng mga payong ang naghihintay sa gilid ng Plaza Miranda na kung tawagin ay Manghuhula. Pagkalapit ko sa isang Lola, bumulaga na kaagad sa dalawa kong mata ang nakalatag na maliit na kahoy na lamesang kinumutan ng telang pula. Sa ibabaw ng lamesa ay may isang piraso ng illustration board na may naka-drawing na malaking palad. Nakasulat ang mga katagang: HOROSCOPE, PUNSOY, BAD SPIRIT, FAITH HEALING, GAYUMA, HIDDEN SECRET, AGIMAT, at iba pang serbisyong handog ng matandang manghuhula. Bukod doon, meron pang ibat-ibang klase ng baraha ang nakapatong sa ibabaw. Manghuhula: "Totoy, papahula ka?" Gusto ko sanang sabihin kay Lola na bente-dos anyos na'ko. hindi na ako karapat-dapat tawaging Totoy. Pero naalala kong kabastusan pala ang sumagot sa nakakatanda. Ako: "Opo!" Manghuhula: "Ano gusto mong ipahula?" Ako: "Gusto ko po sanang ipahula kung anong mangyayare sa buhay ko sa hinaharap." Pero bago nya ako hulaan, ipinakita nya muna sa'ken ang tatlong klase ng baraha na ginagamit sa panghuhula. "Itong ordinaryong baraha [pinakita ang baraha] ay P50 pesos lang" "Ito namang tarot cards [pinakita ang tarot cards] ay P100 pesos " "At ito namang [pinakita ang pangatlong baraha na nakalimutan ko ang pangalan] P200 pesos naman" Walangya!! Doon pa lang sa mga klase ng baraha, mahahalata mo nang "chogan" ang gagawin nyang panghuhula sa'ken. Naisip ko tuloy, ibat-iba ba ang hulang lalabas kung ibat-ibang baraha ang gagamitin? Pero hindi ko na 'yon binigyang halaga. Ang gusto ko lang naman yung marinig ang mangyayare sa buhay ko sa hinaharap na lalabas sa hula nya kahit na alam kong nakikipaglokohan lang ako sa kanya. Pinili ko yung "ordinaryong" baraha. Matapos nyang umastang bangkero katulad sa Casino at sa mga saklang napapanood ko, bigla nyang hinawakan ang dalawang palad ko at masaya akong tinitigan sa mga mata. Sa puntong 'yon, kinabahan ako. (Magpo-prupose na yata sa'kin 'tong matandang 'to.) Bukod sa mga ilan nyang payo sa'ken, sa totoo lang, wala namang kakaibang hula sa'kin ang matanda. Hindi pa nga nagkakatugma ang ilan niyang mga hula. Nabigla pa nga ako sa kanya ng sabihin nyang hindi raw kami magkakatuluyan ng kasalukuyan kong minamahal. Ang makakatuluyan ko daw,e yung babaeng matagal ko nang pinapangarap. (Ayon pa sa kanya) dahil sa bilugan ang aking mukha, na naikumpara nya sa barya, na ang ibig sabihin daw ay pera, aasenso "raw" ako sa buhay at dadami ang aking pera. Buti hindi nya ako sinabihan na mukhang pera. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong malaman nyo na sumamblay sya sa hula sa'kin. (Hindi ko na lang binanggit sa kanya) Dahil wala pa akong gerlfrend sa ngayon. Tungkol naman sa "makakatuluyan" ko. Aba! Aba! Aba! Napaka-swerte ko naman talaga kung ganon!! Isipin mo ba naman, yung matagal ko nang pinapangarap na Hollywood Actress na si Kate Beckinsale MAKAKATULUYAN KO?!? hayyy bohayyy! Kapag sinuswerte ka nga naman talaga oh! =p Nakakatawa talaga pakinggan ang hula sa'ken. Mukhang maski isa, walang tatama. Kung sa bagay, kaya nga tinawag na "HULA" eh. At gaya nga ng sinabi ko kanina, wala sa puso ko ang pagpapahula. Ni hindi nga ako ako naniniwala sa mga ganyan kahit pa samahan nila ng "special effects." Nagpahula lang ako para makahanap ng kausap na magpapalakas ng aking loob sa kinakaharap kong pagsubok. "Lola. bayad po!" P50 Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Hahaha.
Nagpahula na rin yata aq. Sa Uncle q. Hindi naman xa gumamit ng cards. Pinakuha niya lamang aq ng papel na malinis at pilot na ballpen. Isulat ko daw ang birthday ko at full name q. Isinulat q xa sa pinakamagandang penmanship q. ang galing ni Uncle sa Math. duon lng aq nakakita ng dalawang equal signs sa isang expressions at by digit ang add at minus pero puro ones lang. Oh diba kahit ikaw naguluhan. Hahaha. Tapos yun na nga. Katulad ng sau. Puro PAYO para sa hinaharap at sa kasalukuyan. Panay ang tango ko. Hindi dahil sangayon aq kay Uncle. Ibig savhn nun eh "Talaga lang Ha!" Sav pa nga ni Unlce huwag daw aq magsuot ng gold na alahas. Silver lang daw. (malamang silver lang yun lang kaya q bilhin eh.) Ang pinagtataka q. ASAN na c Uncle? sori po. napakwento lang. hindi q na i22loy. matatabunan post mo weh.
nabola ka, nakaltasan ka ng 50.
hindi rin ako naniniwala sa mga ganon. life is what we make it ![]()
SI yotski ba ngsulat nito? ngaun q lang 2 nbasa ah..
Galeng tlaga nya. sya lang ang tanging nasu2lat d2 n binablikbalkan ko. Ang pnaka gus2 kong post nya yng Avidfan ni Peter Pan. ganda pagkksulat nya don.. Tsaka yung Yer So Special. isang post nya yta pra sa crush nyang gurl na d2 nya lang nakilala sa Tristan. Galeng Galeng Yhotski Sana makilala q sya balang araw. ANo kyang itsura nya.. Salamat sa pagrepost Mr. TOmsawyer
hehehehe ang cute nman,,prang mag po proposed ba c lola ng hinawakan ang mga palad mo
it makes me smile ear to ear:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories bad_blue_girl7, IFUGAO, allsmiles, sickgirl, seven_11, arnie34, mishka_burton, shahani_unsweet, _blackdemonangel258_, and 44 guests |