tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
BANGIS (Chapter 24) Simula na ang gera sa Jumeda!!
posted by (Sep 26, 2007 @ 6:28AM) views: 845
Chapter 24

Nakatayo silang tatlo sa tapat ng isang malawak na karagatan. Tahimik ang pag-alon nito at halos hindi gumagalaw. Napakalinaw ng kulay luntiang tubig niyon.
“Bago ko tuluyan ipaaalam sa iyo ang kinaroroonan ng bukal ng kasagutan, nais kong marinig muli ang pag-sang-ayon mo tungkol sa isang tanong mula sa akin, Biel” muling sabi ni Krizes. Ilang ulit na niya itong binabanggit sa binata kanina habang naglalakbay sila papunta sa karagatan.
“Pangako yan Krizes!” ani Biel. Tumingin sa karagatan ang dalaga at tila may hinahanap. Nasa gitna ng dagat ang kanyang paningin.
“Mula dito ay bagtasin mo ng patuwid ang laot. Sa ginta niyan ay may makikita ka ng tila kumikinang na liwanag mula sa ilalim ng tubig.” At itinuro ng isang kamay ang gitna ng tubig. “Sundin mo ang liwanag na iyon dahil iyon ang makapagtuturo ng tamang daan patungo sa bukal.” Tumango-tango si Biel habang nakikinig. Sandaling tumigil at tumingin kay Iko.
“Biel, kailangan mong mag-ingat. May naghihintay na panganib bago mo marating ang bukal. Ang halimaw ng dagat. Ang bantay ng bukal.” Dagdag ni Krizes
“Mag-ingat ka Biel, sana ay magtagumpay ka. Sana’y matuklasan mo ang mga katanungang bumabagabag sa loob mo.” Si Iko.
“Sana nga Iko, sana.” Ani Biel. “Nais kong malaman ang kaguluhang bumabalot sa Jumeda at ang tungkol sa aking katauhan.” Dagdag pa ni Biel at tumingin kay Krizes. “Binibini, ano ang nais mong itanong sa bukal?” tumingin ang babae at nag-isip. Saglit na tumigil.
“Katulad ni Karana, nararamdaman ko ring mayroong ibang kinahuhumalingan ang aking asawa. At nais ko ng malaman kung sino iyon.”
“Pero alam mo kung ano ang kinahinatnan niyon.” Ani Iko.
“Hindi ko gagawin ang ginawa niya. Ibibigay ko ang aking asawa ng kusang loob.” Unti-unting pumatak ang luha ni Krizes.
“Krizes, bilang pagtanaw ng utang na loob, tutuparin ko ang aking pangako.”
“Salamat.”
“Mauna ka na kay Freya” ani Biel kay Iko.
“Hindi maaari. Hihintayin ko ang iyong pagbabalik. Hindi nila dapat malaman ang lahat.”
“Ako rin ay maghihintay dito.” Ani Krizes. “Alam kong magtatagumpay ka Biel.”
“Kung iyan ang inyong kagustuhan, sige, aalis na ako.”
Bigla itong nag anyong lawin at lumipad patungo sa gitna ng karagatan. Kapwa pinapanood nila Iko at Krizes ang paglayo nito sa kanila. Nakita rin nilang muling nagbago ang anyo nito at naging isang dambuhalang pating ng marating ang pusod ng dagat bago tuluyang sumagi ang katawan nito sa tubig.


PAPALAPIT NA ANG GRUPO ni Freya sa kampo ni Ameesha. Tulad ng kaharian ni Freya, ang kampo ni Ameesha ay nakatayo sa gitna ng malalim na bangin. Ngunit ang bangin na iyon ay may tubig di tulad ng kay Freya na wala. Lalong nabuhay ang kasabikan ng mga kawal habang lumalakad papalapit. Lalong lumakas ang kanilang pagsigaw. Lalong umingay ang buong paligid. Nang biglang lumitaw sa kanilang harapan si Lareena. Nakalutang ito sa hangin. Nasa likuran nito ang kaharian. Nakangiti sa lahat at tila kampante lamang at walang takot na nababasa sa kanyan mukha. Natigilan ang lahat.
“Hinahamon nyo ba ang pwersa ni Ameehsa?” aniya. Lumakas ang sigaw ng mga kawal.
“Tapusi syaaaa!!” sigaw ni Majud. At biglang nagliparan ang mga sibat patungo kay Lareena. Ngunit bago pa tuluyang makalapit iyon ay itinaas ng dalaga ng mga kamay at ang tubig sa kanyang likuran ay tumaas at humampas sa mga nagliliparang sibat. Gimbal ang mga kawal.
“Iyan ba ang lakas na inaasahan ninyong tatapos sa akin?” muling ngumiti ang dalaga.
“Palusubin ang mga Vulpes!” muling sigaw ni Majud. Sa isang hudyat ni Majud ay biglang naglundagan papalapit kay Lareena ang mga dambuhalang Vulpes.

Tila hayok na hayok na lumusob ang mga Vulpes kay Lareena. Napakarami niyon at sunod-sunod na sumunggab sa dalaga. ngunit bawat paglusob ay naiiwasan niya. Malaking bagay din ang paglutang niya sa hangin. Hanggang sa tumaas pa ang kanyang paglipad at hindi na maabot ng mga Vulpes.
“Hahaha! Mga walang silbi! Hindi nyo ba alam na kaya ko kayong tapusin lahat?” muli nitong itinaas ang kamay at mula sa kung saan ay nagliparana ng matutulis na tubig na pinatigas ng kapangyarihan ni Lareena.
Psk! Psk! Psk!
Bawat paglapag niyon ay gumigilit sa leeg ng mga Vulpes. Isa-isang nangisay ang mga iyon. Hindi pa nasiyahan ang dalaga at humulma ng dalawang tila espadang tubig sa kanyang kamay. Bumaba ang mabilis nitong paglipad at sumugod sa mga vulpes. Nagtatalsikan ang mga dugo ng mga vulpes na kanyang nadadaanan. Ang iba’y bigla na lamang nahahati sa dalawa ang katawan. Iba’t ibang direksyon ang kanyang paglipad at sa bawat sugod niya’y isa o dalawang vulpes ang namamatay. Gimbal na pinanonood iyon ng mga kawal. Itinaas ni Majud ang kanyang kamay hudyat ng panibagong paglusob. Pagbaba nito’y biglang nagliparan ang mga sibat patungo kay Lareena. Nagulat ang dalaga. Hindi niya inaasahan ang paglusob na iyon. Papalapit na ang mga sibat sa kanyang katawan.
Sa isang iglap ay umikot ng mabilis si Lareena. Kasabay ng pag-ikot ng katawan niya ang malaking ipo-ipong tubig. Tinangay ang mga sibat ng tubig na iyon. Nasa ginta nito si Lareena na ngayo’y nakalutang sa hangin. Tumigil na siya sa pag-ikot ngunit patuloy pa rin ang ipo-ipong tubig. At sa isang kumpas ng kamay ay biglang bumuhos na tila napakalaking alon ang tubig na iyon. Natangay ang mga kawal.

Sa di kalayuan ay matamang pinagmamasdan nina Freya at ang lakas ng Jumeda ang pangyayari. Pinag-aaralan nila ang pagkilos ni Lareena. Kanina pa nais sumugod ni Mallika ngunit pinigilan ito ni Apo Shankar. Kailangan daw nilang makita ang tunay na lakas at matunton ang kahinaan ni Lareena.
“Mauubos ang ating mga kawal! Hayaan nyo na akong harapin sya!” ani Mallika kay Freya. Saglit na nag-isip ang reyna at tumingin kay Apo Shankar.
“Ibalato nyo na sya sa akin!!” matigas na tinig ni Raima. Halos sabay-sabay na napatingin ang lahat.


: t a k a s : makikiraan lang po!
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Wala na ba talaga karugtong mga story nyo???!!!!
older post:
Project Eden

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
mesteryosa_blue    •reply Sep 26, 2007 @ 8:47 AM
 
: a w a r d :  huuuuhhhhhhh...... : l o l :  : l o l :  : l o l : 
r0ckizta_cavitenia    •reply Sep 26, 2007 @ 2:46 PM
 
: b o o k :  : g a l e n g : 
  jeddsteelhead    •reply    Sep-26-07@8:43PM
nabasa mo ba to? : e s e p : 
LhovableGurl    •reply Sep 26, 2007 @ 6:53 PM
 
: w a v e :  : w o o h o o :  : w o o h o o : 
  jeddsteelhead    •reply    Sep-26-07@8:43PM
HALU!!! : h u g : 
love_suan2000    •reply Sep 26, 2007 @ 7:39 PM
 
,`okeis na GYeRaaa is starting nah : l o l :  : w o o h o o : 
  love_suan2000    •reply    Sep-26-07@7:40PM
`: h i d e : ,`hanodaw : l o l :  : l o l : 



,`laSt chapteR nah: w o o h o o : 
,`mamImiz ko si IdoL : (  : (  : ( 

: t a k a s : 
  jeddsteelhead    •reply    Sep-26-07@8:42PM
hanu daw? : ? 
  love_suan2000    •reply    Sep-26-07@9:45PM
: b l u s h :  ,`waLa poh : b o w : 




: l o l :  : l o l :  : l o l : 
msjoyce612    •reply Sep 26, 2007 @ 8:56 PM
 
: b o o k : 

“Tapusi syaaaa!!” sigaw ni Majud--> kuLang ng LEEtEr "N" kuya.. nyahaha: l o l : 


waahh.. auq ng away.. takot ako dun eh : (  : ( 
  jeddsteelhead    •reply    Sep-26-07@9:11PM
: l o l :  : l o l :  : l o l : 

hindi yan tagalog...yan yung salita sa Jumeda (palusot!)
  msjoyce612    •reply    Sep-27-07@12:04AM
O cgE nha saLita nha un ng jumEda. Ikaw nman authOr Eh. : l o l :  : l o l :  : l o l : 


Sb ng buttOn:what is it tO yOu, isn't it?

uu nga nman! PakiaLamEra aq!
: r o l l : 
krizes    •reply Sep 27, 2007 @ 4:23 AM
 
: n a u g h t y :  : n a u g h t y :  : n a u g h t y : 


me asaw apala ako dun : c r y : 
  jeddsteelhead    •reply    Sep-27-07@4:25AM
oo naman!! and guess what?!

super duper heartthrob 'day!!! : b l u s h :  : b l u s h : 
  krizes    •reply    Sep-27-07@4:32AM
: t a m p o : 
wengsky    •reply Sep 28, 2007 @ 3:13 PM
 
Oh yeah ang galing galing talaga ni jed : k i s s :  : l o l :  : l o l : 
  jeddsteelhead    •reply    Sep-28-07@9:10PM
: b o w :  : b o w :  : k i s s : 
Diadems    •reply Sep 28, 2007 @ 9:18 PM
 
fafa,
daan ka naman sa post q
yung my poems..dun sa reply kasama ka sa dedication.. : k i s s :  : k i s s : 
  jeddsteelhead    •reply    Sep-28-07@9:24PM
bat hindi mo ni-attach yung link? : ? 
  Diadems    •reply    Sep-28-07@9:28PM
ayaw ma-kopy n paste eh
can u just open my profile
den click my poems para kay ponkichi
: k i s s :  : k i s s : 
  Diadems    •reply    Sep-28-07@9:44PM
tenchu fafi 4 stopping by
appreciate q so much : h u g :  : k i s s : 

paki-specify nga yung ibig mong sabihin na iba ako at iba ka : n a u g h t y : 
  jeddsteelhead    •reply    Sep-29-07@3:03AM
just like other writers.. may kanya-kanya silang style... pero parehong magagaling!!! : k i s s : 
mark_joker49    •reply Sep 29, 2007 @ 3:00 AM
 
: l o l : 
  jeddsteelhead    •reply    Sep-29-07@3:04AM
hindi naman to comedy ah! : c o o l : 
colbymart    •reply Oct 1, 2007 @ 10:17 PM
 
san na ung latest chapter : s m i l e :  jeddsteelhead : s m i l e :  plz post up to the end of this story BANGIS BANGIS BANGIS, panawagan , plz post , i cant wait , plz
  jeddsteelhead    •reply    Oct-1-07@10:19PM
isa isa lang po! : l o l : 

anyway, thanks for appreciating my work... this kind of comments inspires me to write more!!! : n o t w o r t h y : 
  colbymart    •reply    Oct-1-07@11:02PM
nxt nxt chapter plz, kailan ipopost
  jeddsteelhead    •reply    Oct-2-07@12:45AM
maya maya lang... : l o l : 
freedbyserenity    •reply Oct 2, 2007 @ 12:11 AM
 
same stuffs!
  jeddsteelhead    •reply    Oct-2-07@12:23AM
nakakaumay na noh? : l o l : 
  freedbyserenity    •reply    Oct-2-07@12:33AM
di ko binsa fantasy eh!

not my type!but i guess youre good dame bumbsa eh!
  jeddsteelhead    •reply    Oct-2-07@12:44AM
hehehe.. dami pala mahilig sa pantasya rito... sayang you're not one of them : ( 
  freedbyserenity    •reply    Oct-2-07@1:34AM
di ako kakulangan! : l o l : 
  ahning04    •reply    Oct-2-07@1:47AM
engklong : k i s s : 
  jeddsteelhead    •reply    Oct-2-07@2:04AM
engklang!!! : h u g : 

haymeshu!!! matino ka na? : l o l :  : l o l : 
colbymart    •reply Oct 2, 2007 @ 2:02 AM
 
ngaun na : ? 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Wala na ba talaga karugtong mga story nyo???!!!!
older post:
Project Eden
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
You come to love not by finding the perfect person, but by seeing an imperfect person perfectly.

--Sam Keen

You need to be logged in to Facebook