|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
BANGIS! (Cahpter 22)
Picture: http://img376.imageshack.us/my.php?image=bangiswk1.jpg
Panimula - http://www.tristancafe.com/forum/115100 Chapter 1 - http://www.tristancafe.com/forum/115212 Chapter 2 - http://www.tristancafe.com/forum/115340 Chapter 3 - http://www.tristancafe.com/forum/115457 Chapter 4 - http://www.tristancafe.com/forum/115598 Chapter 5 - http://www.tristancafe.com/forum/115708 Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/115708 Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/115927 Chapter 8 - http://www.tristancafe.com/forum/116033 Chapter 9 - http://www.tristancafe.com/forum/116207 Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/116385 Chapter 11 - http://www.tristancafe.com/forum/116854 Chapter 12 - http://www.tristancafe.com/forum/117185 Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/117520 Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/117870 Chapter 15 - http://www.tristancafe.com/forum/118331 Chapter 16 - http://www.tristancafe.com/forum/119308 Chapter 17 - http://www.tristancafe.com/forum/119548 Chapter 18 - http://www.tristancafe.com/forum/120414 Chapter 19 - http://www.tristancafe.com/forum/120543 Chapter 20 & 21 - http://www.tristancafe.com/forum/121173 CHAPTER 22 “Mag-iingat ka Biel! Hihintayin kita.” Ani Elaine. Doon sila sa lola ni Elaine sa may kakahuyan pansamantalang nagtuloy. Tiyak na hahanapin sila ng mga pulis bukas doon sa bahay nila Biel. Bilang pag-iingat, kailangan nilang itago si Aling Divina. Malugod naman silang tinanggap ng taumbahay doon. Hindi na maaaring magtagal pa sina Iko kaya’t kailangan na nilang umalis sa lalong madaling panahon. Nagpaalam siya sa lahat at ang huli ay kay Elaine. Naroon sila sa labas ng bahay. Si Mallika ay nauna nang umalis pagkarating pa lamang nila sa bahay. Si Iko ay nauna na ring lumipad at hahabol na lang si Biel sa kanya. Tutal naman ay mabilis itong lumipad. Binigyan na rin niya ng oras sina Biel at Elaine. “Huwag kang mag-alala, babalik agad ako.” Malungkot na tinig ni Biel at hinawakan sa ang balikat ng dalaga. nagtama ang kanilang paningin. “Biel….” Natigilan si Elaine, waring nag-iisip ng tamang salitang bibitiwan. “Mahal kita!” nag-aalangan ma’y nasabi rin ng dalaga ang nasa loob nito. ngumiti ang mga mata ni Biel. “Mahal din kita Elaine.” Sagot naman ng binata. “Nakakatawa naman ‘to” “Bakit naman?” “Ako pa ang unang nagsabi sa iyo.” “Naunahan mo lang ako. Sasabihin ko na sana yun.” “Nakakahiya naman” tila namula ang mukha ng dalaga. “Ano naman ang nakakahiya dun? Kahanga-hanga nga dahil matapang ka.” “Pero-” “Ssshhh…” pigili ni Biel sa dalaga at itinapat ang hintuturo nito sa bandang labi ng dalaga. “Wag ka ang magsalita” at unti-unting inilapit ni Biel ang mukha nito sa dalaga. pumikit si Elaine. Hinihintay ang kung ano man ang binabalak ng binata. Ilang saglit pa’y naramdaman niya ang labi ni Biel na dumampi sa kanyang labi. Tila may kuryenteng bumalot sa buo niyang katawan at halos di makapaniwala. Saglit na idinilat ang isang mata upang matiyak na hindi siya nananaginip. Totoo nga. Nakita niyang nakapikit si Biel habang magkalapat ang kanilang mga labi. Muli siyang pumikit at dinama ang kalambutan ng labi ng kanyang minamahal. Dinama ang tamis ng unang halik. Parang nais niyang itigil ang pagtakbo ng oras. Maya-maya lang ay inilayo na ni Biel ang labi nito sa dalaga at naiwan itong nakapikit pa rin at unti-unti rin itong nagmulat ng mata. “Ikaw na muna ang bahala sa kanila.” Ani Biel at sinagot naman ng pagtango ni Elaine. Yumakap ang lalaki at ginantihan din ito ni Elaine ng mahigpit na pagyakap. Saglit lamang iyon at lumakad na paatras si Biel. Nag-anyong lawin ito at lumipad pataas. Ngunit hindi pa nakakalayo ay bumalik ito sa kinatatayuan ng dalaga. bago tuluyang lumapag ay nag-anyong tao ulit ito. “Bakit?” nagtatakang tanong ni Elaine ngunit hindi sumagot si Biel bagkus ay muli nitong hinalikan ang dalaga. sa pagkakataong ito’y mapusok iyon. Gumagalaw na ang mga labi nito. gumanti naman si Elaine. May katagalan iyon. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay napangiti si Elaine. “Mahal kita Elaine” “Mahal din kita Biel. Huwag kang masyadong magtagal.” Muling nag-anyong lawin at lumipad palayo at naiwang nakangiti ang dalaga. tila hindi pa rin into makapaniwala ngunit parang lumulutang pa rin sa alapaap ang pakiramdam nito. MAYA-MAYA LANG ay kasunod na ni Iko si Biel. Mabilis nilang binabaybay ang daan patungo sa Jumeda. ‘ito na ang huling pagpunta ko sa lugar na ito’. nasa isip ni Biel. Kapag natuklasan na niya ang tunay niyang pagkatao ay babalik na siya sa kanyang lugar. Ang mundo ng mga tao. kailangan din niyang makakuha ng isa pang varka para sa ikagagaling ng kanyang kinikilalang ina. patuloy ang kanilang paglipad hanggang sa marating nila ang Jumeda. Katatapos lamang ng paghawi kaya’t may kadiliman ang paligid. Hindi na nila kailangan pang dumaan sa gubat upang magtago sa mga bantay ni Ameesha. Mataas ang kanilang paglipad. Ito ang unang pagkakataong masilayan ni Biel ang kagandahan ng kagubatan. Tila ito paraisong natatabunan ng luntiang mga dahon. At ang iba’t ibang kulay ng mga bulaklak ay nagpatingkad sa kagandahan nito. tila kumikinang sa bawat halik ng liwanag. SAKLOLO! Mataas man ang paglipad ay narinig ni Biel ang tinig na iyon. Nagmumula sa kagubatan. Kakaiba ang kanyang naramdaman. May papalapit ng panganib. Binilisan niya ang paglipad at umuna kay Iko. nang matiyak na nasa kanya ang atensyon ng kaibigan ay biglang bumulusok pababa ang lawin. Nagtataka man ang paniki ay sumunod rin ito. hindi kasi niya narinig ang tinig mula sa kagubatan. Tuluy-tuloy ang pagbaba ni Biel na labis na ipinagtaka ni Iko. Ngunit ng malapit na sila sa lupa ay nakita niya ang isang babae. Bakas na bakas sa mukha ang matinding takot. Kaharap ang isang fulva na nanlilisik ang mga mata. Muli itong sumigaw at humingi ng tulong. Ngunit sa pagsigaw na iyon ay biglang tumalon ang fulva at sinugod ang babae. Nakaumang ang matalim na kuko nito. napaupo ang babae. Wala na itong magagawa pa. Habang nasa ere ang fulva ay biglang sumalpok sa katawan nito ang lawin dahilan upang bumagsak ito at gumulong palayo. Ang paniki nama’y lumapag sa tabi ng babae at nagpalit ng anyo. Muling tumayo ang fulva. Ang lawin ay nagbagong anyo. Naging dambuhalang leon. Humarap ito sa fulva at naghanda sa paglusob. Hinintay nitong lumapit ang halimaw ngunit hindi ito umaalis sa kinatatayuan kaya’t ang leon na na mismo ang unang sumugod. Tumakbo ito papalapit sa fulva at tumalon. Sinalubong naman ito ng halimaw. Nagtagpo sa ere ang dalawa. Ngunit sa isang iglap ay naging dambuhalang ahas ang leon at lumingkis sa fulva. Bumagsak sila sa lupa nang hindi pa rin tinatantanan ng leon ang halimaw hanggang sa mawalan ito ng buhay. Nang matiyak ang tagumpay ay muling nagpalit ng anyo at bumalik sa pagiging si Biel. Lumapit ito sa kinaroroonan nila Iko at ng babae. “Ligtas ka na.” ani Biel nang makalapit sa babae. Katabi nito si Iko na ngayon ay nakangiti. “S-salamat. Biel.” “Kilala mo sya?” tanong ni Iko. at tumango naman ang babae. “Kalat na sa buong Jumeda ang pagdating ng bagong tagapagbantay. At lubos naming ikinatutuwa iyon.” Paliwanag pa nito. “Sino ka? At ano ang ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam na lubhang mapanganib ang lugar na ito?” tanong ni Biel. “Ako si Krizes. Taga-hilagang Jumeda.” “Hilagang Jumeda?” tanong ni Biel. “Oo. At nais ko ng pumunta sa kaharian ni Ameesha.” “Bakit naman?” tanong ni Iko. Tumayo ang dalaga at lumakad ng bahagya. “Marami ako ng gustong linawin kay Ameesha.” “Tulad ng ano?” si Biel. “Saka bakit kay Ameesha? At hindi kay Freya?” tanong ni Iko. Tumigil panandali ang babae. “Maging ako man ay nahihiwagaan.” Ani Krizes ngunit hindi ito tumutingin sa kanila. “Nilusob ng mga fulva ang aming lugar ilang araw na ang nakalilipas. Nasa kabilang bayan ako kaya’t hindi ko nalaman ang mga pangyayari. Wasak na wasak ang lahat ng mga ari-arian. Marami ang namatay. Iilan lamang ang nakaligtas at sila ang nagsabing ilan sa mga kalalakihan na lumaban sa mga fulva ay umanib kay Ameesha sa di malamang dahilan. At kasama doon ang aking asawa. Napakarami ring napatay na fulva kaya’t hindi ko alam kung paano nangyari yon.” “At naparito ka para puntahan ang asawa mo?” si Iko. “Oo at upang makiusap na tigilan na ang paglusob sa iba’t ibang bahagi ng Jumeda!” “Hindi mo ba alam kung gaano kapanganib ang lugar na ito?” tanong ni Biel. “Hindi. Ang alam ko lamang ay sa loob ng kaharian ni Ameesha nagkalat ang mga fulva. Hindi ko inakalang maging salabas ng kanyang bakuran ay maraming ganito.” “Pwes nagkakamali ka.” Si Biel. “Nais ko lang malaman kung bakit nahimok ni Ameesha na sumama ang aking asawa sa kanyang mga alagad. Sabi ng nakasaksi ay hindi naman ito pinilit at kusang loob lang itong sumama. Tulala pa ang iba kaya’t wala pang makuhang impormasyon sa kanila.” Tumingin ito sa dalawa. “Kilala ko ang asawa ko Biel, may prinsipyo siya. Hindi sya basta-basta umaanib kung kanino ng walang dahilan. Maging sa alagad ni Freya. Ayaw nya ng gulo!” nagkatinginan sina Iko at Biel. Biglang naging malungkot ang mukha ng babae. “Tulungan mo sana ako Biel. Gusto ko nang mamuhay ng payapa. Gusto kong malaman ang lahat. Kung kaya ko lang pumunta sa bukal..” natigilan ang babae. “Bukal ng kasagutan? Alam mo yun?” tanong ni Biel. At tumango ang babae. “Maaari” mong ituro sa akin ang kinalalagyan niyon?” muling tumango ang babae. “Ngunit sa isang kundisyon” anito. “Ang isa sa tatlong katanungan ay sa akin manggagaling. “A-ano?” ani Iko. “Ituturo ko ang bukal, ngunit isang tanong ang kailangan kong sagutin nito.” Muling nagkatinginan sina Iko at Biel. “Sige, payag ako. Pero nakatitiyak ka ba sa kinaroroonan ng bukal?” si Biel. “Hindi mo ba alam?” “Na ano?” “Ang dating tagapagbantay na si Karana ay taga-hilagang Jumeda! ..sya ang aming ninuno. Ang aming bayani.” Tila nagulat ang dalawa. Maging si Iko ay hindi alam ang tungkol doon. “At alam naming lahat ang kwento sa likod ng bukal.” “Kung gayon, kailangan ko na itong mapuntahan sa lalong madaling panahon!” “Sabihin mo na kung saan” “Kung ipapangako mong ibigay ang unang katanungan sa akin” “Pangako yan!” “Sumunod kayo sa akin” Halos patakbo itong umalis at sumunod naman ang dalawa dito. ITUTULOY... Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
![]()
prettyjoyce
•reply
Sep-4-07@2:37AM
ang dami nha ngang tanong c biel.. tapos kinuha pha ung isa ng gurl.. wawang biel
Kuya jedd...
eto na ako... basa muna... kahit late.... ![]()
jeddsteelhead
•reply
Sep-5-07@9:42PM
as usual!!!
kaya hindi ko pa post yung kasunod kasi hindi mo pa nababasa 'to!!! :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories armani18, ______, sofarGONE, Psychotic101, and 39 guests |