tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
BANGIS (Chp)
posted by (Aug 24, 2007 @ 9:28PM) views: 701
CHAPTER 18

“Bakit, Binong? Bakiiit???” bungad ni Elaine kay Alvin nang madatnan niya ito sa ospital. Nangingilid ang kanyang luha.
“Huh? Anong problema mo?” gulat na tanong ng binata.
“Bakit kailangan nyo akong paglihiman, samantalang alam na palang lahat ng babaeng yun!!!” tuluyan nang tumulo ang luha ng dalaga.
“A-Anong ibig mong sabihin?”
“Inamin na sa akin ni Biel ang tungkol sa katauhan nya.” Tumigil pansamantala “At sa harapan pa ng babaeng iyon….nagmukha akong tanga Binong alam mo ba yun?”
“Ssshhh…baka may makarinig sayo” sagot ng binata at itinuro ng nguso si Buboy na natutulog katabi ng walang malay nyang ina. Si Aling Divina. Hanggang ngayon ay wala pa itong kibo. Inalalayan ni Alvin ang dalaga papunta sa labas at umupo sa may upuang nasa gilid ng sementadong dingding. “O, ngayon mo ipaliwanag ang lahat.”
“Kanina kasi, nagpunta ako sa bahay nila Biel. Pagdating ko dun, naabutan kong magkayakap sila nung babaeng yun”
“Si Louisa?”
“Oo.” Sagot ng dalaga. “At ayun, inamin nya ang lahat tungkol sa katauhan nya…kung hindi pa sinabi nung tatay nung Louisang iyon.”
“Alam mo na pala lahat?”
“Hindi pa. ipinakita nya lang sa akin ang pagbabagong anyo nya. Tapos sabi nya, kung may tanong daw ako, sina Louisa na lang daw ang magpapaliwanag…..Ano ako, tanga! Bakit ko naman kakausapin yun eh…“
“E ano?”
“E, hindi naman ako kinakausap nun?”
“Sino ba sa inyo ang hindi namamansin?”
“Kinakampihan mo ba sya?”
“Bakit, inaaway mo ba sya?”
Katahimikan.
“Sabi pa ni Biel,” si Elaine. “kung nahihiya daw akong magtanong sa kanila…sa iyo ko na lang daw itanong.” Tumingin kay Iko. “Bakit kailangan pang ilihim nyo sa akin? Hindi ba kaibigan ang turing nyo sa akin? Matagal na tayong magkakakilala di ba?”
“Ganito kasi yun Elaine….” Sagot ni Alvin. “Hindi naging maganda ang pagtanggap ni Biel sa kapangyarihang ibinigay sa kanya.” Umiwas ng tingin sa dalaga. “Hindi rin alam ni Biel kung paano sasabihin sa iyo. Baka kung ano ang maging reaksyon mo. Alam nyang marami kang itatanong at hindi pa handang sumagot ni Biel dahil kahit siya ay nahihiwagaan pa rin.” Muling tumingin sa dalaga. “Hindi pa niya kilala ang sarili nya. Hindi nya alam kung ano at saan nya uumpisahan ang pagtuklas….ngayon, kung sasabihin nya sa iyo, lalo lang syang maguguluhan dahil alam nyang mag-aalala ka sa kanya.”
“E bakit sinabi nya sa iyo? At dun sa babaeng iyon?”
“Hindi nya talaga gustong sabihin sa akin. Nabuking kasi siya. Nakita ko ang pagopapalit anyo nya kaya napilitan siyang aminin.”
“E sina Louisa?”
“Ganito kasi yun….” Lumapit ng bahagya si Alvin kay Elaine at hininaan ang boses. Sinimulan niya ang kwento tungkol kay Biel mula doon sa matandang babae na iniligtas niya.
“Ano, naliwanagan ka na?” ani Alvin matapos ang mahaba-habang pagsasalaysay niya.
“Naguguluhan pa ako pero…”
“Pero ano?”
“Binong, hindi kaya nakakahiya yung reaksyon ko kanina kay Biel? Naging makasarili kasi ako. Namomroblema na nga si Biel, dumagdag pa ako”
“Huwag kang mag-alala. Alam kong maiintindihan ka nya.”
“Sigurado ka?”
“Kilala ko si Biel…..matanong ko nga pala…”
“Ano yun Binong?”
“Mahal mo na si Biel?”
“Oo naman. Kayong dalawa. Kaibigan ko yata kayo.”
“Hinde…hindi yun ang ibig kong sabihin..” tumingin sa dalaga. “Mahal mo ba sya nang mahigit pa sa isang kaibigan? bilang kabiyak ng puso mo?” natigilang si Elaine. Namula ang kanyang mukha.
“H-ha? Ah eh….”
“Atin atin lang Elaine….pangako hindi ko sasabihin kahit kanino”
“Talaga?” tumango ang binata sa tanong ni Elaine.
“Ang totoo nyan Binong, nung una ko pa lang sya nakilala…iba na yung naramdaman ko sa kanya.” Tila nahihiyang sabi ni Elaine. “Mabait kasi sya, masayahin,”
“At gwapo?” dugtong ng binata sa sinasabi ni Elaine.
“M-medyo.”
“Ha ha ha…mas gwapo ba kesa sa akin?”
“Binong naman, puro ka biro. Syempre noh?”
“Aray!”
“Pero seryoso Binong, sa tingin mo kaya, magugustuhan kaya ako ni Biel? Ano ba yung tipo niyang babae? Ano pa bang dapat kong gawin para magustuhan niya ako?”
“E kung sya na lang kaya ang tanungin mo? Ewan ko ba sa lalaking yun. Tumanda na’t lahat, wala pa ring nagiging gelpren.”
“Kahit isa?”
“Kahit kalahati!” at ngumiti pa ito sa dalaga.
“Bakit ikaw, nagkaroon ka na ba?”
Biglang natahimik si Alvin. Nalungkot ang kanyang mukha. Napansin agad iyon ni Elaine.
“Bakit Binong, may nasabi ba akong masama? Sorry ha?”
“H-ha? Wala…wala yun…”
“Bakit nga pala hindi ka nagkukwento sa amin tungkol sa naging girlfriend mo?” may panunudyong tanong ni Elaine.
“Wag na! baka mapaiyak pa ako sa harap mo.”At nagpakawala ito ng matabang na ngiti.
“Bakit?”
Tahimik.
“Kamusta na nga pala si Aling Divina?”
“Naku, malubha ang kagayan nya. ‘Comatose’ daw, sabi ng doktor. Dahilan sa matigas na bagay na tumama sa bungo nito at naging sanhi ng pagkasugat sa kanyang utak. Hindi sigurado ang mga doktor kung makakaligtas pa ito. kung mabuhay man ay siguradong para itong isang lantang gulay. Akala nga namin, patay na sya. Buti na lang at nailigtas siya ng doktor at naibalik yung tibok ng puso nya.”
“Naku, siguradong alalang-alala si Biel ngayon. Sana ay magtagumpay siya sa pinaplano nya.”

“Kuya Binong! Kuya Binog!” tinig mula sa loob ng kwarto. Si Buboy. Nagulat ang dalawa. Mabilis na tumayo si Binong at pumasok sa loob. “Ang inay!”
Lumapit si Alvin kay Aling Divina at nagulat ito sa nakita. Hindi man nya alam kung anong kagamitan na parang maliit na telebisyon ang nasa ulunan ni Aling Divina ay nakatitiyak siya sa ibig sabihin noon. Ang kaninang guhit na tila tumatalon-talon, ngayon at isang tuwid na guhit na lamang. Alam nya. Wala nang buhay si Aling Divina.
“Tawagin mo ang doktor!” ani Elaine sa tila natulalang si Alvin. Nagulat naman ito at biglang lumabas at pasigaw na tumawag ng doktor.

Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
tamang-tama to pag umuulan....
older post:
Kuwento ng Mag-asawang Relihiyoso

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
msjoyce612    •reply Aug 24, 2007 @ 9:46 PM
 
: b o o k : 
  msjoyce612    •reply    Aug-24-07@9:56PM
naku! wag nmn sana mamatay ung nanay ni biel... kawawa nmn.. : ( 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-24-07@10:05PM
: s h r u g : 
ewan lang!


ang bilis mo naman!!! nabasa mo na agad!
  prettyjoyce    •reply    Sep-4-07@2:42AM
xnpre, update ako lage eh: l o l : 
love_suan2000    •reply Aug 24, 2007 @ 10:07 PM
 
,`: m e c r y : 

,`bitIn pa rIN : c r y :  : c r y : 
  love_suan2000    •reply    Aug-24-07@10:07PM
`next chapter kUya: w a v e : 

,`make iT haba-haba huh : l o l :  : l o l :  : l o l : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-24-07@10:11PM
opo...yung chapter 19...medyo mahaba!
  love_suan2000    •reply    Aug-24-07@10:14PM
`good : l o l :  : l o l :  : l o l : 

,`dapat lanG : l o l :  : l o l : 

,`kaiLan nmn : ? 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-24-07@10:19PM
bukas!!! : c h e e r : 
  love_suan2000    •reply    Aug-24-07@11:19PM
`okies : l u v :  : l u v :  : l u v : 
love_suan2000    •reply Aug 24, 2007 @ 10:10 PM
 
: b l u s h :  : b l u s h :  : b l u s h : 
yZza16    •reply Aug 24, 2007 @ 11:41 PM
 
ang haba naman!!! : c r y :  : ?  : m a d : 
yZza16    •reply Aug 24, 2007 @ 11:42 PM
 
pero try q xa basahin... : b l u s h : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-24-07@11:56PM
naku wag na....chapter 18 na yan!! hindi mo maiintindihan : h m m : 
bitchie0019    •reply Aug 25, 2007 @ 6:05 AM
 
: s m i l e :  : s m i l e : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-25-07@6:41AM
: ? 
  bitchie0019    •reply    Aug-25-07@6:46AM
wala aq maikoment di ko na nababasa : s m i l e : 
krizes    •reply Aug 25, 2007 @ 7:15 AM
 
asan nko? : c r y : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-25-07@10:55PM
maghintay ka... mahaba pa yan... : l o l : 
zhuaeihl15    •reply Aug 25, 2007 @ 8:45 AM
 
: c r y :  inaaaayyyyyyy!!!!!!!!!!!
  jeddsteelhead    •reply    Aug-25-07@10:55PM
: l o l :  : l o l : 
resemblance    •reply Aug 25, 2007 @ 9:27 AM
 
kapag natapos mo na saka ko to babasahin! kopya muna ko! : n a u g h t y : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-25-07@10:55PM
: e s e p : 
_miA_    •reply Aug 25, 2007 @ 10:57 PM
 
haba..
_miA_    •reply Aug 25, 2007 @ 10:58 PM
 
: b a r b e l :  ang haba..
  jeddsteelhead    •reply    Aug-25-07@11:00PM
wag mo na basahin...chapter 18 na yan....

thanks na lang sa pagdaan mo dito!!! : c h e e r :  : c h e e r : 
  _miA_    •reply    Aug-25-07@11:00PM
: n a u g h t y :  ok., welcome!
bebe_kakeru    •reply Aug 26, 2007 @ 2:11 AM
 
char.. ang ganda!! hhehe next chapter pls! : n o t w o r t h y : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-26-07@2:14AM
: b o w :  : b o w : 
beautyexistonme    •reply Aug 26, 2007 @ 2:24 AM
 
chapter 18 haba na ah : s m i l e : 

:basa:
  beautyexistonme    •reply    Aug-26-07@2:25AM
chapter 18 haba na ah : s m i l e : 

:basa:: b o o k :  sablay!
  jeddsteelhead    •reply    Aug-26-07@2:28AM
: ?  : l o l :  : l o l : 

sablay pa rin...

actually, nasa chapter 25 na ako pero, hindi pa rin natatapos.. : l o l : 
beautyexistonme    •reply Aug 26, 2007 @ 2:31 AM
 
cno ba si biel?

`kaw ba un? : s m i l e : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-26-07@2:33AM
: s h r u g : 

: l o l :  : l o l :  : l o l : 

nakita mo naba ang pix nya? : ? 
  beautyexistonme    •reply    Aug-26-07@2:39AM
hindi pa po : ?  : h m m : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-26-07@2:43AM
nai-post ko na yung chapter 19..ngayon lang... nandun yung link sa picture ni Biel...pati yung mga hayop! : l o l : 
arlizjoy    •reply Aug 26, 2007 @ 3:53 AM
 
wahhh nakakainis ang haba haba namn...wala po bng short cut... : g r i n :  hehhehe
  jeddsteelhead    •reply    Aug-26-07@4:02AM
Chapter 18 na yan!!! sorry!!! : n a u g h t y : 
jennie_recca    •reply Aug 26, 2007 @ 7:05 AM
 
Kuya Jedd... Idol...

late na ako.. dalawang chapter na ang nagdaan... heheheheh

: l o l :  : l o l :  : l o l : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-26-07@7:21AM
halata nga...


di bale, HULI MAN DAW AT MAGALING...







HULI PA RIN!!! : l o l :  : l o l : 
  jennie_recca    •reply    Aug-26-07@7:27AM
at least di ako nawawala sa post mo... heheheh

: n a u g h t y :  : n a u g h t y :  : n a u g h t y : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-26-07@7:32AM
yun lang!!! : l o l :  : l o l : 
jennie_recca    •reply Aug 26, 2007 @ 7:40 AM
 
HOORAY!!!! HOORAY!!!



: n o t w o r t h y :  : n o t w o r t h y :  : n o t w o r t h y : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-26-07@7:41AM
ilang chapters na lang, matatapos na to... : l o l : 
  jennie_recca    •reply    Aug-26-07@7:49AM
naku... sana wag muna matapos hehehehe...

para marami pang mabasang adventures ni Biel...
  jennie_recca    •reply    Aug-26-07@7:52AM
send mo po ang buong kwento kapag tapos na ha...

tnx IDOL... ang BANGIS mo talaga...
Post ka ulit ng another story after ng BANGIS ha...
  jeddsteelhead    •reply    Aug-27-07@12:41AM
part two? : ? 

ibang story naman? : ? 

ano kaya ang maganda? : e s e p : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
tamang-tama to pag umuulan....
older post:
Kuwento ng Mag-asawang Relihiyoso
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
They say that a successful marriage begins when we marry the one we love… and blossoms when we love the one we marry. The secret is to fall in love, over and over again, with the same person.

--Conchita Razon

You need to be logged in to Facebook