tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
BANGIS (Chapter 17)
posted by (Aug 16, 2007 @ 7:00AM) views: 941
CHAPTER 17


Mabilis na binaybay ni Biel ang daan patungo sa Jumeda. Bagamat hindi niya kabisado ang daan ay hinayaan niyang ang kapangyarihan ng lawin ang magturo sa kanya. At matapos nga ng ilang sandali’y napasok niya ang makapal na ulap. Patuloy ang kanyang paglipad hanggang matanaw niya ang munting isla. Ang Jumeda. At tulad ng dati, doon siya sa may gubat nagdaan. Mababa lamang ang kanyang paglipad at hindi siya lumalampas sa mga puno. Maliksi niyang iniiwasan ang mga sanga. Taas baba ang kanyang paglipad nang bigla siyang sumalpok sa isang bagay. Bumagsak siyang pasadsad sa lupa. Mahilo-hilo siyang bumangon.
“Ikaw marahil ang tagapagbantay.” Anang tinig sa kanyang likuran. Nag-anyong tao si Biel. Nagtataka ito. humarap sa pinagmumulan ng tinig at tumambad ang isang lalaki. Matipuno ang pangangatawan nito at kumikinang ang kasuotan.
“Sino ka? Bakit kilala mo ako?” tanong ni Biel. Lumapit ng bahagya ang lalaki.
“Ako si Roshnan. Alagad ni Ameesha.” Nagulat si Biel sa sagot na iyon ng binata. “Ikaw ang tagapag-bantay diba?”
tumango lamang si Biel. “At pupunta ka kay Freya?” muling tumango si Biel.
“Nagmamadali ako!” bigla’y nag-anyong lawin si Biel at lumipad. Ngunit isang malakas na hangin ang pumigil sa kanya. Hindi siya makasulong.
“Hindi ka makaaalis!” anang binata. Muling nag-anyong tao si Biel.
“Ano bang kailangan mo sa akin?”
“Simple lang.” lumapit muli ito sa kanya. “Ang umanib sa amin.” At ngumiti ito.
“Hindi maaari. Hindi mo alam ang ipinaglalaban mo!”
“Ipinaglalaban? Bakit? Alam mo na kung ano ang ipinaglalaban mo?” natahimik si Biel. “Bakit hindi ka na lang sumapi sa amin?”
“Hindi ko magagawa ang gusto mo!”
“kung ganun…tatapusin kita!!!” biglang umihip ang napakalakas na hangin. Lumutang ang lalaki. Itinapat ang hintuturo kay Biel at naglabas ng pwersa.
PSSK!
Tumagilid ng bahagya si Biel upang iwasan iyon ngunit huli na para maiwasan niya iyon. Dumaplis sa kanyang braso ang nakasusugat na hangin.
“Ha ha ha…tikim pa lang yan!” anang lalaki. “Tanggapin mo ito!!!“ sunod-sunod ang paglabas ng matatalas na hangin sa kanyang daliri. Nagpagulong-gulong si Biel sa lupa upang makaiwas sa pwersang iyon.
Biglang nawala sa paningin ng lalaki si Biel. Nagtaka ito. nilibot ng paningin ang paligid. Nang walang makita’y nagpakawala ng malakas ng hangin. Isang ipo-ipo. Paikot-ikot ito sa kinaroroonan kanina ni Biel. At sa isang sandali pa’y isang gagamba ang sumama sa hangin. Paikot-ikot iyon at biglang nagpalit ng anyo. Si Biel.
“Ha ha ha! ‘yan lang ba ang nagagawa ng tagapagbantay? Napakahinang nilalang!!!” ani Roshnan habang paikot-ikot si Biel.
Ang hangin ay nagpalit ng direksyon. Dumiretso ito at ipinalo si Biel sa malaking punongkahoy. Pumalo ang likod ni Biel sa katawan nito bago bumagsak sa lupa.
“Ano, tagalupa, hindi ka pa rin aanib sa amin?” may pagmamalaki ang boses ni Roshnan. Hirap man ay pilit na tumayo si Biel. Masakit ang kanyang likod.
“Buksan mo ang isip mo. Hindi mo alam ang ginagawa mo!” ani Biel. Bigla itong naging lawin at mabilis na sinugod ang lalaki. Mabilis namang kumilos si Rishnan at pinaulanan niya ng matatalas na hangin si Biel. Sunud-sunod ngunit naiiwasan naman iyon ng lawin. Papalapit na siya ng biglang ibinukas ni Roshnan ang kanyang palad at nagpakawala ng napakalakas na hangin dahilan upang mawalan ng kontrol at tumilapon pabalik ang lawin. Muling sumadsad ito sa lupa. Tumayo ito at muling nagpalit ng anyo. Isang kabayo. Mabilis na tumakbo at sinugod ang kalaban. Nakangiti lang iyon, hindi gumawa ng anumang hakbang. Hinihintay ang paglusob ng kabayo. Madali lang para sa kanyang patalsikin ito. nang malapit na ang kabayo ay bigla itong naging elepante. Nagulat si Roshnan. Binuksan ang palad at nagpakawala ng isang malakas na hangin ngunit hindi natinag ang elepante. Tuloy-tuloy ito sa pagtakbo hanggang marating ang lalaki. Nang makalapit ay naging leon ito at dinambahan si Roshnan. nagulat ito at tila natulala. Napahiga ito sa lupa at napailalim sa leon. Ngunit muli itong nagpakawala ng matalas na hangin at tinamaan sa may bandang tiyan ang leon. Napaatras ito sa sakit. Duguan ang tiyan nito. bumangon si Roshnan.
“Tagalupa. Dapat siguro’y alamin mo ang dahilan ng aming panig. Huwag kang magpabulag sa kabaitan ni Freya. Maraming tuso dito sa Jumeda.” Namewang pa ito. “Palalagpasin ko ang pagkakataong ito. magkikita pa tayo tagalupa” at bigla itong umikot ng mabilis at naging ipo-ipo at tuluyan nang nawala sa paningin ni Biel. Naiwan siyang nanghihina. Muling naging lawin sa kabila ng pagdudugo ng kanyang tiyan at braso, at ipinagpatuloy ang paglalakbay.



: t a k a s : makikiraan lang po!!!
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
kwentong napulout ko lang pt. 2 --- "20 Questions"
older post:
My Fairytale Story

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
wengsky    •reply Aug 16, 2007 @ 10:21 AM
 
Hay ganda tlaga
  yrrablue    •reply    Aug-16-07@5:48PM
: l u v : 
wengsky    •reply Aug 16, 2007 @ 10:22 AM
 
Pers
wengsky    •reply Aug 16, 2007 @ 10:23 AM
 
Biel galingan mo ava matatapos agad ang bangis : l o l :  : l o l :  : l o l : 
  yrrablue    •reply    Aug-16-07@5:47PM
: c h e e r : 
  wengsky    •reply    Aug-16-07@9:59PM
: l u v :  : l o l :  : l o l : 
  yrrablue    •reply    Aug-16-07@10:32PM
: b a r b e l : 
: c h e e r s : 
: l a d y s m a n :  : p a c u t e : 
msjoyce612    •reply Aug 16, 2007 @ 4:55 PM
 
but ang iksi yata ngaun kuya jedd? tapos ang tagal u pho nag upload ulit.. : m e c r y : 
  yrrablue    •reply    Aug-16-07@5:47PM
: n o t w o r t h y : 
winter_tears    •reply Aug 19, 2007 @ 12:54 AM
 
: w o o h o o :  : w o o h o o :  : w o o h o o : 
  winter_tears    •reply    Aug-19-07@12:57AM
bitin uli...owkie lang, busy kasi sa chicks yung otor...



oops...: s h u t u p : 



: p e a c e : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-20-07@6:54AM
: s a k t a n : 
love_suan2000    •reply Aug 20, 2007 @ 7:11 PM
 
,` : l u v :  : l u v :  : l u v :  : l u v : 

,`: g a l e n g : talga ni idol: s l o p p y : 

,`tagaL kunG nawaLa ditO : l o l :  : l o l : 
  love_suan2000    •reply    Aug-20-07@7:11PM
,`nabiTIn akhO dUn kuya Jedd huh : l o l :  : l o l :  : l o l :  : c h e e r :  : c h e e r : 
  love_suan2000    •reply    Aug-20-07@7:16PM
: w o o h o o :  : w o o h o o :  : w o o h o o : 

,`d2 na uLit akHO : c h e e r :  : c h e e r : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-20-07@9:38PM
san ka naman galing? : s a k t a n : 
  love_suan2000    •reply    Aug-20-07@9:54PM
`awtzzz: h i d e : 

`sineCeLebR8 ko lanG b-day kHo : b l u s h : 
,`kaya bigLa akhO nawala : b l u s h : 

`buti di pako nahuLi d2 : l o l :  last nga lang : l o l : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-21-07@2:18AM
BERTDEY??? BAKIT HINDI KA MAN LANG NANG-IMBITA? : s a k t a n : 

GINAWAN SANA KITA NG POST! : m a d : 
  love_suan2000    •reply    Aug-21-07@2:52AM
,`ayy: h i d e : ,`sayanG : c r y : 

`bat kayO galIt : m a d : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-21-07@3:18AM
e ano pala? matutuwa ako??? : s a b u n o t : 

:secondleveltampo:
  love_suan2000    •reply    Aug-21-07@4:59AM
,`: o k l a n g y a n : 

,`kayo po talga : k i s s :  secondlevel na anG tampo

niyo huh : l o l :  : l o l :  : l o l : 

`cge tataNda ka niyan kuya Jed : l o l :  : l o l : 

`nyTnyt `iDOL: w a v e n a n a :  : k i s s : 
tres_laiteras    •reply Aug 21, 2007 @ 4:08 AM
 
huhuhu... ang ganda sana kaya lang diko napanood ang umpisa...
  jeddsteelhead    •reply    Aug-21-07@4:26AM
eto oh!!!

http://www.tristancafe.com/forum/118331

nanjan din yung picture ni Biel... : l o l : 
jennie_recca    •reply Aug 21, 2007 @ 4:37 AM
 
kuya jeddd......

: l o l :  : l o l :  : l o l :  : l o l : 

late na naman... : b o o k :  mode...
  jeddsteelhead    •reply    Aug-21-07@4:39AM
lagi na lang : l o l : 
  jennie_recca    •reply    Aug-21-07@5:06AM
di naman... ngayon lang... ako parin ang iyong number ONE fan...

: n o t w o r t h y :  : n o t w o r t h y :  : n o t w o r t h y : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-21-07@6:50AM
merong isa pa...basahin mo to... : ( 

http://www.tristancafe.com/forum/119503
  Diadems    •reply    Aug-22-07@4:31AM
musta na?
c'ge na nga
pati si ikaw
miss q na din : l o l :  : k i s s : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-22-07@6:46AM
anong comment to ha? : s a k t a n : 
  Diadems    •reply    Aug-22-07@9:44AM
yikes!! batet baseball bat yan
: ?  : l o l : 
buti nilagay mo yang link
hinahanap q nga yan
para sabihan ka
na may fans club ka
pinost na ng girlfriend mo
: n a u g h t y : 
: r a z z : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-22-07@9:40PM
gagawa pa lang...hindi pa nabubuo... : l o l : 
  jennie_recca    •reply    Aug-22-07@6:04AM
Naks naman, INLABABO ata sayo yun kuya jedd...
Ang bangis talaga.... magtatayo pa ng fans club ha...

dapat ako President... pero di na lang...

Ako na lang ang Number One Fan... : b l u s h :  : b l u s h :  : b l u s h : 

ANG BANGIS TALAGA NG KUYA KO.... : l o l :  : l o l :  : l o l : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-22-07@6:47AM
sabihin ko nga, ikaw ang president!!! : l o l : 
  jennie_recca    •reply    Aug-22-07@6:59AM
di naman kaya ako awayin nun...heheheh

: l o l :  : l o l :  : l o l : 
  jeddsteelhead    •reply    Aug-22-07@9:40PM
ako ang masusunod...fans club ko yun eh! : l o l : 
  jennie_recca    •reply    Aug-23-07@4:01AM
: l o l :  : l o l :  : l o l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
kwentong napulout ko lang pt. 2 --- "20 Questions"
older post:
My Fairytale Story
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
The hardest of all is learning to be a well of affection, and not a fountain; to show them we love them not when we feel like it, but when they do.

--Nan Fairbrother

You need to be logged in to Facebook