|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
BANGIS! (Chapter 15)
eto ang itsura ni Biel
click to see the PROMO PICTURE!!! eto po yung previous chapters... Panimula Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 & 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 CHAPTER 15 Madilim na ang paligid nang matanaw ni Biel ang kinaroroonan ni Elaine. Biglang kung anong pakiramdam ang kanyang nadama. Kumabog ng mabilis ang kanyang dibdib. Saglit siyang napatigil. Iniisip kung ano ang sasabihin niya sa dalaga. Paano niya sisimulan? Matagal na silang magkaibigan ngunit ngayon lamang siya nakaramdam ng tulad nito. parang nahihiya siya. Parang gusto na niyang umatras. ‘Bahala na!’ muli siyang lumakad papalapit sa bahay na iyon. Papalapit na siya ng papalapit. Ngunit biglang nagbago ang isip at tumalikod. ‘huwag na lang!’ sa isip niya. Tutal naman ay siguradong maayos na ang pakiramdam nito. Dahan-dahan siyang lumakad palayo sa bahay . “Biel?” tinig mula sa kanyang likuran. Tumalikod ang binata at siniguro kung tama ang kanyang narinig. Boses iyon ni Elaine. Tama. Si Elaine nga. Nakadungaw sa may bintana. Nagtama ang kanilang mga mata. Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ni Biel. Tila natulala siya sa tinig na iyon. Saglit na nawala ang babae sa bintana at maya-maya pa’y iniluwa na ito ng pinto. “A-anong ginagawa mo dito?” tanong muli ng dalaga ng makalabas ng bahay. “Ha? A-e…ano…” Dinig niya ang tibok ng kanyang puso. Hindi malaman ang sasabihin. “w-wala. N-nagtataka kasi ako kung bakit hindi ka nakapasok.” Halos utal na sabi ni Biel. “At kaya ka nandito, para bisitahin ako?” nakangiti ang dalaga. “Ganun na nga. Kamusta ka na?” “Eto, medyo nilagnat nga ako kanina. Pero ayos na ako ngayon.” Nakangiti pa rin ito. “Halika pasok ka!” anyaya nito sa binata. “Naayy!!! Nandito si Biel!!!” sigaw nito habang lumalapit patungo sa bahay kasunod si Biel. Muli na namang kumabog ang kanyang dibdib. Ang pakiramdam na iyon ay kanina pa bumabagabag sa kaniya. Kakaibang pakiramadam ngunit hindi niya maipaliwanag. “Bakit bigla ka yatang napasugod iho? Gabi na ah!” tanong ni Aling Fe kay Biel. Nakaupo sila sa salas ng bahay. Sina Biel at Elaine ay nasa mahabang sopa na yari sa kahoy at ang nanay naman ni ng dalaga ay nasa upuan na pang-isahan. Ang kanilang lola ay nasa loob ng kwarto at nagpapahinga. “Nag-aalala po kasi ako kay Elaine. Ayaw na ayaw nya pong lumiban sa klase pero ngayon, wala sya. Naisip ko, baka malala ang sakit niya.” Paliwanag ni Biel. “Hay naku, nagsakit-sakitan lang yata yan. Kita mo nga at malakas pa sa kalabaw,” biro ni Aling Fe. “Inay naman.” Tila nagtatampong wika ng dalaga. ngunit ngiti lang ang ang isinukli ng ina. “Dito ka ba matutulog iho?” si Aling Fe. “Naku hindi po! Saglit lang po ako rito. Dumaan lang po ako. Kinumusta ko lang po si Elaine.” “Naku, gabi na. mapanganib nang umuwi ngayon. Alam mo na naman yung balitang kumakalat ngayon diba?” “At isa ako sa mga saksi dun sa paglusob ng kakaibang hayop na iyon. Ikaw din diba?” Si Elaine sabay tingin kay Biel. “Pero mag-aalala po si inay.” Si Biel. “Sige na, Sabado naman bukas, walang pasok.” Ani Aling Fe. “Salamat na lang po pero kailangan ko po talagang umuwi.” Tanggi ni Biel. “Hindi na po ako magtatagal, aalis na rin po ako.” “Ikaw ang bahala. Sige, Elaine, ipahatid mo nalang iyan sa Tiyo Obet mo.” “Opo inay, ihahatid ko lang muna siya sa labas.” “O paano Biel, kita na lang ulit tayo.” Si Elaine. Nasa labas na sila ng bahay. “Kailan ka uuwi sa inyo?” “Baka bukas, bakit mo naman naitanong.” “Wala naman. Kailangan bang may dahilan ang pagtatanong?” “Natural! Kaya ka nga nagtatanong dahil may gusto kang malaman.” Muling nagtama ang kanilang mga mata. Seryoso ang mukha ng binata. Nakatitig ito kay Elaine. Maganda si Elaine. Maputi ang makinis nitong kutis. Mapungay ang mata at matangos ang ilong. Mahaba at tila umaalon ang buhok nito sa bawat ihip ng hangin. Katahimikan. “Elaine,” binasag ni Biel ang katahimikang iyon. Naghihintay si Elaine sa sasabihin ng kaibigan ngunit tila walang lumalabas sa labi nito. “Ano yun Biel?” “Am…kita na lang tayo bukas.” Anang binata. “Nakaka-miss ka eh.” At pabirong kinurot sa pisngi ang dalaga. hindi alam ni Biel kung bakit nya nagawa iyon. Namula naman bigla ang pisngi ng dalaga. “O pa’no, alis na ako.” Dugtong niya at muli na namang bumalik ang pagkabog ng kaniyang dibdib. Kakaibang pakiramdam. “Teka, pahatid ka kay Tiyo.” “Wag na. salamat na lang.” “Sigurado ka?” “Oo naman.” “Sandali nga pala Biel.” Pigil ng dalaga. “Kamusta na nga pala kayo nung girlfriend mo?” tanong nito. “Girlfriend? Meron na ba?” “Yung sinabi mong nag-alaga sa iyo nung naaksidente ka.” “Ah, si Louisa?” napangiti si Biel. “Kaibigan ko lang yun. Wala pa akong girlfriend.” Paliwanag ng binata. “Ikaw, bakit hindi ka pa magboyfriend? Marami namang nanliligaw sa’yo ah!” “Naku! Wala naman akong nagustuhan kahit isa sa kanila.” “Bakit, ano ba ang tipo mong lalaki?” “Syempre mabait. Hindi na importante ang itsura basta gagawin nya akong reyna.” “Hari pala ang hanap mo.” “Gagawin ko syang hari. Ikaw, ano naman ang gusto mong babae?” “Ako, gusto ko yung simple lang.” “Ano yun? Mahilig sumimple?” “Simple. Katulad nyan oh!” at itinuro nito si Elaine. Muling namula ang mukha ng dalaga. “Ano ka ba? Hoy! Hindi tayo talo noh?! Kaibigan lang tayo.” “Ha? K-kaya nga. Sabi ko nga, gusto ko ng katulad mo. Kasi nga hindi tayo pwede.” Ngingiti ngiti lang si Biel. “O pano, alis na ako. Kita na lang tayo bukas.” “Sige, ingat ka na lang.” at kumaway ang dalaga sa papatalikod na si Biel. Minasdan niya ito hanggang sa makalayo. Ilang hakbang lang ay lumingon ito sa likuran at muling kumaway sa dalaga bago tuluyan ng nilamon ng dilim. ‘Kainis talaga! Bakit ko ba nasabi yun?’ nasa isip ni Elaine habang papasok ng bahay. ‘Ang tanga ko talaga!’ “O bakit nakasimangot ka? Nag-away ba kayo ni Biel?” tanong ni Aling Fe ng makitang tila nagdadabog ang anak. “Hindi po ‘nay. Muntik na kasi akong maipit ng pinto pagpasok ko eh.” Pagsisinungaling nito. “Nay!,” tawag niya sa ina. “O bakit?” “Ano ang tingin nyo kay Biel?” “Si Biel? Katulad ng pagkakakilala ko sa kanya noon. Mabait na bata. bakit mo naman..” naputol ang salita niya ng makitang nakangiti ang dalaga. “Teka, kayo na ni Biel?” tila may pagkasabik na tanong ng ina. “Hindi po nay, kaibigan ko lang po sya.” “Wala namang masama kung maging kayo. Alam ko naman na hindi sya makakasira ng pag-aaral mo. Saka mabait naman sya. Boto ako sa kanya” nakangiti si Aling Fe. “Talaga po?” tuwang-tuwa ang dalaga sa narinig. “Kaso, hindi naman yata ako gusto nun. Hindi nanliligaw eh.” “Gusto mo ba sya?” hindi na sumagot ang dalaga. ngumiti na lang ito sa ina at tuloy tuloy na sa kwarto. Naiwang iiling-iling si Aling Fe. BINABAYBAY ni Biel ang daan pauwi sa anyo ng isang lawin. Humahanga siya sa tanawin na kanyang nakikita mula sa himpapawid. Hindi naging hadlang ang dilim upang hindi niya matanaw ang mga iyon. Lumipad pa siya ng mas mataas at dinama ang hanging humahalik sa kanyang mukha. Aaaahhhh!!! Kalayaan! Humiga, tumagilid at paikot ikot habang nasa himpapawid. Nang biglang kumabog ang kanyang dibdib. Kakaibang pakiramdam. Hindi niya naiintindihan iyon. Minsan na niyang naramdaman iyon bago siya tamaan ng tirador ni Buboy. Marahil ay may panganib! Saglit siyang napaisip. Tiningnan ang paligid ngunit wala siyang kasabay sa paglipad. Dahan-dahan siyang bumaba. Hindi pa rin naalis ang pakiramdama na iyon. ‘Uuwi na lamang ako’ sa isip niya at biglang binilisan ang paglipad. Mula sa kalayuan ay tanaw niya ang kanilang bahay. Maraming tao doon. Nagtumpok-tumpok ang mga kapitbahay. May natanaw rin siyang mga pulis. Lalong bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Dinig niya ang pagtibok niyon. Mula sa kalayuan ay dumapo siya sa isang puno. lumingon-lingon sa paligid bago lumipad paibaba sa lupa ngunit bago pa nakalapag ay anyong tao na muli ito. Patakbo niyang tinungo ang bahay. Sumiksik siya sa nagkakagulong kapitbahay. Nagbubulungan sila. Ang iba’y nagtanong pa kay Biel ngunit hindi yata ito narinig ng binata. Nasa loob ng bahay ang atensyon niya hanggang sa makalapit siya doon. Una niyang nakita si Alvin sa may pinto. Malungkot ang mukha nito at nagulat ng makita ang papalapit na kaibigan. “Bakit ngayon ka lang?” anito kay Biel. Maluha-luha ang mga mata ni Alvin at tila di mapakali. “Bakit anong nangyari?” ganting tanong ng binata ngunit hindi na ito sinagot ni Alvin. Itinuro na lamang nito ang loob ng bahay. Agad namang tiningnan iyon ni Biel at tila binuhusan ng malamig na tubig sa nakita. Magulo ang mga gamit ng buong kabahayan. Tila dinaanan ng malakas na hangin. Sira-sira ang mga kagamitan. Nakahandusay ang kanyang ina sa may salas. Duguan ito. Agaw-buhay. Nasa tabi nito si Buboy. Umiiyak. Patakbong tinungo ni Biel ang kanyang ina. Lumuhod sa harap nito. “Inaaay??!!!” walang nang ibang lumabas sa bibig ni Biel. Maya-maya lang ay pumasok na ang dalawang pulis bitbit ang stretcher. Nagmamadali ito. mabilis na isinakay si Aling Divina at dinala sa ambulansya. Hindi iniwan ni Biel ang ina. Katabi nito si Buboy sa gilid nito na patuloy pa rin ang pag-iyak. “Inay, patawarin mo ako…hindi ko dapat kayo iniwan.” Umiiyak si Biel habang hawak ang kamay ng ina. Nasa loob sila ng ambulansya. “B-Biel,…. anak,” kapos ang hiningang sabi ni Aling Divina. Pilit na ngumiti ito. “W-wala k-kang k-k-kasalanan…” huminga ng malalim “B-Biel, s-sa ilalim ng tukador,…m-may kahon doon…at….” Iyon na ang huling salitang binitiwan ng ina ni Biel. Pumikit na ang mga mata nito at humigpit ang pagkakakapit sa kamay ng anak. “Inaaayy!!!” halos sabay na sumigaw ang magkapatid. “Ipaghihiganti ko ang inay…” hihikbi-hikbing sabi ni Buboy. “Sinong may gawa nito Buboy? Sinoooo???” “Isang higanteng aso!” anito. “Dapat hindi ka na lang umalis! Buhay pa sana ang inay.” “Patawarin mo ako Buboy. Hindi ko…” “Pinabayaan mo kami! Hinayaan mong mangyari sa amin ito!!!” pilit na sumisigaw si Buboy sa kabila ng malakas na pag-iyak. “Hirap na hirap ang inay. Matagal ang pag-atake ng halimaw na iyon.” Umiiyak pa rin si Buboy. “Hindi namin nakuhang tumakbo dahil nakaharang ito sa daanan namin. Hindi naman ito makalapit dahil may hawak ng itak si inay.” Tumigil sandali at tumingin sa ina. “Ako sana ang lalapain ng halimaw…..Humarang lang sya. Ilang ulit kong tinawag ang pangalan mo kuya!!!! Asan ka???!!!” may galit ang tinig na iyon. Nakayuko lang si Biel. Hindi malaman ang sasabihin. “Pati ang mga kapitbahay ay nagbingi-bingihan lang. walang tumulong sa amin…” medyo humina na ang tinig ni Buboy. “kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sunggaban ng halimaw na iyon ang inay. Pinatakbo nya ako ngunit hindi ko magawa. Parang napako ang mga paa ko. wala akong nagawa poara ipagtanggol ang inay. Sinubukan kong tiradurin, akala ko masasaktan, pero lalo lang nagalit iyon, binitiwan ang inay at humarap sa akin. Humandusay na lamang si inay sa sahig. Hindi ko alam kung bakit nalusaw bigla ang halimaw at naging abo. Siguro, dahil sa tirador ko.” nanghihina si Buboy sa kaiiyak. Malalim ang iniisip ni Biel. Ngayon niya napag-isip isip ang pagkabog ng kanyang dibdib sa simula pa lang ay nagbabadya na ng panganib. Bago pa man niya makita si Elaine, naramdaman na niyang mayroong nangyayari. Naiisip niya ngayon ang Jumeda. Si Ameesha. At ang mga fulva. itutuloy... Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Pers ba?
![]()
resemblance
•reply
Aug-5-07@9:32AM
salamat sa pag-invite sa kin sa tubely........ teka? ano nga ba yung tubely????
bait pha nmn nanay ni biel.. bkt u pinatay... ![]()
jeddsteelhead
•reply
Aug-5-07@9:33PM
![]() kailangan eh...mahal kasi ang talent fee nya...di ko na kayang bayaran..
jeddsteelhead
•reply
Aug-7-07@11:08PM
try mo naman basahin ang new story ko
![]() makikiraan lang po!!!May bago akong story NEWBIE LANG PO!!! http://www.tristancafe.com/forum/118535
haizz, dedo na ung nanay ni biel...
![]() galit pa sa kanya si buboy... ok lang, luv aman xa ni elaine.. ![]()
jeddsteelhead
•reply
Aug-7-07@11:07PM
try mo naman basahin ang new story ko
![]() makikiraan lang po!!!May bago akong story NEWBIE LANG PO!!! http://www.tristancafe.com/forum/118535
hais
makikira... ![]()
jeddsteelhead
•reply
Aug-7-07@11:05PM
try mo naman basahin ang new story ko
![]() makikiraan lang po!!!May bago akong story NEWBIE LANG PO!!! http://www.tristancafe.com/forum/118535 :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories arthurian, rain_or_shine, ninaloka94, iane, RideoRisiRisumVir, rino45, kyikx26, dragonpsg12123, jdom, leigh013, and 42 guests |