|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
BANGIS! (Chapter 14)
eto ang itsura ni Biel
click to see the PROMO PICTURE!!! eto po yung previous chapters... Panimula Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 & 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 CHAPTER 14 Buo na ang plano ni Freya para sa gagawing malaking paglusob sa kaharian ng kapatid nitong si Ameesha. Ang tanging layunin nito’y upang matahimik na ang buong Jumeda. Naging magulo kasi ang mga alagad ni Ameesha sa paghahanap ng iba pang gagawing miyembro ng kanilang sandatahan. Marami-rami na rin ang nakuha nito kaya’t kailangan nang maibalik niya ang kapatid sa binalangguan upang matigil na ang paghihimagsik nito. gumawa na sila ng kakaibang kulungan. Isang kwarto na kung saan ay hindi makakayang gamitin ang kapangyarihan kapag nasa loob nito. ito ay gawa ng ermitanyong si Bipashu, isa sa makapangyarihang tagapayo ni Freya. Nakahanda na ang sangkatutak na Vulpes, mga hayop na tulad ng fulva ngunit puti ang balahibo samantalang kayumanggi naman ang sa fulva. Nakagayak na rin ang mga tauhan ng reyna. Tanging ang apat na “Pwersa ng Jumeda” na lamang ang hinihintay na mabuo. Oras na para sunduin si Biel at ipaalam ang kanilang plano. “Oo Biel! Kitang-kita ng dalawang mata ko!” ani Alvin. Bumilis ang tibok ng puso ni Biel sa inamin ng kaibigan. “Nagtaka kasi ako nung pilit mo kaming pinauwi tapos bigla ka na lang umalis. Sabi mo, hihingi ka pa ng tulong sa kapitan. Hindi mo naisip na pulis na yung tumulong sa atin.” Dugtong pa ng binata. “Sinundan kita kaso, pagdating mo dun sa may kakahuyan, bigla ka na lang nawala, hinanap kita. Umakyat ako sa isang puno para madali kitang makita…at nakita nga kita.” Katahimikan. “Binong, nung una pa lang, gusto ko nang sabihin sa iyo ‘to. Kaso natatakot naman akong isipin mong isa akong baliw.” Binasag ni Biel ang katahimikang iyon. “Hindi ko iisipin ang ganun kung papatuyan mo naman.” Tama si Alvin, sa isip ni Biel. “Pasensya ka na ha? Basta marami pang dahilan kung bakit ko nagawa iyon.” Si Biel. “Pero sana, ilihim na muna natin kahit kanino Binong.” “Pati kay Elaine?” “Oo sana. Hanggat hindi ko pa tiyak ang dahilan ng pagiging ganito ko. gusto kong ipaalam sa kanya kapag lahat ng tanong sa isipan ko ay nasagot ko na.” “Pero pwede mo bang ipaliwanag sa akin yung mga alam mo na?” “Oo naman. Sige, habang naglilinis tayo dito.” “Huwag na! natapos ko na. dun na lang tayo sa bahay ngayon.” “Talaga? Salamat ha? Sige dun na muna tayo. Pero hindi rin ako magtatagal dahil baka mag-alala ang inay.” “Ganun ba? Edi dito na lang tayo. Sa paglalakad pa lang ay matatagalan na tayo.” Ikinuwento ni Biel lahat ng pangyayari na kanyang naranasan. Mula sa matandang babaeng tinulungan niya hanggang sa huling pagsalakay ng fulva. Lubos ang paghanga ni Alvin sa Jumeda at ang maganda at seksing sina Mallika at Raima. Bagamat hindi pa niya ito nakikita ay parang nasa harapan nya lang ito dahil sa kwento ng kaibigan. Pinilit pa ni Alvin si Biel na magbagong anyo at pinagbigyan naman ito ng kaibigan. ipinakita niya ang dambuhalang leon at ang lawin. Medyo malalim na ang gabi nang matapos nila ang kwentuhan. Hindi na nakauwi si Alvin at doon na lang ito natulog kasama ang dalawang gwardiya ng zoo. Si Biel naman ay hindi na nagpapigil sa kaibigan kahit ano pa ang sabihin nito upang doon din sya matulog. Mag-aalala kasi si Aling Divina kapag pumayag siya sa gusto ni Alvin. MAAGANG nagising si Biel. Bagamat medyo napuyat kagabi ay masigla pa rin itong nakapasok sa eskwela. Tulad ng dati, naupo muna siya sa lilim ng punongkahoy sa tabi ng daan papunta sa mga silid-aralan. Hinihintay niya ang pagdating ng kaibigan. Si Elaine. Halos mabali ang leeg nito sa paglinga-linga. Bagamat hindi sila magkaklase ay pawang alas otso ang kanilang unang klase. Subalit ngayon, dalawang minuto na lamang bago mag-alas otso ay hindi pa rin dumarating ang kaibigan. Nag-aalala si Biel, pumasok ito sa kanilang klase na tanging si Elaine lamang ang nasa isip. Bakit kaya hindi nakapasok ngayon? Paulit ulit na tanong ni Biel sa sarili. Inip na inip si Biel sa kanyang huling klase. May kasunod pa sanang isa pa ngunit wala ang kanilang propesor. Nag-anak daw ito ng kasal. Ikinatuwa ni Biel iyon dahil mas maaga siyang makakauwi. Nais na niyang hilain ang oras. Nais niyang malaman ang kalagayan ng kaibigan si Elaine. Maya-maya lang ay nagtayuan na ang kanyang mga kaklase. Uwian na sa wakas! Halos patakbo siyang lumabas ng eskwela at dumiretso sa bahay nila Elaine. Ilang beses na tumawag roon ngunit walang sumasagot. Walang tao sa bahay. Baka nasa ospital. Sa isip niya. Dali-dali niyang pinuntahan si Alvin na malapit lamang mula sa kanyang kinaroroonan. “Ang aga mo yata?!” takang tanong ni Alvin kay Biel habang papalapit ito sa kanya. “Bakit dala mo pa yang bag mo?” “Binong, nakita mo ba si Elaine? Hindi kasi siya nakapasok kanina. Tinanong ko naman yung mga kaklase nya, hindi rin daw nila alam.” Bungad ng binata. “Oo. Alam ko, hindi nga siya nakapasok. Dumaan sila dito kanina ng nanay niya. May sakit daw si Elaine, nandun, ihahatid siya sa lola nya para ipahilot.” “Ganun ba?” Biglang nalungkot si Biel sa balitang iyon. “A-e, Binong…” “Sssshh…wag mo nang ituloy. Alam ko na. sige na, puntahan mo na. Ako na muna ang bahala dito.” Putol ni Alvin sa sasabihin ng kaibigan. “Talaga? Salamat ha? Di bale, sa susunod, makakabawi rin ako sayo. Sige, alis na muna ako. Dadaan lang muna ako sa bahay para magpaalam.” “Sige, ingat ka na lang, mapanganib pa naman sa kakahuyan.” Ilang sandali pa’y binaybay na ni Biel ang daan patungo sa kakahuyan matapos magpaalam sa kanyang ina. May kalayuan din ang lugar na iyon. Ilang beses na silang nagtungo roon nina Alvin at Elaine para dalawin ang lola ng dalaga. Doon kasi nakatira sila Elaine noon. Ngunit buhat ng pumasok na siya sa kolehiyo, naging malayo na ito para kay Elaine kaya’t lumipat sila sa mas malapit na tahanan. Tutal, malaki-laki na rin ang kinikita ng kanyang ama sa ibang bansa. Hindi naman nila pinapabayaan ang kanilang lola at madalas nila itong binibisita. Kasama naman nito ang mga pinsan ni Elaine at kapitbahay din ang ilan pang kamag-anak nila. Malalim ang iniisiip ni Biel habang papalapit sa kakahuyan. Medyo mataas pa ang araw. Alas kwatro y medya pa lamang. Buti na lang at hindi natuloy ang huling klase niya. Luminga-linga siya sa paligid. Sinisigurong walang nakakakita sa kanya. Nais niyang magpalit ng anyo. “Psst! Wag mo nang ituloy ang binabalak mo.” Tinig mula sa itaas ng puno. kilala ni Biel ang boses na iyon. Si Iko. Hindi ito naka-anyong paniki ngunit nakasabit ito ng pabaligtad sa puno. “Anong ginagawa mo dyan?” tanong ng binata habang nakatingala sa puno. Sumirko si Iko at isang sandali lang ay nakaharap na ito kay Biel. “Ipinapatawag ka na ni Freya. Handa na ang lahat maliban sayo. Handa ka na ba?” anito sa binata. Saglit itong natigilan at napaisip. Hindi pa siya handa. Kailangan niyang makausap si Elaine. Kailangan pa niyang makapagpaalam sa kanyang ina. Nais rin niyang ipaalam kay Alvin ang araw ng kanyang pag-alis upang kung sakaling may mangyaring masama sa kanya sa Jumeda ay mayroong isang tao na nakakaalam at maglalahad ng buong kwento. Kwento ng kanyang kamatayan! Bigla siyang kinilabutan. Bakit nga ba sasayangin niya ang buhay niya sa lugar na hindi naman para sa kanya? Bakit kailangang iwanan pa niya ang mahal sa buhay para sa iba? Bakit kailangan niyang isakripisyo ang sarili para sa kaligtasan ng iba samantalang ang kanyang mahal sa buhay ay nag-aalala. “Hoy! Ano na? tara na?” putol ni Iko. Biglang nagbalik ang isip ni Biel sa kasalukuyan. “Ayoko na! hindi na ako tutuloy.” Matigas na sabi ni Biel. “A-Anong ibig mong sabihin?” “Iko, hindi ko alam kung bakit ako ang napili ninyo. Hindi ko mundo yun. Wala akong kinalaman sa gulo nyo. May problema rin ako dito na kailangan kong solusyonan. Bakit hindi nyo na lang ibigay sa taga-Jumeda ang kapangyarihang hawak ko ngayon?” “Ibig mong sabihin, hindi ka na sasama sa akin?” “Hindi na. at pakisabi kay Freya, pasensya na. magkaiba ang mundong ginagalawan natin. At hindi ako para sa mundo ninyo.“ “Pero Biel..” “Tama na Iko, bumalik ka na sa mundo ninyo at pakipaliwanag sa reyna ang lahat.” Natigilan si Iko. Hindi niya inaasahan na ganoon ang itutugon ng binata. “Kung ‘yan ang desisyon mo Biel, sige igagalang ko. makakarating ang mensahe mo sa reyna. Sige, hanggang sa muli.” Malungkot na wika ni Iko at biglang nagsa-paniki ito at lumipad ng mabilis. Nagpatuloy sa paglalakad si Biel. Hindi na lang siya magpapalit ng anyo. Mataas pa ang araw at hindi siya sigurado kung may tao pa sa kakahuyan. Bagamat liblib na lugar iyon, may mangilan-ngilan pa rin ang nagdaran doon para mangahoy o di kaya’y manguha ng mga prutas. Nang sa di kalayuan ay narinig niya ang sigaw ng isang babae, kasunod ang malakas na tawanan ng mga kalalakihan. Labis niyang ikinagulat iyon kaya’t dali-dali niyang tinungo ang kinaroroonan ng ingay. Marahan nyang nilapitan at nagtago siya sa likod ng isang malaking punongkahoy. Maya-maya pa’y tanaw na niya ang tatlong lalaki na pilit na sinasamantala ang isang babae. “Anong nangyari sa’yo?” ani Biel nang lapitan nito ang babae matapos niyang tapusin ang mga lalaking nais magsamantala dito. Kakaiba ang kanyang pairamdam. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapatay siya ng kapwa niya tao. tila kinukurot ang kanyang puso. Tila hindi ito matanggap ng kanyang konsensya, nagtatalo ang kanyang isip. Tama ang kanyang ginawa, hindi nya dapat pagsisihan dahil hindi na dapat buhayin pa ang taong halang ang kaluluwa. Ngunit sa kabilang dako ng kanyang isip, mali pa rin ang kanyang ginawa, hindi nya dapat nilagay ang batas sa kanyang kamay. Hindi umiimik ang dalaga. “Huwag kang mag-alala. Hindi ako masamang tao. halika, ihahatid na kita sa inyo. Taga-saan ka ba?” pagkakalma niya ngunit di pa rin ito umiimik. “Ha! Ha! Ha!” sambit ng babae habang tumatayo at nagpapalit ng anyo. Si Mallika. Nagulat si Biel. Tiningnan niya ang mga lalaking nais magsamantala. Naglaho itong parang bula. Isang imahinasyon na gawa ng dalaga. “Kamusta ka Biel? Mukhang sanay na sanay ka nang gumamit ng kapangyarihan mo.” Nakangiti ito sa binata at muling lumutang sa hangin. Ilang dangkal lamang ang taas nito sa lupa. “Hindi na ako sasama sa iyo Mallika. Hindi ko na kailangan ang kapangyarihan ito.” seryosong sabi ni Biel. “Alisin mo na sa akin ito!” nagbago ang reaksyon ng babae, seryoso ito. “Hindi ako ang nagbigay nyan sa iyo Biel, nasa buong pagkatao mo na iyan bago ka pa man isilang.” Naguluhan ang binata. “Tinuruan lang kita ng tamang paggamit nyan. Ang kapangyarihan mo ay mula sa Indriya. Ang mundo ng mga hayop!” Lalong nagkunot ang noo ng binata sa sinabing iyon ni Mallika. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Biel. “Simple lang.” lumapit ito kay Biel at halos idikit ang mukha sa binata. Hindi pa rin tumutuntong ang mga paa sa lupa. “Itanong mo sa kinikilala mong ina kung sya nga ang nagluwal sa iyo.” At muli’y umangat ito palayo kay Biel. Naiwan itong nakatulala. “Hindi ka tunay na anak ni Divina. Ampon ka lang niya.” Dugtong pa nito. Palagay naman ang loob ni Biel at hindi ito naniwala sa sinabi ni Mallika. Gumagawa lang ito ng dahilan para sumama ito sa kanya. “Kahit ano pang sabihin mo, hindi na ako babalik sa Jumeda. Hindi iyon ang mundo ko!” matigas na tinig ni Biel. “Marami pa akong gustong sabihin sa iyo binata. Ngunit hindi ako maaaring magtagal sa kinikilala mong mundo!” at bigla itong naglaho sa harapan ng binata. Bagamat nagtataka at tila nabago ang pag-iisip. Wala nang plano si Biel na bumalik ng Jumeda. itutuloy... Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
hello po
![]() makikiraan lang http://www.tristancafe.com/forum/117849
IFUGAO
•reply
Aug-1-07@6:19AM
habang wala pa si jedd
![]() commercial muna! welcome to my life!! .. a love story part 4 na! http://www.tristancafe.com/forum/117864
si biel, ampon?..sabi ko na nga ba ei!...
danda kuya... kelan nman yung sunod?? ![]()
jeddsteelhead
•reply
Aug-1-07@11:49PM
ginagawa ko pa eh...nasa utak ko na yung buong story pero yung pagkukwento ang mahirap...ang haba!!!
winter_tears
•reply
Aug-1-07@11:51PM
i understand poe....
nwei, goodluck.... nice story poe tlga xa..
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories |