|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
BANGIS! (Chapter 13)
guto mong makita si Biel?
click to see the PROMO PICTURE!!! eto po yung previous chapters... Panimula Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 & 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 CHAPTER 13 Sinamantala ng mga tao sa loob ang paglapit ng halimaw kay Biel. Dahan-dahan silang lumabas at tumakbo palayo pagkatapos. Tulala naman at halos di makakilos sa takot sina Alvin at Elaine habang si Buboy ay umiiyak na nakayakap sa kanyang kapatid. Palapit na ng palapit ang halimaw at susunggaban na ito si Biel. BANG! Isang malakas na putok ng baril mula sa labas ng kubo. Tinamaan ang hita ng halimaw ngunit tila wala itong naramdaman. Galit na nilingon ng fulva ang pinagmulan ng putok na iyon. Nakita nito ang tatlong kalalakihan na may hawak na mga baril. Mga pulis. BANG! BANG! BANG! Sunod-sunod na nagpaputok ang mga pulis ngunit tila hindi nararamdaman ng fulva ang sakit na dulot niyon. Tumakbo itong papalapit sa mga pulis na patuloy pa rin sa pagpapaputok. “Halika na!” ani Biel. Sinamantala nila ang pagkakataong iyon upang tumakas. Doon sila dumaan sa may gilid upang maiwasan na rin ang mga balang ligaw mula sa mga pulis. Narating nila ang likuran ng kubo at mula doon ay tumakbo na sila papalayo. Tinalon ng fulva ang isang pulis at kinagat iyon sa bandang dibdib. Ang ulo nito ay nakapasok sa loob ng bibig ng dambuhalang halimaw. Tumakbo ang dalawa pang natitirang pulis at mabilis na sumakay sa owner-type jeep nila. Narinig ng fulva ang pagbukas ng makina niyon at binitiwan ang isang pulis na nilapa niya. Patay na humandusay ang pulis habang humanda sa paglusob ang halimaw. Mabilis na umatras ang sasakyan ng pulis at hinabol ito ng fulva. Lumundag ito sa ibabaw ng sasakyan na halos kasinlaki ng rin ng dambuhalang halimaw. At sa isang iglap at nakaharang na ito sa daanan sa bandang likuran ng umaatras na owner. Mabilis na inilipat ng nagmamaneho ang kambyo at mabilis umarangkada pasulong. Muling tumakbo at tumalon ang fulva at sa pagkakataong ito’y bumagsak siya sa bandang unahan. Ang mga paa nito’y nakatapak sa gawing makina ng sasakyan. Nawasak iyon at sumubsob ang sasakyan. Umangat ang bandang hulihan nito sa biglang pagtigil. Ang isang pulis sa gawing kanan ay humagis papunta sa harapan ng sasakyan na ikinabasag ng windshield nito. duguang humandusay ito sa harapan. Umikot ang fulva at humarap sa sasakyan. Nanlilisik ang mga mata nito. nilukob ng takot ang natitirang pulis na nagmamaneho ng sasakyan. Duguan din ito dahil sa mga bubog na nagtalsikan at nanlalabo ang kanyang paningin ngunit hindi ito lumabas ng sasakyan. Galit na lumapit ang halimaw sa bandang gilid at tila pilit na pinalalabas ang pulis. Lumipat sa kabilang bahagi ang pulis. Iniangat ng fulva ang isang paa at inihampas sa sasakyan. Nayupi ang tagiliran niyon. Iniumang nito ang matutulis na kuko at ihinampas muli sa sasakyan. Tapyas ang ilang bahagi niyon. Lumabas mula sa kabilang daanan ang pulis at tumakbo papalayo. Tumalon ang halimaw at bumagsak sa bubungan ng sasakyan. Nayupi iyon. Nakita ng fulva ang tumatakbong pulis. Humanda ito sa muling paglusob. Lumingon ang pulis upang tingnan ang halimaw. Hindi pa siya nakakalayo ng biglang natisod siya at sumusbsob sa lupa. Muli niyang tiningnan ang fulva at nakita niyang nasa ere na ito at pasunggab sa kanya. Huli na para makailag siya kaya’t hinintay na lamang niya ang pagbagsak nito sa kanya. Kitang-kita niya ang matutulis na kuko na papalapit sa kanya. Ihinarang na lamang niya ang kanyang mga braso ngunit hindi na sya umaasang mabubuhay pa. Biglang nagbago ang direksyon ng fulva. Humagis ito patagilid at nakita ng pulis ang dahilan niyon. Mula sa kung saan ay isang dambuhalang hayop ang sumugod doon at dumamba sa leeg nito. bumagsak ang dalawa ng pagulong sa lupa. Tiningnan iyon ng pulis at nakita nito ang isang dambuhalang leon. Halos kasinglaki ito ng fulva. Nakabaon ang ngipin nito sa leeg ng halimaw habang nagpupumiglas iyon. Ubod lakas ang pagpupumiglas nito at nagawa niyang tanggalin ang pagkakabaon ng ngipin ng leon. Naghiwalay ang kanilang mga katawan. Magkaharap sila at pawang nakikiramdam sa mga susunod ng gagawin. Biglang tumalon ang fulva patungo sa direksyon ng leon. Sinalubong naman ito ng leon ngunit bigla nitong napansin ang mahahabang kuko nito na nakatutok sa kanya. Bago pa man nagpang-abot ang kanilang mga katawa’y biglang nagbago ang anyo ng leon. Naging isang higanteng ahas. Biglang pumulupot ito sa halimaw bago sila bumagsak sa lupa. Pilit man nitong kumawala ay hindi na siya binitiwan ng ahas hanggang sa magkadurug-durog na ang kanyang mga buto. UMABOT na sa kabilang bayan ang balita tungkol sa pangyayari kagabi. Ang paniniwala ng iba’y sinakop na ng mga maligno ang kanilang bayan dahil sa kawalanghiyaan sa mga hayop. Ang iba nama’y pinagbibintangan ang mga bagong salta mula sa malalayong lugar na mga aswang at sila ang dahilan ng pagsalakay. Ang iba nama’y naniniwala sa Diyos ng kagubatan at ang paglusob ng kaaway nito. Maging sa misa ni Padre Agustin ay ito pa rin ang nilalaman. Magsisi sa kasalanan upang hindi na maulit ang trahedyang iyon. Mas lalo pa kasing nagpagulo ng kanilang isip ang pangyayari kinabukasan dahil nang balikan ng mga imbestigador ang halimaw ay wala na ito at tanging abo na lamang ang kanilang nadatnan. Maging ang leon na kinikilala nilang bayani at hindi man kapani-paniwala ang kwento ng pulis na nagbago ang anyo nito ay naglaho ring parang bula. Nilukob ng takot ang buong bayan at ang iba pang karatig pook nito. Alas siyete pa lang ng gabi ay iilan-ilan na lamang ang makikita sa lansangan. “Kuya! May bisita ka!” bungad ni Buboy kay Biel pagpasok nito sa bakuran. Kasama nito si Elaine galing sa eskwelahan. Nakagawian na kasi niyang sumabay kay Biel araw-araw. Dumadaan muna ito sa bahay at nagbibihis bago tumuloy sa Zoo para maglinis. Malapit lang naman ang bahay nila Elaine sa zoo kaya’t hinihintay na lang niya si Biel. “Sino daw yun?” tanong ni Biel. “Ewan ko. Pasalubong ko?” at ibinuka nito ang palad sa harap ni Biel. Inabutan naman ito ng binata ng isang balot ng espasol at tuluy-tuloy na sa loob ng bahay kasunod si Elaine. Si Buboy nama’y tumuloy sa tindahan. “Magandang gabi iho!” nakangiting bati ni Mang Arnufo sa binata ng makita itong pumasok sa loob ng bahay. Nakaupo ito sa may sala katabi ang kanyang anak na si Louisa na tila sabik na makita ang binata. Tumayo ito at lumapit kay Biel. “Biel, akala ko nakalimutan mo na kami.” At biglang yumakap ito sa binata. Sabay na pagpasok din ni Elaine sa pinto at nagulat ito sa nakita. Tila natulala ito. “M-may bisita ka pala, m-mauna na lang ako.” Pautal na tinig ni Elaine na tila may itinatago sa kanyang dibdib. Tila gulat na napalayo si Louisa sa binata. “Sandali lang! Louisa si Elaine. Elaine si Louisa at sya naman si Mang Arnulfo” at itinuro nito ang lalaking nakaupo sa may sala. Ngumiti ito sa dalaga. Ginantihan din ni Elaine ng ngiti sa kabila ng pagsabog ng kung ano man sa kanyang dibdib. “Sila yung…” “Oo, kilala ko na sila, naikwento mo na sa akin noon di ba?” Pinutol ni Elaine ang sasabihin ng binata “Pano, Biel, mauna na ako.” Dugtong pa nito. “Sandali lang Elaine.” Pigil ng binata ngunit tuluy-tuloy na itong lumabas. At ipinagtaka iyon ni Biel. “May kasintahan ka na pala?” tanong ni Louisa. “Hindi. Kaibigan ko lang iyon.” Sagot naman ni Biel. At dinig na dinig iyon ni Elaine habang papalabas siya ng bakuran. Nagpupumiglas ang kanyang damdamin. Nais niyang sumigaw ngunit hindi niya malaman ang dahilan. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang mahigpit na yakapan at matamis na ngiti nina Louisa at Biel. “Nandyan ka na pala ” si Aling Divina. Bitbit ang isang tray na may mga tasa. “Magkape muna kayo.” Alok nito sa mga bisita. Maya-maya lang ay dumating si Buboy, bitbit ang isang balot ng tinapay at palaman. Inilagay lamang iyon sa mesita sa harapan at muling lumabas Naupo na rin sina Biel at Louisa. “Mabuti naman at hindi kayo nahirapang tuntunin ang lugar na ito.” ani Biel habang iniaabot ang tasa ng kape kay Louisa. “Hindi naman. Sikat ka pala dito. Ang daming nakakakilala sayo.” Nakangiti ang dalaga. “Hindi naman. Magkakakilala lang talaga kaming magkakapitbahay sa bayang ito.” tugon ni Biel. “Mabuti naman at naisipan nyong magpunta.” Dugtong pa nito. “Akala kasi namin nalimutan mo na kami. Hindi ka na kasi nagpakita sa amin.” Sagot ni Mang Arnulfo. Tila nagulat si Biel. “Akala ko ba nagpunta ka sa kanila nung nakaraang araw. Ang aga mo pang umalis ah!” takang sabi ni Aling Divina. Kinurot ni Biel ng palihim sa likuran si Louisa at nakuha naman nito ang ibig sabihin ng binata. “O-oo nga po. Pero para sa amin ni itay, matagal na yun.” Ani Louisa at tumingin ng may kahulugan sa ama. “Hahaha! Nakaka-miss kasi ang batang ito. kakaiba” tugon ni Mang Arnulfo. “Kakaiba nga Mang Arnulfo. Kahit ako’y nagtataka dyan at parang laging may inililihim sa akin.” Nakangiti si Aling Divina. Tila nabunutan naman ng tinik si Biel. Ngunit napaisip siya sa binitawang salitang iyon ng ina. “Ganyan talaga pag nagbibinata na. kung anu-ano na ang naiisipang gawin” nakangiti muli si Mang Arnulfo at humigop ng kape. “Maigi pa’y dito na kayo maghapunan. Teka at ipagluluto ko kayo” ani Aling Divina. “Naku wag na, hind rin naman kami magtatagal. Baka kung mapaano pa kami, uso pa naman ang kung anu-anong lumalabas dito kapag gabi.” Tanggi ni mang Arnulfo. Halos isang oras din silang nagkwentuhan at sagutan ng mga tanong at pakikipagkilanlan. Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Louisa. At maya-maya lang ay nagpaalam na ang mag-ama. Inalok ni Biel na ihatid sila at hindi naman ito tinanggihan ni Mang Arnulfo. Marami rin kasi silang gustong pag-usapan na hindi dapat marinig ng ina ng binata. Bagamat nag-aalala si Aling Divina ay pumayag na rin siya at pinilit na bumalik kaagad ito. Pinilit din ni Buboy na sumama sa kapatid ngunit tinanggihan ito ng binata. Ipinaliwanag nito na mahihirapan syang tumakbo kung may kasamang bata sakaling lumusob muli ang halimaw. Habang daan ay ikinuwento ni Biel sa mag-ama ang lahat pangyayari sa kanya. Ang kanyang pakikipagsapalaran sa Jumeda at sa kanilang mundo. Nang makalayo na’y luminga-linga si Biel sa paligid. Nang makasigurong walang tao ay biglang nag-anyong kabayo ito. natuwa naman angmag-ama at iyon na ang kanilang sinakyan pauwi. hindi na rin nagtagal si Biel sa bahay nina Louisa. Nag-anyong lawin ito at lumipad pauwi. NAGMAMADALI SIYANG nagbihis at nagpaalam sa kanyang ina. Muntik na niyang malimutan ang paglilinis sa zoo. Hindi siya pinayagan ni Aling Divina dahil gabi na ngunit nagpumilit siya kaya’t wala na itong nagawa. Dinatnan niyang naglilinis doon si Alvin. “Pasensya ka na ha? May bisita kasi ako kaya nahuli ako ngayon.” Bungad niya sa kaibigan. “Alam ko na. dumaan dito si Elaine, masama yata ang loob sa iyo.” Tugon naman nito. seryoso ang mukha nito na ipinagtaka ni Biel. Lubos na masayahin si Alvin at kung may problema man ay iyon na agad ang ibubungad sa kanya. “Parang malungkot ka. May problema ka ba?” “Wala. Baka ikaw meron.” “Ako? Binong, tungkol saan ba ‘to? Bat ka nagkakaganyan? Ano ba ang sinabi sa iyo ni Elaine?” “Walang kinalaman si Elaine dito.” “E bakit ka ba nagkakaganyan?” Hindi sumagot ang binata. Patuloy lang ito sa pagwawalis. “Binong..” si Biel. Saglit na tumigil si Alvin. Umayos ng tayo at humarap sa kaibigan. “Biel, kilala mo ako, lahat ng bagay tungkol sa akin, sinabi ko na sayo. Wala akong inilihim sa’yo.” Paliwanag nito. “Ano bang ibig mong sabihin?” nagtataka si Biel. “Wala ka bang gustong aminin sa akin?” hindi sumagot si Biel sa tanong na iyon ng kaibigan. “Naalala mo nung nakaraang gabi? Yung pagsalakay ng halimaw?” tanong nito at tumango lamang si Biel. “Biel, nakita kita. Nagbago ang anyo mo. Naging isa kang leon.” Nagulat si Biel sa tinuran ng kaibigan. “At hindi lang basta leon. Isang dambuhalang leon.” “H-ha?!” itutuloy... Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Naku, buking si Biel...
At astig, chickboy din katulad ng author... ![]()
jennie_recca
•reply
Jul-29-07@5:37AM
si jeddsteelhead... sino pa nga ba?
nagpunta ng Jumeda hindi man lang nanama...
jeddsteelhead
•reply
Jul-29-07@6:00AM
IM BACK!!!
whew! kakapagod! dami ko nakalaban na mga fulva...tapos nainlab sa akin si Mallika..
jennie_recca
•reply
Jul-29-07@6:28AM
hindi, ikaw... kasi nagkagusto sayo si Mallika...
malamang inakit mo...
jeddsteelhead
•reply
Jul-29-07@6:42AM
hindi ah! kahit super sexy sya at super ganda....hindi ko sya type!!!
ei kuya jedd...d reason for my printing is ndi kuh poe nbsa ung mga naunang chapters so what i did is that i printed dem ol yesterday and read them the whole night..
so what i can say is that.... ![]() which means i would really love to get a copy of this once it gets published..it would be easier for me to get your autograph though since were both here in the desert...harhar!!! haba ng comment kow! ![]()
bangis bah?..haba..saka nah koh basa pag mi tym..hehehe..
![]()
jeddsteelhead
•reply
Jul-31-07@9:31PM
ok lang...thanks sa pagdaan....sana mabasa mo sya bago ka umabot ng 50 years old...
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories coffee_girl, jellgotu, leigh013, malz_alone, stoic, C0FI, regular_flavor, and 52 guests Perfect love is rare indeed - for to be a lover will require that you continually have the subtlety of the very wise, the flexibility of the child, the sensitivity of the artist, the understanding of the philosopher, the acceptance of the saint, the tolerance of the scholar and the fortitude of the certain.
--Leo Buscaglia You need to be logged in to Facebook |