|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
BANGIS! (Chapter 11)
click to see the PROMO PICTURE!!!
eto po yung previous chapters... Panimula Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 & 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 CHAPTER 11 “Ikooo!!!!” sigaw ni Biel. Ngunit walang sumasagot sa kanyang pagtawag. Muling lumakad papalapit sa puno si Biel at bigla’y nagimbal siya sa nakita. Ang paniking si Iko ay napupuluputan ng sanga ng punong kahoy. Nakalambitin ito. ilang saglit pa’y nagbalik ito sa tunay na anyo. Nakita nito ang fulva sa likuran ni Biel ngunit hindi niya masabi ito sa binata dahil ang bibig nito ay tinatakpan ng sangang nakapulupot sa kanya. Pilit niyang isinesenyas sa pamamagitan ng mata ngunit hindi ito maintindihan ni Biel. Papalapit na ang halimaw kay Biel. Nagpupumiglas si Iko at pilit tinatanggal ang nakapulupot sa bibig. at nagtagumpay nga siya. “Biel, sa likod mo!!!” sigaw ni Iko nang matanggal niyan ng sapilitan ang bara sa bibig ngunit huli na ito. Nakalundag na ang fulva sa direksyon ng binata. Pagharap ni Biel ay nakaumang na ang mga kuko ng halimaw sa kanya. Huli na para makapagpalit pa siya ng anyo. Tila naparalisa ang kanyang buong katawan. “Bieeellll!!!” TSUG! Tunog ng isang bagay ng tumusok sa katawan. Katahimikan. Ilang saglit pa’y lumuwag ang nakapulupot na sanga at lumaglag mula sa puno si Iko. Tulala ito at nakatingin kay Biel. Nakatayo si Biel at nakaharap sa duguang fulva. Hindi bumagsak sa lupa ang halimaw. Isang kahoy ang nakatusok sa tiyan nito. Patay na ito. Sinundan niya ng tingin ang kinaroroonan ng mahabang kahoy at nakita niyang nagmula iyon sa puno. Tila isang inihaw na fulva. Maya-maya pa’y biglang humugot ang kahoy at bumalik sa kinaroroonan. Bumagsak ang halimaw sa harapan ng nagtatakang si Biel. “Siya ba ang tagapagbantay na ipinagmamalaki ni Freya?” tinig na nagmumula sa gawing kaliwa ni Biel. Matapang ang boses na iyon. Sabay na napatingin sina Biel at Iko sa direksyong iyon. Isang babae ang bumungad sa kanilang paningin. Kaakit akit ang mukha nito. bagsak ang tuwid nitong buhok at may nakapalibot na tila mga dahon sa bandang noo nito paikot sa likuran. Ang damit ay tila yari rin sa mga dahon at nakalantad ang kanyang makinis na tiyan. Tila nakabahag din ito ng binuong dahon at sa pang-ibaba ay parang boots na yari rin sa dahon. “Raima!” gulat na sambit ni Iko. Si Biel ay nagtataka pa rin. “Kilala mo sya?” tanong nito kay Iko. “Sya si Raima. Ang tagapangalaga. Isa sa mga tauhan ni Freya. Ibinigay ng reyna sa kanya ang kapangyarihan na nagkokontrol ng mga puno at halaman.” Paliwanag ni Iko. “Ikaw pala si Biel.” Sabi ng ni Raima habang papalapit sa binata. “Ang ipinagmamalaki pala ng reyna ay isang lampa.” Pairap pang dugtong nito. Napatingin si Biel kay Iko at nabasa nito sa bakas ng mukha na sinasabing ‘hayaan mo na’ at naintindihan naman iyon ng binata. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Iko sa dalaga. “Ipinadala ako rito ni Freya upang hintayin ang pagdating ng tagapagbantay. Natatakot sigurong lapain ng mga fulva ang lampang tagapagbantay.” At nagbigay ito ng nakaiinsultong ngiti sa dalawa. “Tama nga ang hinala nya. Kung hindi ako dumating ay tiyak na ikaw na ang magsisilbing hapunan ng fulva.” “Salamat. Utang ko sa iyo ang buhay ko.” ani Biel. “Hindi ka dapat magpasalamat. Ginawa ko lang ang tungkulin ko.” at tuloy tuloy itong lumakad at dumaan sa harap ng dalawa ng walang lingon lingon. Saglit na tumigil. “Mabuti pa’y umpisahan nyo nang lumipad para madali kayong makarating sa palasyo.” Anito ngunit di pa rin lumilingon sa dalawa at tumuloy sa paglalakad. “Oo nga noh? Bakit hindi natin naisip yun, Biel? Pwede pala tayong lumipad ng mababa lang.” tila nag-iisip na sinabi ni Iko kay Biel. Nagkibit balikat lamang ang binata bilang sagot sa tanong nito. “E paano ka?” tanong ni Biel. Tumigil muli ang dalaga. Tumalikod at humarap kay Biel. “Minamaliit mo ba ako? Kaya kong pangalagaan ang sarili ko. hindi ako lampa na katulad ng iba dyan!” matigas na sambit nito. tumingin sa dalawa at pumalakpak. Mula sa kung saan ay lumabas ang isang malaking dahon. Nakalutang ito sa hangin at dahan dahang bumaba sa harapan ng dalaga. humakbang ang dalaga at tumuntong doon. Pagkatapos ay umupo bago lumutang sa hangin ang mahiwagang dahon. Namangha si Biel. “Pwedeng makisakay na lang kami?” nakangiting biro ni Iko. “Maaari. Pero papatayin ko kayo pagkatapos.” Seryosong sagot ng dalaga at bigla’y lumayo na ito. “Sungit naman nun. Binibiro lang eh.” Ani Iko at biglang nagbago ang anyo ng dalawa. Lumipad ito kasunod ni Raima. Mabilis ang paglayo nito kaya’t minadali rin ng dalawa ang paglipad. Sari-saring punong kahoy ang iniwasan at halos pabali-baliktad ang pagsulong ng dalawa. MALAYO rin ang kanilang nilakbay bago tuluyang pumasok sa isang kakaibang lugar. Kayganda ng paligid. Napapaligiran ito ng sari-saring bulaklak. Napakabango ng ihip ng hangin. Ang bawat lupa ay natatabunan ng bermuda. Iba’t ibang kulay ng tila paru-paro ang lumilipad lipad doon. Dinig rin ang tila nag-aawitang huni ng ibon. Kahanga-hanga. Patuloy ang kanilang paglipad hanggang matanaw na nila ang kaharian. Kaylaking gusali niyon. Napapaligiran ng mataas na pader. Mula sa itaas, sa kinaroroonan nila Biel ay tanaw na ang mga tauhan na nakapaligid doon. Tila hindi ito gumagalaw. Tantiya ni Biel ay may sampung palapag ang gusaling iyon at mukhang lumang luma na ito. Lumapag sila sa bandang tuktok niyon at malugod na binati ng mga kawal na nakatalaga roon. Tila kilalang kilala na si Biel sa lugar na iyon. Ang iba’y nagbubulungan pa at nakangiti sa pagdaan nila. Bagamat nagtataka pa sa pangyayari ay ginagantihan ni Biel ng ngiti rin ang mga iyon. Ilang pinto ang kanilang nalampasan bago marating ang pinakamalaking pinto doon sa may bandang ibaba ng palasyo. Kusa iyong bumukas nang humarap sila doon. Pagdaka’y bumungad sa kanilang harapan ang mga taong may kakaibang pananamit. Pawang nakatingin sa kanila at tila matagal na silang hinihintay. At sa bandang dulo ay may upuan at nakaupo roon ang isang magandang babae. Tantiya ni Biel ay kasing edad ito ng kanyang ina ngunit bakas pa rin ang kagandahan nito. tumayo ito nang nakatingin sa kanya. Kulay pula ang suot nito at hapit na hapit sa katawan. Bakas ang magandang hubog ng dibdib at balakang. Tila kumikinang ang tela niyon. “Maligayang pagdating, Biel, ang tagapagbantay! Ako si Freya. Ang reyna ng Jumeda.” bati niyon habang lumalakad papalapit ang tatlo. “Mabuti naman at nakarating ka ng matiwasay.” May ngiti ang labi niyon. Tumungin ng pairap si Raima sa binata at ginantihan ito ng ngiti ni Biel ngunit umismid lang ito. “Ngayon ay kumpleto na ang lakas ng kaharian!!!” anang reyna sa lahat. “Ipinakikilala ko sa inyo ang apat na bumubuo sa ating pwersa!!!”. Itinaas nito ang isang kamay at itinuro si Iko. “Una ay ang tagapagmasid!” pumalakpak ang lahat. At yumuko naman sa harapan si Iko tanda ng paggalang. “Taglay niya ang kapangyarihang mula sa Netra. Ang kanyang lakas ay talas ng pakiramdam at paningin. Nagbabago rin ang kanyang anyo bilang isang paniki upang hindi maging madali sa kaaway ang makita siya. Tungkulin niyang pakiramdaman ang paglusob ng mga kaaway at makita mula sa malayo ang bilang nito. ” muli’y nagpalakpakan ang lahat. “Kasunod naman ay si Raima. Ang tagapangalaga” At yumuko ang dalaga sa lahat. “Taglay niya ang kapangyarihang mula sa Rupa. Ang kanyang lakas ay ang bigyan ng buhay at utusan kung ano man ang nais niyang ipagawa sa mga puno at halaman. Siya rin ang makapagbibigay ng lunas sa iba’t ibang karamdaman. Tungkulin niyang ipagtanggol ang kaligatasan at pangalagaan ang kalusugan ng lahat.” Muli’y isang masigabong palakpakan. “Ang kasunod ay ang tagapagbantay, si Biel.” At tumingin si Biel sa lahat. Nakangiti ito. biglang naramdaman niya ang pagsiko ni Iko sa kanyang tagiliran. Nakuha naman niya ang ibig sabihin nito kaya’t yumuko siya at nagbigay galang. Nagpalakpakan ang lahat “Mula sa kabilang daigdig, ang mundo ng mga tao, ibinigay ko ang kapangyarihang mula sa Indriya.” patuloy ng reyna. “Ang kapangyarihang ito ay ang paghawak sa walong pinakamabangis na hayop sa Jumeda na tulad din ng mga hayop sa kanyang mundo. Sa pamamagitan niya ay mapapag-isa niya sa kanyang kantauhan ang mga hayop na ito. tungkulin niyang bantayan ang katahimikan ng lahat.” Isang masigabong palakpakan ang tinanggap ni Biel. “At ang huli, ipinakikilala kong lahat sa inyo, ang tagapaglikha. Si Mallika!” nagbulungan ang mga tao dahil wala si Mallika. “Mallika?” muling tawag ng reyna. Ilang sandali pa ang lumipas ng biglang sumulpot ang nakasisilaw na liwanag. At mula sa liwanag na iyon ay lumabas ang isang napakagandang babae. Unti-unti humupa ang liwanag at namangha ang mga nakakakita. “Siya si Mallika. Ang may hawak ng kapangyarihang mula sa Kalpana. Nakabubuo siya ng imahe mula sa larawan sa kanyang imhinasyon. Tungkulin niyang tulungan ang lahat ng kanyang mga kasama sa lahat ng labanang gagawin. Lubhang malakas ang kanyang kapangyarihan kaya’t minarapat kong lakihan ang tungkuling kanyang gagampanan.” At muli’y isang masigabong palakpakan mula sa mga manonood. “Silang apat ang ipadadala ko sa kaharian ng aking kapatid na si Ameesha upang pakiusapan na magkaroon ng kapayapaan sa buong Jumeda. Ngunit kung hindi siya papayag ay mapipilitan akong gumamit ng dahas at muling ipakulong ang aking kapatid upang matahimik na ang lahat.” Matigas na tinig ng reyna. “Mawalang galang na po mahal na reyna.” Ani Biel “Freya na lang ang itawag mo sa akin” tugon nito. “Freya, marami pa akong kailangang malaman. Marami pa akong gustong itanong sa iyo.” Ani Biel sa reyna. “Alam ko Biel, ngunit hindi ko sasagutin ang mga ito. Dahil matutuklasan mo ang kasagutan ng lahat sa iyong paglalakbay. Sa ngayon ay bumalik ka muna sa inyong mundo. Ipahahatid kita sa tagapagmasid.” At tumango si Iko. “Muli kang ipatatawag upang ipaalam sa iyo lahat ng mga plano. Siguradong hinahanap ka na ng lahat ng nagmamahal sa iyo. Ihanda mo na ang sarili mo para sa susunod mong pagbalik.” Tahimik lamang si Biel at sumang-ayon din ito sa utos na iyon. “Hintayin nyo ang susunod na paghawi upang makapagatago kayo sa likod ng mga ulap.” “Masusunod po.” Tugon ni Iko. At yumuko ito sa reyna. ILANG SAGLIT pa’y binabagtas na nila Biel at Iko ang daan pauwi. Isang paniki at isang lawin ang malayang lumilipad at nakatago sa mga ulap. Mabilis ang kanilang paglalakbay. Maya-maya lang ay nasa mundo na sila ng mga tao. at ayon sa napagkasunduan kanina, hindi na sumama si Iko hanggang sa mismong bahay nila Biel. Tama na ang makarating ito sa kanilang mundo. Ang kapangyarihan ng lawin ang magiging gabay niya pauwi. at nagtagumpay naman si Biel. Malayo pa man siya ay tanaw na niya ang kanilang tahanan. Dapit hapon na iyon. Nag-iisip siya kung paano ipaliliwanag ang bigla niyang pagkawala. Nang makarating ay dumapo muna sa puno sa tabi ng kanilang bahay. Saglit na nag-isip. “Sssshhh…wag kayong maingay. Dahan-dahan lang.” si Buboy. Kausap ang dalawa pa nitong kalaro. Nakita nilang dumapo ang malaking lawin sa may puno. nakatago sila ngayon sa likod ng isa pang puno. nakatutok ang tirador sa dambuhalang ibon. Hindi malaman ni Biel kung anong kakaiba ang kanyang nararamdaman ngayon. Ito ang unang pagkakataong naging kakaiba ang kanyang pakiramdam. Inisip na niyang magbalik sa dating anyo mula sa pagiging lawin. Mula sa itaas ng puno ay luminga-linga siya upang makasigurong walang makakakita sa kanya bago siya bumalik sa pagiging si Biel. Mula sa kung saan ay isang malaking bato ang tumama sa pakpak ng lawin. Namilipit siya sa sakit at pinilit lumipad. Ngunit napakasakit niyon kaya’t hindi ito gaganong nakapagkontrol. Bumagsak ito sa may likod bahay. “Ayun! Bumagsak sa likuran!” anang isang batang lalaki. “Ang galing mo talaga Buboy! Asintado ka talaga.” Anang isa pa. “Tara puntahan natin. Siguradong patay na iyon. Tinamaan ko ata sa ulo. Hindi na kayang lumipad eh.” Nagmamalaking sabi naman ni Buboy. itutuloy... Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
PERS....
jennie_recca
•reply
Jul-23-07@3:37AM
aba... syempre naman... kita mo naman... nauna pa rin ako sa POST mo....
e ako ang iyong numero unong fan....
jennie_recca
•reply
Jul-23-07@3:49AM
ganun ba..?
Marami kang fans dito... Siguro mga tulog pa kaya di pa nakakapagpost...
jennie_recca
•reply
Jul-23-07@4:18AM
aba... e maglakad lakad ka na para maraming dumaan... mukhang matumal ngayon e...
daan ka po sa post ko... http://www.tristancafe.com/forum/116734
,`'
![]() ,`nakU poh si bieL kHo ,`laTe na Talga akHo sa pag Save sa lIfe nIya ,`abh!!!TagaL nG pose Huh![]()
love_suan2000
•reply
Jul-23-07@5:31AM
,`
![]() ,`taGaL mo kazEng nag posT ,`tazzz anG bagaL pa nG tCafe Now...
writer ka ba talaga? kasi ang lawak ng imagination mo eh...
![]()
jeddsteelhead
•reply
Jul-23-07@9:09PM
mahilig lang talaga mag-imagine...isinusulat ko lang laht ng naiisip ko...
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories |