|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Bangis! (Chapter 3)
eto oh.. http://img376.imageshack.us/my.php?image=bangiswk1.jpg eto naman yung previous chapters Panimula: http://www.tristancafe.com/forum/115100 Chapter 1: http://www.tristancafe.com/forum/115212 Chapter 2: http://www.tristancafe.com/forum/115340 CHAPTER 3 Biglang namulat ang mga mata ni Biel. Ang bubong na pawid pa rin ang bumulaga sa kanyang mga mata. Dahan-dahan syang bumangon at pinakiramdaman ang sarili. Hinihintay niya ang pagkirot ng kanyang tagiliran. Patuloy sa pagbangon ngunit wala pa rin ang sakit hanggang sa tuluyan na syang maupo sa higaan. Marahan niyang kinapa ang kinalalagyan ng sugat. Anumang sandali ay mananakit ito. Ngunit wala. Iniangat niya ang kanyang damit at naroon pa rin ang telang nakabenda sa sugat. Tinanggal niya iyon at nagimbal siya sa kanyang nakita. Wala ni bakas ng sugat doon. Dali-dali niyang kinapa ang kanyang noo. Tinanggal ang benda roon at hinaplos ang balat. Walang sakit, walang kirot. Tuluyan syang bumangon at bumaba sa higaan. Hinanap ang pares ng sapatos at dagling sinuot iyon ng makita. Nagmamadaling lumabas ng munting kwarto at binaybay ang may tatlong hakbang na hagdan pababa sa maliit na salas. Tanaw na mula roon ang kusina at nakita nya si Louisa na abala sa kung ano man ang ginagawa nito. “Louisa!” mahinang sambit nito na tila ikinagulat ng dalaga at biglang napabaligkwas sa pagharap sa kanya. “B-Biel? Ba’t bumangon ka na agad, baka kung mapaano ka, dapat tinawag mo na lang ako kung may kailangan ka.” Nag-aalalang tinig nito habang lumalakad papalapit sa binata. “Wag kang ng mag-alala.” Ani Biel sabay taas ng kanyang damit. Ipinakita niya ang kinalalgyan ng sugat. Malinis iyon, wala ni katiting na pilat tanda ng natuyong sugat. Nagimbal si Louisa. Halos hindi malaman ang sasabihin. “Paanong…” tila naghahanap ng maaring itanong ang dalaga sa lubos na pagkabigla. Nagtama ang kanilang paningin at tila kapwa nagtatanong. “HANGGANG ngayon ay hindi ko pa rin maisip ang dahilan ng lahat, Biel.” Si Mang Arnulfo habang nakaupo sa mahabang upuan sa labas ng bahay. Katabi niya si Biel at sa kabila naman si Louisa. Katatapos lang nilang maghapunan. Malamig ang ihip ng hangin doon at kaya’t nakagawian na ng mag-ama ang magpahinga sa upuang iyon tuwing gabi. “Hayaan na lang muna natin iyon Mang Arnulfo, basta ang ang mahalaga, ligtas na po ako. Salamat po talaga ng marami sa tulong na ginawa nyo. Kung wala kayo, siguro, pinaglalamayan na ako ngayon.” Ani Biel. “Kahit sinong nasa katayuan ko ay ganoon din ang gagawin. Ang matandang iyon ang dapat mong pasalamatan. Tulad ng sinabi ko, kakaiba ang taong iyon. Nais ko siyang makitang muli dahil maraming tanong ang gumugulo sa aking isipan.” Malayo ang tingin ni Mang Arnulfo. Huminga ng malalim at tila malalim ang nasa isip. “Umabot ako sa edad na ganito pero ngayon lang ako nakakita ng tunay na misteryo. Ang hirap ipaliwanag.” Patuloy niya. “Bukas na bukas po ay uuwi na ako. Tiyak na nag-aalala na ang inay ngayon. Baka kung ano pa ang nangyari sa kanya.” Binago ni Biel ang usapan. “Ihahatid na kita Biel.” Ani Mang Arnulfo. “Naku wag na po. Ituro nyo na lang po sa akin ang daan pauwi. Kaya ko na pong mag-isa. Salamat na lang po.” “Kailangan Biel, kahit hanggang sa sakayan lang. Baka sakaling magkita kaming muli ng matandang iyon. Marami akong gustong itanong.” Katahimikan. “Sasama ako.” Binasag ni Louisa ang katahimikang iyon. “Gusto ko ring syang makita” patuloy niya. “Sa tanghali na tayo umalis. Sabado bukas, maraming tao. Saka, bibisitahin ko muna ang palayan.” Ani Mang Arnulfo. “Maigi pa ay matulog na tayo’t maaga pang gigising bukas.” Dugtong niya. “Biel, baka naman pwede mo akong samahan sa palayan bukas.” “Walang pong problema Mang Arnulfo.” Sagot ni Biel. Maagang nagtungo sa bukid sina Mang Arnulfo at Biel kinabukasan. Iniwan na nilang natutulog si Louisa. Doon na sila sa may ilog dumaan para makita na rin ni Biel ang buong paligid. Mahaba ang ilog na iyon at nagtatapos sa isang talon (falls). May limang dipa ang layo mula sa kabilang pampang. At ang lumang tulay na kahoy lamang na halos sumayad na sa tubig ang gamit sa pagtawid. “Dahan dahan lang Biel, masyadong malakas ang agos nyan, malalim pa naman.” Babala ni Mang Arnulfo sa binata habang naglalakad sa tulay. Nauna siya ng bahagya kay Biel. “Huwag kang matakot, ganyan lang talaga sa una” dugtong niya ng mapansing kinakabahan ang binata at tila ayaw tumawid. “Hahaha, wag ka matakot, matibay to!” ani Mang Arnulfo at tumalon talon pa sa gitna ng tulay habang si Biel ay takot na nakatingin. Patuloy ang pagtalon ni Mang Arnulfo ng biglang dumulas ang isang paa nito at nabuwal. Napahawak siya sa gabay ng tulay ngunit nabali ito at nakabitaw siya at diretso sa tubig. Saglit na lumubog ngunit maya maya lang ay muling lumutang ngunit tinangay ito ng malakas na agos. “Biel…tulungan mo ako! Tulong” sigaw ni Mang Arnulfo habang patuloy na inaanod ng agos. Nasa pampang si Biel. Tarantang sumusunod sa matanda at hindi malaman ang gagawin. Pilit umiisip ng paraan ngunit nababalot ng takot ang kanyang isipan. Patuloy sa pagbulusok ni Mang Arnulfo sa agos. Pabilis ng pabilis hanggang sa hindi na kayang habulin ni Biel. Simbiis ng rumaragasang agos ng ilog. Nais pang habulin ni Biel ang matanda ngunit hindi niya ito maabutan. “Palayain mo si Caballus!” tinig mula sa kung saan na naririnig ni Biel. “Palayain mo sya!” hindi mawari ni ng binata ang gagawin, muli nyang tiningnan si Mang Arnulfo. Malayo na ito sa kinatatayuan niya. “Kung mabilis lang sana akong tumakbo” bulong niya sa sarili habang tumatakbo papunta sa direksyon ni Mang Arnulfo. Sukat noo’y biglang nanakit ang kanyang mga kalamnan. Napatigil siya ng bahagya. Lumaki ang buo niyang katawan na ikinapunit ng kanyang damit. Takot na takot si Biel sa pangyayari. Ramdam niya ang pagtubo ng buntot, ang paghaba ng kanyang mukha at pagtubo ng mga balahibo. Kakaibang pakiramdam. Masakit ngunit dama ang tunay na kalayaan. Ang binatang si Biel ay naging isang puting kabayo. Ngayon ay mas mabilis ang kanyang pagtakbo. Tuloy tuloy siya hanggang marating ang kinaroroonan ng matanda. Saglit na nag-isip. Sa di kalayuan ay malapit na ang talon. Ilang talampakan ang taas nito kaya tiyak na ikamamatay ng matanda kapag nahulog siya rito. Patuloy siyang tumakbo patungo sa dulo ng talon. Tumigil siya ng marating iyon. Nilibot niya ng tingin ang paligid at naghanap ng kung ano ang pwede nyang gawin para matulungan ang matnada. Napatigil siya ng makita ang isang di kalakihang punongkahoy na malapit sa ilog. Tumakbo si Caballus (ang kabayo) sa direksyong iyon at nagtungo sa likod ng puno. Idinikit nito ang katawan at pilit na itinutumba iyon, ngunit walang sapat na lakas. Muli niyang tiningnan ang matanda. Malapit na ito sa talon. Ilang dipa na lamang ang layo nito. Muling niyang itinulak ang puno at halos bumaon na ang kanyang mga paa sa lupa ngunit hindi ito natinag. “Kailangan mo si Loxodonta” muli, isang tinig na mula sa kawalan ang bumulong kay Biel. Nais niyang sundin ang tinig ngunit hindi niya alam ang gagawin. “Sinong Loxodonta?” tanong niya sa sarili. Muli niyang tiningnan si Mang Arnulfo, mabilis ang pagdaloy nito. Halos malapit na sa talon. “Loxodonta!!! Kung sino ka man!!!! Tulungan mo ako!!!” sa isip ni Biel na ngayo’y isang kabayo. Biglang nagbago ang kanyang pakiramdam. Mas lalong lumaki ang kanyang katawan. Lumubog ang mga balahibo nya at nanlaking bigla ang mga tenga. Patuloy ang pagtulak niya sa puno. Si Mang Arnulfo ay malapit na sa talon. Hindi nawalan ng pag-asa ang binata tuloy tuloy ang pagtulak hanggang sa unti-unting nabubunot ang ugat ng puno kasabay ng paglaki ni Caballus. Bumigat ang kanyang katawan. Ilang dipa na lamang si Mang Arnulfo sa talon, pabilis ng pabilis. Marahang umatras ang dambuhalang hayop at biglang inundayan ng malakas na pagbangga sa puno. KRKKK!!! Tuluyan nang tumumba ang puno at humarang sa daan ni Mang Arnulfo. Maliksing hinawakan iyon ng matanda at hinila ang sarili papunta sa tabing ilog. Isang malakas na ungol ang nagpagulat sa matanda. Nakabibinging ungol ng isang elepante. Muntik mapatalon ang matanda nang mapansin niyang nagbabago ang anyo nito. Unti-unting lumuliit ang katawan. Ang kulay abong balat nito ay nagiging kayumanggi. Ang elepante ay nag-aanyong tao. dahan-dahan. Unti-unti. Isang binata ang kinalabasan ng pagbabagong anyong iyon at kilala niya ang taong iyon. Si Biel. itutuloy... Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
PERS AKO!!!
![]()
jennie_recca
•reply
Jul-10-07@5:12AM
hi kuya jedd.. late na ako...
eniway... ganda po ng part 3 ha.... oki sa olrayt...
Bitin ulet....pero ANG BALASIK NI BANGIS!!!!!!
![]()
sweetchime
•reply
Jul-10-07@3:16AM
korak for sure daming partner yang si biel..imagine nandyan na si louisa at elaine..sino kaya susunod..ay porgot ung lola pa pala
whaaaaa....hahahahaha...nakakatuwa. ..fantaserye pala to e..hehehe
ganda!
sweetchime
•reply
Jul-10-07@3:10AM
uu nga next na fantaserye either ng chan 2 or 7..depende sa offer
ei..have u consider publishing ur stowy???
hheheh...daan lng po uli ![]()
kleija_06
•reply
Jul-10-07@7:00AM
bilangin mu ung word count...nsa manila k lng bah??? me kilala kc ako publisher weee!
jeddsteelhead
•reply
Jul-10-07@7:06AM
Dubai po ako...
this is not my first story...meron na akong love story na nagawa...saka sex story...
jennie_recca
•reply
Jul-10-07@7:08AM
ka talaga...post mo naman ung love story.. wala na po kasi sa last 10 posts. ung sex story wag na...
aba kuya.. ang bangis pala tlga ng itsura moh.. naka taas pa kilay ah.. hehehe.. :P
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories sickgirl, deleted, babytaz_0124, vanne, iane, curseddoll, lady_sniper, mandurugas_2, kramwerdna, and 50 guests |