|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Northern Light (05)
Introductory Chapters
On A Day Like Today The Princess And The Tiger The Missing Piece Episode Chapters Into The Dim Light Chapter V Super Massive Black Holes Namumugto ang mga mata ni Alfredong bumangon sa kaniyang higaan ngayong umaga. Hindi niya maintindihan ang sarili: bagama’t natulog naman siya ng maaga kagabi, pakiramdam niya’y pagod na pagod siya na tila ba nanggaling siya sa isang malayo at nakapapagod na paglalakbay. Makailang ulit muna siyang nag-inat-inat bago tuluyang tumayo. Habang nagsisipilyo’y iniisip niya ang kaniyang panaginip kagabi. Napakadetalyado ng panaginip niyang iyon. Waring isang humihingang ilusyon. Ang nakapagtataka pa’y mayroong naligaw na talulot ng bulaklak na poppy sa loob ng kanilang kuwartong magkapatid, bagama’t wala naman silang hardin. Parang gusto tuloy niyang isiping nanggaling iyon sa lugar sa kaniyang panaginip. Kinikilabutan tuloy siya sa posibilidad. Hanggang sa biyahe ay naiisip pa rin niya ang panaginip niyang iyon. Kesehodang muntik pa siyang mabundol ng sasakyan sa sobrang pag-iisip. Nananaginip na rin naman siya ng mga kababalaghan kahit noong bata pa siya. Ngunit ngayon lamang niya naranasan ang ganoon, na parang nasa loob siya mismo ng sarili niyang panaginip. Mabuti nga’t hindi halimaw ang napanaginipan niya dahil kung sakali’y pinaglalamayan na sana siya ngayon. Ngingisi-ngisi siya habang naiisip ang kahibangang iyon. Pagsapit sa CEU, gaya ng kaniyang nakagawiang gawi’y nagtungo si Alfredo sa paren’ts lounge. Pagsapit roo’y agad niyang hinanap ang desk na inupuan niya noong unang araw ng pasukan. Gusto niyang makasiguro sa kaniyang teorya. Ngunit hindi na niya Makita ang naturang desk, at nagwika: ‘Asan na ‘yun?! Hindi naman siguro ako minumulto ni Librada Avelino?’ Tamang-tama namang may napadaang janitor kaya’t tinanong niya ito: ‘Ahmmm? Mang Jun, may itatanong lang ako. May desk bang kinuha dito kanina?’ ‘Aba’y oo! Kani-kanina lang. masiyado na kasing kalawangin ang desk na ‘yon, at maraming estudyante na ang nagrereklamo dahil lagi raw namamantyahan ng kalawang ang mga uniporme nila. Katunayan, mga sampung desk ata yung dinala kanina ng mga kasamahan ko sa bodega. Yung iba pipinturahan, yung iba naman baka itapon na dahil sa kalumaan.’ Saad ng may edad nang janitor. ‘Gano’n po ba? Pero sa tingin niyo po kaya, naitapon na kaya nila yung mga sirang desk?’ ‘Posible! Kasi magmula pa kagabi naglilipat na kami ng mga desk sa bodega. Kaya posibleng naitapon na ng mga kasamahan ko yung mga bulok na desk. Maiba nga ako? Bakit mo naman tinatanong?’ Pang-uusisa ng janitor. ‘A-ah! Wala naman po! May naisingit lang kasi akong kodigo sa quiz namin dun sa isa sa mga desk! He! He! He! He!’ Pagsisinungaling ni Alfredo. ‘Ay!!! Kayo talagang mga kabataan! Palibhasa’y gintong kubyertos ang isinusubo sa inyo ng mga magulang ninyo kaya wala kayong pagpapahalaga sa tunay na edukasyon! Hindi na rin ako nagtataka kung sino ba ang mga sumisira ng mga desks at silya sa paaralang ito! Haaayyy!!! At nakakadismayang ikaw, Alfredo na iniisip kong hindi magiging katulad ng mga tampalasang estudyante sa paaralang ito, ay may maitim din palang sikreto sa ilalim ng desk! Hayyy!’ ‘Eh, mahigpit lang po talaga ang pangangailangan ko ngayon. Kaya pagpasensyahan niyo na po ako.’ ‘Hahhh!!! Bahala ka na nga! O sige na maiwan na kita’t marami pa ‘kong gagawin! Diyaskeng bata!’ ‘Ha! Ha! O sige po! Huwag po kayong magpapapagod masiyado, ha?!’ Pahabol ni Alfredo sa matanda. Bigo sa kaniyang pakay, minabuti na lamang ni Alfredong umakyat na sa kanilang klase sa DCT-Lanai. Pagsapit doo’y nadatnan niyang nasa tapat ng kanilang silid-aralan si Chito. ‘O Chito? Ba’t nandito ka pa? hindi ka ba papasok?’ ‘Tingnan mo!’ Inginuso ni Chito ang nakakandadong pinto ng kanilang silid. ‘At ang nakakainis pa, nakuha pang mag-iwan ng asaynment ng unano nating prop! Ang kapal niya! May gana pa siyang magpa-asaynment, hindi naman niya tayo sinisipot! Malamang nananantsing nanaman yun kay Ms. Kazuhiko sa may StourFEN! Manyak talaga! Kainis!!!’ Gigil na sabi ni Chito. ‘Itigil mo na nga yang pagpoprotesta mo! Baka may makarinig pa sa’yo!’ pananaway naman ni Alfredo. ‘Mabuti nga yun na may makarinig! Malay mo si Ms. Kazuhiko pa makarinig! O di tapos si unano! Ang kapal niya talaga!!!’ ‘Hayyy… Buti pa bumaba na tayo! Gawin na agad natin ‘tong assignment niya para wala nang problema.’ ‘Ikaw na lang! tutal matapat ka naman niyang alagad di ba?! Dun na lang muna ako sa Lourdes kasama nang aking babes na si Robbie! Ahahay!’ ‘Nagsalita ang hindi manyak!’ Sarkastikong tugon ni Alfredo. At sabay silang bumaba ng gusali. Papaliko sa isang kanto, hindi namalayan nina Alfredo at Chito ang isang nagmamadaling dalagang papasalubong na sa kanila kaya’t nabunggo nito si Alfredo. Napaatras naman ang dalaga habang napaupo ang binata sa lupa. ‘Ano ba yan?! Napakalampa mo namang bata ka! Ikaw pa’ng natumba!’ Pang-uuyam ni Chito sa natumbang si Alfredo. ‘Oh gosh! I’m sorry! Nagmamadali ako kasi late na ko sa klase ko. You okay?’ Anang dalaga na lupos ng pagkapahiya sa kaniyang nagawa. ‘A-ayos lang ako.’ At tinulungan siyang makatayo ng dalaga. Si Chito nama’y biglang natigilan nang magisnan ang dalagang nakabunggo kay Alfredo. ‘Watta Babe!’ Usal niya. Hinila-hila pa nito si Alfredo para Makita rin nito ang babae. ‘Teka nga?! Bakit ba?’ ‘Yun o! Yun o! Waaaw! May diyosa sa harap natin!!! Sigurado ‘ko! Yan yung bebot na sinasabi mo! Tama?! Tama!?’ Matamang pinagmasdan ni Alfredo ang babae. Ngunit may negatibong tugon sa kaniyang ekspresyon. ‘H-hindi… Hindi siya ‘yan. Paniniyak nito. ‘P-pero pa’nong hindi siya?! Di ba sabi mo super ganda siya, super kinis, at super puti?! Eh di eto siya! Nasa harapan pa natin?!’ Totoong sa taas at pangangatawan, hindi nalalayo ang babaeng kaharap nila ngayon sa babaeng nakaengkuwentro ni Alfredo noon sa parent’s lounge. Ngunit makikita naman ang malaking kaibahan sa mga abubot na suot nito, na estilong “rock” sa suot niyang itim na armband sa kaliwang kamay, na hinalinhinan ng itim na choker na may krus na button sa gitna. May hikaw siyang may palawit ring krus na silver, at body bag na may logo ng Marilyn Manson. ‘Excuse me buddies! But I’m kinda in a hurry and it seems to me that you didn’t break anything, so I might as well excuse myself?’ Ang naiirita nang sabi ng dalaga. ‘T-teka sandali, miss.’ Si Alfredo ang pumigil sa dalaga. ‘Sabi mo nagmamadali ka? Papunta ka ba klase ni Sir Tamulmol?’ ‘Well, yeah! Why do you ask?’ ‘Huwag ka nang tumuloy. Wala tayong klase kay Sir Tamulmol ngayon. Me’ron daw kasi silang meeting ng mga faculty members. Pero may ibinilin siyang assignment na gagawin sa workbook.’ Kaswal niyang sagot. ‘Hmmm? Mukha namang hindi mo ‘ko ginu-good time.’ Tila nangingilatis. ‘Wala naman akong mapapala kung igu-good time pa kita hindi ba?’ Nakangiti na niyang sabi. ‘Then that figures na magkakaklase pala tayo! Masuwerte pa rin pala ako at nakasalubong ko pa kayo! Hee! Hee! Oh! Let me introduce myself first; I’m Fumiko Hayase, though you can just call me Rei! Nice to meet you!’ Nakipagkamay ito. ‘Alfredo naman ako! Nice to meet you ‘din!’ Inabot nito ang pakikipagkamay ni Rei. Aabutin na lamang sana ni Alfredo ang kamay ni Rei nang biglang sumingit si Chito ‘At ako naman ang walang kasing wholesome na guwapo na malakas ang appeal pati ang sense of humor na si Janus Hubalde! At ikinagagalak kong makilala ang napakaganda at kay yuming dilag sa aking harapan!’ Siya ang nakipagkamay imbes na si Alfredo. ‘Uhh… Okay… Nice knowing you.’ ‘Papunta ako sa library para gawin ‘tong assignment natin, kaya mauna na ko sa’yo Rei. Kita na lang uli tayo sa susunod na klase!’ Paalam ni Alfredo. ‘Wait! Won’t you mind if I tag along for a while? Tutal mahaba naman itong break, gagawin ko na rin yung assignment natin. Tsaka magandang pagkakataon ‘to para magkakilanlan naman tayong magkakaklase!’ ‘Ayos! Sige tara na kung gano’n! Sige, Chito una na kame!’ ‘Teka? Hindi siya sasama? Sa’n siya pupunta?’ ‘Pupuntahan niya kasi yung mga kaklase naming nasa Lourdes.’ ‘Uh-huh! Well let’s get going then.’ Paalis na ang dalawa nang biglang humabol sa kanila si Chito. ‘Teka muna! He! He! He! He! Hindi ko naman sinabing sa Lourdes ako papunta eh! Ang sabi ko galing ako sa Lourdes at papunta ako sa library! He! He! He! He!’ Depensa niya. ‘Ay, ganun?’ Sarkastikong sagot ni Rei habang umiiling-iling naman si Alfredo. Pagsapit sa library, nagsimula agad gumawa ng kanilang assignment sina Alfredo at Rei. Si Chito nama’y walang balak gumawa, bagkus hinugot nito ang kaniyang Apple i-pod sa kaniyang bag at nag-sound trip. Mga ilang minuto ang lumipas nainip si Chito at nagsimula ng paksa. ‘Ah! Rei. Alam mo curious lang ako. Sa itsura mo kasi parang awkward na mag-aral ka sa ganitong university. Takaw gulo na, hindi rin kasikatan. Artistahin ka pa naman! Hindi ba mas okey kung sa isang primyadong school ka nag-enroll? Like, Ateneo, UP o kaya La Salle?’ Tumigil sandali si Rei at malalim na nag-isip. ‘Actually it doesn’t bother me much kung saan man ako mag-enroll. Basta may mapasukan lang! At tsaka malapit sa bahay namen! Yun lang!’ simple niyang tugon. ‘Ganu’n lang?’ Tila namangha sa sagot na iyon ni Rei. ‘And besides, I don’t think na isang pipitsuging university lang ang CEU no? For your information, ang CEU ang first ever university na naging iSO 9001:2000 certified sa lahat ng programs nila. At kung kasikatan lang, yakang-yaka ng CEU makipagsabayan! Even surpass them all! Although yun nga lang, medyo prone sa gulo ang campus premises dahil sa mga rally sa Mendiola. But nonetheless, you should be proud with your school! Yah?’ ‘Wow! Mukhang na-review mo nang husto ang CEU handbook ah!’ Kantiyaw nito kay Rei. ‘Not really! Ginamit ko lang ang senses ko nang mabuti!’ Ganti nito. Napansin naman ni Rei ang pagiging abala ni Alfredo sa paggawa ng kanilang assignment. ‘Say, Alfredo. Mukhang masiyado mo ‘atang dinidibdib yang pagsagot sa assignment natin ah? You know, you’re too sober to be with a lively and energetic girl like me! Loosen up a bit will you?!’ Tinapik-tapik pa nito ang balikat ni Alfredo. ‘Nakup! Sensiya na! Nakasanayan lang. Tapos mo na ba lahat?’ Natatawa siya habang napapakamot ulo. ‘Hindi ko tinapos. Tsaka medyo tinamad na rin ako! But in fairness, mas okay ka sa ‘kin kesa naman dito sa tabatsoy mong sidekick!’ Sabay nguso kay Chito. ‘Napakataas naman ng standards ko para maging sidekick lang! Kahit medyo malaman tong abs ko maraming naiinlab diyan! Baka nga ‘pag nagtagal ikaw ren!!! Nye-he! He! He! He! He!’ ‘Ooooh!!! Abs na pala ang tawag sa flabs ngayon?! Oi Alfred! Itigil mo na muna ‘yan! Tayo na lang ang mag-usap! Walang kuwenta ‘tong sidekick mo eh!’ Naputol ang kanilang pag-uusap nang biglang may marinig silang nagtilian at ang ibang estudyanteng nasa library ay napadungaw sa labas ng bintana. ‘Ba! Sino kayang dumating? May artista ba?’ Si Chito. ‘Tinatanong mo sa ‘kin, malay ko ba?! Tanong mo kaya sa kanila?!’ Si Rei. Dahil sa kuryosidad, dinungaw rin ng tatlo ang bintana. ‘T-teka? Si Clifford Sanders ba ‘yun?’ Si Chito ang unang nakapansin. Pero bakit naman siya pupunta dito?’ ‘Beats me! Like I give a damn!’ May pagkainis na wika ni Rei. ‘Mukhang bespren kayo ah?’ ‘Oo! At sa sobrang close namin sa isa’t-isa, gusto kong gawing souvenir ang dila niya! Look at that fool! Waving and smiling to the girls as if he was the Prince of Wales! Kayabang! Kaka-bad trip! Grrrr!!!’ ‘Hindi naman kaya… insecure ka lang?!’ Pangangantiyaw ni Chito. ‘Tigilan mo ko Mr. Hubalde! Dahil ‘pag naubos ang pasensya ko’y baka gawin kong liempo ‘yang abs mo!’ Singhal ni Rei kay Chito. ‘Eto nga po nakatahimik na eh!’ Tinakpan pa nito ang kaniyang bibig. Wala namang imik si Alfredo, na nakadungaw lang sa bintana at pinagmamasdan ang sinasabing si Clifford Sanders. Nakapirmi lang roon ang lalaki na nakasandal sa isang abuhing Audi TT. Paminsan-minsa’y kumakaway sa mga estudyanteng mapapadaan at binabati siya. Minsan nama’y magpapaunlak sa mga nagpapakuha ng litrato kasama siya. Maya-maya’y umangat sa pagkakasandal niya sa kaniyang kotse ang lalake at palakad na lumapit sa isang papalabas na dalaga mula sa south gate ng unibersidad. ‘You’re looking great, princess!’ Bati ng naka-shades na lalake. ‘And you still haven’t changed a bit! Bolero pa rin!’ Nakangiting tugon ng dalaga.’ ‘But how could I possibly refrain myself from admiring a real beauty like you, milady? I just can’t!’ Pakumpas-kumpas pa ito. ‘Hmm! Hmm! Silly you! Kanina ka pa ba?’ ‘Mga ilang minuto lang naman. Break na ba ninyo?’ ‘Yeah. I still have a couple of hours.’ ‘That’s good! Well, sa’n mo gustong mag-lunch?’ ‘Kahit dito-dito na lang Cliff. Hindi kasi ako puwedeng magpakalayu-layo sa campus.’ ‘Don’t worry! We can cruise with this baby anywhere and come back here in a blitz. Basta ako na’ng bahala okay?’ ‘Kung gano’n bakit mo pa ‘ko tinatanong? Whatever! Ikaw na nga’ng bahala!’ ‘Cool! Now, shall we?’ Pinagbuksan nito ang dalaga ng pinto. ‘Hmm! Nice wheels you got here!’ Sa isang Japanese restaurant nagpunta ang dalawa. Hindi iyon gaanong malayo sa Mendiola kaya’t nakarating sila roon ng mga ilang minuto lamang. ‘So, what do you think of this place? Nahanap ko lang siya kanina habang papunta ‘ko sa CEU!’ Si Clifford ang nagbukas ng paksa. ‘Pretty good! Pero mas impressed ako kung pa’no mong nahahanap ang mga ganito ka-eleganteng lugar habang nagku-cruise kasama ng flashy Audi mo!’ Pabiro nitong sabi. ‘To tell you the truth, I don’t think this place’s elegant enough compared to those I’ve already visited. Wala lang talaga akong choice dahil sabi mo hindi ka puwedeng magtagal.’ ‘Oh! Hindi ko alam na mas mataas pa pala ang standards mo kesa dito! But it suits me right though! After all, gustong-gusto ko talaga ang Japanese ambience ng restaurant na ‘to!’ ‘Gano’n pala. Marami akong alam na mas eleganteng Japanese Restaurants na puwede nating puntahan! One of these days, ipapasiyal kita!’ ‘I’m looking forward to that!’ ‘Maiba tayo, Kumusta naman ang stay mo sa CEU?’ ‘Okay lang naman! Though I’m still adjusting to the system, but I’m getting through there just fine!’ ‘I see…’ Nakatungo ito. ‘Why the long face?’ ‘Nothing. Gusto ko lang kabisahin ng husto ang mukha mo. Dahil ngayong nakalipat ka na, baka bihira na rin kitang makikita. Kung alam mo lang I was so saddened nung mag-decide ka na mag-transfer sa CEU. But I guess it can’t be helped right now.’ Nakangiti nitong sabi habang nakatitig ng malagkit sa dalaga. ‘Alam mo ang OA mo…’ Paiwas na tugon ng dalaga. ‘Ha! Ha! Sorry ‘bout that. Just a bad habit of mine.’ ‘You sure do!’ Natatawa na ito.’ ‘So, Jillia, gusto ko lang sanang magpapaalam muna sa’yo ng mga ilang linggo. Meron kasi kaming mga tune-up games sa iba’t-ibang universities and colleges, probably kasama rin ang school niyo. Malapit na kasing magsimula uli ang league at magiging busy ako sa mga schedules na ‘yon. So… baka hindi muna kita mabisita.’ ‘I see… Very well then.’ Tipid nitong sagot. ‘Don’t you have something to say to me?’ Hindi pa rin niya iniaalis ang ngiti at malalagkit na titig na iyon kay Jillia. ‘Well… I’ll be missing you. But not that long, I suppose…’ May kapilyahan sa kaniyang tono. Si Clifford, isang masugid na manliligaw ni Jillia magmula pa nang una silang magkakilala sa iniwan niyang eskuwelahan, ang Ateneo. Una silang nagkadaupang-palad nang magpunta siya, kasama ng kaniyang mga kasamahan sa school publication sa practice nito, upang mag-interview ng mga players para sa gagawin nilang artikulo. Unang lumapit sa kaniya ang binata. Magiliw itong makipag-usap at palaging nakangiti, bagay na nagustuhan niya rito sa umpisa. Nang maglao’y parati na silang nagkikita. Sa tuwing matatapos nga ang kaniyang mga klase’y palagi siya nitong pinupuntahan sa kaniyang silid at niyayayang kumain sa labas, o di kaya’y mamasyal sa mall upang manood ng sine, at kung minsa’y para mag-skating. Sukdulang nag-aral pa talaga ito ng basic skating para lang masabayan siya, na isang kilalang isa sa pinakamahuhusay na ice skaters sa Pilipinas. At talaga namang nanaba ang kaniyang puso sa ginawang iyon ng binata. Sa dinami-dami ng mga lalaking nanligaw kay Jillia’y namumukod-tangi si Clifford. Kilala ang dalaga sa pagiging pihikan pagdating sa mga lalake: sa kaunting pagkakamali, gaya na lamang kung hindi katalinuhan ang kaniyang manliligaw ay inaayawan na niya agad ito. Ang gusto niya kasi sa isang lalaki’y matalino ring tulad niya, yung tipong nasasabayan siya, o di kaya’y nakaaangat ang karunungan sa kaniya. Ayaw na ayaw niya rin sa mga lalaking walang pagpupursigi at maikli ang pasensiya. Palagi niyang sinusubok ang mga lalaking lumiligaw sa kaniya ukol dito. Katunayan, nasisiyahan siya na nakikitang nagsisi-sukuan ang mga manliligaw niya, pagkat para sa kaniya, sila ang mga klase na tinatawag niyang “vegetables” o yung mga lalaking mahihina at maaangas. Nguni’t hindi si Clifford. Batid naman niya na may kayabangan ring taglay ang lalaki, nguni’t nahahalinhinan naman niya ito ng disiplina at pinong pagkilos. Matalino rin naman siya at mahusay sa sports, lalung-lalo na sa basketball. At isa pa’y napakaguwapo niya at makisig: isang bagay na kahit ang pihikang tulad niya’y hinding-hindi matatanggihan. Kaya hindi malabong mapa-ibig na rin siya rito kung magtutuloy-tuloy sa panunuyo sa kaniya si Clifford. ‘Oh it’s time already? Parang napakabilis naman atang umandar ng oras ano? Mami-miss na talaga kita, alam mo ba ‘yon?’ Si Clifford habang nakatingin sa kaniyang relo. ‘Well, there’s always a next time!’ At nilisan na ang restaurant pabalik sa CEU. Next: Frigid Damsel Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
7 more chapters to go bago ang hinihintay nating all new chapters! just hang in there guys!
![]()
whoa!7 more chapters.
kaya yan,next na po! ![]()
resemblance
•reply
Jul-10-07@8:16AM
sa new chapters baka isabay ko rin yung art gallery ko featuring yung mga characters ng Northern Light! kaya abang-abang kayo ha?
,`awtzzzzz
![]() ,`it's only a short chapter, ,`y u didn't make it soo haba story ,`biTin Tuloyyyy ![]() ,`tiL next tym I'm still waiting for d next chapter authoR ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories arnie34, SoBeR_14, lonely_carlisle, and 46 guests |